Ang OFW at ang Sakuna sa kanyang Bayan
“Rescuers continue to dig for possible survivors and bodies at landslides in the village of Puguis, La Trinidad town, Benguet province, northern Philippines on Sunday Oct. 11, 2009. Driving rain on the heels of back-to-back storms triggered dozens of landslides across the northern Philippines, washing away villages and leaving almost an entire province under water.” Source: Yahoo
Nanlulumo ako sa balita saten. At mas lalong nanghihina ang tuhod ko habang me kasama akong isang OFW na direktang na-apektuhan nang sakuna sa ating bayan. Masakit sa dibdib.
Nang humagupit ang Ondoy bago matapos ang buwan ng Setyembre halos lahat ng kaibigan ko na Muslim na kasalukuyang nagdadaos ng kanilang Lebaran ay nagtanong sa akin kung ok lang ang aking mga kamag-anakan sa Manila.
Nag-alok din sila ng tulong at dasal sa ating mga kababayan. Habang ako ay ay nagkasya na lamang sa pagbabasa ng balita online at pagpapadala ng text sa mga kamag-anak para mangumusta. May mga kamag-anak kaming nasalanta at dahil wala naman akong direktang maitulong nag-pledge na lang ako. Dahil siguro na-eclipse ng ka-showbizan ang pagsagip ng mga nasalanta ng Onday sa Metro Manila di ko masyadong maramdaman at nakita ang mga tutuong mukha ng lupit ni Ondoy.
Nandyang makita ko ang mukha ni Mikey Arroyo na bumibili ng alak, mukha ng mga starlets na parang sila lang ang may karapatang masagip at mabuhay dahil may mga pelikula pa silang ipro-promote at tatapusin. Ang pinakamalala, isang socialite na umiinom ng wine habang hinahagupit ni Ondoy ang Metro Manila para daw makatulog sya ng mahimbing. Lahat ng ito ay nasa news at mga blogsite at di ko maipaliwanag sa mga kaibigan ko bakit ganito ang laman ng news tungkol sa aking bansa. Wala naman tonong panlalait ang mga tanong sublit takang-taka sila kung tutuo nga ba nag mga ito.
Nitong nakaraang Linggo dinalaw naman tayo ng kalamidad, may mga kaibigan akong direktang na-apektuhan nito. Ang aking flatmate ay nawalan ng tyahin, pinsan, pamangkin at mga kaibigan sa Benguet dahil sa landslide. Papano mo aaluin ang isang kababayan sa ganitong sitwasyon? Pwede ko bang sabihin …
—Kaloob ito ng Diyos tanggapin na lang natin?
—Mag-contribute tayo at magpadala ng abuloy?
—Ipagdasal na lang natin sila?
Alam ko na hindi ito ang mga katagang gustong marinig ng isang tao na nawalan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang iglap. At alam ko rin an di sapat ang pagsasabi na “lilipas din ito at makaka-recover ka rin”. Pero ano ang aking sasabihin? Di ko alam. Kaninang umaga di pa rin lumalabas sa kanyang kwarto ang aking flatmate.
Dahil di ako makahagilap ng tamang salita, para ibsan ang kanyang kalungkutan nagdesisyon na lang akong labhan ang lahat ng kanyang maduming damit. Ito lang ba ang kaya kong gawin? Hindi ko rin alam………
Viewed 10175 times by 2541 viewers
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.















masaklap, nakakapanlumo, pighati at damdam.. yan ang adjectives na tutukoy sa susunod sunod na sinapit ng ating mga kababayang pinoy.
sa mga politiko at showbiz personas, aba tantanan na, ang limelight ay sa entablado lamang. pagbigyan ang mga taong totoong nasalanta na makuha ang role na sila ang biktima.
sa mga biktima ni ondoy at pepeng, sumalangit nawa..pero sa mga buhay pa, ay wag po muna, fight lang ng fight..habang may buhay, may pag asa.
para kay binibining dolorosa, sa ano pa mang paraan, ang pagtulong ay di nasusukat..dasal, donasyon, bigas, de lata o ipaglaba ang kaibigang nagpipighati, dakila ka!( ipaglaba niyo rin po ako? hehehe )
sa ating lahat, magisip isip na tayo. bagyo, baha, landslide, lindol, tsunami, ano pa?
…galit na si inang kalikasan, si inang araw ay nanghihina na rin.
it’s our call.. let’s act..
siguro dahil di ako marunong mag-comfort kaya dinaan ko na lang sa LABA—yan din ang tanong ko sa sarili ko…IPAGLABA lang ba ang pwede kong gawin sa isang kaibigang namatayan? hayyyy
Ako man ay sobrang nanlulumo at apektado sa mga pangyayari.. ako na naroroon mismo sa mga pinangyarihan.. di ko maatim na makita ang mga taong ito na naghihinagpis sa kanilang sinapit. Nakikiisa ako sa nararamdaman mo ngayon kababayan..
hi Smart, yun palagi ang tanong ko sa sarili,kaming malalayo sa Pinas nagtatapos lang ba ang pakikidamay at pagtulong sa pagpapadala ng DONASYON o ABULOY. Ibig bang sabihin na pag nakapagbigay na ako pwede na akong matulog ng mahimbing at sabihing I have done my part? Di ko rin alam…
Sa totoo lang ang pagbigay ng Donasyon at Abuloy ay isa sa mga nakagawian ng mga Pilipino upang makatulong.. pagkatapos nun, ala na.. parang okay na.. Pero hindi ito nagtatapos doon.. Yung maipagdasal at mapakitang nakikidalamhati ka sa kanilang nararamadaman ay isang bagay na di makakalimutan.. ito ay tatatak sa puso at isipan ninuman.. gaya nitong BLOG na ito.. isa na itong paraan para maipakita sa ating mga kababayan na kahit malayo ka sa Pilipinas, nandyan ka at nakikidalamhati sa aming mga narito sa pilipinas. Ipinagbubunyi ko ang iyong pakikiisa sa amin. Salamat sa iyong pagpapahalaga, hindi lamang sa iyong flatmate kundi sa sambayanang Pilipino… Pagpalain ka ng diyos.
