ABS-CBN official NEGA network ng mga Bitter Ocampo
Hindi ko maintindihan itong ABS-CBN na ito kung bakit palaging Bitter Ocampo saan mang sulok ng mundo? Sa totoo lang, pagdating sa credibility issue, bagsak na bagsak na ang ABS CBN. Sa election coverage pa lang nila di na sila fair and everybody knows this. Minsan nga matatawa ka na lang sa slogan nila na “Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan” kasi sarililang nila niloloko nila. Kahit anong kumahog ni Karen Davila at Ces Drilon, di pa rin nila mapantayan ang kinang ni Mel Tiangco at Vicky Morales pagdating sa patas na pagbabalita. Hindi namin pinapansin ang ABSCBN na mga issue sa barrio dahil unang una sa lahat di kami interesado sa network war. Actually ipinost pa nga ng kAPITANA ang video ng ABS CBN sa sidebar ng barrio na nagpapakita na Hightech ang ABS. Syempre mas kita ng Reyna ang ABS CBN report dahil sa TFC pero di na namin sya kinulit na yung sa GMA 7 ang ilagay kahit na alam namin na mas High Tech ang sa GMA 7. Kumbaga, kahit alin sa dalawa na parehong high tech, mas pabor sa masa kasi tao ang makikinabang. Magkakatalunan na lang ay sa kredibilidad na kalimitang batayan ng mga manonood.
Ang punto de bista dito ay, mainanm na parehoing network ay humahabol sa technology ng CNN. Kumbaga kahanga hanga. Pero angnakaklungkot lang, bakit palaging Bitter Ocampo ang ABS CBN?
Kagabi kasi habang nanonood ako ng TV Patrol at Commercial pa sa GMA 7, may pinalabas na report si TJ Manotoc. Di ko nagustuhan ang tabas ng dila ng report ni Manotoc kasi parang pinalalbas nya na niloloko lang ng GMA 7 ang manonood nila. Si TJ Manotoc ay dating nasa GMA 7, halos kasabayan ni Ryan Agoncillo noon kaya di ko malaman dito kay TJ manotoc kung bakit pati utak nya ay tinalangka na rin at pumatol sa pagkababaw babaw na issue.
Hindi naman tanga ang tao, halata naman ng tao na yung Hologram ng GMA 7 is a special effect lang. Pero ang nakakbilib kasi ay first ito ginawa sa TV ng live. Usually nakikita natin ito sa mga teleserye lang at sa mga taped na sequence pero this time nakita natin sya ng live. Di mo rin maikakaila na medyo di rin pulido ang ginawa ng channel 7 kasi minsan di naman pantay yung perspective ng hologram dun sa mismong anchor. So sa makatuwid, alam naman ng viewers na walang kausap yung anchor sa studio at camera trick lang yun.
Suma tutal, di ko maintindihan dito sa ABS CBN kung bakit kailangan pang ipagkumpara yung Hologram ng GMA7 sa Augmented reality nila?
Bitter Ocampo ba talaga itong NEGA Network na ito na halos lahat na ata ng News and Public Affairs repoirters at anchors ay nasa pulitika na? Nega Network na kasi di nila mapantayan ang professionalism ng ga taga GMA 7?
Gusto lang namin ipa-alala sa abs cbn na magaling pareho ang presentation ng dalawang network. Kahanga hanga ang Hologram ng GMA7 at Kahanga hanga rin ang Augmented Reality ng ABS CBN. Ngunit dapat tandaan ng ABS CBN na kahit anong galing ng presentation mo, kung bulok naman ang intention mo at kredibilidad mo ay wala ring saysay ang ganda ng technology mo.
Sa Labanang GMA 7 at ABS CBN, kung labanan ngang maituturing yung coverage ng election, ay klarong klaro na masy may class, patas ay propesyonal ang sa GMA 7.Sapagkat sa mga ganitong report na paninira tulad ng kay Manotoc (Monotoc? whatever) kasi nakikita ng tao kung gaano kababaw at kadumi maglaro ang isang network. Hologram lang nainsecure na… Heller!
Kahit gano kasarap ang manok, kung sa arinola naman ito nakalagay, kakainin mo ba?
Minsan kasi, itong ABS CBN ang nagiging tagapasimuno ng dibisyon sa bansa. Kaya nagkaroon ng Network war ay dahil sa ABS CBN. Marapat siguro at paglimian mabuti ng management ng ABS CBN kung anong klaseng imahe ang prinoproject nila. Imahe ba ng insecurity sa kabilang network na after ng pakikipag away sa ratings eh hologram naman ang pupuntiryahin (babaw ha). Dahil maging ehemplo ng ABS CBN sa pagkakaisa. Hirap kasi saNega Network na ito, hanggang sa Press Release lang at Station ID namumutawi ang pagkakaisa. Sa mismo gawa wala na. Sa halip na papurihan ang ibang estasyon, eh patuloy pa rin sila sa paninira.
