Home » Analisis, Barangay school, Education and Technology

A Lesson in Logic

8 October 2009 11 Comments

Logic_and_Imagination_by_19eight_seven.pngPhoto Credits: The Future is now

Today, I give you a brief lesson in logic. Have you heard of logical fallacies? If not, I’m sure you have encountered them many times. You probably are in the habit of committing one or two yourself, hehe. Not to worry, I’ll try to make this lesson as simple as possible, walang paduguan ng ilong. And most of all, knowledge of Latin is not a prerequisite. Okay, let’s begin.

Kelan nga ba fallacious ang isang argument. Ang simpleng sagot ay kapag mali ang reasoning, hindi konek ang premises at conclusion. Sablay ba. May mga argument na hindi halatang fallacious, mapwera na lamang kung kilatisin mo ang logical form. Anyway, hindi ito ang ating lesson. Doon muna tayo sa mga fallacy na mas common.

Post hoc ergo propter hoc – ibig sabihin, “after this therefore because of this.” Ha, ano daw? Just because one thing follows another does not mean that it was caused by it. Meron ka bang lucky t-shirt? Or lucky ballpen? Kapag suot mo ang lucky shirt, nakakasalubong mo ba ang crush mo at nagiging masaya ang araw mo? Well, pwede ring unlucky shirt na pag suot mo, sigurado kang bubuhos ang ulan at male-late ka sa klase or trabaho? Mataas ba ang score mo sa exam kapag gamit mo ang ballpen o lapis na pinabasbasan sa simbahan? Bueno, walang kinalaman ang t-shirt mo sa ulan, hindi ito ang sanhi ng ulan. Wala ring kinalaman ang ballpen mo sa score mo sa exam. Kung pumasa ka, either dahil nag-aral ka, may mabait na kaklaseng nagpakopya o sadyang magaling ka lang manghula (buti na lang multiple choice at hindi essay yung exam).

Argumentum ad hominemattack against the person, also known as name-calling or poisoning the well. I associate this with Annabel Rama for some reason. Kayo na lang maghanap ng example sa mga interview nya, marami talaga, hehe. Yung ibang misis din na puro kunsumisyon, madalas nila sigawan si mister: “Animal ka talaga! Sa palagay mo ba maniniwala ako sayo? Sunog-baga ka na, lasenggero pa!”

Argumentum ad baculum – si misis pa rin: “Kapag hindi ka nagtino, dyan ka matutulog sa labas. O mas mabuti siguro, isoli kita sa nanay mo!” Astig ang panakot, di ba? Ito ay appeal to force. Kunsumi talaga si nanay kaya sabi nya minsan kay bunso: “Pag hindi ka pa natulog, ibibigay kita sa manunupot. Ilalagay ka sa sako, tapos ilalahok sa semento, pampatibay ng tulay.” Grabe ‘no, scary! Ito ay kahalintulad rin ng blackmail. For example: “Hello, hello… Siguraduhin mo lang na panalo ako sa eleksyon dahil kung hindi…

Argumentum ad misericordiam – sagot ni mister kay misis: “O Saling, alam mo naming pinipilit kong magpakatino. Wag mo naman akong palayasin. Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka.” O kaya si anak na dalaga: “Nay, Tay, sige na, payagan nyo naman akong lumabas, paano na ang buhay ko kung dito lang ako lagi sa bahay? Paano na ang social skills ko nyan? Mind you, hindi laging effective ang appeal to pity, pero minsan, lalo na kung emote na emote, este, sincere ang pagdeliver, it works.

Argumentum ad populumappeal to popularity or bandwagon. Ito naman, I associate with diet pills. Madalas mong maririnig: “Uy, uso ngayon yung Kankunis tea, nagbibilihan ang mga kaopisina ko, baka effective.” O kaya naman yung Xenical, acai berry at kung anik-anik pa. Anyway, hindi porke uso ay totoo.

Minsan, halu-halo ang fallacies. Tulad nito:

Anak: “Nay, sige na, bilhan mo na ako ng iPhone. Sa school namin, ako na lang ang may Nokia. Out of place tuloy ako. Hindi na ako papasok sa school kung wala akong iPhone.”

Nanay: “Ano bang drama yan, pasalamat ka nga at meron kang cellphone. Kung ayaw mo nyan ay ibigay mo sa akin at nang matuto naman akong mag-text. Reklamador ka talaga. Buti sana kung masipag ka mag-aral, eh nagmana ka ng katamaran sa tatay mo…”

Next time masermunan ka, subukan mo kayang sabihin sa nanay mo na fallacious ang sinabi nya – “Nanay, mali ka naman eh, argumentum ad baculum ‘yan.” Good luck sayo, hehe.

