Home » Engkanto Files

Ang Giyera ng Tutong na Kanin

22 June 2009 25 Comments

Kumakalembang na ang simbahang bato, senyales na ng mga naglipanang kabataan sa maikling kalye ng Munting Bayan na magsipasukan na sa kani-kanilang mga bahay. Sumisigaw na si Aling Vilma, “Long long, mangadlo ka na ng tubeeeg, darating na ang tatay mo!”

Naguunahan na kaming mag-kakapatid sa aming pintuan. Kapag ako ang nauna, agad kong ikakandado ang makalawang naming gate. Sabay naman ng mala-Bruce Lee kong kapatid na pagtalon sa nakakandadong gate.

Agad akong maghuhugas ng aking maalikabok na paang parang pinulbusan ng Johnson’s. Kulay tsokolate na ang tubig na dumadaloy sa gilid ng batong tangke na pinag-iipunan ng tubig tuwing ikalawang araw.

Kinig ko na ang kalampag ng pinggan na nagsusundo sa aking mga kamay na maghain sa lamesa. Anim na pinggan sa mga bata, isang plato sa aming ampon na kapatid, isa kay Nanay at isa kay Tatay. Pagka-lagay ng huling kubyertos sa hapag-kainan ay umuugong na ang bangko na iniisod ng aking tatlong gulang na kapatid. Mananalangin na si Tatay at tila ba’y Agawan Festival ang salu-salo ng gabing iyon.

“Teka, teka, mga anak, hinay-hinay lang. Baka mabilaukan kayo.” Ang madiing paalala ng Nanay.

Para bang ilang segundo lamang ang aming pinag-upuan nang binuksan na muli ng Tatay ang kanyang librong nakatago sa imahinasyon naming mga anak.

“Noong ako ay bata pa,” ang simula ng bagong kabanata na karugtong ng kwento kahapon. “Nakatira kami sa Bagiuo. Doon ay nakakita ako ng mga kweba na tinataguan ng mga tao mula sa hapon noong panahon ng giyera.” Bigla namang sumabat ang aking batang kapatid, “May ginto, ‘Tay?”

“Aba’y di pa ako natatapos sa kwento ko eh sabat ka na ng sabat.” Ang malumanay na sagot ni Tatay.

“Ang mga kwebang ito,” Nang ituloy niyang ikwento, “Ay may istorya mula sa aking mga ninuno.”

vNagsi-abante na kaming mga mag-kakapatid sa aming mga upuan, agad na itinigil ng aking kapatid na babae ang kanyang pag-inom ng tubig habang ang Nanay naman ay nagsawsaw ng isang pirasong tuyo sa sukang may sibuyas.

“Noong panahon kasi ng giyera, isang hapon na kagaya ngayon, nang kumakain ng langgonisa si Lola at ang kanyang pamilya nang biglang nagsilakasan na ng putok at barilan sa Bagiuo nang magsi-lisan sila sa pinaka-malapit na kweba. Binitbit nila ang kanilang kumot, isang kalderong kanin at ilang longganisa.”

“Paano ang tubig?” Sabi naman ng kapatid kong lalake.

“O sige na nga, nagbitbit rin sila ng tubig. Gusto nyo bang marinig ang kwento o hindi?” Ang naiiritang sagot ng tatay.

At halos magkakaparehong tono naming binigkas ang, “Sige po, sige po.”

“Nang kumain ulit sila, dahil madilim sa kweba at nalimutan nilang dalhin ang gasera, ay may kakakaiba silang naramdaman habang kumakain…”

Kinig ko na ang dubdubdub ng aming mga dibdib at sabay na pagtaas at baba ng aming mga pitso sa lalim ng aming hininga. Malakas na katahimikan ang lumaganap sa kusina at naalimpungatan lamang ng kutsarang kumatok sa kaldero. Nagsitinginan kami sa aming ampon na kapatid.

“Bakit? Kumukuha lang ako ng kanin, baka maubusan pa eh ang sarap ng kwetuhan.” Ang sabi niya.

“Hay!” Ang sabay sabay naming kalahating buntong-hininga. “Tay, dali anong nangyari?”

“Sa loob ng kweba, sumubo ang lola ko ng langgonisa at isang dakot na kanin. Nang maramdaman niya na gumagalaw na ang kanin. Nagsisigaw siya at tinakpan ng kanyang Tatay ang nguso ng nag-iirit na bata. Nagpumiglas ang lola ko at nagtatakbo sa labas. Hinabol naman ng kanyang Tatay at mga kasama sa bahay ang bata sa labas. Ayun pala ay tapos na ang giyera. Panatag na sa labas. Ano ba ang nakain ng lola ko? Sa tinagal-tagal nila sa loob ng kweba ay inuuod na pala ang pagkain. Matagal na palang tapos ang giyera pero nirarasyon pa nila ang pagkain sa kweba sa takot na makalabas. Kundi pa sa uod ay doon na sila makukulong habang buhay.”

“Ahhhh!” Ang sabay sabay naming anim na buntong-hininga.

“Ang aral sa kwentong ito ay minsan sa buhay natin, nakukulong tayo sa madilim na kweba dahil sa ating mga takot. At minsan rin ay mararanasan natin ang mga nakakaasiwang bagay na naghuhudyat na panahon nang lumabas sa mga kweba ng ating takot.”