Minsan, nakakatuwa ang ABS CBN, kasi kahit anong hirap ang gawin nila na palabasin na credible sila, hindi makagat kagat ng tao. Bakit kaya?
Naalala ko tuloy si ateng Jamby, Manong Nick Perlas at Manong JC Delos Reyes… Kung sino pa yung mga kulelat sya pang ayaw mag concede. Parang ABS CBN… kung sino payung kilala sa panlilinlang sa mga manonood sya pa yung unang pumuputak ng “fake”.. Ironic ano…
Kaya pwede ba, wag nyo ipatronize yung mga channel na puro talangka ang empleyado, nahahawa pati manonood. Buti na lang Lifetime sa ABS CBN ang kontrata ni Bitter Ocampo…
ANG BITTER NA ULAT NI TJ MANOTOC (BITTER PA RIN BA SA MGA MARCOSES?)
AT ANG EXPLINASYON NG GMA 7 SA PARATANG NG MGA BITTER OCAMPO
AT ETO ANG ANG ASTIG NA MTV NG GMA 7 PUBLIC AFFAIRS THEME SONG NA KINANTA NG SUGARFREE.
Viewed 9182 times by 2379 viewers
barrio_ninja is Barrio Ninja is the founding and only member of Barrio Siete's Defense Task Force called Siete Homeland Intelligence Team (SHIT). When Barrio Ninja's mentor was attacked by online infidels snorting talcum powders, he dedicated his entire blogging life honing his skill, which is to cook pork and beans. Now, he hunts down liars, bogus blogs, bogus media people and PR infidels.














Ha ha, kapuso ako at bilib sa style ng news reporting ng GMA. Natawa na lang ako kahapon ng makita ko sa TV na kumakaway si Ate Vi at pinag-shadow boxing ni Tita Mel si Pacquiao. At obvious nga na bitter ang Kapamilya na naunahan sila ng GMA sa hologram effect!
Kapuso, Kapamilya, Kapatid, Kasangga, Katungga, Kanganga etc
Ang panalo viewers…na entertain =)
nakakatawa na pati ang mga ganyang isyu e nagiging daan para magka-siraan. minsan kasi, dapat na maging mapakumbaba – ganito lang naman dapat nilang sabihin e – wow, ang galing naman! tapos sagot nung isa – salamat!
o di world peace!
Kapuso Forever….
parang ung writer ng post ang Bitter Ocampo. Nag almusal ata ng ampalaya… Eh tama naman ung sinabi ng ABS eh.. wag mong tawaging Hologram kung hindi naman hologram. MISLEADING kasi.. matagal na gawain ng GMA yan, porket alam nila na madaming mangmang sa mga pinoy kaya ganyan ang ginagawa nila. Kung walang ABS di lalo ng niloko ng GMA ang publiko. ANg GMA in my opinion eh parang si Gloria Arroyo mahilig lumusot kung pwedeng lumusot.. kung walang makaka pansin then go lang kahit mali. At ung issue naman ng CREDIBILITY ibang usapan yun.. ung HOLOGRAM ek ek lng ang issue. KAIRITA!
yeah, the 1st video was not right. why the comparison and why even report if GMA called it wrong as “hologram” given that they’re from ABS-CBN. it’s obvious na naging nega sila.
btw, sino tong TJ Manotoc?
anak sya ni aurora pijuan & tommy manotoc na asawa ngayon ni imee marcos.
half-brother siya ni borgy manotoc. borgy’s mom is imee marcos.
ah i see. pero teka, di ba ABS-CBN was… well, wag na lang. masyadong magulo ang history nang station na to hehe!
ngak hahaha natira pala ako sa post!
actually, di ko pa nakikita ang GMA reporting noon. kaya when I saw the ABS CBN with that reality, para na rin syang hologram noong sa CNN. nong nag-start na ang election, dun ko lang nakita ang GMA7.
i think both networks did pretty well in reporting by using the latest technology. malas nga lang nila, ambilis nang election because here in the US, nagamit pa nang CNN yon mula primary hanggang sa presidential elections.
i think sa ikli nung election, wala masyadong init sa labas, ayan pinag-initan nang ABS -CBN and GMA hehe
Sa pagkakaintindi ko sa isyung to, pinagmamalaki ng GMA na “Hologram Technology” ang ginamit nila kagaya ng ginamit ng CNN noong coverage ng Elction sa America, pero pinintasan ang ikinorek ng mga kritiko ang CNN na hindi daw matatawag na “Hologram” yun. Sa kaso naman ng GMA, hindi “Hologram Technology” ang ginamit nila kundi “Chroma Key” technology kung saan gumagamit ng green or blue back ground tapos isusuperimpose sa video namn sa studio, CNN used around 30 HD cameras while sa GMA Isa lang. Kasi nga daw according sa experts when you call Hologram, eto yung mala Starwars sa eksena ni Princess Leia na nakikita talaga nila ang isat isa, sa kaso ng GMA, sa studio hindi naman nakikita ni Mike or others yung kausap eh sa tv lang talaga lumalabas na magkaharap sila, so medyo off na tawaging hologram sya, more of an special effect siguro like sa mga teleserye.
