Ang Galing ni Susan Boyle
Bwahahaha….ang taray-taray ng ating manay na si Susan Boyle. Ichinika sa akin ni Aling Karing na may tindahan sa kanto at syempre, si Aling Barbie na may-ari ng parlor na kinukunan ko ng chizmax – e itong ating manay na si Susan Boyle e pasok na sa finals ng Britain’s Got Talent.
Alam natin ang kwento ng ating manay na ito – noong una e pinagtawanan at inirapan pa ng mahaderang feelingera na akala mo e magagaling pa sa mga kokak kung kumanta. Hmpt! Nagkamali kayo. Ganda ng boses palang ni Susan Boyle e nginig to the bones kayo dyan! Mga mahaderang kokak! Tseh!
Noong una kong narinig ang mala-kristal na boses ni Susan Boyle sa rendition nya ng “I have a dream”, susginoo, naluha ako sa ganda ng boses ni manay! Napaiyak ang lola nyo dahil peel na peel ko talaga ang pagkakanta nya. *kagat labi*
Hoy! Wag nyong kalimutan ang pagboto at pagbili ng balot para kay Susan Boyle! Haha.
O siya, para sa mga nakamiss ng semi-finals rendition ni Susan Boyle, go watch this video na aking naharbat sa YouTube.
Viewed 4267 times by 531 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.













medyo mahina ang unang tirada niya sa kantang ito, pero yung ending naman ay kasing grand noong I have a dream niya. Sana manalo sya.
Oo mahalia. Buti na lang e bumawe siya dun sa kalagitnaan na.
medyo kinabahan si susan noong una.
mahalia,
pareho tayo ng observation.
Ms. Cat,
Isang sampol nga ng opera from you.
[...] also my post over at Barrio Siete. CLICK HERE. Posted in showbiz and entertainment. Tags: Britain’s Got Talent, Susan Boyle. No Comments [...]
Sana manalo sya! Once again, we all love underdogs!
Pero magaling naman talaga sya.
Magaling nga siya fwend. naloloka ako pag kumanta yan.
mas gusto kong manalo si Shaun Smith kaysa sa bruhang yan!
NGAK!?!
GANON?!?
hahahha…
For the sake of debate jim, baket gusto mong manalo si Shaun Smith?
matingnan nga si Shauna Smith na yan sa Youtube, baka bumalimbing din ako.
Hahaha….
For the sake of debate nga naman. Hahah..
ayos ayos, sana manalo sya
Ako din orph..sana manalo din siya. haha.
ang buhok! “never touch the hair” sabi nga nung isang judge(the guy, not simon). Instant fame nga sya sa amerika, at gustong harbatin at dalhin sa tate. late na dumating ang kanyang dream, pero dumating pa rin, good for her.
At least, pinatunayan ni Susan Boyle na its never late to dream.
Yeah, I agree. Hanga nga ako. She’s an inspiration.
hehehe pansin ko sumemplang sya sa start! but overall i like it!
i think sumikat sya because she represents the typical dreams nang karamihan na di lang bata ang me dreams hahaha korak?
Precisely.
Kinabahan siya nung una. Pero may ginamet siyang technique dun sa diaphragm nya para lumabas lalo ang boses nya.
galing mo sa spelling! diaphragm, hirap nun huh!
diagram? hehehe
Ewan ko kung tama yan. hahaha…
naman! nakakarelate ka ba? ako kasi, oo, hahaha!
bat dun napunta response ko ke rheynz?
Baka minumulto ka roni. lols.
ewan ko seyo roni! wala naman akong dayapram hahaha ano baaa!!! hahaha!
Fan din ako ni Susan Boyle. Tapos yung kaibigan ko, na-adik, araw-araw for over a month pinapanood si Susan sa YouTube. Tipong hindi kumpleto ang araw nya pag hindi nya napakinggan.
Naalala ko yung constant reminder ni Simon Cowell kay Susan(paginiinterview sya), remember you are not there yet.(or sometin like that)
For me being in the semi finals , brought her ” There”.
Parang ganun din naman ang sinasabi ni Cowell sa favorite nya na umabot sa semis sabay di nanalo sa American Idol.
hindi mananalo si aling susan. yung mga early favourites sa past seasons hindi nananalo. oo, negastar ako. hahaha
pero actually gusto ko talaga manalo siya.
aling susan, go lang ng go! as in G-O-W, go!
pinanood ko uli hehe natakot ako sa entrance nya hahaha! pero at least nabawi yong boses!