ANG PAGTATAPAT, SA IKA 4 NA LALAKI SA BUHAY KO.
“I decided to tell you my past since you are now a part of my life. Ayokong sumbatan mo ko pagdating ng araw na di ko man lang nai share sayo ang nakaraan ko. Ikaw ang ikaapat na lalaking nagdaan sa buhay ko…”
Believe me, I don’t want to expect too much from you. Ang gusto ko lang naman sana maiba ka sa kanila, yun lang. Diko yata kakayanin pag ikaw pa nawala sa buhay ko o kayay matulad ka sa kanila. Pero ayokong mangako ka, wag… ayokong ng muling umasa’t masaktan ng dahil sa pangakong napako.
Ng dumating ang unang lalaki sa buhay ko, inosenteng inosente pa ko sa larangan ng pag ibig. Mahal na mahal nya ko dahil ako daw ang unang inosenteng babae sa buhay nya, subalit isang umagang pagmulat ng mata diko na sya nasilayan… naglahong wala man lang mahagilap na paliwanag, magulo ang isip, wala na sya na parang bula.
Sa kabila ng pagkalito sa kanyang pagkawala, ang ikalawang lalaki sa buhay ko ang syang nagpuno ng aking pangungulila. Sya ang nagpuno ng dating mga yakap at halik. Sa ikalawang pagkakataon parang balaraw na tumarak sa aking dibdib ang kanyang pagkawala, pamamaalam at nangakong panandalian lamang ang pagkawala at akoy muling babalikan, subalit walang nagbalik.
Pinilit kong abalahin ang aking sarili, kalimutan ang 2 lalaking umagaw ng aking kaligayahan. Ayokong magtanim ng poot, pinilit kong ibaling at isubsob ang aking ulo sa trabaho. Sa paglipas ng panahon, unti unting namatay at nawalan ako ng paningin sa mga lalaki subalit di iyon pinayagan ng aking ina, akoy ipinakasal sa lalaking diko iniibig subalit nangakong aking matututunan sa pagdaan ng panahon at syang gagamot ng aking nakaraan. Subalit gaya din sya ng aking mga nagdaang pag ibig, mapagkunwari, subalit kataka takang wala ng luhang umagos sa aking mga mata, wala ng sakit na naramdaman, subalit akoy may pananagutan bilang kabiyak na dapat tuparin, at nangako sa harap ni Bathala na habang buhay syang pagsisilbihan anu man ang pagsubok at sakit na danasin. Ng isang araw, diko inaasahang darating ka sa buhay ko.
Sa unang pagkakita ko sa napakaamo mong mukha, alam ko at naramdaman ko na my kakaibang pintig ang aking puso, pabilis ng pabilis ang tibok… ito na yata ang tinatawag na tunay na pag ibig. Kinalimutan ko at tinalikuran ang pangako sa harap ni Bathala na ang lalaking aking pinakasalan ay pakikisamahan ng habambuhay, nagpakalayo tayong dalawa, sandaling nilimot na akong my sinumpaang tungkulin at sa malabis na pagmamahal sayo di ko inalintana pangungutya ng iba. Nagsimula ng panibagong buhay malayo sa mata ng mga mapang usig, nangakong ikaw na ang lalaking mamahalin ng tapat sa buong buhay ko…. Maliban nalang kung bibigyan mo ko ng apong lalaki diba? Sana buhay pa ko nun.
Yung lolo ko, wala na talaga, dina nagpakita nung sumama sa ibang babae—
Yung tatay ko naman, babalik kunu e di man lang kami hinanap nung iniwan sya ng lola mo—
Yung papa mo naman—-
(SILENT)
HOOOOOOY, (sabay hila sa earphone na nakasalpak sa tenga nya)
AKO: Nakikinig ka ba anak?
ANAK: Opo, parokya ni edgar—
AKO: Paro-parokya ka dyan e kanina pako dakdak ng dakdak dito kaw naman pala di nakikinig at my nakasalpak sa tenga mo.
ANAK: My sinasabi po ba kayo?
AKO: Parang anak, parang may sinasabi nga ako kanina pa.
ANAK: Kala ko po kasi nakatulog na kayo.
AKO: My natutulog bang panay ang salita?
ANAK: Kala ko po naghihilik kayo, sabi nyo po kasi ipahinga ko muna yung mata ko sa computer at higa muna tayo sandali, e diko naman po alam na my sasabihin pala kayo… ma, pwede na po ba kong mag computer ulit?
AKO: pretending natutulog, at naghihilik —
Viewed 27008 times by 8140 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.















Isang linngong Pag-ibig ni lee.
Lunes,……… nang tayo’y magkakilala
Martes,…….. ng tayo’y muling magkita
Miyerkules,…..nagtapat ka ng iyong pag-ibig
Huwebes………ay inibig din kita
Biyernes……..ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay sadyang nag-aawitan
Sabado……….ay biglang nagkatampuhan
at pagsapit ng…
LINGO………..giliw ako’y iyong iniwan
O kay bilis ng iyong pagdating,
pag alis mo ay sadyang kaybilis din
natulog ako na ikaw ang kapiling
ngunit wala ka ng ako’y gumising
ang pag-sinta mo ay sadyang kay sarap
sa isang iglap lang, Nawala rin lahat.
LITSI ka JERI! hahaha! sana me APAT den akong lalaki! HAHAHA! pa-share nang agimat lee! hehehe
naku wag na po kapitana.. good for 1 week lang yung agimat na yan… bwa ha ha ha ha
di bale Jeri! basta ba’t weekly me bago akong agimat! hehehe!
