Ang Pinakamagandang Vaklush sa Balat Ng Lupa
Hello dear Barrio Siete readers! Warning lang, ang post na ito ay baklang-bakla hahaha at loaded ng pictures. Enjoy!!
Bonggang bongga ang mga piyesta sa provincia. Lalong pinasaya at pinakulay dahil sa mga beauty pageants like Mr. and Ms. Fashionista 2009, Little Miss Barangay ’09, Mr. and Mrs. Golden Age at ang bonggang bonggang Binibining Vaklush Beauty Pageant.
First time na magkakaroon ng Gay Beauty Pageant sa aming Barrio Siete kaya hinde ko pinalampas ang gabing yun. Bauuuty, kahit maulan ng gabing yun, wapakels, gora ang ditse nyo for this one moment in time. Nagkaroon muna ng madaming diskusyones bago ma-push through ang patimpalaks na itetch. Dahil ang Fiesta ay isang religious celebration, ayaw payagan ni Father na magpalabas ng ganitong klaseng event.
Nag-warla ang mga titaaa! Unfair daw iyon. And ending, pumayag si Father, wag lang daw i-chorva sa araw mismo ng Fiesta at magagalit ang mga Patronizers.
Excited ako. Kasamang chochorva sa stage ang kapit-bahay naming si Cafgu. First time na sasali ang bakla.
8:00 PM nag-start ang event. Punong-puno ng tao sa plaza. Basa ang kili-kili ko sa kakahintay, hulas ang beauty ko, ang tagal! Pagkarinig ko noong welcome greetings, this is really is it. Hinde ako magkanda-mayaw sa pag sigaw sa pangalan ni Cafgu. Standing ovation ang lahat pag labas ni Cafgu wearing his/her ethnic attire.
Si Cafgu at ang attire na gawa sa dahon ng saging at sa dahon ng puno niyog.
Ang galing mag-English ng baklaaa!
Sinundan ng ibang kalahok na mula sa kabilang barrio.
Gawa sa paper plate st straw ang outfit ng bruha hahaha
“Good evening! Standing in front of you right now is a…flower vase”
Ang nag fe-feeling Alwina (Mulawin)
Hinde papatalo ang isang ito, sya daw ang tunay na Alwina
Halos mag-tumbling ako sa tuwa, winner ang mga one liners!
Juiceme, mas seksi pa sa kin ang bruha.
At ang bonggang Swimwear:
Anong sey ni Pamela Anderson ng Baywatch sa naka Neon Orange na yan.
HAHAHAHA. Hinde ako maka move on sa naka-orange! Amputi ng singit lols. Si Cafgu pala yun naka-ternong blue.
Ang gaganda nila at mga socialites, sa isip-isip ko, wala yatang panama si Cafgu sa isang ito.
at pati sa isang ito.
Dumating ang portion na pinaka-hihintay ko, ang question and answer. Eto na ang winning moment ni Cafgu. Ang sabi nya:
Masaya ako sa pagiging ako. Konting respeto lamang po. I thank you.
Truth is, kahit saan naman may discrimination, at hanggang ngayon, homosexuality is not accepted in our society, pero silang mga bakla, bayot, binabae, gay whatever you call it, they all deserve our respect. Sa barrio namin, mataas ang tolerance ng mga tao sa mga gaya nila. Kase sila yung mga nakaka-graduate and almost always nagiging successul sa careers unlike yun iba na halos igapang ng mga magulang nila para makapag-kolehiyo. 1st year college palang eh nabuntis na o naka buntis na agad.
Sa sampung candidates, 9 sa kanila ay dayo galing sa malalayong barrio pa.
Kahit winner sa audience impact eh talo si Cafgu. 10% lang daw kase ang audience impact eh. Nanalo si Candidate number 10, siya si Charity is Beautiful, isang seasoned contender. Sya din ang nanalo sa kabilang barrio, sa isa pang barrio at pati sa town proper, kaya nang-giginait ang ibang bakla. Eh gusto daw kamkamin ang lahat ng korona. Pero ang sabi ni Cafgu, ito daw so far ang kanyang winning and shining moment – ang mapalakpakan at makilala ng mga ka-barrio nya.