“Hala, hala, at magsihugas na kayo ng pinag-kainan at TV patrol na, manonood muna ako ng balita.” Sabay tayo naming magkakapatid habang kumakatok pa rin ang kutsara ng aming ampong kapatid sa kaldero ng kanin.

“Tutong na, tama na ang kain!” Ang sabay sabay naming sinabi.

Mahalia blogs at Chocolateword. Isang may-bahay at kasalukuyang apprentice trainee ng Christian Writer’s Guild. Kumuha ng ilang kurso sa UCLA ng Creative Writing.

Mahalia Shoup
Visit her at:
http://chocolateword.net

Related Posts with Thumbnails

Viewed 14010 times by 2828 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

25 Comments »

  • an2nette says:

    Hi mahalia, ang cute ng kuwento ng tutong na kanin at may lesson pang mapupulot

  • Mahalia says:

    lagi kaming kinukwentuhan ng tatay sa hapag-kainan, para di namin pansin na tuyo, suka at kanin lang ang pagkain namin. nakakaraos kami dahil magaling ang distractionary tactic ni fadir.

  • mel beckham says:

    Super bongga ang story. Aylavet! More Mahalia. Hihi.

  • Lalaine S. says:

    Na-miss ko bigla ang tuyo.
    Salamat sa nakakatuwang kwento, Mahalia. :)

  • reynz says:

    “Ang aral sa kwentong ito ay minsan sa buhay natin, nakukulong tayo sa madilim na kweba dahil sa ating mga takot. At minsan rin ay mararanasan natin ang mga nakakaasiwang bagay na naghuhudyat na panahon nang lumabas sa mga kweba ng ating takot.”

    I can relate hehehe! Mahabang story ang coming out ko, there were several stages, blog material sya. Pero fast forward ko na lang.

    I lived in a kweba for a very good number of years. Dahil sa takot. I was miserable until dumating yong time na lumabas ako. Best years of my life…

    • Mahalia says:

      reynz,

      blog mo dali!

      I guess fear is a universal emotion. If we overcome them then it is a feat worthy of note.

      Kung di natin masugpi ang takot, habang buhay tayong kakainin nito. Hanggang maparalisa na tayo sa ating kundisyon.

      • reynz says:

        hahaha! u have no idea gurl kung anong klaseng kweba ang dina-daanan nameng mga gurls hahaha but i am sooo out of the closet kiver!!! hahaha!

      • Mahalia says:

        nakapanood ako ng movie na Into the Wild with Christopher Mccandless, sa huli ng film ang isang linya niyang sinulat:

        “Happiness is only real when shared with others.”

        kagaya ng kweba na stuck sya sa wilderness ng Alaska. Ayon na-gutom sya at na dedo. But in the end he realized that he should accept others and also realized that others accept him as he is.

        Kweba, wilderness, or locked closet, we should at least strive throughout our lives to try to get out. It’s what makes this life a journey.

  • reynz says:

    the uud in my kanin inside my kweba was pretending i was straight when i was not. yes, pang-oscar award ang straight acting nang lola. complete with supporting actresses. sinayang ko ang mga araw na umarte ako…

    • Mahalia says:

      lola was also an opera singer noong araw.

      yung nanay naman niya, may kwento rin, noong panahon ng hapon raw, maganda at mahaba ang kanyang buhok. Kung mamamlengke sila, daraan raw sa check point. Sa palengke raw ay nanghihingi sila ng dugo ng manok. At super soak sa palda para raw di sila pansinin ng mga sundalong hapon.

      reynz, pwede ka pa rin sa sundance film festival. pramis!

  • Dinah says:

    ha ha, ang galeng ng story mo. feel na feel ko ang dubdubdub ng mga dibdib sa excitement. at halos bonus na lang na may moral lesson ang kwento. the storytelling was superb :-)

    • Mahalia says:

      thanks dinah!

      dubdubdub, kinabahan tuloy ako sa touching na compliment. salamat talaga. kailan tayo mag-gagarden. May alam akong magandang nursery at flower garden sa Laguna, kapag ako ay umuwi “Its a Date” ha?

  • dfish says:

    Tamang-tama Mahalia, kagabi at kanina lang, napag-usapan namin ang lumisan ng beteranong lolo na sumalubong kay MacA sa Leyte landing, kung may makukuha pa ba syang bagong veterans’ benefits na ipinamudmod ng O admin.

    The whole story – nakakarelax sa isang hyper na kagaya ko hehehe…Look forward to reading more of your creative outputs here in D Barrio…

  • darbs says:

    Wonderful story Mahalia. Nakakarelate talaga. Mainit na white rice, tuyo at adobong kangkong okey na!

  • lee says:

    wow ok sa olrayt ang story mo mam mahalia parang lowla ko palagi kaming my kwento sa gabi bago matulog,sigh may bumabalik tuloy sa ala ala ko nung maungkat yung madilim na kweba hahaha.

    • Mahalia says:

      Noong panahon kasi natin Lee, tatatlo lang ang tsanel, tapos nung unang unang panahon, black and white pa ang tv. kaya mas masarap mag huntahan. ngayon naman technologically infused na tayo at ang ating mga kabataan, kaya lalong lumalaki ang relational gap ng mga tao. ay pilosopikalin ba?

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.