Home » Buhay sa Barrio Siete, Culture and Society

Ano ang Suot mong Sapatos?

21 September 2009 62 Comments

By Mahalia

shoes Photo Source: Weird Shoes

“Makikita mo sa ganda ng pustura ng isang tao kung makintab ang sapatos nya” Iyan ang kinalakihan kong kasabihan na minana ko pa sa tiyahin kong may kaadikan sa sapatos. Kaya naman nung marinig ito ng butihin kong ina, ito ay itinanto niya sa aming mumunting isipan tuwing alas-sais ng umaga kahit anong araw sa isang linggo. Mula Lunes hanggang Byernes, iaabot na ng tatay ko ang isang makalumang escoba na gawa pa sa buhok ng kabayo, kasama ang Kiwi Shoe Polish at mangitim-ngitim na basahan.

“Hudhurin mo pa!” Pakintaban kaming magkakapatid sa pagpapakinis ng aming itim na sapatos. Minsan pa nga napuknan yung leatherette nitong balat, pero di talaga halata dahil isang kuskos lang ang katapat nyan. Ang sikreto raw sa makintab na sapatos, ang sabi ng lolo ko ay dura. “Ano naman ang koneksyon ng dura at kintab ng sapatos?” Ang pandidiri kong tanong. Pagkatapos mo raw ilagay yung itim na pamagkit, duduraan mo raw ito bago mo kiskisin ng todo. Yak! Ano ba yan. Ayon tinesting naman ng kapatid ko kaya nagka-piso sya. Ang manalo kasi sa pakintaban may dagdag na piso ang baon. Malaman laman ko lang na kaunting pisik ng tubig sa bagong lagay na pakintab ay nagpapakinang sa kahit anong sapatos.

“Ah, ganon pala!” Kako. Kaya tuwing umaga, iinom muna ako ng isang basong tubig. Kasi kapag Milo, di tatalab. Kapag Nido, magiging malabo. Kaya tubig. Nasanay na ang mga paa kong makintab ang sapatos. Kahit na mahirap kami, sanay ang mga paa kong pansilaw sa aking mga kaklase. Wala halos pumapasok sa iskul na makulimlim ang sapatos. Palatandaan yata ito ng maayos na buhay pamilya kasama na ang panyo sa bulsa, kamiseta sa ilalim ng blouse o polo at hap islip. Sumusunod naman ako sa silenciong patakaran ng iskul na makintab ang sapatos. Kahit na nadudurog na ang hinliliit ko sa higpit ng sapatos, basta makinang lang ito, pwede na.

“About face!” Yang ang sigaw ng kumamdante sa CAT. Sa pag about face ko, natapilok yung nasa likod ko at natapakan ang swelas ng sapatos ko. Ngumiti tuloy yung likuran ng sapatos at kinaladlad ko na lang ito pauwi. Ano nga naman ang gagawin ko? Puknatin ito? Ano yon, may sapatos sa ibabaw tapos walang swelas sa ilalim? Chepepay! Pagdating ko sa bahay, agad namang ni-rugby ito ng tatay at itinapat sa bentilador para matuyo kinabukasan. Ilang linggo na ring nakalilipas napudpod na ang talampakan nito at rugby at pako lang ang katapat. Kaya lang napa-haba yata yung pako na ibinigay nung sapatero, kaya mula noon, masakit na yung hinliliit ko masakit rin ang talamapakan ko.

“Aling Cora, pabili nga ho ng dalawang lastiko,” ang lagi kong hiling sa sari-sari store na katabi ng ospital na katapat ng bahay namin. Huwag na nating balikan ang mga pasakit ko sa sapatos. Huwag na ring mabanggit banggit yang dating usong medyas na ginanstilyo. Ilang taon ko ring paborito ito. Sa pagkakapaborito ko rito, kahit na laylay na yung medyas, nireremedyuhan ko na lang ng lastiko ay pwede na. Kaya lang ang kati ng pianglastikan ko kapag hapon na.

