Asuwang sa Barrio, Nasa Bubong ng Bahay?!
[Photo Credits: Naharbat dito]
Hello people of the world…break muna mula sa kaguluhan dito sa barrio siete. I have another barrio story to tell…listen up boys and girls (and everybody in between, he he)!
You all already know that I go home to my own barrio siete on weekends right?
Recently, my weekends have gotten a LOT interesting.
If you are a pinoy you have heard of asuwang already. But what are asuwangs or aswangs exactly?
Sabi ng OFW Writings:
Ang asuwang daw kung araw ay mukhang tao din tulad natin. Nakaka-usap, kumakain ng normal na pag-kain, gumagawa ng mga gawain at meron ding nakikisalamuha.
Kapag sila ay nag-lilibot pagsapit ng dilim, sila ay nag-iiba iba ng anyo. Ayon sa kuwento ng aking Lolo, ang isang asuwang kalimitan ay nagiging ibon, aso o baboy.
While according to wikipedia:
Aswangs are shapeshifters. Stories recount aswangs living as regular townspeople in meat processing professions by day. As regular townspeople, they are quiet, shy and elusive. At night, they transform into creatures that enjoy eating unborn fetuses and small children, favoring livers and hearts.
Some have long proboscises, which they use to suck the children out of their mothers’ wombs or their homes. Some also make noises, which are louder the further away the aswang is, done to confuse its potential victim.
They may also replace their live victims or stolen cadavers with facsimiles made from tree trunks or other plant materials. This facsimile will return to the victim’s home, only to become sick and die. An aswang will also have bloodshot eyes, the result of staying up all night searching for houses where wakes are held to steal the bodies.
Except for the meat processing day-job, the wikipedia version is closest to what I know. Also, I been told in my younger years that asuwangs are more prevalent on moon-lit nights and if there are bed-ridden people in the neighborhood. Either old folks waiting for death in their beds or young people ladden with terminal illnesses.
In the house next to ours in the barrion, a family resides. The mother is my second cousin on my father’s mother side. Their eldest child (a daughter) is sick with Myasthenia Gravis — isang autoimmune disease kung saan humihina ang mga muscles ng buong katawan.
Bed-ridden na ngayon ang bata. and itsura nya pag nakahiga sa bed? Tulad ng mga batang petrified sa Harry Potter movies. Except her eyes are still moving and she can still chew her food.
Pano pumasok ang asuwang sa blog entry na to? I’m getting there…
That girl has been sick in the last two years. Naubos ang resources ng magulang. Pati ng mga kamag-anak nila. They have 4 more younger kids and all are in school. The father is a rice farmer at meron silang tricycle na ibinibiyahe din. Nabaon na sila sa utang. Late last year, sa kawalan ng pera, inilabas nila ng hospital ang batang may sakit at inalagaan na lang sa bahay.
Recently…nagbigay na ng taning ang doctor. One month daw. Wala na magawa sa kanya kahit may pera pa sila. It’s just too late.
Dito pumasok ang asuwang. Dahil nga bed-ridden na yung girl eh gabi-gabi dae may dumadalaw na asuwang! Well in fact according to my mother bumabagsak pa daw sa bubong ng bahay namin ang nasabing asuwang.
Sinabi rin yan ng kapatid ko. May uncles naman ako na nagsabing nakita nila ang aswang na may pakpak!!
Ano ba??!!! There is no such thing as asuwang anoh! May malalaking nightbirds kaya na pag bilog ang buwan, pinlalaki ng moonlight ang tingin mo sa kanila. Right?? At least I think that’s the case. Unless I see an aswang in the flesh alright??!!!
Last weekend.. Saturday night, around midnight. I was still watching TV while everyone is asleep. Then I felt like lighting a smoke. So I went out. Ganda ng sky. Maliwanag. May buwan eh. May cool breeze pa.
Then biglang…dumilim ang langit…ang dakr clouds lumalapit. Ang hangin lalong lumakas (oo nga pinadpad nga ang mga ulap, right?). Tayuan balahibo ko. (Biglang ginaw eh! ).
I threw the smoke away. I entered the house and closed the door. Then I turned on all lights inside!
I did not look at our roof! Of course that doesn’t mean may asuwang nga!
Dito sa blogosphere, marami ring asuwang. Yung iba nga engkanto pa (matangos ang ilong at hindi black ang buhok. Mapusyaw din ang balat. )!! Biglang susulpot. Tapos mawawala. Just bringing bad spirit with them.
