Home » Barrio Siete, Opinion

An apology by Roni

14 July 2009 46 Comments

Apologize Dog I am sorry cartoon“Akala ko okey na ako. Marami pa palang kulang sa akin. Sa mga taong na-offend ko, pasensya na kayo sa bugso ng init ng ulo ko. Tutuong mainit sa lugar na kinaroroonan ko, but that’s not an excuse. Sa mga comment kong one-liners, dahil tamad ako mag-explain at dahil hindi naintindihan, pasensya na. Sa pagbibitiw ko ng mga pangit na pangungusap, binabawi ko, at tapat ako sa aking paghingi ng dispensa, tanggapin man o hindi, nasa sa inyo na. Bilang taong nagkasala, ako po ay humihingi ng paumanhin. In behalf of barrio siete spirit, keep social climbing alive and to our “the inimitable Kapitana” and to the elusive world peace, again my apologies”.

“Hindi ko na hahabaan ang paghingi ko ng dispensa, basta bilang Filipino na malayo sa sariling bayan at nag-iisa sa gitna ng lahat ng uri ng pagsubok, alam kong ito’y maliit na bahagi lamang ng aking pagpupunyagi. Hindi man kayo aware sa aking trabaho dito, patuloy po ako dito sa pagsusumikap na maiangat ang lahing Filipino.”

Thank You
Ronilo Malabanan Palma (my real name)

La Kapitana’s Message:

In any barrio, there are bandido. (Ekkk! Hindi ko sinabing bandido ang dalwa noh! baka ako naman batuhin nyo! Hahaha) Haller! Bakasyon kayo sa Sulo at malalaman nyo! Hahaha! But, in Barrio Siete, of course there are neighbors na nag-babatuhan nang punyal. Alin bang barrio ang wala aber? So, Barrio Siete is not an exception. That’s why when we started the Barrio, we already saw in our bolang kristal that this will happen and here’s what La Kapitana said in our Welcome to the Barrio:

“Our Barrio Siete will have a Barangay Tanod to arrest trolls, stalkers and nasty anonymous and twisted love notes intended to ruin peace, serenity and tranquility of our Barrio, one dream by our Barrio Capitana to have. Yet, make no mistake about this, we will allow barilan amongst all inhabitants, tourists and visitors of this Barrio. We will also allow habulan nang dos por dos and will only stop them until such time that they are ready to accept that Social Climbing is the better option.”

So, are we clear?! Pinapayagan namen kayong mag-habulan nang dos por dos dito. Saan pa kayo makakita nang barrio that allows this? Dito lang. Kaya subscribe kayo ha? Para updated kayo kung sino ang naghahabulan! Hehehe!

But in the end, we want our Barrio Residents to follow if they could, our Social Climbing Ordinance. O di ba? Hehehe!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 4679 times by 1138 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
reynz5 is

46 Comments »

  • malensky says:

    anong nangyari?? may nag-amok ba?? HAHAHA

    nakakainis ang mga taong ang dali-dali uminit ng ulo

    reminds me of one incident in our barrio, bumibili ng sobre ang tatay ko noon sa may sari sari store, bigla ba naman may nanutok sa kanya ng baril na kapit-bahay, talagang nakatutok sa mukha nya ha, lahat ng kapitbahay shocked, imaginin mo ang kaba ng nanay ko

    pero ang tatay ko, cool lang. kinausap ng mahinahon yun hayup na yun. nag apologize naman. kung nagkataon na basagulero at pikon ang tatay ko, malamang eh baka fatherless kami ngayon

    my point is, hinde dapat sa lahat ng panahon, emosyon ang pinaiiral. hinde dapat laging galit. hinde dapat laging nanalo sa diskusyon. yun lang.

    anyhoo, thank you roni for your humility

    peace to all mankind :)

    • reynz says:

      eh susko, samen sa barrio namen, kanya kanyang teritoryo. merong Ilawod, Baybay at Iraya. Ngayon, me mga tambays di ba. Oras na napad-pad yong mga tiga Iraya sa Baybay, kukursunadahin ka. Leche! Habulan yan sa barrio! HAHAHA! you have no idea! nag-babatuhan literally! as in!!! im fak, one of my friends, ang guapo pa naman, tinira yun nang Soy Sauce tinamaan sa mata, nabulag yong isang mata. that’s what happened.

      in any case, that story has got nothing to do with roni. this was actually very nice of roni to do. ganito lang naman sa barrio. at kahit saan. sino pa ba ang dapat mag speech nang ganito kundi ang makapal nang balat na si ako? hahaha

      ‘pa kiss nga pre moments ang entry na to! thanks to roni.

