Anong Gagawin Mo sa $6.1 Million?
Habang ako e medyo sinama ng tyan ng dahil sa ewan at nasira na naman ang aking beauty sleef dahil sa garalgal na tyan, sinamantala ko na munang sumilip sa aking kubo sa barrio siete. ~silip~ ~silip~
Lagok ng gatas here and there, naispatan ko ang isang piraso ng balita tungkol sa isang mag-asawa sa New Zealand na naging accidental millionaires dahil sa aksidenteng na-wire ng bangko (Westpac ang pangalan ng bangko) ng 10 million NZD (new zealand dollars) or katumbas ng 6.1 million dollars. Nanlake ang mata ko sa laki ng pera na nagkamaling nailagay ng bangko sa account ng mag-asawa. Samantalang ang inapplayan lang nilang overdraft e 10,000 NZD lamang.

Eto pa mga ka-barrio ang masalimuot sa storya na ito. Nung sumunod na araw e biglang naglaho na parang bula at may-we-fly to Hong Kong na ang mag-asawa. Nagmamay-ari sila ng isang gas station pero nung pinuntahan ng mga pulis ang kanilang lugar – mega disappear ala houdini chorvalais na sila.
Tsk. Di pa tapos ang kasalimuotan ng kwento na ito: nagtangka pa umano ang mag-asawa na itransfer ang $4.1 million sa isa pang bank account. Tsk.Tsk.
Ang recent sagap ng chika about this estori e may narecover ng $1 .85 million dollars ang Westpac at the hunt for the aksidental milyonaryos e umabot na hanggang Hong Kong.
Pagkatapos kong basahin ang balita, napaisip ako (mabuti na lang di na garalgal ang aking tyan at tipong nakisama na sa akin). Alam nyo yun, simpleng honesty policy trulalu lang sana ang ginawa ng mag-asawa pero baket di nila nagawa davah? Kung dito nga sa Pilipinas e binabalik ang anumang malaking halaga e binabalik. Well, most of the times naman but not guaranteed always.
Ang pera e sadyang nakakasilaw. Hindi lahat e may honesty policy. Oo nga naman, $6.1 million yun. Nakakatukso ang tawag ng hamey (read: pera). Naalala ko ang kwento ng isa kong kaibigan na nagtrabaho dati sa Citibank. Magkamali ka lang daw ng isang zero e tigok na ang work mo. Oo nga, napansin ko yun sa storya. 10,000 NZD overdraft ang inaaply ng mag-asawa sa bangko pero ang bangko e nagkamali – naibigay nila e 10 million NZD. E di ilang zero na ang nadagdag nun. 3 ata. Tsk.
Oh well, sana makita na nila ang aksidental milyonaryos na yun. Para silang naghahanap ng karayom sa dayamihan. Tsk.
Kayo? Anong gagawin nyo sa $6.1 million dollars na biglang dumating sa bank account nyo? Ako malamang, isosoli ko yun dahil una, hindi ko pera ang iba dun at pangalawa, mas naniniwala pa ako sa”karma” bank account ko kesa sa hamey bank account ko. Mwehehe.
Kunot na ang noo ng bank manager nun. Malamang, wrinkols na wrinkols evah na yun. Wawa naman.
P.S.
Buti na lang natapos din ang pag-garalgal ng tyan ko, saktong tapos din ng pagsulat ko ng post na ito. Mahirap na maabutan sa simbahan. Haha. Magpapatabas na kasi ako ng sungay ko. Haha.
Viewed 9265 times by 1210 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














ay scary! 6.1 million dollars is 6.1 million dollars, magdududa ka talaga bakit napunta yun sa account mo. malamang kung sa akin nangyari yun matagal na akong nag-panic.
on second thought, ilang birkin na kaya ang mabibili ko nun ano? hahahaha! chos
Bwahahah….oo nga naman Mel.
Ako iniisip ko kung makakabili ako ng isang Ferrari. Bwahahah…
Mel,
paniz ang estori na ito dun sa nag-isip ng 8.5 million readers a day daw ang nagbabasa ng blog nya. Hahaha.
Mas matindi ang isang yun. Hahahahaa…..
mwahahaha!
mas unrealistic naman yun kesa dito. Lol
malamang hindi pa yun nakakalabas ng NCMH. chaaaar!
Baka nagkamali lang siya ng bilang ng langgam…hehe.
Ipa-recount nga natin.
hehehe! ~evil grin~ siguro titipyas din lang ako nang konti at sasabihin ko, nagkamali rin po ako! hahah!
interesting story!
Bwahahah…
Magandang lusot yan Reyna! Sabihin mo sa bangko at pulis: nagkamali aketch! sabay harbat ng .5 million dollars hahahha…
hehehe!
seriously! babayaran ko lahat nang mga utang ko! hahaha! at pag me magsingil saken, at least iisa na lang. sila na lang hahaha
Luka ka talaga Reyna…
At least nga naman noh? Isa na lang ang intindihin mo. Hahahha…
well you know, consolidation loan errr nakaw hahaha
LOL.
