Home » Baryo OFW, Culture and Society, Opinion

Ang Anak ng Puti, Si Michael Jackson, Facebook at ibpa.

28 October 2009 15 Comments

Olongapo-1Photo Credits: TinkFixer on Military Forums

Sa Pinas maraming tawag sa ang mga anak ng lahing puti. May mga tawag na may bahid na pangungutya tulad ng: “Souvenir Baby” at meron namang politically correct tulad ng “Amerisians”.

Nang mapadpad ako sa Land of Komodo Dragons , marami akong nakilalang mga batang supling ng dalawang indibiduwal mula sa magkaibang “race”—Indonesian ang ina at ang ama ay maaring Dutch, Australian, American, New Zealander, English. Di tulad sa Pinas na karamihan ng mga batang Amerisian ay may amang taga-US Base, dito sa Indonesia ang mga ama ay maaring backpacker, surfer aficionado, soccer coach o di kaya ang mga nagtratrabaho sa mga manufacturing plants bilang engineer o mga consultants.

Lumaki ako sa Tarlac at marami akong nakitang bata na lumaking kulay mais ang buhok o di kaya kulot na parang nakadikit na sa anit ang mga buhok. Hindi man ipinaliwanag ng aking ina ang dahilan ng pagkakaiba ng kulay ng kanilang buhok o itinuro ng aking mga guro sa Sibika at Kultura, naiintidihan ko ito. Ang kaso HINDI MALINAW ang aking pagkakaintindi sa aking MURANG ISIPAN. Basta ang alam ko hindi pinoy ang kanilang ama at aliw na aliw lang akong pagmasdan ang kanilang mga buhok at minsan ang kulay ng kanilang mga mata.

Naniniwala ako na hindi kailan man mapanghusga ang mga bata. Nagsisismula lang mag-isip ng hindi mabuti ang bata tungkol sa kanilang kapwa bata pag nakarinig na sila ng mga hindi magagandang salita mula sa mga matatanda. “Wag kang makikipaglaro dun, hostess ang kanyang ina”. Or worst na hindi ko maintindihan nuon ay ang mga malalakas na bulong “ Sya ay putok sa buho”.

Dahil ang Ina ko ay busy sa paghahanapbuhay, di nya ako nasubaybayan ng ayos. Di nya kilala ang mga kalaro ko. Hindi naman nya ako pinagbawalan pakipaglaro ako sa mga batang puti o kulot ang buhok. Ang lagi lang nyang bilin, “Wag makipag-away, pag inaway ka umuwi ka na”. Hindi dyan nagtapos ang aking karanasan sa mga batang may puting buhok.

Sa aking pagtratrabaho dito sa Land of Komodo, nagkaroon ako ulit ng pagkakataon na makipaglaro sa mga bata BULE (yan ang tawag sa kanila dito). At tulad sa Pinas, may stigma din ang pagiging anak ng isang puti. Lalo na ang mga anak na ang mga ina ay di nakapagtapos ng pag-aaral o hindi naging “socially accepted” ang mga naging trabaho..

Nahihirapan ang mga batang BULE na ipaliwanag sa kanilang mga guro na di makapagbasa ng Ingles ang kanilang mga ina kaya hindi nila nadala ang mga bagay na kanilang dapat dalhin na nakasulat sa School Diary. Nahihirapan ipaliwanag ng mga bata na walang a-attend sa PTC dahil ang ama ay may conference at ang ina ay di nakakaintindi ng Ingles.

Ang pinakamasakit na dahilan bakit ayaw papuntahin ng anak ang ina sa mga school functions ay hindi dahil hindi marunong mag-Ingles ang ina kundi ang ina ay dating BAR GIRL o “kupo-kupo malam” (Night Butterfly) kung kanilang tawagin .

Nitong nakaraang buwan nagkaroon ako “tropa” na isang siyam na taong gulang na babae. Siya ay anak ng puti (Amerikano). Noong una ko syang makita, bagamat puti ang buhok nya, sya ay pangit sa aking paningin at mukhang matanda sa kanyang edad. Sya yung tipong bata na gusto mong bangasan ang mukha dahil palaging nakabusangot, naka-angil at angas kung makasagot. Gigil na gigil kang gupitan ang buhok dahil mukha na syang mangkukulam sa lagkit nito. Di sya ngumingiti at palaging parang pasan nya ang mundo.Naglalaro sya ng soccer mag-isa tuwing free-time o di kaya ay nag-gugupit ng mga papel sa back-foyer.

