Home » Baryo OFW

Are You Proud to be Pinoy?

12 June 2009 22 Comments

Barrio Siete is one with the nation in celebrating our Independence Day today, June 12, 2009.

Sa panahong ito sa buong kapuluan nang mga Barrio Siete, usong uso ang pagiging makabayan. Mabentang mabenta ang mga t-shirt ni Francis M. Pati na rin mga accessories na nagpapakita ng pagiging Pinoy. Pati na mga shoeses ni Pacquiao na very limited, pinilahan pa dito sa isteyts.

si luz, si vi at si minda

Bakit nga naman kasi hindi, eh sempre pag hindi ka makabayan, at least sa japorms, hindi ka in, hindi ka cooool. Kaya naman nung maligaw ako ng SM North nung isang buwan, di pwedeng di ako umagaw ng t-shirt na may haring araw kasama ang kanyang tatlong chikababe stars.

Pero sa kabila ng pagiging “in” nito, magiging makabayan pa rin kaya tayo kahit di na ito uso? Sige, tatanungin kita ulit after forty-payb years.

In fairness, nakakatuwa maging Pinoy ngayong mga panahon na ito. Kahit pa nga ba patuloy ang mga pagpapataba ng mga alaga nating baboy sa kural ng kongreso, marami rin naman ang nagpasaya at naghatid sa atin ng karangalan bilang isang Pinoy.

Ang mga suntok ni Paquiao na nagpasikat na naman sa atin sa larangan ng umbagan, sempre isama mo pa si Aling Dionisia na nauna pang hinihimatay kesa sa kalaban ni Pacquiao. Pati na rin ang iba pang mga boksingerong nagbigay ng karangalan sa bansa.

Sa inyong lahat.. tink yu biri much!

Hindi lang umbagan, dahil hindi magpapahuli si Charice Pempengco pagdating sa biritan at punitan ng lalamunan. Pati na rin si Arnel Pineda na patuloy sa kanyang journey sa kasikatan. Maging sa mga singing contests abroad, namamayagpag ang mga lahing Pinoy. Pati dance contests kopo na rin ng mga kabataang pinoys.

Karamihan din ng mga sikat na artista at singers sa ibang bansa ay may dugong Pinoy kaya naman sempre ito ay dagdag na nakakapag bigay ng pride sa ating mga dugong Pinoy, pampahaba ng hair.

At lately, me nadagdag pa sa listahan ng mga alamat na manunumbok na sina Amang Parica, Efren Bata at Django Bustamante, ito ay si Rubilen Amit na nag-kampeon sa Women’s World 10-Ball Championship. Nakasilat din ang pinoy na director na si Brillante sa Cannes, tinalo pa si pareng Quentin. Suskonamanteng, walang binatbat si Direk Hayden.

Ang mga ito ay patunay na pagdating sa umbagan, kantahan, sayawan, tumbukan at sa larangan ng sining, angat ang lahing Pinoy.

At sino pa ba ang hindi tataba ang puso sa isang Pinay maid na nasa bayan ni Chip Tsao. Matapos syang makakita ng sandamakmak na salapi mula sa basurahan na nagkakahalaga ng HK$ 350, 545 o 2.1 milyon pesoses, mas pinili pa nyang isoli ito. Ito ay sa kabila ng mga problema nya sa buhay. Sya ay jobless sa Hongkong, at nabubuhay lamang sa pamamagitan ng pamumulot ng mga recyclable soda cans at cardboard boxes.

Si Mildred Perez, a 38-year-old Filipina, ay kababayan ni Kotsengkuba at nagmula sa Bambang, Nueva Vizcaya. Ang mga kagaya ni Mildred ang higit na nagbibigay ng karangalan sa lahing Pinoy. At hindi katulad ng iba, walang gantimpala o pabuya o kasikatan ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang bagay na yun.