“Hay, sa wakas tapos na ang pasakit ng itim na sapatos!” Makalipas ang ilang taon, gradweyt na ako sa itim na sapatos at laylay na ginantsilyong medyas, gradweyt na rin ako sa hap-slip at kamison (ilang beses rin akong napauwi ng madre dahil yung kaisaisahan kong kamison ay basa pa bago ko maisuot sa iskul). Tumuntong naman ang mga paa ko sa entablado para sa isang pageant. Wala naman akong ginastos, yung tiyuhin ko ang sponsor, kaya lang ako na raw ang sagot sa sapatos. Ang arte ko pa naman noon. Kaya nung magka-tsansa na akong bumili ng sapatos na gusto ko, inaasam asam sa ko talaga sa buhay, yung sintaas ng tore ng Digitel ang ipinabili ko sa nanay. Kaya nung nasa rampa na, para naman akong pengwin na pawindang windang ang lakad. Malay ko bang lumakad sa high heels. Muntik ko pa ngang talunin yung isang husgado. Kaya yung isang babae ang nanalo. Itinapon ko na yung Figlia anim na dipa ang taas noong malaman kong wala akong korona!

“Imelda” yan ang tawag sa mga obses sa sapatos. Kahit na di gasinong karamihan ang sapatos ko nong una, feeling ko imelda rin ako. Aba naman, may clogs din ako non, yun nga lang bakya na bili sa Divisoria. Kahit na di pa uso ang Havaianas, may sipit rin ako ha! Yun nga lang may aksesori itong aspili at perdible.

Noon nga lang una akong nag-trabaho na nakabili ako ng sariling sapatos na di nagugunaw kapag bumabaha sa kahabaan ng España. Mayron rin akong di matapon tapong sapatos dahil ginamit ko ito sa aking kasal. At may mga sikip na akong sapatos na ilang taon ko nang di binubuksan ang kahon dahil naghihintay ako ng pagkakataon na maipadala ito sa Balikbayan box.

Gaya ng kay Imelda, marami na tayong sinuot na sapatos sa buhay natin. May pang-eskwela, pang-byahe, pang-takbo at may pan-sosyalan. Tulad ng kasabihang, maraming sobrero ang buhay, kaya lang wala nang gasinong nagsosombrero ngayon. At halos pare-pareho rin ang istilo. Pero sapatos! Aba’y iba’t iba talaga ang makulay na mundo ng pangsaklob paa. Kita mo nga naman at may pagtatanghal pang gaganapin sa Broadway, New York na sinentro sa mga sapatos ni Imelda! Kahit marami man o konti ang sapatos na nasa estante natin, nagpapahayag ito na maraming tapyas ang buhay. Balanse ba ito? Baka may ilan na dapat nang ilabas ang itim na pangkinis, kuskusin at muling suutin natin ito.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 15611 times by 3441 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

62 Comments »

  • malensky says:

    your stories remind me sooo much of my elementary days in mababang paaralan na laging binabaha ahahhahaa

    ginawa ko din yun lastiko para sa maluwag na medyas

    when i was in HS, parisian ang tatak ng shoes ko, andali masira…hinde ko kase afford ang rusty noon

    • reynz says:

      graduation ko nun, sa elementary – grade six, binilhan ako nang aking madir nang leather shoes – my 1st ever ever ever ever ever leather shoes ever. eh dahil abno ako on how to use it, nung sinukat sa tindahan sa sorsogon, sabi, yong maluwag daw dahi lalaki naman mga paa ko. so, i remember, mga 1 1/2 inch pa yong haba, so nilagyan ko nan lang nang papel sa dulo para di nga a-aalog-alog, right.

      eto na. gora na ako sa graduation.

      hayup! ang haba nang paa ko! hahaha!

      ang mga demonyong kaklase ko, pinulutan ako nung graduation! halos maiyak-iyak ako sa hiyaaaaa dahil sa walang puknat na pangungutyaaa!!!

      kaya ngayon? would you like to know how many shoes i have kahit na walang occasion?! hahaha

      • Silver says:

        Hahahahha…

        Malamang Reynz kung klassmeyt kita nuon e napagtripan na kita nung graduation mo. Masasabihan pa kitang mala-titanic ang paa. Hahahahhah.

        Pasalamat ka, late na ako pinanganak. NYAHAHAHHAHA…

        ~tumakbo palabas dahil hinabol ng dos por dos ni Reyna~

        • reynz says:

          heheh ang hirap maging poverty talaga! you have no idea! aba! budget nang sapatos na yon hanggang 4th year high school ako noh! pero piktapos nang grade six, di ko na nagamet yon, sayang nga eh, grabeng lait ang inabot ko nun sa sapatos koooo!!

        • Mahalia says:

          Hahaha, I can only imagine Silver, natawa ako sa awayan blues noong HS, natrigger mo ang mga nakalipas na awayan na ginawa ko.