It was a fun night. Natapos ang gabi na lahat kami ay may mga ngiti sa labi, pero si Cafgu, bagamat masayang masaya, ayaw munang umuwi sa bahay nila. Hinde daw kase alam ng padir nya na rumampa sya nun gabing yun, (ang tatay nga pala ni Cafgu ay isang tunay na miyembro ng Cafgu [Citizens Armed Forces Geographical Unit], eto yun mga sundalo na hinde daw sundalo, at everytime na may bakbakan between Military and NPA, sila yung mga front liners).
Honestly, nakakabilib ang determination nila at confidence, handa silang gumastos at harapin lahat ng pangungutya, latay or masasakit na salita, para patunayang sila ang karapat-dapat na manalo bilang pinakamagandang vaklush sa balat ng lupa.
Viewed 12514 times by 2631 viewers
malensky is is a true blooded Waray-waray from a certain barrio in the Eastern Visayas region. She graduated without honors in Engineering at some University along the Pasig river. A real life opportunist, self-proclaimed artist and street-smart babe who frequents the parlor, making friends with parloristas to get free highlites lol. She works in QC with slightly above minimum wage and plans to further her studies in Ricky Reyes Learning Institute so she could try a career out of haircutting, with manicure and pedicure.














aah..umm..ok..enjoy lang ang buhay sa alam nilang paraan ang importante MASAYA.
Good afternoon mula sa Dubai Mam Malen, Mam Reyz at sa lahat ng mga tiga Barrio.
dencios,
mag-usap tayoooo!!! waaa! me *pinaka-importante sa puso ko na andyan na sa dubai* hahaha! paki-sabi, ibalik yong pridyidir na binili kooo! grrr!!!
ate reynz, ipakulam mo na lang yun. hindi na maibabalik ang pridyidir mo. tsk.
o ano meron sa ref kamahalan? sige sabihin mo ako tatrabaho nyan. PM mo ko
siyempre una ako sa comment. hahaha!
message para kay cafgu:
‘ate, okay lang yan, sa sampung kandidata ay siyam kayong Thank You Girls. isa pa, ikaw naman ang best in audience impak kaya panalo ka na rin. you are the darling of the crowd!
ate Malen, naloka ako sa naka-orange swimsuit. i wonder nasaan na yung….. nevermind. lol
bwahahaha! nag-thailand sya hehehe marami daw dun ang magaling sa landscaping work heheh
ay, naunahan ako ni dencios. hahaha
hehe. gudam mel
Ditseeeeeeeee!!! Hahahah! Bongga ang mga vaklush!!!!!!!!! Ang ganda ng mga katawan!!
Nakakatuwa naman sa Barrio Siete mo! Next time pag uwi ko, sama ko sa yo diyan ha!
malabo ang piktyurs pero…EFFECT!
anlalaki ng mga anino, tsaka ang stage design, panalo, hahaha!
chuva, wala yata si tirintas dito tirintas dun!
ganyan ang ginawa nila dito kaya nagtilian, ayun, narinig ng kabilang compound, nagsumbong, huli ang 70 katao!
Ganda ng post mo Malen. Nag enjoy ako kahit ma lalate na ako sa work. Ang sabi nga ay winning is not everything,.. pero sayang din yung premyo. hahaha
hay naku father! kung ako sumali dyan, siguro walang Barrio Siete hehehe
nyahahaha oo nga naman dahil magiging super bc bchan kana sa mga rehearsals
ang gagaling nila at kaka-insekyur ha! at panalo sila sa Q&A portion,aliw na aliw! sayang walang ms gay sa aming pyesta last June.
nyaaaaaak mga ulangyaaah tinalo pako hahahaha gusto ko na rin maging vaklah pero dapat ako yung naka orenge graveh hahaha.
kaya nga nung araw pag sinabing my pa byuti contest ng mga vaklush talaga naman nilulusob namin dahil bukod sa talo nila ang tunay na mga babae sa pagandahan at paseksihan graveh ang utak netong mga vadingers nato, ang tatalino ang gagaling sumagot walang panama si san Miguel bwahahahah.