Home » Buwaya Files

Ang kuwento ng snatcher na pulis

2 July 2009 25 Comments

Last October sa aking blog, sinulat ko ang nakakainis na nangyari sa akin. Naging biktima kasi ako ng bag snatching by a motorcyle-riding man sa  aming company parking lot sa may Malate. For an office worker like me, malaking bagay sa akin yun kasi worth P75,000 ang mga bagay at pera na nawala sa akin. I just withdrew P15,000 from the bank to pay my bills, I had P5,000 worth of gift checks in my wallet, at nandun rin syempre ang aking mahalagang IDs at ATM. Natangay rin ang bago kong iPod Touch na may sentimental value sa akin kasi yun ang unang regalo sa akin ni Mister nung kami ay magsyota  pa. Andun din sa bag ang isang Nokia N82 at lumang Sony Ericsson K800i.

Dahil ako ay isang dakilang magnet sa mga tulisan at hindi into ang first time na ako ay manakawan o madukutan, I went through the motions of having the whole incident put in a blotter in the police station. Sa totoo lang, wala na akong tiwala sa ganitong mga eksena kasi talagang magsasayang ka ng laway mo. Nakakaiyak ang justice system sa lupang tinubuan. At inisip ko na usual statistic lang ako sa mga les-pu. What I lost meant the world to me, but they’re probably so jaded kasi ang daming nakawan sa Maynila.

Nagulat na lang ako nang two days after ako ay manakawan, lumabas sa tri-media ang news na may nahuling pulis na nag-attempt mag-snatch ng bag ng isang dalaga. Sa kamalasang palad ng tulisan, ang babae ay may kasamang malaking Amerikano at na-overpower sya. What made it interesting was that ang krimen ay nangyari sa same spot kung saan ako ninakawan two days before. Kaya naman agad akong pumunta sa Western Police District para makita ang kumag. Ganun na lang ang disbelief ko na malaman na ang recollection ko sa aking snatcher matches the captive Police Patola. Bago kasi nya ako nakawan ay nagslow down pa sya sa kanyang motor at akala ko ay magpa-park sya. I did not ever think it would happen to me in a parking lot supposedly manned by roving guards.

But I guess there’s justice in this world kasi nakulong sya, bagama’t pinakawalan after 24 hours kasi ang pagnanakaw daw ay bailable offense. He has also been suspended from the force. After that, nakipag-meet na rin sa akin ang isang opisyal ng Napolcom dahil magsasampa na sila ng kaso sa snatching policeman. I have also been in touch with Ivy, the girl na may kasamang Amerikano na dahilan ng pagkahuli ni PO2 Mamicao (yes, yan ang pangalan ng tulisan). Nakakalungkot isipin, almost one year na and justice grinds slowly. Am glad na kahit di ko makuhang umattend sa mga hearing dahil may work during weekdays, at least ginagampanan ni Ivy ang papel na magtestify sa korte.

Ako naman, forgive and forget sa aking katangahan, at katangahan ng pulis na ito na lalo pang sumisira sa imahe ng ating peacekeepers (kuning). Why would anybody risk his employment and position doing that kind of thing, openly and brazenly? Naniniwala ako na sa lahat ng mga nawala sa akin ay mas lalong maraming grasya ang dumating. Pero syempre, gusto kong mapagdusahan ni Pulis Patola ang ginawa nya. One of these days, I will take the witness stand and pray na wag naman sana dumami ang tulad nya. Nakakawalang tiwala talaga. Suddenly, mas mukhang santo  ang Kotong Cops kumpara sa ganyang klaseng gawain na ang motorsiklong gamit pa man din ay may sign na “Manila’s Finest.”

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12114 times by 2085 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Technews Columnist of the Manila Bulletin, one of the Philippines most widely-read English broadsheet. You can find her blogging at http://www.annalyn.net, which is her main blog, http://www.weddingfactsheet.com, which is a wedding blog and http://www.balutpenoy.blogspot.com, a food blog.

25 Comments »

  • lee says:

    “ang motorsiklong gamit pa man din ay may sign na “Manila’s Finest.”

    nyaaaaak

  • reynz says:

    hay naku! i have my own story to tell, na-iblog ko na rin to. dinekwat nila ang server namen dahil nag-download daw kami nang porno.

    yong lalaki was in our shop mula pa umaga hanggang gabi paulit ulit. sa bwisit nung manidyer ko = dinawnload nga. piktapos nun, hinarbat yong server at binitbit ang manidyir ko sa WWWW di ko na sasabihin. ang hingi? P150k makalabas lang. ang galet ko nunnnnn!!!!

    i called my nephew na nagkataon – of all services – tiga PNP den – mahabang story – mas senior ang pangkin kong tiga PMA dun sa tiga WWWW. wala kaming binayad sa mga leche. if i know mga bantay salakay ang iba dyan.

    mas masaket seyo. nakamotorsiklo and who knows, public funds pa rin ba yon? gasolina pa nang bayan? dapat sa mga lespu na ganun hindi kinukulong kundi kinakapon.

  • nina says:

    kakaloka naman yong laman ng bag-ang dami. alam mo dati nadukutan friend ko ng cellphone – nabalik din kasi kilala din pala ng mga pulis ang mga mandurukot na yan.

  • dencios says:

    mam anna, wala namang bago sa atin, magkakasabwat naman lagi sila.

  • Mel says:

    biktima din ako ng mga ganyan. pagdating ko ng police station ay nireport ko agad at baka puede pa nilang harangan ang exit points or habulin. walang ginawa ang mga leche. para akong nasa Miss Gay dahil interview portion lang ang nangyari.

    pagdating ng December nagpadala pa ng solicitation letter sa ofis, ang kakapal!

    sad to say, statistics lang ang nangyari sa kaso ko.

    • reynz says:

      hahahaha! solicitation?! hahaha! ang probleman nito baka yong nag-interview seyo eh me alam haha

    • ajay says:

      Sorry statistic nga lang tayo eh. Nung nasa police station ako, ang dami kong nabasang cases na nakapaskil sa bulletin board. Talamak din ang mga incidents na nasa McDonald’s ka eh nakuha na pala ang bag mo na nakalagay sa upuan

  • Silver says:

    Hay naku, litsi talaga. Kung hindi durugista ang pulis eh snatcher naman. Arrrggghhh.

    Hoy PO2 Mamicao!!! Tigas din ng mukha mo noh? PO2 ka nga lang e ungas ka na. Makita ko sa kalye ang isang yan e madagukan ko yan. Ungas eh. Hmpt!

    • ajay says:

      Meron akong picture nya at ng kanyang motorsiklo habang nasa WPD jail. hahanapin ko nga lang sa opis eh. Maganda sanang mailgay dito. Alam mo bang inalok pa nya si Ivy ng P20T settlement, iurong lang ang kaso? Mayaman pa rin ano?

  • Glo says:

    bad trip! maiiyak din ako kung sa akin nangyari yan. lahat din kasi ng laman ng bag ko eh may sentimental value. ;) hayyy.

  • jimg2940 says:

    wen aygro ap aywannabi a Manila’s Finest, lucrative job palayun…lolz

  • Mahalia says:

    who can you trust? Kung kahit pulis ganyan ang sideline?

  • reynz says:

    it just occurred to me: nag-sisigaw si ajay nang:

    Pulis! Pulis! Paki-huli nung snatcher na Pulis!!!

    hihihi

  • Grace says:

    Ang teacher ko ay na snatch din pero di niya nakita ang mikha dahil nakatakip ang helmet sa mukha niya.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.