Ang Cervical Cancer at ang Gardasil
Photo: Nashoplift Dito
Napadalaw ako sa bahay ni Brainchild at medyo nagulat ako sa isa sa mga recipe nyang inihain. Ito’y patungkol sa balitang kumakalat ngayon sa bansang Amerika tungkol sa cervical cancer vaccine na may pangalang Gardasil. Tinanong ako ni Brainchild kung ano ang aking opinyon dito at ipinaalam ko na rin sa kanya na ilalathala ko na lang ang aking sagot sa Barrio Siete kasi marami din may cervix dito haha. Ang mababasa nyo ay less of a medical opinion but more of the simplified facts na hinalungkat sa Net. Marami tayong mababasa na medical information online, kaya lang madalas mahirap pagdugtong-dugtungin at nguyain ang mga ito because they are dressed in scientific jargons, isang disadvantage ng “elite education.”
Heto na ang mga facts, ang mga pangunahing sources ko ay ang New York Times, ABC News at ang leading medical journal na JAMA.
Unang fact: wala akong cervix, toinks! Ewan ko lang si Kapitana at Mel hehe.
Heto na, walang biro:
Umpisa tayo sa HPV o human papillomavirus. Isa itong uri ng virus obviously. Ang virus ay hindi cancer, okay. Ang HPV ay may 100 na uri (ang lalaki ay pwedeng magkaron din), subalit, ngunit, gayunpaman, meron lang 15 ang tinatawag na oncogenic o naging sanhi ng cancer o prone to cancer. Mga potential killer vuris talaga ang mga ito. Sa madaling sabi, ang mga oncogenic na HPV ay nakaka-cause ng cancer. Napatunayan ito ni zur Hausen at ito’y nagpanalo sa kanya ng Nobel Prize sa Physiology last year.
Punta tayo ngayon sa vaccines. Gising pa ba kayo?
Ang kasalukuyang cervical cancer vaccines laban sa HPV, ang totoo daw, dalawang klase lang ng oncogenic HPV ang tinatarget. Paano na yung 13 na kapwa oncogenic din. Silent pa dito ang medical literature. Ang dalawang ito ay ang HPV-16 at HPV-18. Linawin natin: kung ang isang dalagita ay nagkaroon ng HPV-16 or HPV-18 (o iba pang oncogenic HPV), hindi po nangangahulugan na sila ay sigurado 100 per cent nang magkaron ng cervical cancer 20 or 40 years after. Mataas lang po ang probability na magkaron sila ng cervical cancer.
Ang HPV ay ang pinakamadalas na sexually transmitted infection. Ang layunin ng cervical cancer vaccine o HPV vaccine ay pigilan ang infection upang sa gayun ay walang cancer din ang mamumuo. Parang vaccine lang sa Hepa B halimbawa na para hindi magka-cirrhosis o cancer sa atay.
Kailan pinahintulutang gamitin at ginamit ang HPV vaccine? June 2006 po sa Amerika. Para kanino? Recommended po ito sa mga babaeng may edad 9 hanggang 26, at 11 to 12, kung maari (may consent ng parents halimbawa) ay gawing routine vaccination na may tatlong rounds. Hindi po ito compulsory sa Amerika kagaya ng ibang vaccines.
Ano ang kasalukuyang pinagkakaguluhan sa HPV vaccine na ito? Pakape muna Kapitana, frapuccino daw ako ayon kay Fishbuk. Mahalia – may donut ka ba dyan?
Ang specific na pangalan ng HPV vaccine na ito ay Gardasil, gawa ng higanteng pharma company na Merck. Mula June 2006 hanggang June 2009, 25 million doses na po ng Gardasil ang nailapat, at nakaipon na rin ng net sales ang Merck na $1.4 billion. Para ma-promote po ang vaccine na ito worldwide, ang Merck ay kumuha ng mga professional medical associations kagaya ng mga sumusunod:
- Society of Gynecologic Oncology
- American Society of Colposcopy and Cervical Pathology
- American College Health Association
Balak pa lang po nila ngayon idagdag ang Barangay Bolinao Health Workers Association hahaha.
May masama ba sa marketing strategy ng Merck? Depende. Ikanga ng JAMA – kung balanse naman ang kanilang mga educational materials at ang kanilang mga strategies ay hindi nakaka-kompromiso sa tunay na clinical status ng Gardasil gaya ng totoong risks at benefits nito.