Kapitana, na send ko na yung 4rt entry ko, siguro swak yun sa entry ni lee na ito. ha ha ha
jeri, make sure swak yan sa bayong dahil ikaapat din lol
walstek na agimat yan oo my naalala nanaman tuloy ako hahaha
kamahalan, yung lolo mo, yung tatay mo at yung kuya mo o diba dami din lol
kamahalan, sa likod ng bahay yung puso ng saging abangan mo sa pagbibilog ng buwan hahaha
@jeri, ang galing ng tula.
makisawsaw na rin…
“Nawala rin lahat”
ang pumasok after sa last hirit ay…
“nawala rin lahat”…
parang bituing walang ningning…
nauwi naman kay sharon cuneta after imelda papin, anu baaaah
Darbs, Nawala rin lahat kasi parang bula daw na naglaho… ha ha ha
si lee, always na manining ang kanyang bituin, at lagi nakatingin sa alapaap baka sakaling darating yung pang-5..he he he
nyak hahaha imelda papin pa
ang saklap naman! hanggang sa anak o.. wahaha
Make or Break
@pehpot, sinabi mo pa, hanggang sa anak dedma ang byuti ko hahahahah
parekoy! Weeehhhehhe….lab estori mo ba itetch?
masarap pagusapan ito sa harap ni San Miguel. Nyeheheh.
yan nga eh, kinakantahan na ni jeri! hahaha! na-alala ko tuloy yang kantang yan, pag lasing ang bayaw, litsi, sumasaket tenga ko hehehe
Eto pa lee,
Kay Rami nang winasak na tahanan
Kay rami nang matang pinaluha
kay rami ng pusong sinugatan
o Tuksoooooo layuan mo akooooooooooo.
i remember that song jeri! kinakanta yan dun sa dormitory namen pag bangag na ang mga men, dahil hinaharana ang mga women sa ladies dorm hehehe, now, pag kinakanta yan nang mga ulol kong kasamahan, kontodo, emotion hehehe
hahahaha anu baaah sabi nung frend ko same, kanta daw ng mga ulul hahaha
hahaha! di ba kanta yan dni eva eugenio?
Glo, kay imelda papin
Ito naman ang kay Sharon…
Sa ating pagkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Isipin mo pa kaya ako
Kahit akoy malayo na.
eto pa lakay…
makuha mo pa kayang akoy hagkan at yakapin
kung maputi na ang buhok kooooooooh
Yap, @baket… praktika?
not bad at all.
may mga puting buhok kang makikita sa parks dito, ka gandang tingnan na kahit sa kanilang edad makikita mo parin ang affection, tanong ko minsan, ito na kaya ang perfection ng kanilang relationship as married couple?
@lakay, kahit na amoy alkampor na…
@manong jeri kapanahunan nyo mga kantang yan?
haan met bawal ti agsaludsod nya?
@mtoni, sssshhhhh wag mo naman nilalakas at nagmumukha kaming mujanda na nyahahahaha
@ate lee ke manong jeri ko tinatanong nde seu, hahaha.
muka tayo lang tao dito sa barrio, bz sila lahat.
@mtoni, bato-bato sa langit ako ang tinamaan e argh lol.
awan isuda, da tayo laeng ittoy balasang, nagtatrabaho silang lahat tayo lang ang tambay nyahahah
adu lumablabas ngem di da met agpaguni.
mabaen da pay siguro nga makisosyal klaymb, di nila ako gayahin papansin.
mtoni, ako na naman pinag tripan mo ha ha ha.. uu naman, hayskul yata ako nun..
yug kanta na yan alay ko yan ke lee, para maibsan ang kirot na dulot ng pag-ibig na puro “short cut”. he he he
@mtoni, speaking of the devils na red ayan na sumulpot na ang lakay nyahaha.
@lakay jeri, puro short cut nga hahaha
kamahalan, slow rock ang tawag sa mga ganyang kanta nyahahaha
@lee, nakalimutan mo ang keyword, “classic” slow rock. hehehe.
Si Bembol Roco baa!
nyahahaha…
gaya nung theme song namin nung taga kavilang varrio, slow rock…
from marissa…
kasalanan bang umibig sa walang bayag, hoo
kung kasalanan kang ibigin ayaw kong mawastooooh sa pagkakamali ayaw kong gumisiiiiiiing… baby baby baby
tumpak ka dyan parekoy, kaya nga sabi ko seyo nakakasira ng samahan yang pagkakaron ng trabaho e
Nyahahahha….
Wag ka na tampururot parekoy. Medyo na sucked up ako sa BArrio Siete Community College natin. Hahahha.
k lang yun parekoy trabaho yan e dito wala tambay lang tayo nyahahaha
@Silver, support ako na uunahin ang Kapakanan ng Barrio Sieti Schools. Noon may isang matanda ang nagsabing “beware sa mga Thomasian educators…”
Matagal na kasi un. i am not sure kung uso pa bang ganoong klaseng consepto.
may balita ka ba about Thomasians sa Barrio Sieti School branch ninyo? Just curious, ano kaya ang curriculum ng mga Thomasian Educators.
anybody?