At sa dahilang yan, mas lalong dapat na bigyan natin ng pugay si Mildred. At ang mga kagaya nya ang nararapat na mas bigyan natin ng medalya bilang natatanging Pinoy. Na sa kabila ng pagiging satirical nation of servants ng mga Pinoy, at ang umano’y pagiging mukhang pera ng mga Pinoy na nag-a-abroad, mas pinipili natin ang pagiging mabuting tao kaysa sa sandamakmak na pera.

I really am very proud to be pango. Are you?

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12596 times by 3341 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is your quintessential skeptic but a not-yet-so-hopeless pessimist. Impatient most of the time, hence the name, he yearns to discover the magnanimity of the universe and the infinite folly of human stupidity (yep, that was Einstein's). And yes, oo.. he also want world peace. You can stalk him out at Anak ni Kulapo and I Am Buraot.

22 Comments »

  • reyna elena says:

    whenever i am overseas, sa europe or south america, i’ve been used to introducing myself “from manila” at hindi “from philadelphia” hahaha

    so far, i have some pretty good reception, except when i was in tokyo. ewan ko ba. but in europe and south america, positive naman ang reception everytime na sinabi kong tiga-manila ako.

    but i admit – there are times na kinahihiya ko maging pinoy hahaha. this happened one time i was flying to manila via los angeles and i was taking the Philippine Airlines. nung sinabi na nung gatekeeper that boarding is now ready – leche! lusob mga pinoy! nag-ta-tagaktak nang tili yong gatekeeper walang magawa hahaha

    this is also true in nagoya, tokyo or even in hongkong airports! leche talaga oo! ba’t mga pinoy kung kadugo! indi makapag intay? eh anliit liit nang gate?!

    pinoys are actually on top of the charts sa mga uber nationalistic and there are reasons why we should be proud dahil eto pumu-pugak pugak nga tayo nang work, kahit papano, we’re still happy kahit ginagago tayo nang mga butakal sa kongreso.

    tama sinabi mo, sina charice, arnel and the likes are giving us the much needed pride dahil ang mga impaktong demonyo sa batasan puro mga well, impaktong demonyo.

    • BURAOT says:

      hay naku reynz, sila ay breath of fresh air sa bayan.

    • Rob Angeles says:

      Sam here Reynz and Nagoya din. Nung nag land plane namin from Detroit, ang tahimik sa loob pero nung nagpasukan na mga Pinoy, susmaryosep parang loob ng Greenhills.

      There are also times na di ako proud lalo na pag nakikita ko eh puro tsismisan sa mga Pinoy community dito. Pinapakialaman buhay ng iabng tao for tsismis purposes. Those, I despise.

      But pag sa iba naman, yung mga matitinong kausap, ok naman sila. Siguro merong maiinis sa ugali ko pero as much as possible kasi ayoko makisama sa mga ganun. Yung ugaling nakakarindi talga sa atin. And I think this was main reason why I chose Cleveland to be my home state.

  • Snow says:

    Proud Pinoy ako! Never kong ikinahiya ang lahi ko magbakasyon man ako ng sandali sa isang bansa or may makausap na banyaga.

    Pero oo aaminin ko, kinahihiya ko ang gobyerno natin dahil hindi nila inaalagaan ang mga mamamayang Pilipino.

    Pero sa kabila nito, isa lang ang sigaw ko….

    Mabuhay ang Pilipinas! Fly high Filipinos! :D

  • mtoni says:

    baket tahimik dito asan mga tao?
    ah ngccelebrate siguro ng independence day.
    syempre po proud pinay ako.

    • Rosa says:

      I am proud to be a Filipino. I always go to a lot of networking events because of my job (the last was when I was invited to the first speaking engagement of Condoleeza Rice here in Calgary) I get to meet a lot of executives and established professionals. I am constantly being asked if I am a Filipina which I confirm and later on they proceed on saying they employ a Filipina nanny/housekeeper and ask me if I know this person. That is my opening to say that no since there are a lot of Filipinos here and sure there are lots of nannies, OFWs, but I am acquainted more with the working Filipino professionals downtown since that’s where I work. They usually end up praising their workers so I feel proud to be a Filipino at that instance. If I can feel some snobbish/sarcastic note, I always say, I have a white renter in my rental property, do you know him? That is usually followed by silence but I rarely say this.