Anyways…meron ba kayong first hand experience sa asuwang?? Magsabi ng totoo. Hmmm…wag i-exxagerate ang kwento!
HAHAHAHA.
Because I believe there no such creatures. Those are just a product of someone’s very very very wild imagination.
Di ba??
What say you?
Viewed 20675 times by 6681 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.














ano ba?! nanga-ngatog tuhod ko dun sa point na nani-nigarilyo ka! did you look up kung meron ngang nag-tatabako sa tuktuk nang bahay mo? hahaha! it’s really pretty much the same story kahit na dun ako sa barrio siete ko. as in, meron po kami talagang punong balete that we pass by especially pag gabi and andami kamong similar stories na ganun ang everything. wala pa dyan yung sunod sunod na kahol nang aso anoh?
pero of course, susko naman, yong botohan lang nang EIB, andaming aswang dun! hahaha!
i don’t think i believe in aswang. witches oo. hahaha. mga healers oo. di maipaliwanag eh (own experiences) multo and ghosts oo. nkakita na po e. hahaha.
@ reyns, bkit nga ba naalulong ang aso sa wla? hahaha. bka aswang na puti! wahehe.
oo chi witches kasi can be the healers too.
hayyy nako, eh trabaho naman talaga ng mg aso ang kumahol at umalulong right?
hahaha!!!
i really think yung alulong ng aso sa gabi is a message sa mga kapwa aso nila na nasa malayo. agree?
i think so too… hahaha. ngandi lang ba! hihihi.
hahaha!!! i looked up in the sky. eh uulan na kaya may dark clouds!
hahaha. i did look up the roof too.
ang tingin ko lang talaga, panakot yan ng mga magulang sa mga anak para ang mga bata eh wag labas ng labas lalo na sa gabi.
hahaha. tama ka riyan. sbi nga ng lola ko sa pag dagim dw ng gbi meaning umuwi ka na! hahaha. panakot lang tlaga.
btw, me similar post ako. do you know what a BULISLIS is? http://mabulaklaknadila.wordpress.com/2009/07/15/palit-numero-uno-mga-kwento-ni-lola/
siyet oo! mali! eto po ang tunay. http://mabulaklaknadila.wordpress.com/2009/07/15/paslit-numero-uno-mga-kwento-ni-lola/
hihihi! ano ba yan chi? ina-aswang ka ba dyan? haha
BULISLIS? Naku Chi, sounds like lislis ha? hihihi….
naku ano fa! hahaha. baka andito ang lola ko a! naku tabi po…. hahaha.
galing ako sa subdivision mo hahaha merong batang natakot sa pinost mo hahaha
hahaha. nbasa ko nga! thanks for visiting. bka yong batang yon e mahilig sa stroy…telling a lie…hahaha. hanga sa kwento ni lola mga engakanto kc. tulad ng engkanto sa EIB. hahaha. mahiwaga!
First experience ko sa mga aswang sa Surigao del Sur. At yes, totoo mga aswang!
Ow?! tell us about it! Hahaha!
huh? relly? reynz, me matutungga ba tyo dyan? me ikukwento itong si mr angeles. hehe.
Rob, ilang taon ka na?…Ang alam ko mga murang edad lang ang nagpapaniwala nyan.. he he he jowk lang parkoy.
Naalala ko tuloy yung TV episod na oka-tokat;
Anooo ang nasa dako pa roon…
Bunga ng malikot na pag iisip….
blah..blah…blahh.. nakalimutan ko na…
Tapos na revive ni TVJ…
Anooo ang nasa pwet yang yaon…
Bunga ng malikot na Bulate… nya ha ha ha
Sa Aming barrio may kapit bahay akong ASWANG. Nang-aaswang ng asawa ng may asawa, nya ha ha ha ha ha
At saka nahuli pang sumisipsip ng dugo…ewan ko lang kung papaano nya napadugo.. bwa ha ha ha ha
eh di ba lahat naman nang pinoy mga aswang hehehe fiestang fiesta dinuguan ang fuud of the party hehehe
ga-kwento ko to sa mga officemates ko, leche! mula nun, nag-bago tingin saken hahaha!!!
At sa Mabini.. Ang dami duon ang “MANANANGGAL”.