Darbs,
Anong concept ng Thomasian educators? Parang ngayon ko lang narinig yan.
nakuuu parekoy hala sige ilabas mo na ang ilalabas na paghaharapan hahaha
I like this entry lee… binasa ko uli. I was very close sa aking fadir. We talk at minsan, he even coached me kung pano man-ligaw nang gurl! Ewwwww!!! hahaha! And then, we go fishing. Hindi fishing leisure America na once nakabingwit nang isda, itatapon uli. Kami, once na naka-bingwit, ibebenta ko sa barrio! hahaha! Na-alala ko tuloy ang aking fadir! Waaaaaa!!! *HIKBI*
hahaha napa eeeeew ka pag panliligaw sa gurl ang nababangit ahahaha.
kamahalan, sa totoo lang ulilang kulugo ako pagdating sa pagmamahal ni tatang hahaha
nakakatawa naman yung kanta, biglang nakinig ko yung boses ni Imelda Papin.
Lee, your sacrifices ay sinuklian ng isang anak na lalake, mapalad ka at mapalad rin ang iyong anak dahil mahal na mahal mo sya.
@mahalia, mas dedma yung isinukli sakin, mas mahal pa yung computer nya hahahahaha charing
Basta pango mapalad dahil yan ang taglay na agimat…ha ha ha Peace kapatid… masaya lang ako pag nandyan ka…
@jeri, pare, lakay, kala ko ba magkakampi tayo?wag mong sabihing brutal karin magmahal?nyahahaha
Hi Lee, at least pagdating ng panahon hindi ka nag iisa, may anak kang nagmamahal sa iyo, ang mga lalake naman, they just come and go
naku sister an2nette, diko na sya inaasahang makasama pagtanda ko alam mo naman ang mga anak na lalaki pag nainlab na yan babush na inay hahaha
Lee, hindi man maswerte sa ama at asawa, bumawi na lang sa anak, ano. Panigurado may aakay na sa ‘yo pag senior citizen ka na.
Ala eh! senyor sitisen na nga yan, lapit na ngang mag menopos.. he he he he..
Gumaganti, gumaganti…
sumisimple simple, paunti unti ng tirada ang lakay hanggang makabawi nyahahahaha ukinana nga ubing hahahaha
sarap mo kasi biruin lee,.. akalain mo nangumpisal ka sa barrio hindi sa pari.. bwa ha ha ha..
@lakay jeri, mas malaking disgrasya pag sa pari ako nagumpisal…. tambay din ng barrio yung pari namin…malakas pa sakin uminom nyahahahaha baka malasheng akoy ibukeng
ARAY KUH! LECHE! waaa!!! eh sinong AAKAY saken pag senior citizen na ako?! SINOOO!!! hu! hu! hu!
uhhmmm… one of the nurses sa residential home? hehehe. moi? lilipad ata ako sa switzerland! LOL
hay naku CHI! DARBS!
do you know na ang apartment ko right now! as in KARON! is home for the aged??? as in dati tong assisted living?! DITO AKO TINAPON NANG OPISINA KOOOO!!! LECHEEE!!!! hindi ko makuha ang message kung baket! hehehehe
~in denial~
hahahaha
hahahaha sinasanay kana kamahalan para nga naman pagdating ng araw sanay kana lol
hahaha! talaga? di tlagang me mumu don? awoooo…. kasi ang mga tirahan ng mga oldies me mga mumu. no joke. hehehe… moi? euthanasia na lang bgo ako mwalan ng wisyo at mgaya sa mga alaga nmin na bigla na lng maghuhubad! ala! ang masakit pa nun ang mga family tlaga mga mukha talagang pera! ay nku i’ve seen everything na.
@chi, ipayo mo kay reynz lumipad na rin lol
@reynz, don’t worry, palalakasin ang Alyansang Care Takers ng Barrio Siete para ma take care ang citizens na walang anak na bumibisita o tumatawag man lang.
At the end sa pagtanda natin ung bang 93 years old at naka wheel chair na, we are on our own as prisoner of that old body… from there kung umabot pa ang buhay ng 103, siguraduhin lang na ang TDA, SSS, at ang sariling pension ay meron pa.
kamahalan, simulan mo ng magpa clone ng boylet na aakay seyo hahahahaha
@Yamiiiiiiiiiiiiiii, welcome back, langya minsan ka nalang magpakita e senior pa ang laman ng comment mo ahahaha joke lang sis, na miss ka namin dito san ka ba nagliliwaliw
nyahahaha
Mapapalitan ang mga lalakwe, ang anak hindi.
Go gurl!
Aja!
tama ka Reesie! ang mga lalaki napapalitan – pwera nung boylet kong tiga-Dubai hehehe! hinding hindi ko pa sya binubura sa listahan ko hahaha
sino sya ateng? sa Dubai talaga? ang layo naman non.
di kaya arabo yun sister ganda?hahaha
sya yong aking boylet na binilhan ko nang pridyidir! hahaha
kamahalan, baka naman washing machine naman ang gusto nya ngayon
nasa dubai na siya ateng? dinala ang pridyidir mo don? haha
nyak, you mean binitbit hanggang dubai?lol
naku kamahalan… mura lang ang pridyidir dito sa dubai… baka naman sankaterba na ang pridyidir nya! hahhaa.
monique, mukang my planong mag bisnes ng ice candy ngayong summer
ahahahahaha parang kilala ko yan kamahalan hahaha
kapitana sinoooooooooo? aha! baka si dencios.. bwa ha ha ha ha
@jeri, nyak
@jeri
@lee
di po ako yan haha
@dencios, alam ko di ikaw yan, yang si jeri ang mapaggawa ng istorya lol
sabihan nyo na akong manyak, pervy, mahilig, tigasin, reypis (joke lang – sa imagination ko lang nirereyp) huwag lang manggagamit at magnanakaw hahaha
good morning Lee at kamahalahan at boss jeri at sa lahat mula sa dubai!
