Home » Barrio Siete, Opinion, Social Climbing

Ako’y NILINLANG ng ASO

28 August 2009 27 Comments

viciousdog_468x410

Noticio mula sa Barrio Hall: Pinalitan ko ang ilang wordings sa entry nito dahil may ilang pusa ang nag-rally sa harap ng Barrio Hall. Magbubuo daw kasi sila ng partylist para sa concerns ng mga pusang katulad nila. :D

Para sa Alyansa ng mga Pusa Partylist, hindi po kayo ang nasa entry na ito. Kaya para walang sabunutan, pinalitan ko ang ilang words here.

Salamat,

~Silver~

Photo: Nadekwat dito

Ako’y may alagang aso, bigay sya ng aking kaibigan. Sya ay ang tipong ng aso na mabait , walang syang manic-depressive syndrome at payapa syang nakikipaglaro sa isang tennis ball.

Isang araw, may naligaw na kuting –isang ASKAL sa aming Complex. Dahil nakakaawa at MUKHA namang mabait, PINATULOY naming sya sa aming dampa. Natuwa ang aking alagang aso dahil sya ay may kalaro na, mas ok naman kasing kalaro ang kapwa aso sa bola.

Inalagaan ko sya tulad ng pag-aalaga ko sa aking naunang aso May vaccine din sya, go din sya sa grooming salon at kinakain nya kung ano man ang pagkain ng aking panganay na aso.

Subalit habang lumalaki sila, ang ASKAL ay naging sakim at palalo. Ayaw na nya mag-share ng pagkain (pedigree at alpo) at water bowl. Palagi nyang inaaway ang naunang aso. Ang pinakamalala ako ay SINAKMAL nya isang araw habang naglalagay ng pagkain sa kanilang mga plato.

Ingrato! Pinalayas ko ang ASKAL at di na pinapasok sa loob ng bahay. Nakikita ko sya sa park palaboy-laboy at minsan sa mga basurahan.

Naisip-isip ko bakit napakahirap maging mabait— ang matutong tumanaw ng utang na loob, ang maging totoo sa kapwa (wag manlinlang), ang wag maging palalo at sakim.

Sa aking pagninilay–nilay naisip ko KALABISAN naman ang hinihingi ko sa ASO. Ang mga tao nga na naturingang “rational” at inherently good (DAW) ay nahihirapang magpakabait, ASO pa kaya.

Kamakailan lamang sa Barriosiete, nasaksihan natin ang lantad na PANANAKMAL sa ilang sa mga residente dito na tulad ko ay NAG-AMPON din. Ang mga tiga-Barriosiete ay malugod na “nagpatuloy” at “nagpasilong” sa mga inakala nilang maituturing nilang kaibigan at katuwang. Subalit tulad ng aking dating ASKAL sila ay kinagat at sinakmal. Dahil kaya ito sa kawalan ng “utang na loob” o likas lamang na sakim at palalo ang mga NAKITULOY?

Nitong makalawa, nakita ko sa driveway ang ASKAL, may mga puppies na sya. Natakot ako nung una, dahil dumami sila— waaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Pero naisip-isip ko, oo ngat dumadami sila pero di sila magtatagal. Madami sila subalit sila ay MAHIHINA, marahil dahil sa SAKIT. Dun ako mas natakot, ang MAHAWA sa SAKIT ang aking mabait na ASO. Wag naman sana….

Related Posts with Thumbnails

Viewed 6507 times by 1755 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.

27 Comments »

  • Mon says:

    sana pinaputol mo na lang yung mga kuko ng pusa. hehe

    • cora says:

      Ei di mo ba napansin, dilang sila kinukuhan o kinapon, tuluyan na silang pinutulan ng ulo… so pag may napansin kang mga “headless” creatures, sila yun.

  • Tulad ng mga kasabihan…

    Madaling maging tao, Ngunit mahirap magpakatao.

    Ang Taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob, sa kumunoy siya’y maluloblob.

    Kung ang PUSA ay nangangalmot, Ang Tao nama’y Nang-iipot.

    kapayapaan para sa lahat!!!!!

  • BURAOT says:

    hmnnnn….. sino kaya yun….

  • Chi says:

    me kalmutan sa barrio? hihihi.

    • reynz says:

      ‘MA! wala akong alam dito hahaha!

