Home » Albularyo sa Barrio

Ang Albularyo a.k.a Faith Healer a.k.a Hilot…bow!

23 May 2009 31 Comments

Nakalapit ka na sa mag albularyo para pagalingin ang sakit mo na hindi mapagaling na duktor?

Ang stand ko sa pagitan ng dalawang uri ng manggagamot eh sa gitna. Bilang alagad ng siyensiya eh doon ako naniniwala sa medicine part.

Ngunit bilang tao na lumaki sa barrio na nababalot ng hiwaga ng mga taong merong healing touch at mga herbalist eh hindi maalis na maniwala ako ng konti doon sa walang scientific explanation.

Eto pa. Narinig nyo na ba ang term na espiratista? It a king of albularyo too pero sila yung nagbubunot ng ngipin na walang anesthesia. Siguro sa english eh spiritist, if there is such a word. Mukhang walang ganyang word.

Nung high school ako, merong dumayo dito sa barangay namin na mga espiratista. Mala- medical mission ang dating! Anyway…dahil wala kaming pera noon na pambayad sa dentist eh dinala ako ng nanay ko sa espiratista. Meron kasi akong ngipin noon sa bagang na kelangan na bunutin. Pagkakita sa akin nung lalaking espiratista, medyo natawa sya…sabi daw eh mukhang skeptic daw ako. Natawa din ako, kasi di rin ako naniniwala ng lubusan sa gagawin nya. Dala lang ng pangangailangan kaya nadala ako ng nanay ko doon.

So ayun, nag-orasyon na sya…parang latin. Hindi ko intindi ang sinasabi habang nakahawak sa gums ko. He could have been reciting black magic for all i know. Yang orasyon ang substitute nya sa anesthesia. And then inilabas na ang malaking plais na pangbunot. Katakot ang itsura, parang hindi hygenic. Wala pa man akong subject noon sa basic microbiology eh alam ko ang konsepto ng mga mikrobyo at germs. Kaya nga lumaki kami sa sabong Safeguard. He he he he.

So ayun, nung inangat nya ang plais eh sumigaw ako ng ARAYYY! Eh masakit nga. Looks like hindi umepekto sa akin yung orasyon. Nagalit yung espiratista kasi bakit daw ako umaray. Eh masakit nga ano! Ang nanay ko naman eh pinagdidilatan na ako ng mata at nababasa ko sa mga mata nya na sinasabi nyang tumahimik na ako. Kaya di na ako nakipagtalo.

Years later…nadiskubre ko may natira pang ngipin doon sa binunot supposedly ng espiratista. yung ugat ng ngipin eh andun pa sa bagang ko, nakabaon pa! Nasa UPLB ako nito at ipinabunot ko pa sa dentist ng Infirmary. Buti libre ang dentist doon para sa mga students.

Eh ang hilot narinig nyo na? Yan yung pag may lagnat daw ang bata na hindi maalis…tiyak may pilay. So hihilutin na ang buong katawan ng bata. Malo-locate ang ‘pilay’. Gagaling ang bata. Sa LB ang tawag nila eh ’sala’. May ’sala’ daw ang bata kaya nilalagnat.

Itong anak ko…pag nilagnat na hindi maremedyuhan ng mga stock kong gamot sa bahay, eh di takbo kami sa doktor. Pag may ubo o sipon, at may lagnat. Tiyak binigyan ng antibiotics, paracetamol.

Once sa LB eh hindi tamaan ng resetang gamot ang lagnat ng anak ko…sinamahan ako ng officemate ko sa isang hilot doon. Hinilot ang bata…gumaling!

Dito naman sa bicol, yang ang gawain ng nanay ko, pag hindi gumaling ang anak ko sa resetang gamot, dadalhin nya sa hilot. Para bang alternative measure namin. Sa himala ng mga himala, ialng beses ng gumaling ang ank ko sa ganyan. Parang sayang tuloy ang gamot.

Anyway, siguro sa western mo eh chiropractors ang tawag sa kanila. Yan ang mag doktor na hindi naniniwala sa mga pharma meds. O baka mali ako?

Well ilang beses na rin akong pinagaling ng oregano at iba pang herbs na tanim ng aking great-grandma sa aking paglaki. Tapos ngayon, nauuso ang natural medicines. Galing sa plants, ini-extract at ginawang tablets. Herbal meds na. Minsan tuloy naiiisip ko na advanced ang pang-gagamot ng mag lolo at lola nting noong araw. Kesa naman puro antibiotcs agad. Masama rin yan sa bata.

Kaya ngayon, hinahanap ko ang balance kung aling ang paniniwalaan ko. Minsan kasi, matatapat ka din sa doktor na unbelievable. Kamakailan eh na-hospital ang anak ko. Ginawa na ang lahat ng test, walang nakita kung an ang cause ng persistent fever. Pinauwi na lang kami may lagnat pa rin. Pagdating namin sa bahay, dinala sya ng nanay ko sa hilot. Kinabukasan, magaling na.