magnanakaw ng ano?hahaha linawin mo dencios.
ay naku ok lang yun dencios, wag lang inggetero/inggitera at insecure dahil ang mga ganung tao ay walang life.
sobrang serious ako habang binabasa ko ang entry na to lee. promise. makapagdialogue or monologue ba sa anak ko. hahaha. ang hirap maging silent lang when the time comes sa anak ko eh. ang unang unang itatanong nya, “mommy, kanino ako nagmana?” sabay sipat sa akin… parang biyak na bunga kc sila ng ama nya. haay.
d best tong enrty na to.ü
@Monique, totoo ka ano? yan talaga ang mostly na katanungan. “saan ba nagmana ang batang ito?”
Una kikilatisin ang physical appearance… ilong… mata… ang form ng fez…physique, complexion at iba pa.
next… ung attitude/behavior ng bata.
@Daaaaarbs hahaha talagang inisa isa hahaha
hahaha salamat monique, ang mga bata habang maliliti pa maraming tanong pero hanggang sa paglaki nila tatanim sa utak lahat yung isinagot natin at yun na ang paniniwalaan nila, dina natin mababago later on
@Reesie tama ka.
additinal info: ang anak madagdagan pa, maliban na lang kung taga Tikwa ka na may quota ang anak. pagnakamali ang mag-asawa, may forced abortion pa sila. kaya welcome din ang mga Tikwa na pumuntang amerika for the reason of CHILD BEARING PERSECUTION.
Made In Usa: NYC
katanungan, paano binuhay ng aming kapitbahay ang lima nyang anak, wala naman syang trabaho?
Depende kasi sa income, if qualified,
Dahil ang mga anak na ipinanganak ng amerika ay subsidized in accordance to the Law na pangalagaan ang mga bata through social services budget ng gobyerno. a guessing per child subsidy $250 or more $$.
Housing, subsidized din.
Most likely, nag babayad lang ng $150 to $300 sa apartment the rest government subsidy na.
Pagkain:
Food Stamps provided rin.
Childcare:
Sama na rin ung childcare subsidy kung si inang may limang anak mag-aaral kaya or sasali sa retraining programs.
At marami pang ibang government subsidized programs kung pulubi kang may maraming anak sa amerika.
that’s true darbs, kaya lang super hide ng income sa tax season…na pwedeng ma audit kapag nahuli, patay sa IRS!
lakay, kelan kaya magkakaron ng ganyan sa pinas?parang impossible dream lol
@darbs, oo tama ka dyan forced as in forced ay my mga ads pa sila para sa abortion pamurahan ng presyo huh
amen to that. sabi ng anak ko, aalagaan nya daw ako pag ako’y matanda na. at bibigyan nya pa daw ako ng maraming pera.
well those are the promises of a 6-year old.
sana matupad lahat. kung hindi naman, sa nursing na lang ako. siguro by that time usong-uso na yan dito sa pinas kahit sa city provinces.
in fact meron ditong home for the aged sa sorsogon. kaso para daw sa mga abandoned!
so kung meron ka pang pamilya na mag-aalaga sayo eh hindi ka nila doon tatanggapin.
kaya sana maganda maraming anak. kasi kung iisa kawawa naman syang mag-aalaga sayo. at least if you have 2 or more kids, daming puede kang lipat-lipatan.
@Glo, ang lungkot… my kapitbahay kaming 5 anak puro lalaki pinagaral nya lahat araw gabi kayod sya, ngayon nasa home for the aged sya at palaging tanong sa sarili nya kung san sya parte nagkamali sa pagpapalaki ng mga anak.
grabe ang lungkot naman nyan! pero in a way, kelangan nating tanggapin na iiwan tayo ng mga anak natin.
ang kalaban pa nga sa lalaking anak, eh yung babae na mamahalin nya. sana lang mabait kundi sabunutan ko talaga!
o kaya unti-unti kong lasunin. mamili sya. arsenic or cyanide?! malay nya ba kung nailagay ko na yan sa kape ng bruhitang babae.
hehehehe!!!!
hahaha! parehas na parehas to nong pangkin ko na nakapangasawa nung Greek!
the son adores his mother so much, dun pinatira sa bahay nang pangkin ko. meaning, lumipat yong lalaki, bitbit ang nanay.
minsan, nag-away ang pangkin ko at asawa nya, right? pinag-pili nang pangkin ko. kung sya daw or ang nanay nya! hahaha! an tawa namen hahaha!
hahahahaha!!!!! mukhang magiging eksena din yan sa anak ko! hahahaha! grabe daig pa ang pinoy. lumipat bitbit ang nanay! the best! very adoring son din pala ang mga greeks. that’s good.
naku….ayaw ko namang pumisan sa anak ko pag may asawa na sya.
at baka malason ko ng di oras ang babae. mabuti nang di ko nakikita ang mga kilos nya sa araw-araw!
hahahaha!!!!!
nyahahaha Glooooo hahaha sumakit tyan ko seyo.