So, for further reading, hanapin sa internet ang artikulong ”Love is a Fallacy” ni Max Shulman. Masayang kwento ito, hindi ka aantukin.

And for your homework, give your own examples of logical fallacies. Lesson is to be continued next meeting. Maraming pang iba, promise. Para hindi ma-surprise sa surprise quiz, mag-review sa bahay, okay?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10531 times by 2737 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is (26) ay kasalukuyang nagsusunog ng kilay sa Oxford U sa Inglatera. Sya ay nagtapos ng BA-Philosophy, magna cum laude sa UP-Diliman at MA-Applied Ethics sa Linkoping U sa Sweden at Utrecht U sa Netherlands. Sya ay bahagi (pa) rin ng isang PhD program sa Oslo U sa Norway. Mahal nya ang bansang Pilipinas ngunit mahal ang pamasahe pauwi kaya't sa ngayon, doon muna sa Europa ang kanyang mga kwentong lamierda.

11 Comments »

  • reynz says:

    of course, once na blogger ka sa barrio siete or ang pangalan mo reyna elena hahahaha babatuhin ka at babatuhin ka nang ad bakulaw ad hominems which really was the easy one for me hehehe (hirap maging filisofer!)

    kestyon madam: in terms of Post hoc ergo propter hoc, masasabi ba na dahil pinasta naten mga credentials naten eh automatic na excellent na ang entries naten (although hello mga hilo naman ang entries ko sometimes noh?) which in effect is one good sampol, korak?

  • darbs says:

    Una sa lahat naalala ko tuloy ang entry ni Dfish about logic na sabi pa the most boring daw na subject. Nag hiatus kasi kaya ako na lang ang mag-bigay ng link sa kanyang blog.

    http://desertfishing.wordpress.com/2009/09/16/my-most-boring-college-subject/

    faves ay ang “Argumentum ad baculum” dahil dito ma picture mo kaagad ang dos por dos.

    ang sample nito is “it’s my way or the highway!” tama ba maam?

    Kung andito lang sana si Dfish sabihin kong “LOGIC” is not boring after all.

  • Mr Nonsense says:

    i took logic in college once…..hmm…..????….ah….ok?
    ….that explains why i’m all screwed up. that is why i dont make any sense anymore. i didn’t get anything out of it.

  • promking says:

    sa klase namin na CRITHIN ko tinake ang logic. ok lang naman kasi naperfect ko naman ang finals ng prof ko.

    kaso, yung final exam na yun. puro variables na X, Y at Z lang ang ginagamit. minsan P, Q, R o S.

    sa tunay na buhay. hindi ka nakatingin sa variables kundi sa mga real values. na pag nag clash na, wala kang choice kundi pumili ng lesser evil.

    sana classroom na lang tayo. mas madali sa classroom.
    pero mas natututo ka sa labas ng classroom.

  • Silver says:

    Salamat Prof. Lalaine for the educational post tungkol sa Logic. Dagdag na brain food din ito. :)

  • Mel says:

    omg, so everyday pala puedeng i-apply ang logic. sa totoo lang, wala talaga akong natutunan sa subject na ‘to in school kasi busy sa paglalandi. hahaha!
    marami na naman akong natutunan dito, thank you lalaine.
    ma-apply nga ang mga ‘to bukas sa trabaho. hihi

  • reynz says:

    actually paborito kong topic ang logic nung college hehehe
    pero galit saken professor ko
    meron kasi akong 21 units ata yun na theology
    di ko ma-getz
    accounting ako
    at wala akong balak mag-pari
    brought up ko sa logic class
    muntik na akong palayasin sa school
    hehehe
    itigil ko daw ang bunganga ko
    yun daw ang logic
    hehehe
    tama ba prof???

  • glorien says:

    hahaha.. just read the Love is a Fallacy. at natuwa talaga ako sobra. oo nga, di lang natin alam na ginagamit pala natin etei everyday. hahaha..

    nice!!!

  • BURAOT says:

    How about the common “fallacies” sa bansang Pilipinas…

    Nahulog sa daan yung betsin…. “Hinayupak kang bata ka! Hanapin mo yun, pag di mo nakita, makikita mo sa akin!”

    Bagong gising sa papag…”O anak, lulunin mo na yang banig!”

    Wahahahha!!!

    Cogito Ergo Sum!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.