Ano nga ba ulit ang isyu?
Heto: Gumawa kasi ng study ang Center for Disease Control at Food and Drug Administration, kapwa mga government agencies ng Amerika, tungkol sa safety ng Gardasil. Ang layunin ng study – to analyse the 12,424 reports of adverse events matapos maibigay ang HPV vaccine mula June 1, 2006 hanggang Dec. 31, 2008, mga 23 million doses ng vaccine at 7 million na kababaihan ang nabakunahan. Heto ang resulta ng study:
- 8.2 reports of fainting per 100,000 vaccine doses
- 6.8 reports for dizziness per 100,000 vaccine doses
- 772 reports were considered serious
- 32 reports of death, but only 20 were verifiable with sufficient information
Heto ngayon ang mga katanungan patungkol sa report:
- Accuracy ng report: marami sa mga adverse events reports na ito ay sinumite mismo ng Merck (hmmm)
- Reporting system: ang CDC at FDA ay ginamit lamang ang voluntary reposting system na kung tawagin ay Vaccine Adverse Events Reporting System (VAERS) at hindi controlled ang study kaya walang baseline data na pagbabasehan kung ang pagkamatay halimbawa ay sanhi ng bakuna o nang ibang kadahilanan. Ang reporting system na ito ay open sa gustong mag-report ng hindi kanais-nais na epekto ng Gardasil, pati na ang mga ka-kompetensyang pharma companies ng Merck.
Sa ngayon, hati ang mga doktor at clinical experts patungkol sa risks at benefits ng Gardasil. Hindi pa kasi malinaw at established kung ang mga adverse events gaya ng pagkahilo o blood clotting o pagkamatay ay direktang sanhi ng bakuna o “in association with the vaccine” only.
May mga nagsasabing maliit lang na porsiyento ang adverse events kumpara sa pangkalahatang benepisyo.
May mga nagsasabing hindi na kailangan ang vaccine dahil mapigilan naman daw ang HPV infection through proper screening like Pap smear (most cancers were prevented through early screening and detection).
Meron ding nagsasabing nagmamalabis ang Merck sa kanilang promotion na para bagang bawat babae ay equal ang risk for cancer kung kaya’t lahat ay kailangang mabakunahan.
Isa ang malinaw na sinang-ayunan ng karamihan: kailangan ng karagdagang panunuri ng risks at benifits nito na nakabase sa siyentipikong pag-aaral at ng maipa-alam ito sa mga indibidwal na tatanggap ng bakuna. Samantala, kahit recommended pa ito ng CDC, hindi dapat pilitin ang sinuman na hindi kampante sa safety ng Gardasil. Ang mga magulang at mga babae ay dapat mabigyan ng space na magdesisyon, batay na rin sa sapat na impormasyon na responsibilidad lalo na ng kanilang mga doktor.
Hanggang dito lang po. This post is paid for by secret sponsors. Joke lang. Ginagaya ko lang ang mga pesteng infomercials.
dFish is an alumnus of the University of Texas MD Anderson Cancer Center in Houston, Texas.
Viewed 4176 times by 969 viewers
dFish is born out of three convictions. First is the conviction on the healing magic of self-expression through writing just as shopping or blogging are often anesthetic to many. Second, on the conviction over the power of prayer moments that are not totally different from a websurfer who curses every now and then when the server is down. Third, on the conviction over the ambiguity of self-emptying, or in simple terms, caring for the voiceless in our society, much more those who cannot blog due to some crippling illness or poverty, is a time-tested wisdom. Visit him at http://desertfishing.wordpress.com/













hi dfish! this is one article na i will say, lahat ng kababaihan and kalalakihan must read. Esp mga babae.
I only went to my OB when i got pregnant. maybe ganun talaga ang ating kultura sa pinas. we are afraid of being screened, more afraid of learning na may problema tayo… I am not juat saying na sa cervical cancer.
Ako kasi,takot na malaman na may problem, pero mas takot akong malaman na wala na akong magawa. Kaya sa mga babae, please, see your OB. get pap-smears regularly. prevention is better than cure.
ps. i am not convinced of this vaccine…. mas maige pa rin ang pag iingat natin, both sa kalalakihan at kababaihan.
ako naman Monique, di ako takot na malaman na may problema ak, ang takot ako sa mga testes ay eset tests tests na yan, lalo na ang pap smear!! kakngilio!!
