Alyansa Sabungero
Photo Credits: Baguio City Online
Heto, umpisa na naman ang katuwaan sa baryo. Tagalugin ko na rin to kasi baka yung mga pinsan ko, sasabihin na nakakawalang-gana kasi Englis, hindi daw maintindihan ng mga klasmits nila sa sabungan. Maniwala naman kayo na hindi maintindihan, eh, itong mga pinsan ko, mga gradwet din naman to ng kolehiyo. Lulong lang talaga sa sabong.
Madami akong katanungan nung marinig ang balitang to. Sino naman kaya ang unang naka-isip nito? Mga politiko kaya, o mga ordinaryong sabungero habang ninamnam ang sabaw ng nilagang bihag na may pampatunaw na Emperador? Sabihin na nating politiko ang nasa likod nito, hindi naman siguro mahirap isipin na ito’y takaw-pansin makuha lang ang atensyon ang daan-daang nagsisimba sa ating mga sabungan. Kung sakaling galing mismo sa mga sabungero, mas malaki pa siguro ang kredibilidad na maging kapani-paniwala ang kanilang hinaing mabigyan ng boses (pasigaw) sa isa pang Sigawan, ang Kongreso. Maari ding ito’y sinasakyan na lamang ng mga politiko dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman ang papalapit na beauty contest, este, halalan.
Hagakhak ako dun sa tanong ni Arnold Clavio sa kanilang promotor na ang pangalan ay Nid Anima (wag pagtawanan ang pangalan): “Bakit, hindi pa ba sapat kung yung mga Kongresistang sabungero na mismo ang tutulong sa inyo?” Hahahaha. Hindi pa kasama sina gobernor at mayor sa tanong.
Well, pakiwari ko’y samu’t sari ang gating mga reaksyon sa balita: merong tumaas ang kilay (dapat may kilay pa syempre); yung iba hagakhak lang, sige, kahit pungal; ang iba kamot na lang sa ulo at buhok kahit manipis na; yung iba, gaya pa rin ng dati, dami pa ring katanungan. Yung iba naman: “utot nila, pakialam ko kung magsiksikan yang mga list-party, ano ba yun, sa Malakanyang (halata bang walang alam?)” Kung meron man natuwa sa balita, walang iba kundi ang mga sabungero mismo.
Pero alam nyo, ang tag na “sabungero” ay may iba-ibang kategorya. Parang label lang ng “lasenggo” o “lasenggero” o “tomador” o “palainom ng alak” – merong super lasenggo; merong tumotoma lang isang beses sa isang linggo; meron ding binabasa lang ang lalamunan ng isang boteng beer pag-uwi ng bahay galing sa trabaho; meron ding umiinom lang kapag may okasyon gaya ng kasal, binyag, libing at saka kasal, binyag, at libing. Heto ang pinaka-grabe sa kategorya ng mga lasenggo – yung umaakyat pa ng tubaan ng niyog sa rurok ng kalasingan, bwahahaha. Sa iba’t-ibang kategorya nito, heto ang masasabi ko: may kanya-kanyang interes pang-personal, uri ng trabaho, estado at impluwensya sa lipunan, pamilyang pinagmulan, kapal ng pera, at mga koneksyon. Kung halimbawa na lang ay mag-o-organisa na rin sila ng Alyansa ng mga Lasenggo, ang tanong ko ngayon – kaninong interes o kapakanan ang isusulong o di kaya’y patungan pa ng prebilihiyo – yung kay Congressman na mahilig sa imported wine, o yung kay pogi boy na walang ginawa kundi ang tumambay at tumoma sa kanto dahil tinatamad maghanap ng trabaho?
Ako po ay hindi isang sabungero, meron lang konting kaalaman tungkol sa sabong. Kagaya ng mga “lasenggo” – meron ding adik sa sabong at nangangati ang mga kamay pag dihens nakahawak ng KFC, may mayayaman, mga opisyales ng gobyerno, mga young professionals ngunit tambay lang either muna o lagi, mga tiga-alaga lang ng manok dahil may agimat ang mga kamay at laging panalo, may tiga-timpla lang ng lason sa blades, may mga sindikato. Meron ding bading na naging macho ang ugali pagdating sa loob ng sabungan. Ang tanong ko ngayon – kaninong interes o kapakanan ang layuning protektahan o patungan pa ng karagdagang prebilihiyo at saka, anu-ano ang mga interes na ito? Kayo na lang po ang bahala sa inyong mga kasagutan? Huwag nyo lang akong utusang ipalaga sa akin ang bihag kasi magastos po ito sa LPG bwahahaha. (As if walang pressure cooker!)
Viewed 8906 times by 3186 viewers
dFish is born out of three convictions. First is the conviction on the healing magic of self-expression through writing just as shopping or blogging are often anesthetic to many. Second, on the conviction over the power of prayer moments that are not totally different from a websurfer who curses every now and then when the server is down. Third, on the conviction over the ambiguity of self-emptying, or in simple terms, caring for the voiceless in our society, much more those who cannot blog due to some crippling illness or poverty, is a time-tested wisdom. Visit him at http://desertfishing.wordpress.com/














haha. onli in da Pilipins lang talaga hano ser dfish? magbigay nga sila ng kanilang mga plataporma at adhikain sa kanilang party list at matignan kung ito ay may magagawa sa bayan.