  • lee says:

    nyaaaah, barriong barrio talaga ang dating hahaha.
    teka asan na ba ang royal minister para mapirmahan ang royal pardon? ay mali wala pala tayo sa kaharian, nasa barrio pala tayo lol.

  • bluepanjeet says:

    To err is human, to forgive is divine. Apology accepted. Sino naman tayo para hindi magpatawad diba? Even pigs know how to forgive. haha

    @Lee – hahaha royal pardon nyahahahaha. Naging famous line na talaga yan sa palasyo at bario haha. Pakisabi kay John at Silver, pakipatay na ng apoy sa kawa. Nyhahaha

    PS. Nagpapasalamat ako kay mel beckham. Alam na nya yun kung bakit. hehe Tol, Sis, Pare, Mare, salamat. :wink:

    • lee says:

      @Bluep, okidok pampaligo nalang yung pinakulong tubig sa kawa… buti nalang diko pa nabalatan yung patatas at sibuyas… ok masaya na ulit ang paligid.

    • mtoni says:

      ate lee sino papaliguan mo ng kumukulong tubig?
      magtira ka ng pangkape natin sigurado babad ako tambay maya dito. yahoooo!

      • lee says:

        @mtoni, nyaaak oo nga diko nalinaw ay apo lakay bumakbaket na kow… pambanto sa paligo wehehe.
        hala nice to hear that, hala malulunod ka sa kakakape ngayon lol

    • Silver says:

      Bloop,

      Inihipan ko na ang apoy sa kawa. Bwehehehe.

    • jeri says:

      Tama ka dyan kapatid na blue, May mga bagay na nagawa natin na hindi natin nalalaman na ito’y nakakasakit at nakaka-offend pala sa ating kapwa, pero sa taong nakagawa nito ay hindi talagang isinadya, siguro nga medyo masyadong natuwa at medyo brutal ng konti ang kanyang karinyo..

      Bilang taga barrio siete, palagay ko meron na tayong nabuo na samahan dito, nagkaroon ‘ika nga ng bonding parang isang pamilya na nagpapalitan ng mga kuro-kuro para sa dagdag kaalaman,at sabihin na natin katuwaan. sayang naman kung ating dibdibin at hahayaan pang magkalamat.

      Kusa ko na rin ipinapahayg ang aking saloobin na labis ang aking tuwa mula noong ako’y napasama sa barrio siete, isang karangalan para sa akin ang mapabilang sa grupong ito. Ngunit meron din pagkakataon na medyo may pagkairita, ngunit kusa ko binabalewala dahil sa ganang akin, kung sino ang higit na nakakaunawa lalo na pag ikaw ang nakaka-TANDA,ay iyo ng palawigin at unawain.

      Maging ako man, kung meron akong bagay na nasabi na hindi angkop sa inyong panlasa… pasensya na po… Ito’y sadyang hindi isinasadya. he he he

      Salamat po.!

      • bluepanjeet says:

        Salamat Pareng jeri sa iyong pagbabahagi. welcome sa Barrio. Kinagagalak ka namin na mapabilang dito.

        Maging ako man, kung meron akong bagay na nasabi na hindi angkop sa inyong panlasa… pasensya na po… Ito’y sadyang hindi isinasadya. he he he

        wala yun bro. wala ka dapat ihingi ng paumanhin. lahat naman nagkakamali. Its just a matter of social climbing skills. Pag wala ka atraso wala ka dapat ipaumanhin. sabi nga ni malen at pusa, “keri” lang hehe

        • jeri says:

          salamat kapatid na blue. gusto rin idagidag na habang lumilipas ang mga araw at pamamalagi ko sa barrio siete ay marami rin akong natutunan.. hindi lang yung pagsusulat kundi yung pakikibagay, pakikipag kapwa tao sa mga bagong kakilala bagamat hindi natin nakikita sa personal ngunit dito lamang sa site na ito nagkakakilala.. social climbing ‘ika nga…
          Napakasarap magkaroon ng maraming kaibigan, who knows balang araw ma meet ko rin kayo lahat sa personal para lubusan mapatibay ang samahan na sinimulan dito sa barrio siete… Mabuhay tayong lahat.