Pehpot, I am afraid and on the cautious side kasi my fraternal Grandmother died of cervical cancer. The OB-Gyn told me naman na more than genetics, mas nasa practice daw ang cervical ca. So ayun, lahat yata ng tests na kailangan kong gawin nagawa na namin… and i am supposed to be scheduled to be re-tested when i come home.
my positive thoughts for all your upcoming tests…
hi pehps – very true. there is something very intimidating about the medical world as if we are entering a strange world once we enter a clinic or lab for tests. the medical world is at the same time trying to master over our human bodies through technology, plus the strange vocabularies – these add up to our fright…
Mabuti na lang at hindi ako nabubuntis…he he he
Advise ko lang sa mga kababaihan, as Monique says, “Get Pap-smears regulary” para always safe.
Pero meron mas magandang solution dyan aside from “Pap-smears”.. yung “PaPa Smears”. he he he
Tiyo Paeng,
Dahan dahan lang sa comment. Baka may nagbabasang kabataan dine sa Barrio Siete.
Ay uu nga pala nakalimutan ko.. sori.. ai hi hi hi.
Silver, invite kita sa videoke bar ko… ha ha ha
hehehhehe.
Mayroon ka bang shoktong at vodka dun? Dadayo nga ako minsan ng makainom at makasama ang mga nagsisikanta dun.
Saan ba tong videoke bar mo Tiyo Paeng?
@ Silver, lahat ng klaseng maiinom nandun.. mamili ka lang.. sky is the limit affordable pa lahat ng drinks… ang wala lang dun ay Lason… ha ha ha ha
D fish, sumama ka lang ke silver, kuto kuto rin sa videoke bar yan.. gala yan sa buong kamaynilaan…
nya ha ha ha
Hahaha, Tiyo Paeng, ang likot ng prostate gland mo hahaha…
hi monique, thanks for the compliment. very true observation – manana habit on top of fear and financial worries sabotage Pinoys na magpatingin habang maaga at hindi pa malubha ang naramdaman…i read your choice there, and from a woman yehey…
since nasa Philly ako, me appointment ako actually sa OBGYN ko
eeek!!! ~tingin sa baba~ wala pala ako nun hahaha!
i never knew about this kahit nga yong fallopian tube ko nakabitay sa hita ko but this was very informative, mas naintindihan ko, at least i could prepare pagdating nang araw na makabili ako nang cervix hehehe cervixa negra
anyway… kaklase ko director nang research sa merck dito sa pennsylvania hahaha matawagan nga, puro pipeline kinukwento nya
but of course! siempre merck, drug company, uunahin ang sales alam na naten yon at ok lang na tagalugin ko dahil di naman malalaman nang kebigan ko hahaha
there really are 2 conflicting interests at play sa mga drug companies. on one hand they always want/wish to discover the wonder drug like aspirin, but on the other hand, the research that was done from the beginning could be very costly kaya if they could make money out of it na, ya na siguro yong pilit na binebenta to the point na instead of relying sa research maghahanap nang marketing strategy to push their product. bottom line: ethics
wala ba? akala ko meron haha
korek ka jan Reynz, at ang nakakaloka sa mg drug companies na yan pag mas may pangalan mas mahala ng produkto…syempre sanay na sanay ako sa presyo ng mga bakuna.. sa dami ng mga anak ko at sa laki na ng na iinvest namin sa bakuna pede na siguro ako mgtyo ng sariling research labhaha
Oo pehpot. Just like this medication na gina-take ko. Ang ganda nang label nya dahil gawa nang pFizer, basta me halo sya fertilizer. So, eto ang mahal. Katumbas nang kalahating megamol. Samantalang yong generic eh katumbas nang isang pop cola.
Reynz – half-Brazilian half-Japanese na parang Sato lookalike ang OB-GYNE mo ano? hingan mo nang sangkatutak na vitamins klasmit, takutin mo kung hindi sya magbibigay, maglulunsad tayo ng online protest through BS. Tapos distribute natin Vitamins sa Kabisayaan at Mindanao, o di ba. Makakatulong din ang Merck…
Very true – pharma companies would always cannonball the cost of doing clinical trials for a certain drug to justify the actual cost of the med. conflict of interests run through the vein not only among professional medical associations but also in the academe where researchers are paid hefty sums while having access and highly credible for the most respected medical journals to justify the drug’s efficacy, the rigid compliance to the ethical guidelines, etc…
Kelan ang major transition hahaha…
isama mo pa mga gifts sa doctor at ang bayad sa mga med reps!
hehehe.
