Ang Butiki, Bow!
Commercial muna tayo dito sa Barrio…..
I did concede to one common suggestion of some people that I have to try shooting another kind of subject aside from flowers. Masunorin po talaga ako.
So here it is, nakakita ako ng butiki sa kisame este sa kahoy. Kinausap ko siya na maging model ko at magpose para sa akin. Buti nalang at pinagbigyan niya ang kahilingan ko. I didn’t know that butikis are so photogenic pala. Tingnan niyo…
Ganda niya, di ba? At may props pa siyang bulaklak! Bonggaciousness!
Hindi po siya house lizard gaya ng butiki sa bahay namin noon sa barrio na ang ingay sa gabi at nangingitlog kung saan-saan.This is one of the many kinds of lizard here in the desert of New Mexico. Sa totoo lang, na miss ko ang tunog ng butiki… tuko! tuko! tuko! Hahaha! Hindi po yung butiki ang tumawa, ako po yun.
O eto konting trivia lang: Itong butiki na nakikita nyo ay isang Sagebrush lizard, isa sa mga klase ng butiki na matatagpuan dito sa New Mexico. Ang kinakain ng mga sagebrush lizard ay mga maliliit na insekto tulad ng langgam, beetles, grasshoppers, termites, aphids etc.
You can check here for more info about this wonderful butiki.
Sosyal po itong butiki na ito at statesides! Imforted! Looks delicious? Beware, hindi po ito nakakain gaya ng palaka at grasshoppers sa bukid. Pero sabi ng albularyo sa amin, ang ihi daw ng butiki ay mabisa sa hadhad, alipunga at athlete’s foot. Mabisa din po itong inumin sa mga lalakeng hindi nakakaanak. Kung paano kukunin ang ihi ng isang butiki ay problema niyo na po iyon. Totoo ba itech? Aba, subokan niyo! Wala naman sigurong masama na tikman ang ihi ng butiki. Try niyo nga, at sabihan niyo ako kung effective ba.
Anyhoot, mabalik tayoo sa New Mexican butiki…
Gaya ng sinabi ko, hindi patatalo ang butiki na ito kung pose ala Heidi Klum ang pag-uusapan. Look, nagpose talaga ang broha! Sabi kasi ng photographer (read: me) that a model should show his/her neckline para maganda ang litraks. Tingnan niyo naman…at may paneckline-neckline pa siyang nalalaman. Mabait ang model ko kaya sabi ko sa kanya sa next photoshoot namin, dalhin niya ang mga magulang niya – family portrait ang drama namin.
Sorry folks, hindi talaga ako nagpapigil. Humirit ako, ito na naman ang bulaklak. Hindi ko lang alam anong pangalan nito, basta I am sure, hindi ito ang peborit ko na utot-utot.
Next subject: New Mexican Rattle Snakes. Madami po dito non and darn, they sure are deadly! Please pray for me mga kabarrio. Hahaha!
For more of my litraks, please visit my flickr account.
Viewed 11799 times by 2185 viewers
Reesie is the author of Off The Top Of My Head. She is a research and IT support-slash-analyst in New Mexico and a Certified COMPTIA A+. She was a college instructor before she works in the US. She enjoys her new found hobby, photography. She is a proud Cebuana from the barrio of Katugasan.



















EEEEEEEEK! BUTIKI!!! hahaha!
akala ko ito ang magiging title nito? Ek Ek Ang Butchiki!
hindi ko alam may butiki pala diyan ressie. hindi ba dragon yan na bata. hahaha
Reesie may nakita ka bang Dragon Fly dyan sa area mo? I did not find any here in NY. Pero nung pumunta kaming North Carolina I found one. Sana mahanap ko ung pic na un. Salamat uli sa butiki.