Ang sakunang ito ay nagdulot ng di pangkaraniwang sitwasyon sa bawat isa sa atin. Nariyan ang mga nawalan ng mga mahal sa buhay, nawalan ng ari-arian, at mga naapektuhan ang kabuhayan. Pinakamasakit ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Marahil ay meron din namang pinalad na di sinapit ang sinapit ng iba, di pa rin natin magawang magpasalamat dahil sa kabilang banda ay pukaw na pukaw sa ating isipan ang kanilang pagdurusa.
may sinabi sa akin ang biyenan ko na di ko talaga malilimutan. I share ko sa iyo:
Noong may kapitbahay silang namatayan, inalok nilang tumulong sa kapitbahay, syempre nagdadalamhati yung kapitbahay, ang sabi “Saka na lang, wag na lang.” Pero sa isang nagdadalamhati raw, kahit na wala na nang maialok na salita, basta’t step in and help ka na lang raw.
So ang ginawa ng biyenan ko, pumunta sa kapitbahay, ipinaglaba niya, ipinagluto, at ipinag-hugas ng pinggan. Hanggang lumipas na yung dalamhati ng kapitbahay.
Minsan kasi mahirap na mag-alok ng mga salita, dahil ano nga naman ang masasabi natin para maibsan ang kalungkutan nila. Pero your presence is enough. Your silent help and gift of love is enough. Added prayers too will help.
Sana nakatulong ito.
sometimes, silent ka na lang.
yong father nang friend kong si omar died of an accident sa harap mismo nang bahay nila sa bayan namen. my friend was going crazy. umuwi ako nang bayan just to be there. wala lang. kainuman lang. that’s all that you can do. just be there. kahit wala kang sabihin.
mahusay…. tama yan kung wala ka ng magawa maglaba ka na lang..kesa naman utuin mu yang fwendship mu at sabihing ok lang yan ganito talaga ang buhay and everything…..
tama ka! ang mga tutoong tao, they smell lies hundred yards from them!
hindi tayo kaya ng bagyong yan..
buhay pa sa ating mga puso ang Pinoy Culture na tinatawag na Bayanihan.
Kung ibang bansa ito, depression at anger ang madadama ng mga tao..
Pero Pilipinas ito, Pinoy tayo. Kaya natin ngumiti at magbigay ng saya sa gitna ng kalungkutan. Smile ka lang kapatid.
naniniwala kao dyan, hindi bagyp, baha o lindol ang gugupo sa lahing pinoy. anu pat anu man ang mangyari babangon at babangon ang pinoy. pero may mga panahong ang hirap itawid ang bawat araw….
tama ngang manahimik na lang siguro, action speaks louder than words, ika nga. pero minsan mhirap din ipakita sa aksyon, kaya daanin na lang sa pakiramdaman siguro. pero sino man yang kaibigan na nagdadalamhati na yan, ramdam nya ang iyong pakikiramay at pakikiisa. baka siya pa magsabi sa iyo, OK LANG AKO ‘DRE, RELAX KA LANG, WAG KA OA!
oo jessie. basta sa mga mag-kakaibigang matalik, ganun na nga yon. basta be there, kahit wala kang sabihin. of course typical na yong ikaw na mismo ang mag-asikaso nang mga little things.
ang hirap nang situation na ganun. especially pag close mo ang kumpare mo.
you are indeed very true reynz. sa ano mang unos sa buhay, wag lang ang pag kakaibigan ang daanan ng sakuna. pero tanong lang po, ang pagkakaibigan ba ay parang kwento rin ng love story? when love ends, was there ever love? when friendship ends, was there ever friendship?
aray kuh! hahaha!
i did had a very, very close friend. as in childhood friend ko to. nothing sexual ha, but, umiiral ang selos between the two of us. oo para syang love story. in fact nung nagkaron nang GF na tipong pakakasalan na, umiwas ako dahil nagduda ang gurl at ayokong masira ang dalawa. ngayon, dahil 8 na ata ang anak, nabibiro ko na nang mga katarantaduhan namen nun.
what’s interesting is that parang ikaw yung “kakilala ko” with the comment you left. anonoymous ka kasi
hmmmmnnnn..time will come, hindi na ako anonymous! hehe
well, i found a home reading and joining in sa ka komentohan sa barrio siete.
sensible mga kausap, mga tao, kiber kung kiber, maging sino ka man ang drama!
maybe one day, i might as well share an article..yan ay pag maganda na ang panahon. hasain ko muna ang aking social climbing chorva at olah! favorite ko na kayong kaututang dila! kung iyan po ay inyong mamarapatin??
hayyyy, ang sakuna sa bayan ni cora dolorosa ay napunta sa usaping “fwendship”..
isa lang po ang masasabi ko…friends are friends, foes are foes.
napansin ko nga… parang close na kayo! hmmm….
Impromptu gathering ng mga 5 band dito sa Calgary sa Barrio Fiesta. Everybody dropped by and requested songs or sang songs and the five bands performed for free para sa flood victims. At the end of the night we were able to raise about $1600 that we will send to ABS-CBN fundraising. Everyone had a chance to sing maski sintunado but there was a wealth of talents as well. There is another fundraising next week according to another local leader.