  • cora says:

    Roni, lahat ng tao to some extent ay nagkakamali either intentionally done or not; imagined or real. Ang punto, ilan dito sa mga nagkakamali ay actually umamin na nagkamali at humingi ng dispensa. Kokonti lang sila at isa ka dun! AYO!

  • mtoni says:

    maganda magpahinga o itigil saglit ang ginagawa kapag umiiral ang init ng ulo sa gayon maiiwasan ang mga di kanais nais na bagay na maaring idulot nito.
    isa ako sa mga hindi mapakali dahil don. masarap maging bahagi ng isang nagkakaunawaan at nagmamahalang pamilya.

    • lee says:

      @mtoni, ganyan naman kahit sa pamilya di nawawala yung ganyan pero bago matapos ang araw dapat bati bati na

      • reynz says:

        hay naku lee – tanungin mo pamilya namen, indi totoo yan! hahaha INDIIII!!!! hahaha

        • lee says:

          hahaha kamahalan my mga kapitbahay kaming ganyan, yung tatay habol ng bolo yung anak kasunod yung ina tili ng tili my dalang sadok pamukpok dun sa asawang my bolo hahaha.
          pamilya namin tahimik yung maglola lang kasi hahahahahahah magulo lang pag nandun ako hahaha

        • mtoni says:

          @inang pero lam mo bilib ako seu..mari ka na magpakasal.
          kayang kaya mo na humawak ng isang tribu.

        • reynz says:

          lee! kumpleto kami sa barrio nang ganyan. ang masaya, andaming tsismosa. kumpol kumpol. kunyari walang pakealam. puro nag-mamasid. ang bida, kung sino ang me ulat na fresh na fresh. hehehe!

          eto pa. makiki-usyuso. kesyo wala silang pinapanigan. yun pala, mga espiya. ang susunod na istorya? nag-away away ang mga tsismosa. hehehe! kasi indi daw nila sinabi yun. hanggat’ sa lumabas ang kung ano anong pinag-sasabi. hehehe

  • arbee says:

    hehehe kulit nyo talaga dito! hehe

    kaya nga feeling at home ako dito eh. sana pwdeng tumira na dito noh? lol

    more power, guys!

    • jeri says:

      Arbee, masaya dito, nakaka addict tumambay…at home na at home ka talaga,… kaya saan ka pa? sa barrio siete na….

    • bluepanjeet says:

      madami dito kubo pa na bakante arbee. pwede ka rin makitulog sa taberna ni mareng lee kung nais mo haha

      ganito lang talaga dito, minsan may usapang barrio na takaw pansin pero kadalasan naman ay pawang katahimikan naman ang namamayani. Isipin mo na lang na para kang nasa tunay na barrio, minsan ikaw ang paksa ng usapan, minsan naman ikaw mismo yung nakikiusyoso ahahaha

      • lee says:

        tama si bluep, arbee, dun ka muna sa taberna ko…
        -evil grin- nyehehehe (pahiram ng term kamahalan)
        maluwag pa sa taberna ko, dun ako sa kisame nakalambitin pagtulog, ikaw naman pwede sa poste ng taberna magbitin pagtulog…

  • arbee says:

    ay, bago na naman pala ang layout ng Barrio? maganda siya, in fairness. pero sad lang ako kasi nawala ako sa bloglinks? huhu :(

    hindi na ata ako luv ng barrio. cast away na ako?

    hehehe

  • arbee says:

    ngek! labo na tlaga ng mata ko. nakita ko na pla name ko sa list. hehehe

    hirap ng tumatanda.

    luv you, guys!

  • Silver says:

    I salute Roni’s humility for this one.

    Relax lang roni. Chill. ;)

  • jeri says:

    For Roni… Pareko’y saludo ako sayo, masasabi kong isa kang tunay na pinoy na mapagkumbaba at nakakaunawa. at higit sa lahat marunong humingi ng paumanhin kapag may nagawang pagkakamali, bagama’t maliit na bagay lang yan pareko’y kung ikukumpara sa mas malalang situasyon.

