Home » Baryo OFW

Ang mga Pinoy TNT at ang mga buwaya sa katihan

28 May 2009 20 Comments

Maraming mga taga barrio siete rin ang nagiging biktima ng buwaya sa katihan–ang mga Filipinong nagbebentahe sa mga TNT (tago ng tago ) na mga Pinoy.

When interviewed by US immigration agents, Mr. Ngo said what he did was a “cultural thing. He wanted his people to eat and send money to their families in the Philippines. We are not harboring terrorists here.

Ito ang sinabi ni Wilfredo Tiongco Ngo, 51 nang siya at kaniyang asawang si Maria Teresa Lamayo Ngo ay idinemanda dahil sa pagkuha ng mga illegal na Filipinong para sa kanilang Board and care business at pinagmumulta ng 10.75 million dollars . Posibleng makulong sila ng 250 taon. Hindi kayo nagkamaling magbasa talagang 250 yan.

S…yet…cultural thing. Ano siya nababaliw?

Ang mga akusasyon ay:

• inducing aliens to reside in the United States;
• knowingly employing illegal aliens;
• knowingly harboring illegal aliens; and
• counseling persons to engage in marriage fraud.

Malalaking kaso ito. Kahit ang mga Puti ay napaparusahan kapag sila ay nahuling may illegal na empleyado o kaya ay pinagmumulta ng mahigit 10,000 dollars.

Sila pa kaya na mga green card holders lang.

Ang mga practice ng mga Filipinong naging businessmen dito ay pagsamantalahan ang mga TNT na Filipino. Ang pasweldo nila ay mga 600 dollars lang ang a month at walang health insurance, walang unemployment insurance at bayad sa Social Security ng medicare at disability. Karaniwan more than eight hours ang trabaho.

Bakit sila nagtitiyaga? Kasi wala silang kapapelan at takot din silang maipakulong.

Ang pang-aapi ng mag-asawa sa mga TNT ay nabuking nang magfile ng unemployment benefit ang kanilang empleyado.

Dito kasi pag tinanggal ka puwede kang mag-apply ng unemployment benefits kung saan tatanggap ka ng sustento sa anim na buwan habang naghahanap ka ng trabaho. Pero bago gawin iyong ng EDD, nag-iimbestiga muna ito at chinicheck nila kung nagbabayad ng premium ang employers.

Dahil mga illegal ito, wala siguro itong tunay na Social Security number kaya hindi pweden ireport sa EDD.

Mula nang 9/11 mahigpit ang ICE (sangay ng US Homeland Security) sa mga employers na naghahire ng mga illegal.

Marami ang mga nahuhuli kapag nagreraid ang mga immigration na mga TNT. Isa pang

Nagtuturo ay mga kapwa rin Filipino. Malaki kasi ang bayad sa mga Makapiling ito.

Lahat ng sumbong ay iniimbestigahan ng immigration.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12936 times by 2613 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.

20 Comments »

  • alex says:

    haay… tanong paano sila nakakalusot muna sa immigration ng pinas?

    sagot: $500(US po) kada ulo para sa tinatawag na (escort fee).

    am a victim…

  • alex says:

    uy base pala ako!!!

  • reynz says:

    Malalaking kaso ito. Kahit ang mga Puti ay napaparusahan kapag sila ay nahuling may illegal na empleyado o kaya ay pinagmumulta ng mahigit 10,000 dollars.

    kung pwede lang ngang i-blog! hahaha! i have witnessed nang mga ilan nito happening sa Philadelphia at nakaka-awa actually. den marami pa akong narinig, but eto ang experience ko dahil nga my sister used to work noong nagsisimula pa lang kami, sa isang direct mail.

    direct mailing house, eh puro junk mails. mag-so-sort ka nang mga mails. andaming pinoys here. at meron nga akong kilalang pinoy entreprenuer sa Philadelhia na winalanghiya ako, pero ok lang, mabait si Bathala, nagbayad sila in some other ways. karma.

    anyway, mahihilig ang mga mailing house na to maghire nang mga walang papel. simple. below sa pinakabelow minimum wage ang sweldo. ayuff pa ang lugar, minsan kairita sa dumi. i should know, pinagtiisan ko sya as part time job ko noong i was going to school dahil kelangan ko nang pera.

    little did i know na andami ko palang kasamang mga walang papel. dumating sa point na me mga nag-away away. ayun! me nagsumbong sa immigration. one saturday, nilusob yong mailing house, it was the most napakalungkot na nakita ko ever. mga ilan ang na-deport. deretso pala yon, di na nakauwi nang bahay.

    di pa yan. in all the commotion, inatake sa puso yong isang pinoy. and that’s what made all the story sad.

  • The Cat says:

    reynz,
    sa isa mga natrabahuhan ko na kumpanya. yong naging Bise naman na Pinay, isa-isa kaming pinag-initan at ginagawan ng issue doon sa absentee president.

    yon pala ipapasok yong mga tao niyang walang kapapelan.

    meron siyang kakutsabang immigration lawyer. ang hindi niya alam, lahat ng tip sa immigration whether it is anonymous or with names, iniimbestigahan nila kahit abutin ng taon.

    yong lawyer disbarred, hindi ko alam yong mga walang papel na mga empleyado kung deported.

    nagresign na ako doon bago pa nahuli.