Manananggal ng Saplot…si dencios, duon madalas tumambay, itanong nyo sa kanya… at saka si Bluepan.. me discount card pa nga eh.. nya ha ha ha ha
hahahaha!!!!
ibang manananggal yan ah!
hehehehe
boss jeri, naka tira ka na naman ng dugo’t atay kaya ganyan ka. lol
Totoo ang aswang. Kumakain ng buhay na tao. Buhay na lalake. Isa na ako dun. LOL
luka ka talaga mel!
hahahahha!!!!!!!!!!!!!
aswang den ako. si dencios, a-aswangin ko pag nakita ko hehehe!
sensord.
(takip tenga, takip mata)
Luma na itong image na ito. Ang sabi e KITE lang ito na hugis asuwang. At wala sigurong asuwang na lumilipad sa umaga. Hehe…
i blew it up nga para makita ko, totoo ba yan? duda ko photoshop
photoshop nga reynz, tmo halatang chop chop at nkatishirt pa! hahaha
Ito ang aaswangin ko. Nyahahahaha
nyay! wala pa ko experience sa aswang pero yun doppleganger meron na…
dun sa dati ko pabrika pinapasukan nangyari yun, yung isang staff eh tatawgain ko sana para ifollow up kung natapos na nya yung pinagawa ko, kaso ang bilis lumakad, ihing ihi na yata sa isip ko kaya sabi ko pagbalik na lang nya. kaya sobrang shock ako pag ikot ko andun ang gurl nakaupo sa table nya!!!!
sabi ko hoy bruha di ba lumabas ka,sabi nya kanina pa ko dito nakaupo… so kwento ko sa lola na nakita ko sya, alam nya rin dna di ko sya niloloko kasi kitang kita nya yun shock sa mukha ko na nakita sya nakaupo dun samantalang kakakita ko lang na lumabas sya!
kwentuhan kami sa pantry after, ang aming manang duon biglang kumuha ng walis at paluin ko raw ng tatlong beses yun gurlalosh para daw mawala ang bad spirit!!! so kami naman sunod wala naman mawawala
nangilabot ako sa kwento mo!
hahaha. anyways, di ba sabi pag ang dopppelganger daw ang buhay pa eh mamamatay na daw. kaya tama yung ginawa nyo na paluin ng walis yung girl. wala naman ngang mawawala kung susunod ka.
ano ba?! indi kaya namalikmata ka lang??? in ferness hahaha medyo tumayo balahibo ko litsi oo! sementeryo pa naman sa may bintana ko hehehe
hahaha. in fairness maganda sa me enteryo. peaceful! hahaha. kpitbahay ko rin e semetery! hahahaha.
Nakaranas na din ako ng doppelganger Pusa. Isang gabi, natutulog kami ng hubby ko sa kuwarto. Then, naalimpungatan ako tapos nakita ko na parang inaabot nung unico hijo ko yung switch ng ilaw namin – yung nakita ko mga ka-barrio eh nakatalikod na bata na naka-pyjama, may naka-sungbit na lampin sa likod at naka-sleeve less na t-shirt. Kuhang-kuha niya yung hitsura ng anak ko kapag nakatalikod.
Grabe, gulat na gulat nga ako kasi mga 4 yrs old pa lang nuon ang anak ko at katabi siya ng Mommy ko pagtulog kaya nagulat ako nung nakita ko siya sa kuwarto namin…Naisip ko, bakit nakalabas ng kuwarto ang anak ko eh 3am na yung oras sa alarm clock namin.
Napatayo nga ako bigla sa kama mga ka-barrio at binuksan agad yung ilaw only to find out na wala palang bata sa room namin. Grabe, tumayo balahibo ko dun at ever since bukas na yung ilaw sa kuwarto namin… ayaw ko na ring magsara ng ilaw…
Wala nga akong sinasabihan sa aming bahay up to now. Ayokong magkatakutan. Pray din ako bago matulog kasi ayoko ng maulit pa…
Wala pa akong nakikitang aswang, pero naniniwala ako na totoo kasi meron sa amin sa probinsya na kilalang aswang as in nagtataransform daw into certain animals (pig, dog, bats, etc) pag sapit ng gabi pero siya hindi daw aware na ganun siya.