ako din wala ako plan makisama at tyak na makekelam lang akot baka ako lasunin nya hahaha
oo! leche ang pangkin ko! an tapang tapang! me tanim sya, right! tapos, nabunot daw nang nanay! leche inaway nang pangkin ko ang nanay hahaha nakalimutan ko tanungin kung ano ang reaksyon nung asawang Greek, baka tinapon sa kalye ang pangkin ko hahaha
hahaha kamahlan siguro sabi nung nanay e mga war freak pala mga pinay hahahaha
hahaha glo, nakakatuwa silang pakinggan kahit alam mo namang pangako lang ng isang bata, kahit alam mong pwedeng mangyari at hindi pero masarap paring pakinggan
oo ang sarap pakinggan ng pangako ng bata. matupad man ke hindi, masaya pa rin ako para sa kanya.
may banat pa nga ang anak ko na: mommy…pag matanda ka na, susuotan din kita ng diaper. hehehehe. ikaw na ang baby, ako na ang magulang. sabi nya talaga yan!!!!!
naku…pagdating nga araw eh madiri na sya. hahahaha!
nyak hahaha ayoko ng abutin ng ganung edad pagka ganun magiging pabigat lang diba tapos masakit pa makikita mo nandidiri na sila satin pero wala tayong magawa dahil mahina na tayo
ako rin ayoko! leche! wala akong anak! kaya Lee, Glo, pag otsenta y nwebe na ako’t rumarampa pa ako, pag nakita nyo ako, paki-sak sak hahaha
kamahalan, pag nakita ka namin sa ganung edad at narampa pa, hihilahin ka namin sa tabi hahaha
@Glo, yan ang dream ng every parents but I always make sure na i understand and prepare myself that in reality bisita once every special occation or tawag once in a blue moon ay okey na sa akin. Ini-magine ko na na he has his own family… sons/daughters doing the things he considered helpful for the children’s future.
Ini-magine ko na rin na might be perfecting he found ills in his upbringing or maybe perfecting the quality times we built together.
Things to do. Hoping na ung good memories will overflow over sa resentment, dahil imposibleng walang resentment ung bata lalo na sa tinatawag nating “asean thing” kind of disiplinari action.
Yun lang “I love you son!”
As simple as that!
Is that hard?
Yeeey, kung sa bisaya pa… kaluod!
The new generation? wow.They LOVE, the word LOVE, because they could feel that magical moments in their heart… the love of food, love of movies, love of video, love of books, love of music, love of the pop culture – - the PUPPY LOVE, kind of love.
Glo, nasabi rin ba ng anak mo “mami, can I marry you when I get older” aba, sabi ko tanong nya sa Daddy niya.
oo mahalia. hes been saying that since he was 3. sabi mommy….pagaki ko pakakasalan kita! sabi ko bakit? eh kasi mahal na mahal kita mommy!
awwwww…sweet right?
maiyak iyak ako sa kaka-explain na hindi puede at balang araw eh makaktagpo sya ng babaeng pakakasalan.
huh mommy? eh ikaw ang gusto ko eh! kasi mahal kita.
i rest m case anak…for now.
hehehehe.
hahaha @lakay darbs anu yung kaluod?
@mahalia, bat ako di sinabihan ng ganyan ng anak ko? hahahahaha
sister ganda tama ka dyan, singhot lol
aruy!….bumusina naman kayo, nananagasa na kayo eh.. he he he
Mas iba talaga ang pagmamahal ng isang ina na galing talaga sa kanya.
9 months sa sinapupunan…
I could not imagine ung na develop na bond between ang ina at anak….
ang Ama, well may role din not as major as the MOTHER.
Truth be told: Iba talaga ang pag-ibig ng ina.
oo darbs. mula nung ma-conceive ang bata sa womb ng ina…meron na silang kakaibang bonding. imagine merong umbilical chord that connects the mom and the fetus. they are connected not just by blood and the nutrients that the baby needs (which he/she gets from the mom) but also emotionally.
di pa lumalabas sa tyan ng mommy ang baby, recognized na nya ang boses ng nanay nya. ang galing di ba?!
kaya mga tatay…bumawi kayo sa bonding sa mga anak nyo. kasi kahit kelan di mapapantayan yung bonding na meron na ang anak at ang nanay.
@Glooooooo, long time no see, mukang nadale ka din ng kabisihan.
oo lee. school bus ako araw-araw. di puede ma-late kahit 1 minute lang. parang amerkano anak ko. on time lagi. galit na pag ang tagal ko! hahahaha.
sa weekend naman di ko na magawang mag-online. ako’y super pagod. wala na akong silbi pag weekends ngayon! hahahah.
Glo, yung anak ko naman lawit na dila mo kakasabing bilisan, sa salamin palang kulang 1 hr kaya nga kahit hi-skul na sya at nagpapaalam na commute nalang daw sya diko pinayagan, skul bus parin para walang late
Ate Glo, I really admit that, iba talaga ang bonding ng Ina kaysa sa Ama dahil na rin sa mga reasons na iyong nabanggit.
But in my case, mas naiba pa kasi lagi ako wala sa piling nila, ipinagbubuntis pa lang kasi ng misis ko yung panganay ko nasa SAudi na ako, then the first time na nakita ko ang anak ko 3 years old na sya..
bumabawi lang ako sa tuwing ako’y magbabakasyon, at ginagawa ko lahat para maging closed din sila sa akin.