          Bluep, andami nating awayan no? Kasehodo ba namang ipag-seatmate lagi tayo. hehehe.

          • Silver says:

            Honestly speaking Mahalia, ako ang binubully nung elementary at highschool.

            Lahat na ata ng tukso sa mundo e natikman ko. Mababa kasi ang self-confidence ko noon. Wala akong bilib sa sarili ko.

            Nagbago yun nung nagcollege ako. Nileleche ko na ang lahat ng gustong magbully sa akin. Aba! Di pwede lagi na lang akong api anoh! Hahahahhaha.

          • Mahalia says:

            Silver, we all face insecurities when we were little, which was baseless naman kasi we all grow out of it and become (hopefully) better people. Although, we needed to face children’s problems to help us learn what is life all about. Have a great day in your 5 inches heels! LOL (de takong na si Ma’am)

          • Silver says:

            Ngak! Kung sina Mel at Reynz e nakakayang magtakong, ako hindi!

            Hahahahhah. Sapilitan lang ang pagsusuot ko ng de-takong na sapatos Mahalia. LOL.

      • Mahalia says:

        Reynz, buti ka pa nga may graduation shoes, ako nakihiram lang ako ng de takong sa nanay ko.

        How many shoes? I know you’ve talked about shoes in your blog before. Ang gaganda pa ng shoes mo! And the tatak? Wowow!

    • Snow says:

      Naku malensky, nakaka-relate din ako dito sa article ni Mahalia. When I was in my grade school, my mother would buy shoes din in SM. Yep, puro Parisian din ang tatak kaya every 12 months nagpapalit ako. Kulang kasi ang budget ng parents ko at ang dami naming nag-aaral. Apat kaming sunud-sunod.

      Kaya ngayon, kapag may sale bumibili talaga ako. I am now collecting shoes..hehehe… :D :D :D

      • Mahalia says:

        Imeldific Snow! Nasa diksunaryo na pala yang Imeldific word na yan. Naalala ko tuwing pasukan, isasama ako ng tiyahin ko sa SM, ang daming namimili ng sapatos. Gusto ko sana yung mahal pero anim kaming bibilhan, nakakahiya.

        Noong di na kami dinadala ng tiya ko, sa palengke na lang na imported from Divisoria.

        I still carried that trait na mag-hanap ng mumurahing sapatos. Di naman kasi gasinong naglalakad ang mga tao rito kaya yung mga used sa thrift store, di gasinong gasgas. Kahit yung one dollar binibili ko talaga. Pero di na ako nag-lalagay ng dyaryo sa dulo. hehehe.

        • Snow says:

          Medyo I’m a little bit Imeldific nga ako recently sis pero medyo conscious rin ako sa price. ;)

          I now collect shoes na made mostly by Celine at So Fab!. Kapag may extra na pera right after alloting something from the savings, bumibili rin ako ng medyo mamahaling brand. Pero hindi ko naman nasusuot lahat. Ok na rin at least may ‘mini shoe collection’ ako. hahaha..Halatang deprived of shoes tuloy talaga ang dating ko nung kabataan ko… :D :D :D

    • Mahalia says:

      Ay oo natatandaan ko nga ang Parisian. What will we do without affordable shoes noon ano? Matibay ang rusty. Kaya lang mahal. Yung Parisian, kapag nabasa, nakapal, kasi gawa sa cardboard yung sandwich ng swelas.

  • Mel says:

    we cannot blame talaga if someone or us has an overwhelming number of shoes dahil minsan na rin tayong naka-experience nang walang maisuot. fortunately, hindi rin ako maluho pagdating sa footwear dahil sa totoo lang, hindi ko feel mag-sapatos. hahaha! kahit sa work, mas feel ko mag tsinelas. sa totoo lang konti lang ang shoes ko. but the bags, well that’s a different story….

  • Silver says:

    Parisian din ang balat na shoes ko noon. Sinusuot ko lang pag sa school. Pero mas peborit kong isuot ang rubber shoes kasi mas comfortable ako pag suot ko yun. Rubber shoes person kasi ako. Feeling on the go palagi. :D

    Meron akong tita noon, pinapadalhan ako ng Nike shoes galing Dubai. Kaya pag PE namen sa school or may camping sa Girl Scout or pag may basketball game ako, lahat ng estowdents nakatingin sa rubber shoes ko. Heheheh.