At sa coming soon na rattle snake. Goodluck at siguraduhin mong may kasama ka in case bitten sa rattle snake. un bang marunong sumipsip ng poison just in case. any volunteer? hahaha!
hahaha, madaming lizards dito ms cat.. may yung green nga eh.. hinahanap ko nga para maging model.
ay pagka-galing naman. Turuan mo nga kami ng mga tips para makapag fowtowgraf ng maganda…
Second demolition po! Step by step instruction kung anong adjustment at focusing teknik. how far or ilang dipa are u nung tinira mo ung si butiki. anong ba ang iyong posisyon. nakatayo ba or nakaluhod or nakayuko or pahiling. anything. thanks!
basta naka auto lang lahat ng settings sa camera mo mahalia, yun na yun! lol. joke. cge ba, pagmakabili ka ng SLR just call my name and i’ll be there.. hehehe
what’s interesting though, pano mo na-focus sa subject taz blurry ang background? (*panu ba i-adjust tong digital kong $60 hehehe*)
hahaha! Kamahalan naman kaya nga may tinatawag na What you pay is what you get. nakita mo ung camera ni Reesie? Ung laki ng kanyang lens with i don’t know how many focus and focuses you can do.
ay madali lang yan ateng! bili ka lang ng SLR. Bwahaha. Mas maganda pa to sa boylet, madadala mo kahit saan. !
I wanna learn photography either. haha.
Welcome to Barrio Siete, Mr Juan Step.
Reynz! In behalf of all Barrio Siete Bloggers, I want you to know that I nominated this blog for my Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009. Keep the Social Climbing alive.
eeeek! i adore you Tyrone! tawagan uli kita hahaha kaya lang wala na akong load! many thanks tyrone!
*pahiya reyna kasi drinap ang boylet*
HAHAHA
Ok lang. I understand. I too have my own convictions that won’t be broken.
salamat Tyrone!
i adore you! o ayan hehehe boylet na kita hehehe
Abangan ko ang medicinal value/s ng laway o ihi o haplos ng new mexican rattles snakes. At talagang new pa na parang bagong salta lang dyan sa NM…
hahaha, biro ko lang yang rattle snakes na yan.. i don’t wanna die young! lols
Manay Reeseee. Gi-copy ko na lang ang akong post sa imong gikan sa imong purok kay morag pareho lang bitaw.
The lizard/butiki/lacoste/bayawak/ now Sagebrush lizard?
Moasenso giod ang ngan sa? Sagebrush lizard.
Kuyaw naman kaayo ang imong shooting skill dai!
Hingigo na giod kaayo kay ug morag na master na giod nimo ang patuyok tuyok sa imong lens. Wow! Salamat sa share.
Uy! naintindihan ko kamo yang sinabi mo!
Hingigo gyd! Hahaha.
Magtagalog na kuno ta dire oi.
Baka maging alta vista ako dito sa Barrio pag nagkataon. Isali natin lahat sa tawa.
ginoogle translate ko, ayaw, hahaha!
Pareng darbs, mora naman ta ug mga butiki loy, sige dikit sa atong mga comments. Wala man kaha kay H1N1?
Para nga kayong twin butiki na dalawa!
hahaha! kasalanan ni DFish. nakisakay lang ako. sa totoo po mabait po talaga ako. anghel nga ang tawag sa akin ng mga St. Paul Sisters. SPC sisters ata ang tawag sa kanila. See? mga sosyal ang mga madreng yan ha? may mga credentials ang order ng spc. hahaha!
hahaha! Basin sakit sa iro hinoon. galawgaw ka DFish! unsa dinhi na pud ta magkalat ug lagim? hahaha!
Anong sakit sa iro? Lol.
Ung bang asong wala makapon. hehehe. uragon?