Reynz, amazing lang yung nakuha kong plastic surgeon. he/she was able to implant the ovaries as well! kaya dapat alagaan ko. hahahha!
uy baka sya din ung nakuha ko wahaha
tsaka ko na ikwekwento nag “storya” ng pagiging bakla ko
Whooo – ovary implant. Magkano Monique?
hehehe very informative!
Pads – share mo sa mga parokyanong may cervix…Never mind those na magtataasan ng kilay hahaha
hehehehe di mo pa man sinabi, pinrint ko na…
Bongga ang post na ito. Bukas na bukas din pupunta ako sa aking Ob-Gyn nang ma-schedule ang aking papsmear and everything. Charing!
Seriously, all women should take these tests because early detection talaga ang importante. Problem is, paano na lang yung hindi maka-afford. Anyway, that’s a whole new issue. Basta’t babae ka, kailangan talaga nito. Buti sana kung babaeng bakla kayo gaya ko. Hehehe
With regards to that vaccine, well, scary talaga if may ganyang side effects and may recorded deaths pa. Instead na maprotektahan ka from the virus ay mas mapapadali pa yata ang buhay mo.
If I were to choose, I’d take the test na lang and avoid the vaccine muna. Hangga’t di pa perfect ang gamot na yan ay NO ang sagot ko.
Kaya Mel, Dapat Pa check ka rin.. he he he
Bongga ba as in d recent Miss Bukidnon hehe? Uy, Mel hindi naman kamahalan ang pap smear kaya lang, pagdating sa health budget Pinoy style, mabuti pa ang pagtaya ng lotto, may budget haha. I read your choice there, a good one kasi may tested choice naman – mabuhay ka hahaha
very informative sa b7 writers lalo na sa kababaihan, i just have my ovarian check the other day, thanks God, ok naman at ang hindi magandang news, hindi pa raw ako magmemenopause, dusa talaga
hak hak hak hak to you an2nette! hahaha
ms. an2nette, you should be glad at nalaman mong you’re not yet having menopause because if so, you’ll be at risk of many diseases associated with menopause like por ehemplo, osteoporosis, heart disease at marami pang iba. hayaan mo na lang yung monthly dusa you’re not alone in it!
true – there is something “disgraceful” about ageing, but i still bet it’s a beautiful journey towards a wiser, quieter life…si maxi – maraning alam sa menopause hehe…
thanks an2nette. you have solid reasons there to celebrate.
thanks din dfish, iba na rin talaga ang tumatanda, accepted ko na yon, but of course its its nice to grow old in style, charing!
@maxi- thanks sa info, alam mo 8 years na ako dito sa germany pero never pa akong nakapunta sa OB gyne, ngayon lang dahil nga sa biglang sakit ng tiyan ko, akala ko appendix yon pala naoverfatigue lang ako, but i will see one soon, para mapangalagaan ako going there sa pagmemenopause later on
hahah @ dfish! I should know, though I have so many years to spend before getting there.It’s my field of expertise charing!
@ an2nette, here in my side of the world, pap test is done yearly and for the mammogram(breast exam) once every 3 years, some insurance company allow 1 in 2 years beginning age 40. It is also important to do your self breast exam once a month even in the menopausal stage.It is hard to be a woman!
very informative dFish…. thank you for this post…. As I have said, I’ll hold off getting this vaccine…… Hopefully, further testing can lead to more conclusive findings on the benefits and risks of this drug….
Hehe – napa-research ako sa post mo Amor. Thanks also for pushing me to the edge hehe…
Galing naman ng post na ito. Curious talaga ako sa HPV na yan, kasi katakot takot na informercials ang lumabas sa tv dito. Mga artista at mga sikat na personalities ang nag endorse at parang nakakatakot ang dating pag di ka nag pa-vaccine, Kaso, super expensive naman.
@Lani-I have asked an OB gyne about the cost. More or less Php7,000 daw ang pa-vaccine. Balak ko ngang magpa-schedule in the near future.
Nakakatakot pumunta sa doktor pero naisip ko, need ng babae na maprotektahan ang sarili against sickness.
Ms.Snow, u mean considering the vaccine? Sobrang mahal kasi, all the while ang pagkaalam ko 4K lang sya, 7k pala. Siguro, in the near future i will, for the meantime, papsmear lang muna ang aking ipipunta sa dokor..
