2 Most Important Questions To Ask Yourself In Blogging
Pretty much, anybody who goes around the Internet a lot knows how to use a blog. But most of the time, bloggers lose sight on the two most important things in blogging. It may be unintentionally, but losing track of these two essential things lessens one’s effectiveness as a blogger.
Minsan, isa sa mga reason kung bakit nawawalan tayong mga bloggers ng momentum sa pagsulat ay di pa malinaw kung ano ang gusto nating ma share at kung kanino natin ito gusto ma share. Ang labo di ba? Tanong lang sa mga bloggers, alam ba natin kung ano ang gusto nating ma share? At kanino natin ito gusto ma share? Ito ang dalawa sa mga importanteng tanong na sa tingin ko ay dapat nating sagutin ng malinaw bago tayo tumalon sa pag blog.
Para Kanino Blog Natin?
Isa ba itong valid question para itanong? Sa buong madlang people? Dehins pwede ito dahil di naman pare pareho taste ng mga people. Kung personal blog ang meron ka, mapapansin mo na puno ng “I”, “Ako” at “Me”. Sa mga gustong mag improve ang mga blog, tandaan natin na we are blogging for other people and hindi lang para sa atin.
Ok, andun na tayo sa nag umpisa halos mga blog natin para meron tayong personal journal. Pero marami na nag iba mula nung nag umpisa tayo. Nagiging reader-centric na mga blogs.
Isa mga importanteng bagay na natutunan ko from my experience is that you only get to benefit once your readers have benefited from your blog post.
Makipag social climb sa mga readers gamit ang iyong blog post at mapapansin na magbabago ang style ng ating pagsusulat. Kung nakikita ng mga readers na binibgyan mo sila ng halaga, bibigyan ka rin nila ng halaga. At pag uber care na binibigay nila sa iyo, dun makikita ang bunga ng pagbibigay ng attenshun sa mga readers.
May Chismakus Ako
Ayos! May gusto tayong ma share but vagueness often leads to loss of interest. Why oh why? Kasi mawawala credibility natin as bloggers. Iwasan natin mga palabok sa mga post natin, be more specific. If we are more specific, the more maraming matututunan mga readers natin at magtitiwala sila sa chismakus na gusto nating isigaw.
Halimbawa, nagsulat tayo ng blog na nagtayo tayo ng pisbol stand sa kanto at tayo ang merong pinaka masarap na suka at sibuyas na sawsawan. Kung sasabihin lang natin na suka natin ang pinaka masarap, dehins ito sapat para mapaniwala natin mga pisbol adiks. Kailangan ng mga pisbol adiks ang detalye kung bakit ang suka natin ang pinaka masarap.
Ganito kasi yun. Paano maniniwala mga tao sa atin kung di man natin alam kung bakit ang pisbol at suka natin ang the best sa barrio? Gusto malaman ng mga readers natin kung bakit nila tayo dapat pagkatiwalaan
Sana nakatulong ang dalawang tanong na ito sa mga readers natin na blogger din lalo na mga baguhan sa mundo ng pag blog. Try nating sagutin mga ito ng malinaw para di mauwi mga blog natin sa kablag. Kung meron kayong gustong idagdag, mag iwan lang ng comment sa baba. Bili muna ako ng pisbol.
Viewed 20319 times by 5656 viewers
Rob is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.














maganda yang tip mo sir rob..
ako nga, nakikita ko na ang trend sa blog ko..
salamat sa barrio siete, nakikita ko yung ibat ibang style of writing.
Try mo ito bro..Brevity
If you can compressed your message by telling everything you want to say in a few paragraph, the better.
Gaya nga nito:
Wala na bang thrill ang blogging? Isa to sa mga entries na enjoy akong isulat because, pag wala kang mission and vision about why you blog, den mawawalan ka nang interes dahil in the end, mauubusan ka nang isusulat dahil walang objective ang blogging mo or that, temporary lang ang naisip mong gawin.
Ganyan ba magiging itsura natin pag matanda na tayo at tuloy tuloy pa rin pag blog natin? Kung sagot mo oo, iisip na ako ng bagong gagawin.
ouch! wag naman san.. pero tama ka nga kuya Rob, dapat may goal.. just like when I started blogging.. nung una talaga harbat kang ng harbat ng topic tapos puro memes at tags lang haha at rants kung anik anik na paid post.. Later on I realized na my blog talks (almost) about family and kids kaya ayun kinarir ko at ginawa ko na syang parenting blog. Now I take time on writing something there, dapat good read palagi pero op kors hindi pa rin mawawala ang paid post at memes haha
I came from a forum/bulletin board culture which I found it more engaging. Blogging is new to me… I don’t really know what I am doing.
Salamat sa tip.
I also came from a forum years ago but it’s more on techie stuff. When we created our communities, that was the time we thought of adding blogs.
interesting! pare-parehas tayo! dun di ako nangsimula sa gov.ph OFW forum. hanapin nyo si reyna elena, andun pa ang mga investment advice at kung ano anon pang ka-eklavuhan ko hahaha
i got tired of the forum dahil medyo dumami ang nagtatanong at dun ko nadiscover ang blogging and since then, eto na yon. wow! how time flies!
at first i thought blogging is just a writing hobby, di pala, you have to be responsible rin sa sinusulat mo and ofcourse you’re right, dapat isipin ang mga taong babasa ng blog mo.
ganun din ako nung una. in fact, yong ibang sinulat ko when i started dinelet ko kasi i feel mortified hahaha
marami akong mali nun, in fact, akala ko maitatago ko sarili ko kaya nga binuhay ko si reyna elena hahah i did not realize na kahit anonymous ka, litsi makikilala ka pa rin
hahaha korak yan reynz, kahit anong tago mo tlagang aappear at aappear kung sino ka tlaga. kung magaling ka nmang magtago well.=, naappear pa rin sa sulat ang personalidad at feelings. wahehe….
i do believe from the beginning that there is no such thing as anonymous sa internet. we all leave our electronic finger prints.