    The show must go on… ituloy ang kasiyahan, pareko’y Para sa iyo nga TAgay na ito… hik! kanina pa ko lasheng dine… hik!

  • Mahalia says:

    Roni, isa lang ang masasabi ko, “Ang cute ng aso!”

  • Mel says:

    Kuya Roni, bongga ka. Kung ano man yun. Hihi

    Kuya Bluep, you’re welcome. Clueless ako. Hahaha

  • Mel says:

    Ay, gets ko na Kuya Bluep. Bwahaha! I’m so SLOW talaga. Lol

  • chuva says:

    All’s well that ends well, which means that problems do not matter so long as the outcome is good.

    Ke Shakespeare palang play yun.. hahaha!

    Okay ‘to mga bords! Basta alam natin kung saan ang boundary, oks lang di ba?

    O, Roni and Bluepanjeet – - “Pakiss nga ‘PRE!” time na!!

    Hahaha!

  • roni says:

    learned a lot of lessons here, di pala pede yung comment na walang eksplanasyon, namimis-interpret.

    @inimitable kapitana, salamat sa time.
    @jeri, mamaya pa inuman dito, thanks sa tagay.
    @bluep, di ko alam, antagal ko na pala namumuro sa yo, sana lang, nalaman ko ng mas maaga. (like more than 2 years na yata).
    @lee and silver, wag nyo naman akong buhusan ng kumukulong tubig, slow ako, me parinig na pala para sa akin, di ko pa rin alam.

    sensya na talaga, kulang ako sa focus sa domestic affairs, lam nyo namang ako’y isang autistic. ako lang yata ang gumamit ng tunay na pangalan dito, you know what that means.

    good luck to barrio siete!

    • Mahalia says:

      tunay ang pangalan ko ha? ipa NBI pa yan lalabas yan sa most wanted. hehehe!

      • lee says:

        @mahalia, alam mo ba na bago ako nag abroad e my kaso pala ako sa NBI? kung bakit? yun ikukwento ko pag me time ako nyahahaha.

    • Silver says:

      Biro lang Roni. Kaw talaga. Di ka na mabiro. Hahaha.

      Mas gugustuhin ko pang buhusan ng kumukulong tubig ang taga kavilang varrio kesa sa iyo noh.

      Relax ka lang. Pag mainit ang ulo, request ka lang ng Aprovel sa akin. Hahahah.

      Ganun naman talaga tayong mga tao, right? We are always prone to mistakes. But we should have the courage to admit kung meron tayong pagkakamali di ba?

      Kaya I salute your humility on this one. You have my respect. ;)

      • lee says:

        parekoy, wag mo naman buhusan yung ka lab team ko sa kavilang varrio, alam mo namang madly inlab ako kahit di ako pansin e

    • lee says:

      nyak, uy @roni, walang buhusan ng mainit na tubig dito nyahaha sooooooreeeeeyyyyyy kulang din sa explanation… ang meaning ng kawa, my sibuyas at my patatas pa means niliteral ng nakaupo ka sa hot seat ot boiling water nyahahaha kung baga lilitising, nililitis ng hukom o jury, ang royal minister ay si john at ang mga nakapaligid na taga rito ay mga jury wahahahaha so wala ka na sa hot seat o boiling water kaya papatayin na ang sindi ng kalan at itatago na ulit ang kawa at yung pinakulong tubig gamit nalang pambanto ng paligo at pang kape.

  • roni says:

    ahaha, I anticipated that logo, exactly what’s in my mind. NICE!

    • lee says:

      @roni, muntik nako magkaron ng nervyus vreak down kaya nga di muna ko naglalalapit at baka ako mabuntunan ng init ng buntot nyahahaha.
      oki na oki ka, ilabas na ang mga syoktong, tuba at lambanog dya,

  • dFish says:

    Di ko masyado nasundan pero feel ko lang ang emotional responsibility ni Kuya Roni. Very human po…

  • nina says:

    grabe, wala na talaga ako sa sirkulasyon…hindi ko alam ang mga pangyayari. bakit di ako nakakareceive ng follow-up comments sa aking e-mail kahit i-tick ko yong box?

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.