      • BURAOT says:

        nice one rosa.. yep, kapag ganun ang dating nung iba, binabalik ko din ang sitwasyon. so they would know na lahat naman ng lahi, may mahirap at mayaman. pasalamat nga sila, yung mga maids na nakukuha nila, mga degree holders pa.

  • mel beckham says:

    basta ako proud to be Pinoy, kahit foreign ang apelyido ko. charing!

  • dencios says:

    galing ng post na to a, yung iba ngayon ko lang nalaman. pero basta ako dito sa dubai pag naglalakad ako, taas noo kasi PROUD PINOY ata to!

  • Chi says:

    Am very proud to be filipino! Soar high mga pinoy! hanga ang mga banyaga sa ating mga kakayahan!

  • jimg2940 says:

    Araw ng kasarinlan, kalayaan pero ito din ang araw ng aming anibersaryo. Buraot, pede bang magpahatid ng greetings dito sa baryo?

    HAPPY 16th ANNIVERSARY, WIFI, I-LUV-U…

    (“ang cheap mo talaga”; kunsiyensya ni Lee mga kapatid.)

  • Lalaine S. says:

    Wherever I go here in Europe, everybody thinks I’m from Thailand. As if all brown-skinned people can only come from Thailand. I’m always quick to correct and give them a crash course in Philippine geography and history. I’m Filipino and proud! (sabi nga sa tagline ng Bayo clothing)

  • darbs says:

    Proud Filipino/OFW/Balikbayan/Pinoy/Fil-Am/ si AKO!

  • michelle says:

    yes, i am proud to be a PINOY. d2 s CRica tawag nila sa mga Asians ” TsINO/TsINA” pero lagi ako umaapila sabi ko NO…i am not TsINA i am a FILIPINO.

    pero makukulit….d2 sa Condo namin kami lng Filipino pero yung mga workers d2 sa compound tawag sa amin CHINOYS ….kainis ! kaya pag ganun tawag nila sa akin nagbibingi bingihan ako ….

    sa AIS yung anak ko lng din PINOY pero di nila sya tinatawag na TsINA kasi bawal …form of discrimination daw yun …but she’s always proud na introduce ang culture and traditions natn sa mga classmates nyang iba ibang lahi.

  • jhenapot says:

    I’m proud to be pinay here in slovenia, because they said. we are “diamonds among the pearls”. and WOW ang kulay natin no need to go for tanning beds and mas in demand tayo around the globe dahil sa ating mapagkalingang lahi..at matatamis na ngiti kahit bungi!

    Paraiso na maituturing ang Pinas kung disiplinado at walang crab mentality, corruption at sistemang bulok ang nag papahirap sa pinas kaya hindi umunlad kahit pa tayo ay mga TALENTADONG PINOY! mapa loob at labas ng bansa sikat.

  • darbs says:

    Slovenia!

    Been there, hey, not physically but through your eyes, I ‘ve seen Slovenia. How crazy is that? no idea. all i know i can relate… i can feel the essence of your blog. i can feel/see the enkantada sa dakong balete sa Barrio Siete, Slovenia. Welcome jhenapot!

  • lee says:

    Im proud to be a Pinay kahit na nga madalas akong mapagkamalang di pinay dito, madalas sabi nila “Indu” means indians—- haharapin koy panlalakihan ng mata “EXmyuski, ay prom Pilipin aym pilipin” sabay turo ko sa ilong ko ayan o di ba nyo nakikita pango— ngek may hikaw nga pala ko sa ilong kaya napagkamalang Indu santisima!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.