It’s ok to treat it as a hobby and responsible with what you right by providing value to your readers.
mas may freedom akong makasulat sa sariling blog compared sa forums/bulletin na maraming restrictions. pag mag OT ka warning kaagad.
Bakit kasi nauso ang blogging?
nauso dahil alternative sya sa media.
natandaan mo, pag merong news, and you don’t agree with it, susulat ka sa editor, titirahin mo yong balita or opinyon, den indi naman ipa-publish.
NOW – you have all free crayola na magsulat nang opinyon mo on almost anything and anybody but nobody nobody bachuu…
teka… ba’t napunta sa korean pop ang comment ko?!
tama yung sinabi mo about goal. however, minsan kahit na me certain goal ka, your readers has the ability to influence you if papayag kang mag-pa-influence. this happens when you start blogging and then you noticed kung bakit sila napa-padpad sa site mo and then tweak your entries to match what they’re looking for. pretty soon, yong mga kagaya nila ang magiging visitors mo. kaya minsan kelangan ding matigas ang ulo mo’t stick with your goal.
there are posts in my blog na kung ngayon ko babasahin ay nakakasuka. hahaha! hindi ko na lang buburahin tutal past na and it brought me to where i am now. charing! akala mo naman may narating na nga ako. hahaha!
thanks sa tips Kuya Rob and Ate Reynz!
like you mel, me mga entries ako na nabasa kong ginawa ko na mortified na mortified talaga ako! hahaha! yong ibang sukang suka ako, inalis ko. yong ibang para akong engot, iniwanan ko hahaha
ay meron nga akong narating! napunta ako dito sa Barrio. mabuheeey!
mabuhay hahaha!!!
When I still starting writing blog posts, wala akong queme. Hanggang ngayon pa rin. Hahaha. Matigas ang ulo ko eh. Pero dumating sa akin yung time na bigla akong na-conscious sa mga pinagsusulat ko. Naalala ko ang mga readers ko at syempre, nung nasa Barrio Siete na din ako.
A friend of mine happen to backread some of my posts. Hindi siya makapaniwala na nasulat ko yun. Of course, reaction nya e nakaka-cardiac arrest daw ang mga pinaggagawa ko. Hahahah. Kaya naconcious tuloy ako. Bwehehe.
I am lucky naman kasi namamanage ko ang offline and online personality ko. So technically speaking, di ako puro angst in real life unlike in my blog posts. Hehehe.
talk about offline and online personality! leche! naleksyon kamo ako nyan hahaha tingnan mo di na matanggal si reyna elena sa muka ko hahaha
LOL.
Sobra na ang pagkakadikit ng anino ni Reyna Elena sa iyo. Nyahahah.
oo! kelangan ko nang itayo ang sarili kong pangalan! otherwise, hanggang pantasya na lang to hahaha
ROFL.
Hahahahhaha.
Ang dami kong natututunan dito sa barrio siete. and yes, hinay hinay gusto ko ding baguhin na ang blog ko from hodge-podge to something na merong point. i often visit kuya bluep’s site too. i may not be catholic pero i was amazed at how he showed/showcased his faith there.
galing.
salamat kuya rob sa very informative na post na ito.
glad to hear that monique, true andami nilang magaling here
Nice article Kuya Rob.
Aaminin ko, my current blog is just about anything that I think interesting. Pero right now, I am yearning to create a blog na ‘niche’ ko talaga (i.e., like business and finance, kids related). However, I won’t shut down the blog na sinimulan ko dahil marami akong natutunan dito at naging daan ito para maging taga-Barrio Siete ako.
or gamitin mo na lang ang bloggery blog mo instead of creating another one dahil established na ang blog mo, right?
ako tinatry ko maging intersting ang blog ko. kung ano ano na ang ginagawa ko kaya unti unti nagkakatao na haha. tnx sa tips na ito
pero sa totoo naman e kung gusto mo lang talaga ng parang online diary e hindi mo na iisipin ang mga to. ayun lang
and i know effective na effective ang tema nang blogging mo hehehe
Hello folks,
Maki-blog ako dito ha?
Hmmm… Yes, why do we blog? Good question!
To vent our frustrations over issues which we have no control or litte control if ever?
Well, that was why I started blogging for the first time more than 6 years ago using blogspot.com (which I discovered in a news item in Time Magazine)
My first blog actually had something to do with Donald Rumsfeld — heheheh, after his visit to the capital of europe ranting and raving, threatening poor tiny Belgium with all sorts of sanctions. Send NATO HQs to New Jersey or to Albany
From then on, I just kept writing what came to my mind and for the same reason. Blogging became like an electronic diary. I really was furious sp I set up my a blog (better than throwing my shoes at him lest military police handcuff me at NATO!)
And I’m still around… but not sure anymore if I’m still up to it. Blogging is distracting, you know.
Cheers!
Hey Anna!
if you’re asking us, anytime, throw us an article and we’ll post it.
and had you thrown some shoes on him, baka nauna ka dun sa iraqi maging famous hehehe
ako, when i started blogging several years back, it was just to write down those important events in my life…sort of diary/journal. wala akong target audience kundi ang sarili ko haha
many years later, nag iba na…i now blog to inspire my readers, charrrring!!! seriously, my reason for blogging is to occasionally earn $$S
[...] nakaraang post, napag usapan natin ang dalawang importanteng tanong bago tayo sumubsob sa pag blog. At ngayong kating kati na kayo sa pag blog, pag usapan naman natin paano ma prepare ang bagong [...]