Habang lumalaki naman sila, nauunawaan na rin ang situasyon na kelangan kong mawala sa kanila ng ilang buwan o taon para na rin sa kanila. Ito kasi ang roll ng AMA ng tahanan. Sakripisyo lang yan,.. kahit dumating pa yung araw na nawala na ako sa mundo, im sure na mauunawaan din nila kung bakit ako laging wala sa piling nila.
wow lakay darbs, seryoso yata ang comment mo ngayon, parang sober ka nyahahaha joke lang lakay totoo yan, at di kayang iwan ng ina ang kanyang anak
Lee, sobra na sana ang emote ko…
E pano pag nagtanan?tapos pag balik… mum i got her pregnant!
ouch! hehehe
Nyaaak, Chi, nerbyosa ko— at magugulatin— at mali mali, wag mo ko takutin ng ganyan hahahahahahahahaha
ako din. hindi ako ready sa mga ganyang eksena. dapat pala mag-ipon na ako ng pang-bili ng condom ng anak ko.
letse!
ibibili ko talaga sya ng condom!
pagdating ng araw, mas mahirap na magka-anak ng wala sa oras.
@Glo, mas maganda na yung alam nila kung pano mag ingat diba, praktikal na e dimo pedeng sabihan na wag nyang gawin, dapat ang ituro nalang e kung anung pwedeng gamitin
lee, mabuti ka nga lalake ang sayo eh… naku! sankatutak yata na paalala ang dapat kong gawin sa anak ko…
nakaktakot kung sakali.
pero di naman nawawala ang dasal at ang fact na we all can be good mothers, we just need to raise them well.
good luck sa mga nanay ng barrio siete! lol!
@monique, sa totoo lang babae ang gusto ko pero yan ang binigay.
sa totoo lang sa panahon ngayon di lang babae ang nakakatakot pati na rin sa lalaki, kasi sa sobrang sama ng panahon pag kumursunada yung mga walanghya mababae o malalaki yung napag tripan nila— ah diko masabi nakakatakot, palaging kumakabog yung dibdib ko, panay panay nalang panalangin ko na sana since pinahiram naman nya sakin at diko naman pinapabayaan yung batang ipinagkaloob nya sakin sana wag naman muna kunin sa ganong paraan at lahat ng pagsubok lahat yan matitiis kot malalampasan pero pag sa anak ko yata my mangyari alin sa dalawa…
6 feet under da ground ang bagsak ko o makikita moko sa kanto nanghuhuli ng langaw nyeeeeeee.
@lee Tama ka, babae o lalake eh wala ng sinasanto… Biro ko dun sa kaibigan kong may teenager na kapatid (na parang anak nya na rin), pagbaunin mo na ng condom… malay mo, aba, galit sa akin ateng! Ngayon, mukhang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko… ano na kaya sa kapanahunan ng mga anak natin.
Gusto ko sana ng lalake… mas nakaka-aliw nga ang babae… ginawa naman ng Diyos, kinopya ang hitsura ng ama! hahahah!
@monique, nyahaha yung anak ko din kamukha ng ama, cute na version nga lang sa paningin nting mga ina nyahahaha
lahat yata ng mga bata cute na version… kahit yung akin… pero kahit anong bali-baliktad ko, waaaaah! nakastamp yata ang image ng ama… hahaha! anyhoots (sabi nga ng friend ko), salamat sa Diyos at may anak tayo!
hahaha tama ka dyan monique, my hindi ba cute na anak sa paningin ng ina?
lee, glo, monique, hindi na yata mapapara ang mga information tungkol sa ganyan. dito nga sa min yong 13 year old na boy me anak na e npakainocent pa sa kahit ano maliban sa sex. the best siguro e e feed and ang mga bata ng warnings tungkol sa sex ant lahat ng responsibility na kakabit nito. kung sa bagay sa pinas di pa masyado ang sex sa mga kabataan, the majority e mga ugaling pinoy pa rin na me chastitiy at purity sa katawan (i hope)
hahaha
LEE!!! akala ko talaga eh tungkol ito sa pang 4 mong jowa haha
sabi nga ng nanay ko, di baleng walang asawa basta may anak daw
@malen, sana nga naka 4 ako ng jowa ang saya saya siguro hahahaha
totoo yan malen, malilimutan mo na silang mga lalake sila pag ayan na ang anak mo sa harap mo nakangiti, niyayakap ka at hinahalikan ka.
@malen, tama ang mader mo, sabi nga ng mader ko nung ayoko magasawa paanak nalang ako at kung ang iniisip ko e yung mga kapitbahay, kanya e hayaan mo sila pasasan bat magsasawa din yan, mula kasi sa lola ko at sa mader ko lahat sila walang asawa at sa mga anak nalang inubos yung time at pagmamahal nila.
bahala na walang asawa basta may anak daw
Naku, mahirap din Malensky.
Pero masaya may anak… Para kang may fans club. hehehe.. lalo na pag nasa toddler age sila…
@monique, sa totoo lang ok nalang na makunsumi tayo sa anak kasi mas nakakainis makunsumi sa asawa nyahahahaha
Minsan minsan lang ako nakunsumi sa anak…nung kinagat nya ako (probably 10 or 11 mos sya), aba, sabay hinalikan agad ako… magagalit ka pa ba nun?
sa asawa? ano yun? never got married. probably the best decision i did. lol!
@monique, nyahaha ganun naman mga bata alam kung nakapanakit at alam na magagalit ka lalambingin ka kagad hahaha.
tsk, kainggit ka naman buti kapa, ganun din lang talaga nun ang gusto ko e makulit lang si inang lol
@lee It probably is not the best decision especially kung tatanongungin mo ang mga nakakatanda sa atin… pero i stood my ground. Getting married simply because “pananagutan ka” is very lame. You are getting married because both of you want to get married… drama ateng! hehe.