    Yung nanay ko e galit na galit sa akin dahil ang hilig hilig ko daw sa rubber shoes. Dapat daw may balat na shoes ako. Kaya nung nagwork na ako, natuto akong magsuot ng leather shoes at yung may 2 inch heels. Pwersahan eh. Kelangan. Leche nga lang at di ko talaga type ang feeling pag naka-heels. Ang sakit kaya sa paa. Heheheh.

    • Mahalia says:

      :)

      Silver, dalaga ka na! Nag he heels ka na! may kasama ako sa church, hate na hate nya ang heels, kaya tuwing sisimba, kahit na pusturang pustura sya, naka tennis shoes talaga sya, pinagtatawanan ko nga.

      So ako naman gamit ko ang tactic na “Since-I-am-a-foreigner-I can-get-away-with-asking-rude-questions” Sabi ko sa kanya if she owns other pairs of shoes. Ang sagot about ten. Eh yon pala eh, bakit puro tennis shoes. Sabi nya ten different tennis shoes. Ngak!

      • Silver says:

        Nagagalit nga sa akin ang nanay ko dahil puro Nike na shoes at things ang trip ko kesa sa balat na sapatos.

        E totoo naman e. Ang sakit sa paa ng heels. Ampfness. Buti na lang sa present dayjob ko e thrice a week lang ang need to do heels. Sa nightjob ko naman e kahit bunny slippers, I can get away with it. :D

  • Lalaine S. says:

    Nung high school ako, nauso yung boots, sinusuot ng mga estudyante with their uniform. Gusto kong makiuso, pero ayaw na ayaw ng nanay ko, hindi raw bagay sa palda. Syempre, si nanay ang nasunod kasi wala naman ako pambili. Mary Janes ako forever tuloy. In fairness, binilhan nya ako ng sandals, yung parang Birkenstock na nauso rin noon. Sinuot ko yun sa school every Wednesday (no uniform day) with iba’t-ibang kulay na medyas, minsan magkaibang kulay na medyas. Sobrang fasyon ang feeling ko noon, hehe.

    • Mahalia says:

      Yun bang boots na may pula sa may swelas at mukhang pang military? Yung 2,500 pesos yata yon, ang going rate ng regular shoes ay 300 pesos? Di ko na matandaan ang pangalan. Ay oo nauso nga yon. Kaya lang na-ban ng madre kasi nga di raw bagay sa palda.

      Naku sowsyal ka day may Birkenstock, kahit ngayon I don’t understand why it’s so mahal. Chefefay lang talaga ako ‘day!

      • Lalaine S. says:

        Hindi sya Birkenstock, mukha lang Birkenstock, hehe.

        A few years ago, nakabili ako ng totoong Birkenstock sa Germany. Medyo mahal pag nag-convert ka to peso, pero 30 Euros lang. Komportable at matibay, gamit ko pa rin hanggang ngayon, pero sans the medyas. :)

  • Pusa says:

    Buti pa kayo me mg parisian. Ang nanay ko super loyal sa mga tindahan sa escolta, dun daw ang magagandang bilihan ng shoes nung araw pero di ko naman kilala yun mga tatak na binibili nya. Amf. Tapos sya lang pd mamili ng design, tatanungin ka lang kunwari kung gusto mo yun napili nya shoes pero in the end yun gusto nya pa rin ang mauuwe hehehe. Kaya hays wag rin itanong kun ilan ang shoes ko wahahaha we all have our own little imelda in us. :)

    • Mahalia says:

      Pusa, bakit ganon ang mga nanay ano? I guess they know best. Kung nasunod siguro ang lahat ng type nating sapatos, we’d be non-shoe connoisseurs today. Maybe we’d obsess on something else.

      Pero ‘day, ang gaganda ng shoes mo ha! Kapag nakikita ko sa mga pictures sa Facebook, I turn green with envy. hehehe.

  • Paeng says:

    ANg sapatos ni Sion
    Nilagyan ng biton
    Kikinis yun.

  • Rob Angeles says:

    Wahahahaha naalala ko tuloy nung bata kami. Ganyan din kami, dapat makintab ang sapatos araw araw. Di na nga naalis sa ugali ko hanggang makarating dito sa barrio ko. Napapnsin tuloy ng mga onaks na parang araw araw ako naglilinis ng sapatos. Sagot ko na lang eh it’s a Filipino thing you know.