Ewan ko ba, lalo akong na-confuse! ;) Ha ha ha!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9266 times by 1654 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.

31 Comments »

  • GabbyD says:

    do you think that these meds and techniques can be studied scientifically? maybe even marketed?

    ang lagundi may pill form. i’m not sure if it works, or if BFAD has approved it as a drug (probably not).

  • Glo says:

    that is already happening in the western world GabbyD. lahat ng plants, veggies and fruits. they extract all the antioxidants and stuff and make them into supplementary forms (pills, syrup). kaso minsan not effective ang supplement forms. bakit? of course may iba nang ingredients sa supplement forms.

    i have tried the lagundi pills and syrups (meron yan for kids) though. pero yung lagundi leaves when boiled at inumin mo. na-try ko na. effective sya.

    • GabbyD says:

      also, i’m fairly sure most of these supplements don’t go thru the same kinds of drug trials as traditional pharma drugs run by pharma companies.

      weird, i’ve always wondered why that is…

  • Glo says:

    i mean i haven’t tried the lagundi pills.

  • reynz says:

    your entry reminded me of my sister who succumbed to dengue fever, yeap – dyan sa Barrio Siete namen in Sorsogon.

    sa barrio namen, walang clinic, walang ospital, walang nothing. kahit doktor. meron, albularyo.

    my sister stayed sa barrio while us, andito nagkalat sa US at yong iba sa Manila.

    ang akala daw lagnat lang, nung di nawala, instead of bringing her to the hospital sa Legazpi or Sorsogon, dun dinala nun pinsan namen sa albularyo. nung nakita ko yong mga pasa pasa – ang galeet koooo!!!

  • Glo says:

    reynz, may matino nang hospital sa sorsogon, yung SorDoc. kasa from here sa amin eh ang layo. kung naghihingalo ang pasyente eh mamamatay na along the way.

    sa gubat wala, sa SorDoc din ang takbo namin. yung old provincial hospital daw eh lalo kang mamamatay pag na-confine ka doon. ;) hahaha!

    so what happened to your sister? dinala ba eventually sa hospital?

  • dencios says:

    hello mam Glo. Alam mo sa amin sa bulakan uso ang faith healer. sa totoo ang kapatid ko tulad din sa anak nyo mas gumaling pa sa hilot. e may ospital kasi samen walang tiwala ang tao kasi parang pinapatay ang pasyente hehe pati bulsa papatayin!

    saka diba sabi ng matatanda noon ang tao nga daw hindi mga chemical na mula sa syensya o machine o yung processed pero mas matagal ang buhay nila sabi ng tatay ko :D

  • roni says:

    sa palagay ko nga, advanced ang mga albularyo. yung iba, nakakakita ng aura, alam kung ano ang sakit mo. posible kaya na na-tap nila ang sub-atomic matrix? nakikita at nadadama nila ang kahit katiting na vibrations? nadadama ang balanse ng “polarity” ng pasyente kung sobra o kulang sa daloy ng “chi”. sa medesina, kailangan pa ng mga aparato para ma-detect ang sakit, pero yung ibang nag-gagamot, di na kailangan ng x-ray at ultrasound. pero hindi naman lahat ay ganuon, meron ding nag-mamarunong at mga peke.

  • Glo says:

    yes bluep. lumaki ako sa herbal kasi. actually ang reflexology gusto ko rin. accepted na rin yata yan sa western world.

  • Snow says:

    Quack doctors in the Philippines is a way of life. Madami sa probinsya nito and sadly, marami pa ring naniniwala.

    Ako nga nung sanggol ang anak ko, nagpatawas pa ako kasi feeling ng Mom ko, nadu-dwende ang anak ko. In fairness, pagkatawas gumaling siya. Pero,rare occasion lang yun ha? I always go to the doctors for all the medical help.

    • Glo says:

      snow, hindi natin sila masisi kung walang pambayad sa doktor. pero kahit noon eh sa doktor ang takbo namin kahit mangutang. kumbaga 2nd choice lang yang faith healer. lalo ang hilot.

  • Glo says:

    roni, imagine ang asian medicine eh patok na ngayon.

  • Glo says:

    but i agree ang daming faith healer ang fake.

  • Silver says:

    Skeptical ako sa mga faith healers na nagclaclaim ng miraculous powers chorvalais. Naniniwala ako sa herbal medicine kasi maraming herbals na nakakatulong talaga, hindi lang napapag-aralan ng maayos.

    I remember, pag umaatake ang matindi ubo, oregano lang ang katapat nyan.

  • The Cat says:

    marami ring spiritista dito sa States, sa new york, sa baltimore at ibang sulok. they even organized themsleves into non-profit.

    meron isang lugar dito na 75 per cent ng population,spritiual healers.

    So parang sa bicol din noon na Magarao, pinupuntahan ng mga gustong magpagamot.