Uy masuko ang taga-PAWS Philippines ana nga sakit kay basin mahimong epidemya through blogging hahaha. Balik sa butiki kay basin kasuk-an ta ni Teacher Rees – duda ko moabot ang panahon mag-exhibit ni si Teacher Rees on her wild finds from NM…
Wild finds? Kasama kayong dalawa ni Darbs don. Lols
darbs, ato pud kunohay ilambigit ang butiki sa atong governance. sa mga kandidato, kinsay nakabaton ug maayong kinaiya sa butiki ug kinsa ang pasaway nga mga butiki?
hahaha! basta for now ang butiking strading ang kanahang ex-convict bay mao giod na ang gapakaulaw bai. sus, na remember pa nako ang era 2000′s ulaw giod kaayo mi dinhi bai. anyway basta may butiki lang morag dili ma siguro ta ot sa? dili bitaw kasabot si manay ug visaya. hahaha!
ay sinabi mo, madaming butiki sa senado lalo na yung dalawang butiki sa senate hearing kamakailan. lol
exactly!
tinuod giod bitaw ka DFish kay ang butiki nga shot sample pa lang na. ug ang quality pang magazine giod bitaw. dili tik tik magazine ha. Kadto bang sus kalimot giod ko sa ngalan sa Magazine. anyway, nakita nimo ang uban nyang kuha? kujaw!
sino ba ang pinag-uusapan ninyo dito at namention niyo ang tiktik magazine. bwahaha.
Yung kuha mo Reesie, pang National Geographic
Check this out:
http://video.nationalgeographic.com/video/player/animals/reptiles-animals/lizards/
ikaduhang pangutana sa Butiki Weather Station: kung may mga endangered butiki, sino naman kaya ang mga endangered statesmen and women?
Endangered butiki? Hindi din ba ikaw yun Dfish? Lol. Niloloko ko lang kayong dalawa dito ha, wag magtampo. Magtagalig na kasi kayo.
nag I-swear na akong sa isang entry na mananagawog na talaga ang pag-inusapay to avoid na ma Barangay Tanod.
Kinsa nga manay? Manay Lolet ang laging nadedemandang butiki sa showbiz? In fernes sa fashionable pose ni butiki above, si Strading man gud, gihimong fashion ramp ang malakanjang…
pinaghihirapan kong basahin ang cebuano ninyo hahaha kahit papano kasabot lang nang konti hahaha
reynz, sensya na, wala kasin babel translator from bisaya to french hehe…corny question: ang butiki ba sa NM, bilingual?Hi Teacher Rees…
hindi lang bilingual, kundi multilingual ang butiki dito.
Nice shots of the butiki!
Question po: may kasabihang ang butiki ay nakakagaling ng asthma, gaano ka totoo ito mga ka-baryo? ^_^
Snow ang alam ko na butiki na gamot daw sa asthma ay yung lumilipad na kind. Ewan ko anong tawag dun sa english or tagalog basta sa bisaya hambubukag or tambubukag yun. hehehe
flying lizard ata ang tawag don mel.
ows? masubukan nga…
Snow, wala pa namang sinabi ang Carica, hehe.
Fwend,
Bago mong fafa yang butiki? Heheh..
Sinabi mo pa fwend!
ang lusog naman ng butiki na yan
cool shots! galing!
thanks dencio!
ganon talaga, dapat pinapakain ang mga models bago kakatayin este kunan ng litraks. lol
maraming pagkain sa NM pati butiki malusog.
ang ganda ng butiki, mukha syang batoki, hahaha! Ang galing mo naman mag-pichur with matching storytelling ang wiki-ing. So, depth-of-field ang forte mo, great! paborito ko rin yang macro-macro na yan. one thing good about photography is that we can confirm that our eyes are still working good! thanks to this
o sige, repeat after me… say aloud 10 times..
butiki bituka botika butiki bituka botika butiki bituka botika butiki bituka botika butiki bituka botika butiki bituka botika butiki bituka botika
hehhehe.
batuki nga, hahaha!
[...] the way, nahimamat ko pala sa pagbisita namin sa MOSI ang paryente ni “The Butiki, Bow” na nakpaskil doon sa ating Barrio Siete. Heto po sya. Tigasin di [...]