Sa aming pag-uusap tuwing tea-break (ginogoyo ko sya na nakapunta na ako sa DisneyLand—kahit hindi, nakapanood ako ng concert ni Michael Jackson nang pumunta sya sa Manila— kahit hindi, at nakapunta na ako sa White House-kahit hindi) nalaman ko na ayaw nyang makipaglaro dahil palagi daw syang sinasabihan na mga di magagandang salita. Di ko na inurirat kung anu-ano ang mga ito. Palagi din daw syang kinakantyawan na “junk food” ang pagkain nya dahil palaging sandwich, pizza, crackers, hotdog ang kayang baon. Dito sa Indonesia. kailangan mong kumain ng laksa-laksang kanin o noodles with matching soup and meat kahit tea break para masabing ikaw ay “healthy”. Naging close kami dahil kilala ko si Michael Jackson na favourite nya, nakita ko na ang mga Disney characters–kahit HINDI at mahilig din syang mag-Facebook.

Nitong mga nakaraang buwan, maayos-ayos na ang itsura nya. Marunong na syang ngumiti at din sya naka-angil sa mga guro. Naka-tali na rin nag buhok nya na kung minsan ako ang nagtatali dahil huhulihin sya ng mga PREFECTS (student leaders) at dadalhin sa Discipline Mistress. Hindi na rin sya mukhang mangkukulam. Bagamat nakikipaglaro na sya, piling-pili ito at mas gusto pa rin nyang naggugupit ng mga papel mag-isa.

Nitong nakaraang araw, lumapit sa akin ang isang grupo ng mga magulang at nag-kwento tungkol sa kalagayan ng aking “kaibigang kulay mais buhok”. Kinuwento nila kung bakit ganun ang ugali ng bata at kung anong merong “lifestyle” ng mga kanyang mga magulang. Parang akong nasa BINGO-han sa dami ng tsismis at intrigang narinig ko. Habang ang kwento ng mga magulang ay patuloy na umuusad, dumaan ang aking “kaibigang kulay mais buhok at nagkasalubong ang aming paningin. Ako’y ngumiti at tumango sa kanya. Sinensyasahan ko sya na pumasok na sa Art Room.

Kahapon pagkatapos ng Assembly Talk lumapit sya sa akin at nagtanong: “So you believe in those BITCHES about their stories about my Mum and Dad? Anga sagot ko, “NO, and even if it’s true, that will not make you a LESSER PERSON”. Dito ko nalaman kung bakit ayaw nyang pumupunta ang kanyang ina sa paaralan. Nung una akala ko ay dahil ikinahihiya nya ang kanyang ina, HINDI pala. Nasasaktan daw sya pag nakakarinig sya ng mga hindi magandang pasaring patungkol sa kanyang ina, and sabi nya: I am protecting my MUM from hurt!”

Di ko maubos maisip kung papano protektahan ng isang siyam na taong gulang na BATA ang isang MATANDA—-. protektahang huwag masaktan ang damdamin mula sa mga matatalas na dila ng mga TSISMOSA kung sya mismo ay nasasaktan. Protektahan at ipaglaban ang dignidad ng INA na pilit nyang itinatayo, kung sya mismo ay iginugupo ng mga kalaro. Minsan naitanong ko kung OK lang ba sya, ang sagot nya, “They are just plain MEAN and have nothing to do in life. I don’t care what they say, I am GOOD!

Sana kaya ko ring sabihin ang linyang ito pag pinepeste ako ng mga mapanghusgang mga mata at matatalas na dila sa paligid!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9880 times by 2267 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.

15 Comments »

  • annie says:

    Hi Mam Cora, it broke my heart sa kwento na to. Nakakaka iyak…at talagang naluluha ako. Feel ko ang damadamin ng bata and I am very proud sa kanyang pag mamahal sa kanyang ina. My stepmom was one of those….but kita ko ang pag mamahal nya sa kanyang mga anak at sa amin….hindi dapat husgahan ng mga tao ang pinag-daanan ng bawat isa, dahil ito ay may kanya kanyang kwento at dala na rin siguro ng kahirapan….ang importante ay ang kasalukuyan…at kung ang magulang ay ginagampanan ng maayos ang kanyang katungkulan sa kanyang pamilya… keep up your good work na mai-guide ang bata sa maayos na daan, para hindi sya maging bitter sa kanyang paligid. I am proud of you too! for being so open minded. Thank you!

  • cora says:

    thanks annie! sa aking pagiging guro, pakiramdam ko mas marami pa akong natututunan sa buhay mula sa mga paslit na kausap ko sa araw-araw kesa sa mga naituturo ko sa kanila.

    • reynz says:

      question ma’am!

      pano ang medium of pagtuturo mo? english or tagalog? hahaha i mean, bahasa indonesia. buti pa sila, me bahasa. prehas sa malaysia. sana bahasa pilipino din tayo.