  • The Cat says:

    actually yong mga herbs na yan ginagamit na ng mga arbularyo. kaya lang hit and miss.

    i remember my great grandmother na hilot, cinertify siya ng isang hospital sa Pilipinas na managed ng mga Kano, kasi siya lang ang nagpapaanak sa mga suhi ng walang operasyon.

    At sa kaniya rin narinig ng mother ko about the placenta at yong pusod na pag maysakit ang bata, puwedeng durugin yon at ipainom sa bata.

    Ang pusod kasi sa bicol ay pinatutuyo at binabalot at ibinibitin.

    Ngayon uso na yong ipafreeze mo ang iyong pusod at placenta na puwedeng pagkunan ng gamot in the future.

    ang placenta ang ginagamit ngayon sa mga skin grafts at sa mga cosmetics na pampabata.

  • an2nette says:

    Hi! minsan dahil na rin sa kahirapan nagiging alternative medicine na rin ang mga albularyo at ang mga doktor parang second choice na lang sila at kung di talaga kayang pagalingin ng mga dahon dahon at pito pito, but i also believe in herbal mecicine

  • Lalaine S. says:

    Iba’t-iba kasi ang konsepto ng health and illness. Sa Pilipinas, ang sakit ay hindi lamang sakit ng katawan, kundi pati ng iyong relasyon sa kalikasan. Nag-aral ako ng pilosopiya, trained na maging skeptic kumbaga. Pero malaki ang respeto ko sa tradisyunal na medisina. Placebo effect man o hindi, kung gumaling ka, kebs na kung hindi involved ang siyensa.

  • Glo says:

    yes lalo na kung desperate ka na. lahat susubukan mo gumaling ka lang. minsan kasi state of mind. pag inisp mo and you claimed in your heart na gagaling ka, eh gagaling ka talaga. minsan hindi ma-explain. i guess that’s what you call a miracle.

  • Zorlone says:

    Hello Glo,

    Parehong madaming lessons ang post mo at ang mga comments.

    On a personal note, naalala ko nung bata pa ako e may nagtawas din sa akin. May mga dwende o dwende daw na napagtripan ako kaya di mawala ang lagnat ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko nun. Siguro nasa grade 2 or 3 ako. Ayun, after ako tawasin gumaling din ako. Pero ang alam ko may ininum din akong antibiotic at paracetamol noon. he he he.

    Sa ngayon, agree ako sa mga ibang medicinal plants and herbs na ginamit for certaiin conditions eg. Lagundi for cough and Sambong for kidney stones. Pero importante pa din para sa akin na magpatingin sa doctor. Most of the time viral (will recover in a few days of rest and fluids) lang ang mga conditions kaya madali din naman gumaling. Paracetamol lang for fever.

    O sige, ingat!

    John Lloyd, errr

    Doc Z

    • reynz says:

      Hi Doc!

      Hindi ko inabot ang paracetamol na yan hahaha ang alam ko lang kortal hehehe litsi oo! antiquated na ba talaga ako nang todo?! waaa!!!

      • Glo says:

        reynz ang cortal yata eh ibuprofen. kung ibuprofen eh di pain reliever nga like advil. dito sa pinas, ginagamit din ang ibuprofen para sa lagnat. hahaha! merong bago na Dolan ang brand para sa lagnat ng bata. ibuprofen sya. alam mo meron pa ring medicol ngayon. ibuprofen din yan. pag masakit ang ulo, yan ang gamot dito sa barrio.

  • Eunice says:

    Hi, nabasa ko yong webpage mo, and sad to say na nagging CHIROPRACTIC na ang mga Hilot. Actually, Chiropractic Doctor’s study and trained in 6000 hours. They have also scientific explanation of what they did. They are not Hilot!

    I want to ask you? If you are studying and trained as a Doctor of Chiropractic, what do you fell if there is someone say’s he or she a Chiropractor even they didn’t go to school to have that kind of study? Of course you will get upset!

    CHIROPRACTIC IS CHIROPRACTIC! THEY ARE NOT HILOT.

  • Eunice says:

    A CHIROPRACTOR DOESN’T SAY THEY ARE NOT BELIEVE IN MEDICINE. WELL, MAYBE YOU THINK THEY ARE NOT BELIEVE IN MEDICINE BECAUSE THEY ARE NOT LIKE MEDICAL DOCTORS WHO PRESCRIBE MEDICINE TO THEIR PATIENT.

    CHIROPRACTOR ONLY GIVES ADJUSTMENT OR TREATMENT TO THE PATIENT’S PAIN OR HEALTH PROBLEM, DEFENDING ON PATIENTS CONDITION. CHIROPRACTIC IS A PRIMARY HEALTHCARE PROVIDER, THEIR TREATMENT IS 100% SAFE FROM MEDICATION AND SURGERY AND THIS KIND OF TREATMENT HELPED MILLIONS TO GET WELL, NATURALLY…

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.