    • Mahalia says:

      Hahaha, kahit ang asawa ko nagugulumihanan kung bakit nag-i-is is ako ng sapatos tuwing linggo. Kahit nga tennis shoes iniisis ko rin. Next nyang itanong kung bakit, alam ko na ang sagot! It’s a Filipino thing!

      Man, I can get away with a lot of stuff using that one powerful statement: It’s a Filipino thing! Yahoooo!

  • melan says:

    ahahaha! medyo nkakarelate ako dto I remember high school nko noon natatawa n lng ako pag naalala ko..may nakapagsabi saken n kesa mag pagod ako magpakintab ng shoes s pamamagitan ng kiwi at brush kumuha n lng ako basahan at mantika at pahiran ko.. so ginawa ko tamad ako eh eto n nung pumasok n ko nagkataon ginagawa kalasada papunta s school so lakad ako dahil malapit lng bahay nmin tuwang tuwa ako dahil makintab nga pag dating ko s school lahat ng alikabok ng kalsada nakadikit s shoes ko.. inis n inis ako dahil nagtawanan mga classmates ko pagkakita s shoes ko simula non dinedma ko n ung nag advice saken HMP!

  • gentle reader says:

    Its my habit to make sure na laging malinis ang sapatos ko saan man magpunta. Yan ang turo ng tatay kong military nung araw, gabi pa lang kelangan handa na ang lahat. Practically speaking it applies to my walk of life. Be prepared all the time…

    • Mahalia says:

      gentle reader, thanks for the good life illustration, “walk of life!”

      mabuti may mga magulang tayong nagturo sa atin, kahit busy sila, they took time to train us through our childhood, nadala natin ito sa buhay natin.

  • Mr Nonsense says:

    my dad was a shoeshine boy for the longest time. binuhay nya kaming walo sa pamamagitang ng paglinis at pag-repair ng mga sapatos ng mga me kaya. i couldnt imagine how much people would invest for name brands kahit na pangit naman ang style. sometimes people tend to rely on namebrands to define who they are instead of wearing something that’s feels right for them.

    • Mahalia says:

      I agree Mr. Nonsense, kaya lang noong bata pa tayo walang choice kahit sikip na, dahil wala pang budget sa bagong shoes.

      But now we’re a little older, it’s ridiculous to kill your feet with branded shoes that are uncomfootable. Sayang lang pera sa shoes at sa podiatrist! LOL

  • Monique says:

    There was one very matibay na black shoes na lahat yata ng bata sa barrio namin eh yun ang suot sa tindi ng tibay. It was called Greg shoes na mabibili mo sa Aldevinco Shopping center (sa mga nakapunta ng Davao kilalang bilihan din yun ng mga souvenir items). Giba na ang paa mo pero the shoes is still in-tact! Kung pwede kasing more than a year gamitin ang sapatos panskwela mo eh hala, gamitin. Kung di pa nasisira ipapasa mo pa sa younger kapatid! diba?!

    Ang sikreto, punasan ng maige ang sapatos, para matanggal ang alikabok at kung ano2x na mga nanikit na dumi, pahiran ng kiwi, let it stay for a few minutes para medyo tuyo na, then hala, brush it… kung pwede pang after the brush eh shine it using the trapo… lol!

    Buhay nga naman natin noon! lol.

  • Mahalia says:

    Giba na ang paa mo pero the shoes is still in-tact!

    Dapat yan ang commercial tagline ng Gregg Shoes! LOL

    Nakaranas rin ako ng Gregg Shoes, di lang bago kasi nung napasa ng pinsan ko, ako ang taga-sambot.

    Yes, buhay nga naman natin noon, now, it’s our kids’ turn!

  • annie says:

    ang gawa naman ng ama ko nuon para tumibay ang sapatos, nilalagyan nya ng boston ba yun? ang ilalim, para daw matagal mapudpod. kaya lang no, ang ingay naman sa pag lalakad hahaha…meron pa akong sapatos na pula nuong ako ay elementary, kasi mura daw iyun..ooleather nga! pero susme naman ano? ako lang ang may sapatos na pula hahaha kahit mag-iiyak ako talagang dapat isuot ko iyun dahil wala namang iba!