Ang mahal pala ng vaccine Snow…ikanga ng tiga-baryo, pag change to dollar magkano hahaha…
Thanks Lani – divide and rule hehe. Kasi either people see Gardasil as a glass half-empty or half-full. It takes a little boldness to go for the vaccine i guess…
very informative. thanks doc! err thanks kuya dfish!
how about yun CERVARIX? is it safe?
naku sana naman kase i had my 2nd dose of cervarix vaccine last month haha
haha – sponsored by Barrio Siete. CERVARIX by Glaxosmithkline. Although approve na raw ng wHO, hindi pa approve ng FDA, nor its use in the US and Japan…Wala pa yatang hulaballo, wag naman sana…One thing is sure – may market competition hahaha…
i wonder ano na nangyari sa pagiging mandatory ng gardasil sa lahat ng states sa US? yung Texas kasi naging mandatory for awhile. then ang daming nag-protesta kaya tinanggal yata yung pagiging mandatory.
hmmm…minsan kasi depende sa society. so gagawa ang drug companies ng gamot na angkop sa lifestyles, etc ng society. of course sisiguruhin nilang kikita sila. tipong tubong-lugaw!
yang kasing gardasil, para ma-maximize ang effectivity eh dapat i-inject sa mga young girls before they turn sexually active. ano ang edad na yan??? 11!!!! kaya yung youngest age eh 9. grabe ano, shocking to max! imagine 11 yrs old sexually active na?! hayyy buhay.
but that is the reality. young girls with turn sexually active whether the parents like it or not. sana lang, ma-lessen ang adverse side effects ng gardasil. kasi kung may anak akong babae at sa amerika kami nakatira? putek samahan ko pa sya sa clinic magpa-inject nyan. ke subsidized ng state o hindi!
Glo, Texas Legislature passed it first into a mandatory, only to make bawi after nag noise barrage ang mga Texans sa harap ni Governor Perry. There is a recent study – actually half of the doctors in Texas recommend the vaccine. So hati pa rin…
I agree: contexts are significant. Pharma companies in America are gods as money machines. This is one socio-cultural context. Sexually active American boys and girls are getting younger, this is another context of the vaccine. But the good news is – laws and health care ethics in America are holding hands to protect individual rights.
hmmmm…wala naman palang bayag yan si perry! anu ba yan. excuse me di na ako bilib sa kanya. ;P hehehe.
yeah buti at may natira pang ethics sa law makers and healthcare providers sa america.
ang kainis kasi dyan sa US eh lahat ng lang ng bagay may gamot sila! sakit ng ulo? inom ng advil. lagnat? inom ka ng tylenol. etc etc. masakit na ingrown nails mo? pabuksan mo na sa duktor! kaya yan pati sa pagiging sexually active ng mga bata? may gamot din sila!
hahahaha!!! of course pharma companies in the US are money-making gods. eh laki kaya ng bayad nila sa gobyerno ano. yung mandate sa texas mukhang may kinita ang gobyerno ni perry galing sa merck.
hahahaha.
kahit masyadong liberal na ang society….i believe that everything starts at home. the moment lumabas sa outside world ang isang bata, dapat guided syang mabuti ng core values and moral standards. saan mang-ga-galing yan? of course sa parents. sa moms in particular if the dads work longer hours.
what if both parents work long hours?? ayun lumaki na sa daycare, teachers at nannies ang mga bata. so ano ang labas? eh di 11 nga sexually active na!
hahahaha!!!!
masyado kasing materialistic na ang mundo. dapat ang tao latest model ang cellphone. ang car after 5 years palitan na din. ang mga damit, every season nagpapalit ng wardrobe ang mga tao. and their other “toys” too!!
kaya nga isa or dalawa lang ang anak kasi magastos. then isa na nga lang ang anak, napabayaan pa!!! kasi both parents are career people and have to put money on the table.
kaya ayun, 11 yrs old sexually active na!
in 5 yrs anong edad na kaya?? baka 7 na! putek di ko na matatanggap yan. kasi molestation na yan. and if somebody does that to my kid? i will surely kill the person.
heheheehe!!!
i wont be surprised if one day merck comes up with a drug that prevents farting in public and hiccups at inconvenient times!!! ano pa sunod? gamot para tunawin ang in-grown sa toes? hahahaha. i really wont be surprised. coz everything was demanded by society.