@monique, yeeeeees palakpakan, kahanga hanga ka mula ngayon idol na kita hahahaha lame lame lame na excuse tama ka dyan
totoo ka dyan monique, ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa para sa kanila… kaso pag nagsilaki dika man lang lingunin bwahahahahaha
sinabi mo pa lee! haaay! kaya nagdadalawang isip na ako sa pagiging OFW. lech! namimiss ko ang anak ko…. sa tuwing tatawag na lang ako sa amin, sisigaw lang ng mommy mommy!
@monique, totoo ka dyan, kaya nga ang mader ko kahit my opportunity na umalis di talaga kami iniwan ng ganun kalayo kasi baka daw pagsisihan nya pagdating ng araw yung di nya nakita yung paglaki namin yung kahit na hirap kami sa buhay e nakakatuwa naman kami tingnan habang lumalaki
i think i will have to do a lot of catching up after this 3 years dito sa dubai… haay naku po!
@monique, toto yan, the biggest regret ko sa buhay e yung time na nakakatuwa talaga yung bata 2yr ols saka pako umalis, diba nakakaiyak yun pa naman ang time na talagang nakakatuwang nakakatuwa ang bata at nakakaray karay mo kung saan na di umaangal kahit pagod na
@lee Buti na lang kamo we live in the internet age… Imagine kung 10 or 15 years ago tayo nabuhay… at saka yung pagpunta sa abroad. 1 month bago makarating ang sulat, and another month bago makapagreply.
Kunswelo na lang, the moment may makitang internet connection eh, pwede na mag-skype, ym call, or whatever… may text at cellphone pa.
Pero nothing beats the presence…. Now, I should play my cards right when I do decide to go back home.
heheh.
@monique, yun ngang makabago ng lahat e mga tamad pang magsi reply sa text ko hahaha kainis
@lee Di pala ako nag iisa! Haba haba ng text ko sa kanila… tagal kong maghintay para mag-online sila… Ang sagot sa text, K. Sa YM video call: ate, kakain muna kami ha.. sabay aalis sa tapat ng webcam!
hahaha ganun na nga monique, at dimo maabala kahit overseas ang tawag mo di bibitiwan yung nilalaro
wow!!! ang ganda ng barrio siete header. payak pero may dating. pero sana lakihan ng konti.
bat ganun ako lang ata nde nakakaview ng header.
lahat ng adjust ginawa ko sa setting ganun pa rin. ang daya naman.
@mtoni, hahaha balasang apay aya?kunak nu syak laeng ti palpak iti connection ittoy… paliit na ng paliit ang mundo ko sa cyber space lahat na ng sites bina blocked nila buti nalang at ok na ok pa ko sa barrio
dyak ammo manang no apay ketdi..kanayon nga kasdyay uray no litrato laeng no maminsan ket haan talaga makita, makasuron pay ketdin.
@balasang, talaga nga kasta nu maminsan nag bayag ka nga aguray, awan met laeng, pag ito pang barrio ang nawala homeless nako waaaaa
@balasang, han ank nga maka serrek ijay balay ko blocked na din, kaya eto dito nalang ako nakikituloy at nakikikape sa barrio lol
@lee, block din ba ang http://exodians.wordpress.com na blog? just curious.
@lakay darbs, oo.. at dilang yan…
wordpress, livejournal, blogspot, multiply, plurk, twitter, facebook, youtube,at lahat ng international blogsites and videos na nakakapag upload blocked dito. yung facebook at twitter nag start lang nung nagka riot dito recently.
nagugulat nga ako twing papasok sa barrio palaging mukang maayos at malinis
aray ko! pag nakakabasa ako ng ganito kalungkot parang di mo na tuloy gusto magkaron ng makakasama.
sabagay tama sabi ni ate malen..pede naman mag-ampon.
@mtoni, iba pa rin talaga yung anak mo sayo nggaling kesa ampon, sabi nga nung mader ko nung ayaw na ayaw ko talaga magasawa sabi nya mas gugustuhin pa nyang magkaanak ako sa pagkadalaga kesa wala talaga akong matatawag na nggaling sakin.
mabalen ampon laengin, narigrigat sa no adda kadwa sanak to panawan.
isun to pay nga sangsangitan..argh.
@balasang, agpayso ka latta singhot
mtoni, sa ganda mong yan tiyak hindi ka iiwan ng iyong mapapangasawa,.. sa mata pa lang malulusaw na ang mga kelots paano pa kaya kung masilayan ka ng buong-buo.. nakupo! ewan ko lang.. ha ha ha ha
nagimas kan mayyang dakkel ta patong mo
dakkel ta patong mo agraman ta buy-ong mo.
bwa ha ha ha, angnaw ko lang ading, malagip ko ngamin dayta nga kanta, nga gitgitaraek diyay sirok iti santol. he he he
ay naku lakay jeri wala sa ganda ang libog ng mga lalaki nyahaha kahit nga mala prinsesa na ganda ng asawa nila e nakukuha pang ipagpalit sa mukang tipaklong bwahahahahaha
@manong jeri agan anayad ka ti sau ta ammom met nga kakalpas pay laeng tay ‘lambingan’ dita banger.
di ka la angungunget ngem uray siak madi ti kasta.
dayta kanta ti madik OK?
argh, patay tayo dyan arekupu!