    • reynz says:

      me pangkin ako si jhun, dati sa tiwi albay, hehehe na-alala ko ton nung nag-kwento sya nung umuwi kami.

      graduation daw nya nun, kelangan nang black shoes, indi yata binilhan nung bayaw ko for whatever reason, so ang ginawa, pininturahan yong rubber shoes nya nang itim hahaha mangiyak ngiyak nung kinu kwento, kami namang mga tarantado, mamamatay sa kakatawa hahah

      • Mahalia says:

        Wahahaha, natawa naman ako sa pinsan mo. The epitome of Filipino Ingenuity!

      • gentle reader says:

        Wish ko lang kung sino maging Trade Secretary sa new admin in 2010. I-promote naman nya at bigyan ng pansin ang gawang atin tulad ng sapatos ng Marikina para dagdag sa ekonomiya -buy philippines 2010. Karamihan ng sale items sa atin eh yari China at ukay-ukay. Kung magkaganon lahat tayo panalo.

    • Mahalia says:

      Naku Boston! Para sa tap dancers yata yan, gamit lang pampatibay sa sapatos ng bata! LOL.

      Uso na ngayon ang pulang sapatos. Kahit walang matching sa get-up pula talaga ang mga sinusuot ng mga artista ngayon. You are ahead of your time Annie!

  • gentle reader says:

    Kay daming kakatwang kwento pala ang sapatos.

    Eto pa ang isa, noong bata pa kami sa barrio mahilig manirador ng ibon sa bukid. Kami ang gumagawa ng sarile naming tirador eh kulang sa materyales, yung balat na humawak sa bato na nakatali sa goma ‘pabalat’ ang tawag.

    Wow jackpot! dila ng combat shoes ni tatay ginunting ko. Ayun. latay ang pwet…waaa! simula nun naging maingat na ako sa gamit ko.

    • Mahalia says:

      Patay! isinuot pa ba ni Tatay yung boots nya? nakakatawa namang imaginin, may bota pero walang balat sa may toes. LOL.

      Nahuli nyo yung ibon sa tirador?

      • gentle reader says:

        Ang dila wala sa toes Mahalia sa banda itaas yun panakip sa medyas sa ilalim ng sintas. Yung combat shoes mahaba ang dila nun at pure leather cya..halos lahat ng yata ng shoes meron nito. Kung sa huli marami pati yata bayawak at mangga ng kapitbahay di pinatawad. hahaha!

        • Mahalia says:

          ah ganon ba? akala ko ay pinuknat mo yung toe are ng boots ng tatay mo, dila pala. nagamit pa ng tatay ang boots?

          Anong ginawa nyo sa bayawak? pet or food? LOL

          • gentle reader says:

            Ay naku sinabi mo pa! martial law time pa noon kaya lagi call on duty si tatay. request uli sya ng bago boots, ginunting ko na rin yung isa kapareha para pantay… pang bukid na lng ng mamay sa looban.

            Well, yung bayawak? taste like chicken. delicious.

  • Maldito says:

    hindi ako makarelate dahil noong elementary ko, chinelas parati ang pinasusuot sakin dahi no afford ang tatay…noong nga graduation ako, hiniram pa sa sapatos ko…worse is UNISEX pa.ahahhaa…with matching blue socks….ahhhH!!i hate my life!lols

    pero ngayun..ehem ehem ehem….di ko nalang ilalagay kung ilan ang sapatos ko.lols

  • promking says:

    masasaya talaga ang memories ng mga sapatos.

    meron akong sapatos na ginamit nung 3rd year HS. Magkasintangkad lang kami kasi ng date ko sa prom kaya kapag nag high heels siya, mas matangkad na siya sakin.

    nung 4th year HS ko naman na shoes, yun na ang gamit kong leather shoes hanggang ngayon. wala na kasi akong maisip na dahilan kung bakit bibili pa ako ng isa pang leather shoes. forever ko nang sapatos siguro yun.

    • Mahalia says:

      wow ang tibay naman ng sapatos na yan! gawa ga sa leather ng kalabaw yan? Joke lang.

      Kaya pala PromKing ang uname mo kasi may mga precious memories ka ng de takong mong partner.

  • Chi says:

    hahaha. nung HS tayo mahalia, peborit ko yong bulldog! and yes alala ko tuloy na dapat complete underware tyo. me kamison short at half-slip pa! lam mo ba nadala ko yon hanggang ngayon? litsi! kahit sobrang init di ako mkapasok ng walang undershirt sa uniform! and diba me tinatastasan ng lilip ng palda ang mga madre pag super ikli? hihihi…nakapila tyo sa me gate non…hahaha. those were the days!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.