  • The Cat says:

    very interesting ang paglusob ng mga authorities.

    doon sa opisina ng aking kaibigan, kung saan nagrerecruit ng mga professionals as in managers, accountants, etc. na ipinapadala sa Philadelphia, oo doon sa lugar ni reynz where they are made to work in restaurants as busboysm waitresses, with a minimu wage salary but working 10 hours a day…
    after 2 years of investigation, niraid ang office.

    Nakilala niya ang mga agents. minsan nag-aaply sila kuno, yong iba, kunwari naliligaw.

    kulong yong boss niya at nasara ang office. ang daming naging biktima sa Pinas.

    ang aking kaibigan ay sa IT lang naman at ginawa siyang state witness, kaya hindi siya damay pero nag-appear siya sa grand jury.

  • Mahalia says:

    kawawa naman ang plight ng mga TNT. Kung tutuusin, gusto lang naman nilang maging maayos ang kanilang lagay kahit na below minimun wage ang kanila kita rito sa US. Mas maigi na rin kaysa sa Pilipinas o kaysa sa wala.

    Kaya lang (naku marami ang maloloka sa aking statement na ito) unfair para sa mga taong nag-pursigi, nag-bayad sa tamang immigration process and forms (mahal ga kamo!), nag-pa-interview (time and money and sagabal rin ang laging nag-papa-interview sa INS na malapit o malayo sa inyo) at luminya sa kung saan saang palistahan at huwag kalimutan ang pagkadami daming photoshoot at mug shots na kukunin para siguradong ikaw nga yan, ang dadaraanan mo (nating mga di TNT).

    Hindi naman usapin ito ng pribilehiyo. Maaring sabihin ng ilan na pribilehiyo ng may pera ang makapunta sa Tate. Kasi kami ba naman, wa naman kaming Swiss Cooperative Bank account. Kahit nga anong bank account wa talaga. Napa-singit lang nung makakita ng opportunity.

    Kung walang mag-eencourage na iiimport ang TNT, walang problema. Kung gusto talaga ng ilan na tumulong sa mga kababayan natin, sundin ang tamang proseso. Ganon lang, then walang problema.

    Hirap kamo ng may laging isipin sa gabi, laging balisa kung bubulabugin kayo ng Immigration Officer 24/7.

  • The Cat says:

    Kaya lang (naku marami ang maloloka sa aking statement na ito) unfair para sa mga taong nag-pursigi, nag-bayad sa tamang immigration process and forms (mahal ga kamo!), nag-pa-interview (time and money and sagabal rin ang laging nag-papa-interview sa INS na malapit o malayo sa inyo) at luminya sa kung saan saang palistahan at huwag kalimutan ang pagkadami daming photoshoot at mug shots na kukunin para siguradong ikaw nga yan, ang dadaraanan mo (nating mga di TNT).

    Totoo yan mahalia. yong aking abugado, binalaan ng hipag kong abugado (pareho silang puti) nang magsalita siya na ang mga Asyano raw kasi mahilig manloko sa visa.

    muntik na iyang ipadisbar ng aking hipag.

  • The Cat says:

    Hirap kamo ng may laging isipin sa gabi, laging balisa kung bubulabugin kayo ng Immigration Officer 24/7.

    Alam mo bang minsan may mga pumasok na ahente sa aking bahay. yong aking boarder na lalaki, pinapasok habang ako nasa itaas. sabi may hinahanap daw silang
    TNT na babae. eh ako lang babae doon ah.

    hinanap ko ang search warrant nila. gusto ko silang sampalin ng aking isang maletang papeles.

    nag-apologize sila. wrong tip.

    • Mahalia says:

      —->gusto ko silang sampalin ng aking isang maletang papeles.

      Totoo nga, isang maleta rin ang papeles ko. Pamana ko sa mga anak ko, pang recycle nila. hahaha.

  • The Cat says:

    mahalia,
    ang masaki pa minsan sa katamaran at katangahan ng ibang nasa INIS (nakakainis kasi) nawawala ang file. may inaayos na naman aking isang paketeng apffidavits dahil humihingi na naman. Sayet. talaga.

  • lee says:

    naku mam cat, diba ibinuking nuon ni Goma si Amalia fuentes na syang nagbubuking ng mga TNT kasi malaki ang bayad at yun ang pinagkakakitaan daw ni amalia sa tate, sinabi pa ni goma na kunyari tumutulong si amalia sa mga tnt pero ang totoo nangunguha lang ng impormasyon kung saan saan naroon ang mga pinoy tnt

    • Snow says:

      Rumor has it na ginagawa raw talaga ni Amalia Fuentes ito Lee. Hmmm, what a way to make a living! :(

      • lee says:

        naku mam snow dami nilang raket kahit na nga ibenta na sariling kababayan at magkamal ng salapi sa pawis at dugo ng taong nangangailangan, walang pinag kaiba sa mga politiko natin parang mga bampira

      • Snow says:

        mas mabuti pa pala sina annabelle rama at eddie gutierrez. kaldero ang binebenta nila sa states hindi sariling kababayan.

    • The Cat says:

      may time yata umabot sa 3000 per head.kaya dito sa ibang states, pag may nakilalang “makapili” (yong nagbebenta ng mga TNT, inoostracize sila sa community. para silang lepers.

  • The Cat says:

    Rumor has it na ginagawa raw talaga ni Amalia Fuentes ito Lee. Hmmm, what a way to make a living!

    nakatira sina amalia sa gated community dito. noong di pa sila hiwalay ng kaniyang asawang puti.

    ang lakas nga balita dito niyan hindi lang dahil sa pera kung hindi pag may galit siya. kaya di ba nga hindi sila magkasundo noon ni liezl.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.