churi po churi po baka magkaron pa ng part2 yung sa kabila wag naman po sana la la la la agkansyon tayo laengen ti awan letra na la la la hmm hmmm or just humming twit twiiiit twit or just sing like a bird…
kaya peborit ko yung kanta ni yoyoy na hayup na combo…
@ate lee meron ba talaga kanta nyan ‘hayop na combo’?
sumasakit tyan ko sa katatawa.
walang biro @mtoni hanapin mo online yung yoyoy villame na hayop na combo gugulong ka kakatawa
sayawan sa aming baryo, orkistra ay nagkagulo gulo
ang kanilang mga instruminto, ay luma na at sintunado
ang drummer ay inonobo-obo, hikain pa ang nagbabaho
saksoponista ay mga gago,taga torotot ay sira olo
Trampit ay kalawangin,barado at wala ng hangin
trombon(ewan yun ang dinig ko e)ay yupi yupi na rin
ang taga ihip ay bungal ang ipin
nagalit ang mga barangay,urkistray kanilang inaway
dahil sa kanelang togtog, na walang kabuhay buhay
ipinalit ang hayop na cumbo,baboy ang nagbabaho(sana walang tamaan)
ang dramer ay aso,butiki ang nagpapyano(itong butiki ang gustoko)
si pusa ang organista,manok ang gumigitara
ayos din ang aming disko,sa tugtog ng hayup na cumbo.
nag rak en rol ang mga daga, nag chacha ang mga palaka
nagalit ang kabayong (ayoko sabihin baka my bumato sakin)
si kalabaw na tumutula, palakpakan ang surot at ipis
sa gagamba na nag playing trapis,ayos din ang aming disko
sa tugtog ng hayup na cumboooooo…
talagang hinanap, katatapos ko lang po panoorin sa utoob.
tenks ate lee.
@mtoni, maniwala kat sa hindi peborit ko yang si yoyoy at lahat ng mga kanta nya
wen ading ko… pakawanen nak… i zipper ko lattan toy ngiwat ko..
ahahahaha jerrrrriiiiiii hahahaha ykk na zipper gamitin mo hahahahaha mamamatay ako kakatawa dito sayo hahahahahahaha
Kamahalan, salamat sa yo at sa picture na inilagay mo hahaha peborit ko pa yang movie na yan at si jane march dyan ko sya unang nagustuhan,salamat ulit ng marami.
wala eh, tugmang tugma sa drama mo! hahaha
basta parekoy, pag andito ka na sa pinas, simba tayo sa dambana ni San Miguel at Ginebra. hahahha.
Dadalhin ko ang de-pagyak kong pentium 3 PC na multi-porpos…PC na para makapag-barrio siete tayo tapos pwede pang pambarbecue grill pag uminit! Nyahahaha. Ihanda mo na ang isaw at barbecue nating pampulutan. LOL.
usapin lalaki ata topic dito. makaalis na nga haha
kawawa na naman kame. lagi na lang sinasaktan!
lol
nyahahaha dencios my pangontra naman daw si jeri ayun kaka post lang nya lol
Tama ka lee, basahin nyo yung entry ko kung anong mga rason.. patas yan na labanan, at hindi bias sa part ng lalaki at babae..
promise!
@jeri, lumayas na si lakay dencios lol sumilip lang
cge lang boss jeri taas mo bandera ng mga kalalakihan sa barrio nyahaha
at anu namang bandera itataas nyang si lakay? paa nga nya baka dina maitaas e nyehehe
Wag kang ganyan dencios…
Kasama ka rin haharap sa dambana ni San Miguel! LOL!
lagot kayo! sinaktan nyo ang damdamin ni Dencios! basahin nyo ang rasones ni Jeri, ginugulo ko hehehe! leche! baka malintekan ako dun hahaha
Hala lagot ka kapitana, dinagdagan mo pa kasi he he he.
e ang kulit mo naman kasi lakay hahaha
masyado naman palang balat sibuyas nyahahaha
nyahahaha parekoy ilabas na kasi yang lapat at marka demonyo
si dencios nag tamporurut? aba lagot… babalik din yan, meron siyang hindi matiis dito.. he he he
ssshhh lakay wag ka ng mengay hahahaha bc bchan lang yan babalik yan pag dina bc
kakampay ako kay boss jeri!
kay pretty lee at kay kamahalan? di na!
hahahaha
@dencios, Hooooooy ang haba ng hair mo, ayaw mo kaming kampayan? pa kiss nalang … nyahahaha
ano ang kiss? ang alam ko lang ay laplap. haha
santisima, ayoko ng magbiro!
Lee, kahapon pa ako comment ng comment pero biglang mag down pag pinablish ko na.Parang lalaki lang minsan hehe. Makulay ang lab layf mo Mader…Pero aliw na aliw ako dun sa ibang lab ni bunso hahaha…Computer bwahaha at hindi si Mader…
@dfish, de puger na bata yan talaga e hahaha
@lee, batang de puger man sya, tatanda man at tutubo na kasing taas punong niyog, mananatiling baby ang ating baby sa ating puso. kung tawagin ba namang baby magagalit dahil hindi na daw sya baby.
sinabi mo pa lakay darbs, ayun nakalakhan na yung nickname nyang bunso kaya pati mga kaklase tawag sa kanya bunso lol.
pag tinawag ko ngang baby nagtatawanan yung maliliit nyang pinsan e hahaha
ohlala! ang italyana palang ito ay miyembro ng barrios siete? omg, now i know!
hello lee…