Sa point naman ng Abscbn kinokorek lang siguro nila yung ganung claim ng kabila kasi mali ang pagkakagamit ng terminology, to educate people at pati na rin iparating ang tunay at kung ano ba talaga ang nangyayari at kaibahan ng hologram sa hindi hologram
ayun, peace po tayo
just my two cents. =D
diba “Hologram EFFECT” ang sabi ng GMA? Based dun sa mga video sa taas?
TRUE! parating mine-mention… “EFFECT” so ano ang issue other than well… hehehe
syempre, competition yan eh. kung Gumastos ako ng limpak limpak tapos ung iba eh hindi tapos sila pa ang nasabihan ng mas high tech ( pero in reality eh hindi naman, kasi hindi naman talaga HOLOGRAM) eh magaalburoto din ako. IPAGYABANG lang kung talagang hologram, hologram effect lng then un lang mag ipagsabi di ba naman?
pinanindigan ang pagiging NEGA
Wag na nga tayong makisawsaw sa network war nila. Isa yan sa source ng divisiveness na expertise ni GMA (yung bansot ha, hindi istasyon).
Let’s just bask in the happy thought that at last, ilang araw na lang at lilipat na ng tirahan ang lola.
Happy weekend people =)
hahaha nakakatuwa ang issue na to, war of words talaga, but i checked both stations again and mas gusto ko ata ang ABS-CBN! wala akong pakealam sa right terminology they’re all the same anyway ~bzing hahaha!
Isang Malaking Check. So why compare diba? Eh pabor naman sa masa ang high tech presentation nila. Ewan ko ba sa ABS CBN at masyadong NEGA! haha
dso ibang issue pa pala ang “touchscreen” umano ng GMA7. Natuwa lang ako when i watched the video sa Youtube, nauuna ang video sa pag “touch” ni Tita Mel sa “screen”
I LOVE BARRIO SIETE!!! buti dati nagbabasa ako ng DV kung hndi dahil dun di ko madidiscover ang B7.
so ibang issue pa pala ang “touchscreen” umano ng GMA7. Natuwa lang ako when i watched the video sa Youtube, nauuna ang pagplay ng video sa pag “touch” ni Tita Mel sa “screen”.
Actually pareho silang trying hard sa mga effects nila na Hologram DAW, Virual Screen DAW at kung anu-ano pa. Di na naman kasi kailangan mag-show off kung di naman totoo. Niloloko nila ang mga tao sa sinasabi nila at aminin natin o hindi merong mga naloko na hologram eklabu nga yun.
AY! hindi ko gusto yong 3rd video! parang mga trying hard models! hahahaa! ~bzing!
ke hologram ke high tech, bottomline chaka pa rin. hahaha! lumabas na trying hard ang ABS at ang GMA desperate to compete with the former’s ‘technology’ kuno.
~negastar mode~
malabo naman yung hologram ng GMA
Ang point yata ng ABS ay pinangangalandakan ng GMA na Hologram yung kanila noong una. Then after na lumabas yung sa ABS, tinama ng GMA yung kanila at naging Hologram Effect.
basta ako kapuso forever… ayaw ko sa ABS – walang credibility
sabihin mo yan kay howie severino at stephanie dychiu
as far as my observation of the 2010 election, GMA had provide their viewers with correct and accurate information… i dont see any point why abs has to question the way they had presented it… pero para saken gma had used every resources needed… bow ako sa kanila… their news and public affairs is the only reason why i call myself a kapuso… napaka kadiri naman ng abs for doing this… tsk tsk halatang they are in a very desperate position…
as far as my observation of the 2010 election, GMA had provide their viewers with correct and accurate information… i dont see any point why abs has to question the way they had presented it… pero para saken gma had used every resources needed… bow ako sa kanila… their news and public affairs is the only reason why i call myself a kapuso… napaka kadiri naman ng abs for doing this… tsk tsk halatang they are in a very desperate position… : )
totoo naman ung sinasabi ng abs-cbn…d naman un hologram…hahaha…trying hard ang gma…d naman kasi kaya…mas madiskarte kasi ang abs…its a matter of business din kasi…