Consideration nakaw. Hahaha…
hahaha! of course magtataka ako bakit may milyones na eh laging below the minimum daily ang laman ng bank account ko. hehehehe.
kawawa ang manager at teller ng bangko na nagkamali. tiyak ibabawas yan sa suweldo nila.
like reynz mag withdraw din siguro ako ng kahit 20 thousand, yung maximum daily withdrawal sa atm dito.
hehehehe.
eh naduling po ako, kala ko 60 thousand lang ang pera, hindi 6.1 M.
hayyyy…seriously pupunta ako sa bank. eh baka bigyan ako ng pabuya kahit 10 thousand.
hehehehe.
pero ha scary yan, eh baka modus. hahaha!
Glo,
Ako malamang, pag nakita ko yan sa bank account ko eh mahihimatay ako..
~kablag~
hmmm ayos naman ang number format nila(New Zealand), dito nangyari din yan, ito kaseng mga portuguese e gusto yata palitan lahat ng bagay sa mundo, nung unang dating ko napagalitan ko dahil may mali sa program… nag input sila ng 78.00 na exchange rate, aba naging 78,000, kase naman baliktad ang tuldok(.) at kuwit(,) sa number format nila. malay ko ba nung una…
pero huuuaahh… 6.1million… papadala ko sa kanila in check named anonymous…
sinoli ko naman
naduling ata ang computer sa paglagay ng zero nito malamang. LOL.
Wow!
Dun sa tanong kung ano ang gagawin sa $6.1M magpapatayo ako ng hospital dito sa baryo namin para doon na lang ako magdodoktor.
Yung matitirang pera ganito ang gagawin ko;
1. Magbabayad ng utang
2. Hahatian ko ang mga kamaganak ko (parents and sister)
3. World tour
4. Maipupublish ko na ang libro ko (di ko pa alam kung ano ang title, siguro “How I spent 6.1M and got away with it”)
5. Donate sa charity
6. Taya sa Lotto (money begets money daw kasi para ulitin ko ang list ko na ito)
7. Bibili ako ng domain at webhost ko!
8. Bibigyan ko ng domain at webhost ang mga kaibigan ko na bloggers.
9. Pwede na din siguro ako mag sponsor ng sarili kong blogger’s summit
10. Iisipin ko pa
Pero kung sa maling paraan pala napunta sa akin ang pera na yun. Aysus ginoo! Isosoli ko sa banko.
(sigh)
Z
Hahaha….
Z, isama mo naman kame sa world tour mo. Hahaha…
una sa lahat pihadong ang maiisip ko kulungan. ayokong magkasala kaya sosoli ko iyan. ang karma nasa tabi tabi lang, nagbabadya.lol
baka bumili na lang ako ng isang iphone. pangarap ko yun tas sosoli ko na yun lahat hahaha
Bwahahhaa….
Ako e bibili ng latest na sony vaio at mac…lol.
Dencios,
Hahabol ka pa ng iphone ha. Hahahha…
nakakakaba, nakakaexcite!…..hmmmmmmm…..ayoko ng ganitong estado, madadali ang buhay ko. ayoko ng kinakabahan, ayoko ng naeexcite.
Aatakihin ka na ba sa puso roni? Hahah..
will lead you to stress, will weaken your heart. isoli para walang sakit ng ulo. mas msarap yata yung perang pinagpaguran, hahaha!
Korek ka dyan Roni. Apir!
Mahirap pag ganyan kasi may katibayan na napunta sayo ang pera. Pero baka pwedeng humingi ng danyos dahil nataranta ako. Mga $ 1M pwede ng danyos. Happy na ako dun
pwede yan ate nina! hahah…
o danyos daw ng 1 million dollars. haha.
ay! perfect ito. sue them for damages dahil na-stress. hahaha!
hahaaah danyos perwisyos ba hahaha oo nga naman emotional stress kamo
Hehe…
Ganda nga ng pagkakahingi ng danyos nito ni Ateng Nina. May laban ang kanyang argument sa korte.lol.
silver,
seryoso muna ako.
nagtataka ako paano nila nailabas ang pera. dito kasi sa states, kapag nagwithdraw ka ng pera ng mahigit 10,000 dollars, hihingan ka nila ng mga information. irereport nila sa sa regulating bodies yon.
noong matagal na, mayroon ding mag-asawang filipino ang nagkaroon ng 1 milyon dolyar dahil sa pagkakamali ng teller sa Hawaii.
Ang alam ko dinemanda sila ng banko kahit umuwi na sila sa Pilipinas.
dahil marami ng nagastos doon, kunti na lang nabawi.
i heard that story also about the couple sa pinas. konti na lang ata naibalik sa bangko dahil pinamahagi nung couple sa mga relatives hahaha
this story does sounds more like a homeland security issue Cat
eh ako nga send lang nang $1k sa mga boylets ko (hehehe) kung ano anong ID at numero ang hinihingi nang PNB taz tatanungin ka pa kung ano ang source! litsi!
Bwahaha…parang ganito ang linya ng tanong:
Madam, anong source ng funds nyo?
LOL.
Nakakapagtaka din Ms. Cat.
Parang napaka-loose naman ng banking policies dun.