      • cora says:

        hahahahhaha, minsan pag-nagiging halimaw ako nag-tatagalog ako sa classroom. Nasasabi ko ang BWISEEET, o di kaya PESTE. 75% English ang medium of instruction. yung remaining 25% nahahati sa Bahasa Indonesia, Mandarin at pag may demand either French or Hindi. Ang Bahasa Indonesia ay parang Tagalog din, yung etymology ng salita ay pareho. Baligtad lang ang structure kaya para silang barok mag-English. Example: Red Shirt dapat ang translation Merah (red) Badoh (shirt) sila Badoh Merah. Kaya pag nag-translate sila at verbatim baliktad lahat…haaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyssssss

        • reynz says:

          how can you be a teacher ba? other than the required bs degree, board, license – required ba yong sinasabing methods of teaching? i mean, ang alam ko kinu-kwelyuhan to learn – at kung required saan yun nakukuha? sa dibisoria?

          • cora says:

            hhahahhahaha…ewan di ko rin alam. Basta ako pag may pesteng bata na ayaw pasaway…sinasabi ko na lapitan nya ako pag ready na sya at warning ang buong klase na kung sino man ang mag-entertain sa kawalanghiyan ng batang peste ay malilintikan. napapagod naman eventually mang-peste ang batang pasaway pag alam nyang wala syang audience….PSYWAR lang …kasi siguro peste at pasway din akong guro…heheheheehhe

          • reynz says:

            ako nagiging baklitang barracuda. sumasagpang kamo ako. kaya i think matuto saken ang mga bata. korak?

  • gentle reader says:

    masuwerteng bata may cora katulad mo…si bro na ang bahala sa yo.

    • cora says:

      gentle reader salamat. masuwerte din ako sa kanila at napagtyatyagan nila ako kahit ang mga magulang nila ayaw sa mga pinoy na guro dahil nga daw may “ACCENT” daw ang pinoy….hayyys Bahala na sa kanila si BRO.

  • promking says:

    mam, sabi ng teacher ko, you could not win your millions of dollars in teaching, but you can win your millions of hearts..

    sure ako, marami ka pang kwento. sana ma-share mo sa amin.

    • cora says:

      naku, dami ako mga kwento sa mga kakaibang taong ng mga BAGETS. Nung isang araw lang yung Koreana kong K2 lumapit sa akin at nag-tanong: “Miss, why is your “chi-chi” (boobs) big, mine is small…..waaaaaaaaa Lukring na bata. Eto pa, sabi ko sa klase uuwi ako sa December to spend Christmas with my MUM. Aba, buong ning-ning na tumayo ang isang bata at nag wika: “You are too old, you stil have MUM”? Haayyyyyyyyyyyyyyyssssssssss.

  • Dinah says:

    ang sakit naman sa dibdib :-( pero salamat sa mga guro na tulad mo na talagang may pagmamahal sa kanyang mga pupils. sana talaga dumami pa ang lahi mo!

    • cora says:

      Hi Dinah, salamat pero alam mo di lang naman ako ang ganito dito–halos LAHAT ng PINOY na nakilala kong guro dito may MALASAKIT sa mga bata. Konting-konti lang yung mapagsamantala nananghihingi ng regalo..hahahahhaha Pwamis, yung iba lantarang naghihingi ng ticket papuntang Bali….waaaaaaaaaaaaa

      • grace says:

        ouch! may kilala ako, di nga lang ticket para mag fly to Bali ang hiniling. worse, ticket pauwi ng pinas! kasi daw giniginaw siya noong panahon ng winter dito sa china. saan ka pa? bali o pinas?

  • grace says:

    ma’am cora,
    i’m a teacher as well, hence, i don’t consider my self as one.
    i work abroad too as a teacher, pero sabi ko nga sa sarili ko, napadpad ako sa lugar ng mga singkit, not to be a teacher, but a social being in search for the meaning of what is LEARNING while TEACHING.

    i have an experience close to yours regarding that BULE child.
    the only thing that differs is that, when I’m out of school, I tend to extend to the BULE family, for an unknown reason, I got so attached with the whole family.

    i’ve started thinking when i read your blog, maybe one reason why we got involved with stories as such is that 1. intriguing ang kumakalat na usapan tungkol sa buhay buhay ng batang tulad niya. 2. gusto nating makiusisa sa ano at paano nabuo ang isang batang BULE. 3. may awa tayong nadama sa bata at sa ina na rin, at emosyong di mawari para sa ama na ewan kung may malasakit o pagmamahal sa mag ina niya. 4. may magagawa ba o maitutulong man lang sa pamilyang hinuhusgahan ng lipunan. 5. sadyang pinagtagpo ang mga landas ng isang guro at ang pamilyang BULE for a reason.

    saludo ako sa iyo ma’am cora. now, it’s getting clear to me that to teach is not only to educate, teaching is not just a job nor a career. IT IS A WAY OF LEARNING.

    Kudos sa mga kapwa kong pinoy na guro!!!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.