      Si Cora kasi, sa dami nang tinutugis na terorista di na siguro alam kung kanino tong kwitis na to hahaha

    • cora says:

      kalmutan sa Barrio? yup, may mga nakalmot sa Barrio lately pero pinutulan na sila di lang ng mga KUKO pero mga ULO ng Mahal na Reyna. Ang article na ito ay ISANG BABALA:

      “Wag mangalmot/mangagat ng tiga-Barrio dahil mapuputulan kayo ng Ulo”

      by order:
      His/Her Royal Highness

    • cora says:

      may mga kinalmot sa Barrio lately, pero tapos na.Pinugutan na ng ulo ang mga kumalmot!

      • reynz says:

        eeekk! can we clarify kung anong ULO ang pinaguusapan? hahaha! ayokong magalaw yong isang ulo na importante saken kundi mag-huhuramentado talaga ako! hahaha

        • cora says:

          hahahaha….naughty, naughty, naughty! pero imagine kung yung mga “ulo” na yun ang naputol, and dami nun. Pwedeng gawing, pendant o di kaya “key holder”, pag medyo malaki at mabigat pwede din paper weights. ALIW

  • Mahalia says:

    Huh? Sino ang mga aso? Lalo akong naguluhan. Zoo na ba ang pinag-uusapan natin?

    Clueless talaga ako.

    Kulit ba?

    • cora says:

      ako rin Mahalia medyo naguluhan, pero pwamis..I willnever make kagat o kalmaot anyone in the Barrio….hehehhehe so kung may mga haka haka kung may away sa Barruo…WALA, WALA, WALA…

  • cora says:

    sa lahat ng nabasa o magbabasa ng aking artikulo….Pwamis hindi tiga barrio ang pinatataman ko, kung ikaw ay Barrio regular resident, hindi ikaw yun. Kung di ka pinalayas , then hindi ikaw yun, kung di ka “nangagat o sumakmal” ng mga taga Barrio di rin ikaw yun.

    Let “PARANOIA” ends. Peace!

    • reynz says:

      @cora,

      hehehehe effective blogging ba! mula pusa nag-transform as aso hahaha sinabi ko na nga ba, maraming engkanto sa blog na to hahaha

      • cora says:

        well, what can I say…nalito talaga ako pwamis. Pa-tawas mo Ina ang Barrio para mabawasan ng engkanto! Pero last time “tinawas” mo na sila di ba, ang dami nga nilang umusok…yung iba umikot ang mga ulo tulad ni Linda Blair sa movie, yung mga iba kumanta at nangumpisal na wala silang kinalaman…hugas kamay ba na tulad ni Pilato.

    • Tiyo Paeng says:

      Yun din ang hinala ko.. dati Pusa, ngayon Aso naman, baka sa susunod BUWAYA na ang kinalmot.. nya ha ha ha ha… dami talaga engkanto sa paligid..palibhasa yung ASWANG, nandyan lang sa tabi tabi nag-aabang ng Buntis na mabibiktima..

      Buntisin ko kaya yung Aswang? nya ha ha ha ha

  • Silver says:

    Manay Cora,

    Pasensya na.Medyo pinalitan ko lang ang ilang salita dito sa artikulo mo. Kasi may mga nagtatanong na baka daw sila yun kasi ang brand name nila sa buladasphere e PUSA.

    So niretoke ko muna para walang sabunutan di ba? Kaya aso ang pinili kong substitute para magrhyme sa pusakal. At alam kong iba ang pinatitira mo ng kwitis mong ito. ;)

    • cora says:

      No prob silver, sensya din at late reply ko. May mission order ako for 3 days at nasa kabundukan. Na late ako ng dating sa kapatagan, ang bigat kasi ng aking AK na aking dala..hehehheheeh

  • Tiyo Paeng says:

    NGAYON ALAM KO NA ANG LAHAT……….KAYA NAMAN PALA… mmmmmm.

    SO THAT’S IT.

    • cora says:

      Buti ka pa Tiyo Paeng,alam mo na ang lahat! sige makibulong na lang sa iba pag may nagtanong….

      • Tiyo Paeng says:

        Cora,

        Linisin at ihanda mo na ang iyong AK47… YUng mga terrorista na tinutugis mo ay nasa Videoke bar ko.. dun ang tambayan nila ng madalas..

        Ibubulong ko kung sino ang pinuno. lapit mo Tenga mo : (wwzzssd..$#%677,, wwrrrr.. bzzz,, kkrrffff..)

        Ano? kilala mo na sila?

  • cora says:

    Tiyo Paeng salamat sa “tip”….

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.