Ewan ko lang kung nahanap na nila ang mga aksidental milyonaryos.
ang hindi alam ng mag-asawang ito sila ay matitrace dahil puwede silang ipahanap sa tinatawag ng mga bountry hunters.
kung ang nawala nga naman saiyo ay 6.1 million , anu ba ang 100,000 dollars na ibabayad pagtunton sa ganiyang mga nagtatago.
at dahil ngayon high tech na sila, the only recourse that they could do is change their looks and their identities.
Punta sila kay vicki belo para sa cosmetic surgery. Siguraduhin lang nilang wala si hayden. Baka ivideo sila. yakyakyak
Bwahahaha…
ROFL.
ngayon sa tanong mo ano ang gagawin ko kung sa akin nangyaring magkaroon ng 6.1 million dollars/
isosoli ko. Ooops bakit may malaking halo na lumabas sa aking ulo.
Kasi silver, ako yata ang taong pagnakalamang sa tao, pinaparusahan kaagad.
Kagaya noong istudyante pa ako,hindi ako nasingil
sa bus. Tuwang tuwa ako.
Pag dating ko sa iskwela, napansin ko naiwan ko pala yong baon ko.
Kaya bumili ako ng tanghalian, mas mahal pa sa nalibre sa akin.
haha.
Ako mas takot ako sa buwelta ng karma kesa sa tadyak ng pulis haha.
Kaya do a good turn daily ang drama ko. haha.
Anlabo naman nung banko diba malalaman mo naman na iba yung account name at account number?
Mark,
naduling yung computer. haha.
Gandang gabi po sa lahat. Pasensya na po makikisabat ako, hehe.
Silver, Mabuti ka pa sandali lang ang paggaralgal ng tiyan mo ako hanggang ngayon. hehe.
Re: $6.1M, kung ano ang gagawin. Kung ako siguro isasauli ko rin kasi masyadong malaki nakakatakot. Tsaka wala ka ring peace of mind ng ganun eh, alam mong hindi iyo tapos pagiinteresan mo. ‘yun lang po…
Hehe. Ganun din ako Yami. Hindi kasya sa mahiwagang baul ng lola ko ang 6.1 million dollars na yan. Haha.
Feel free to comment ka lang here and there dito sa Barrio siete.
May benefits pala ang pag-garalgal ng tyan. Nakakagawa agad ng blog post. Haha.
mahirap nga yan. di ata nila alam, mahirapkalaban ang bangko. at mas mahirap kalaban ang kunsensya.
pero di natin alam, sa ganitong financial crisis, maraming utak ang natutunaw.
dati sa Los Angeles, me nalaglag na parang garbage bag sa daan galing sa isang armoured van. walang pumapansin, akala basura. me isang mexicano, pinulot, iniuwi, at 2 weeks nyang dinasalan.
puro dollars pala ang laman. 2 linggo nya pala pinag-iisipan kung isosoli, o iuuwi nya sa mexico. in the end, isinoloi din nya, kasi di nya pede itawid ng border, mayayari sya.
buti na lang di ako nakapulot nun, kundi malamang ipinawestern union ko yun sa lahat ng kamag-anak ko at ke reynz.
on second thoughts, kaya siguro di ipinag-aadya ni Lord na ako ang makakita. baka magkasala ako. hehehehhe.
Bwahaha…
Ipawestern union ba agad? Hahaha…
malaking pera yan, kung sa akin nangyari yan, isosoli ko, iba naman yung case ng mga scavengers last december sa atin, naitapon yung mga dollars na nasa garbage bag at nasa dump site na ng mapulot ng mga pulubi at pinaghatihatian nila, naging masagana ang kanilang kapaskuhan, at ang alam ko hindi na nabawi ng money changer yung pera na may isang milyon din ang halaga, kasi di daw naestablish yung ownership ng pera, may dollars sa basura say mo
Hehe…oo nga cool momsy. May dollars sa basura.
mahirap yan isang kaso na sinabi mo ha, hindi na talaga nila mababawi yun.
anong gagawin ko sa 6.1M?
ipapagawa ko ang Talahib Hiway sa barrio namin hehhehe
Hehehe…
pwede malen. tapos paglagyan mo ng mono-rail or bullet train ang sa inyo para 2-3 hours na lang ang papuntang maynila. hehe.
hindi aabot! kelangan mo nang tulay mula matnog, sorsogon hanggang borongan, samar hehehe mahirap namang isakay sa bangka yong bullet train, hirap kamo mag sagwan hehehe
Nakakaloka, kung saken mangyayari yun?? Oh no, makatulog kaya ko kakaisip na baka may nangangailangan nun?? Baka kaya mayganun kalaking pera eh para pang-opera sa maysakit na nanay nya, and the like.
Joycee,
Baka di ka makatulog kung bibilangin mo pa ng mano-mano ang pera. Hehe.
Kung sa akin nangyari ito, isosoli ko yung $6.1 million. Hindi ko kayang mamuhay ng hindi naman sa akin ang perang nakuha ko.
Snow,
Ang bait mo talaga.
Ako rin naniniwala sa Karma. Babalik din sa kanila yung ginawa nila.
It’s always good to be free of guilt. You will have a peace of mind.