@dencios, onli in da pilipins talaga… I was really laughing so hard… imagine, kailan pa kaya naging marginalized sector ang group na ito?! lol. lahat na lang nang manunugal eh pwede pala maging party list kung saka-sakali. haaay naku!!!
pero sa pagkakaalam ko madaming politicians na sabungero diba? isa na si bong revilla. kaya di nakakataka siguro. again, onli in da Pilipins! LOL
Dfish,
Bulusok ang blood pressure ko nung narinig ko ito. Grabe! Anong values ang ituturo ng sabong sa bansa natin di ba? Ang maging SUGAROL!?
Anybeyan! Dapat ang mga party list na ganyan e wag na payagan.
Halos lahat ng mga bigatin na sabungero ay mga Politiko, mga mayayamang Tongressman, gobernador, senador, kubrador at pati na alaskador.
Sama mo na rin dyan si Pambansang Kamao na si Pacman.
Sa aming lalawigan ay talamak ang ganyang bisyo na ang mga promotor ay ang mga lider mismo ng lalawigan..
At eto pa ang masaklap, maski ang PAri sa aming Bayan ay sabungero rin.. walang biro mga ka barrio, dahil pagkatapos ng Misa, bandang alas 10 ng umaga ng linggo nandun na si Father sa Sabungan bitbit ang manok ni san Pedro.
At habang nagmimisa si father, dinig ang mga tilaok ng mga alagang Manok mula sa likod mismo ng simbahan kung nasaan ng Tirahan ng kura-paroko.
Kumpirmado ko yan, dahil kababata ko mismo yung taga pag alaga ng mga manok nya.
Pero ako?… nungka! wala akong kahilig-hilig sa sabong… hindi ko linya ang kahit anong klase ng Sugal na bisyo.
Hilig ko lang ay Basketball… “siyut bago dribol”.. he he he
http://bravedier.blogspot.com/2009/08/asiang-aksaya-field-trip-sa-amerika.html
Naisip ko lang: What if kung ipa-abolish na lang ang party-list system? Kasi sa totoo lang, kung sineserbisyuhan ng tapat ang taong bayan, tiyak na walang lalabas o magsasabing marginalized sectors sila.
E kung si Palparan nga eh — andun na sa congress, hindi malinaw ang pakay ng group nya.
teka nga mag organize na din ng party list ng tsismosa.. LOL
lupit!
abah eh papatalo ba tayo sa mga sabungerong ito.
Go go go Barrio Siete Party List. lols
Kung ganyan na rin lang ang magka-qualify na partylist ay magtatayo na rin ako dito ng partylist ng mga baklang taga-bukid. Tatawagin ko itong Laban ng mga Baklang Magbubukid. In short, LBM. Hahaha!
Meeelll!!!
Hahahahhahah……sakit na ng tyan ko sa katatawa sa comment nyo nina Malen at Pehpot.
Hahahahhaha…..
Silver, hehehehe. Sasali din ako sa partylist ni Pehpot ni Malen para mataas ang ating chance of winning. Magiging congresswoman din ako. Nyahaha
one thing though with cockfighting (hehehe ba’t ba parang gustong gusto kong bigkasin ang lecheng yan?! hahaha! ~evil na evil grin~) is that, eto na ata ang sentro nang ating kultura – pwera basketbol – sa barrio. especially pag pyesta.
saamin sa barrio – hindi pyesta ang pyesta pag walang sabong. gagawa at gagawa nang arena makapagsabong lang sa barrio.
merong basketbol parati, merong miss and mrs parati. merong barayle parati. pero mawala na yang lahat pati misa nang pyesta, di papayag ang mga kagawad na walang sabong.
pero partylist?! leche! sumosobra na sila! hahaha! wala! wala akong makitang ipaglalaban nila kung mga manok nila! leche oo! grrr!
ang tawag sa amin sa bulakan ng mga ganyang klaseng tao e amuyong o panggulo, wala lang, type lang nilang magpapansin kahit ang isinusulong nilang adhikain kuno is nonsense. ‘lo dies! sa meron! sa wala!
bigla ko tuloy naisip yung sabungan joke.. pano mo daw malalaman kung may tanga sa sabungan? — pag merong nagdala ng pato.
e pano mo raw malalaman kung may mas tanga pa sa may dala ng pato? — pag meron pumusta sa pato.
ngayon pano mo malalaman kung may “hello-garci” sa sabungan? — pag nananlo yung pato!
Ayos yung Jowk mo Leo… pwede yan sa Going Bulilit… nyeeeeeh!
madami ngang pinoy na sabungero pero kelan pa sila naging marginalized? teke ano ba yung marginalized? he he. at kung sakaling pagbigyan yang mga yan, wala namang sabungero na nanalo a, paglabas ng sabungan, either bawi lang o kaya talo kasi mahirap na mahingab ng balato! panu yan pag eleksyon? he he
cno kaya ang may pakana neto? in fairness, ang galing mang-asar ni arnold clavio sa interview nya ha!