May nakakita yata sa kanyang transformation or something. Halos lahat sa amin alam na aswang sya, sya lang ang hindi aware at yung family nya. Pero yung daughter in law nya, sinabi sa kanya at galit na galit sya ng malaman dahil hindi daw sya aswang. In fairness to her, mabait sya at madasalin, yung house nila nasa likod lang ng church dati. At ang tawag ko sa kanya lola. Di ako takot sa kanya, unless nakita ko transformation nya siguro hehe.
Hindi naman sya pumapatay ng tao, wla naman akong nabalitaang namatay dahil pinatay ng aswang. Pero sya yata yung klase ng aswang na kumakain daw sa mga sugat na hindi gumagaling,Yung tipong inuood na. yaiks!
Nabalitaan ko nagpagamot si lola, ewan ko kung paano. Pero may balita din noon na bumabalik yung pagiging aswang nya kasi one time ng dumaan sya sa isang lugar malapit sa grotto ng church, may nakapansin sa shadow nya na iba sa hitsura nya. As in yung sa anino nya iba dahil yung hair nya eh nakatayo na para bang takot.
Wala na akong balitang narinig about her, matanda na kasi sya, 70+ na pero may chika na yung DIL nya ang napapabalitang pinag salinan nya ng pagiging aswang nya. Ewan lang kung totoo. Kapag umuwi ako sa barrio next year, makikisagap ulit ako ng chismis.
hahaha! akala ko talaga all these are just that – fabled stories. panakot sa mga bata na ayaw umuwi sa bahay after 5pm. andito ako sa new orleans. i heard, andami daw aswang dito. eto. nag-ta-type nang sagot sa comments mo. hehehe
hahahaha!!! may mga ganyang kwento din dito sa barrio ko. kawawa ang family nung asuwang kuno kasi naging outcst na sila sa barrio. they can’t even look people in the eye pag may kasalubong sila anytime of the day.
eto lang: i wont ever believe unless i see one transform in front of me. kaya…paging isang asuwang! pakita ka lang sa akin (pero wag mo akong kakainin!) para maniwala ako.
hehehe. i’m serious!!!!
also i don’t believe sa mga kwento nung na-engkanto kuno! hmmmp. nagkalat ang kwento ng asuwang at engkanto dito sa barrio ko anoh! but i remain a non-believer.
sorry.
non-believer den ako, pero takot ako. hahaha! i mean, dito pa naman sa new orleans, meron pa silang tour about all these crazy place, at ultimo sementeryo, an daming turista me me kamera picture nang picture, andito lang sa may bintana ko hahahaha
ang lamang ko sayo manay? HINDI AKO TAKOT!
hahahaha!!! kahit sa mga kaluluwang naliligaw? hindi rin ako takot. my family and friends find that weird. hahaha!!
sa dorm noon? pag walang roommates yung iba? sa room ko ang tambakan! doon sila natutulog. eh pano mga takot. ang dami pa namang ghost stories sa dorm. para tuloy kaming slumber party sa room ko.
by the way, i wrote this a long time ako about mga engkanto(in case some are interested on my take about engkantos):
http://www.filipinasoul.com/of-enchantment-and-black-rice/
a long time ago. (typo error sa taas! ).
Ako naniniwala na meron. They are all around us. Sabi yun sa bible eh. They are fallen angels nga daw. Pero yun lang nga when your faith in God is uber higher than your belief in these creatures, well, wala silang kwenta. Pero pero… takot pa rin ako… I remember when I was preggy, hay naku, di ka daw dapat nakahiga ng tihaya sa bed mo dapat daw tagilid para di makuha ng mga manananggal na yan ang baby mo… and yes, nasa bubong “daw” sila. lol! never heard or saw one though.
Pero @Glo, sana naman lumingon ka sa langit or sa bubong niyo, just to make sure that it’s true. hehehe.
monique, hayaan mo sa weekend, mag vigil ako sa labas ng bahay namin. aabangan ko ang dadapo sa roof kung meron man.
hehehe.
kwento ng lola ko noon sa bicol yung nagbakasyon ako, sabe ang aswang nga daw tao lang daw iyan pero sa gabi pula daw ang mata. nahuli nga daw at nakulong noon sabi ng lola ko sa presinto ng bayan kasi nga parang tao lang.
meron daw yung iba mga hayop pa din ang kinakain at hindi na tao. ayun. ewan ko kung existing pa din sa panahon ngayon
Isa ka pa dencios, nagpapaniwala ka sa aswang.. eh ikaw nga ito mahilig mang-aswang.. bwa ha ha ha ha
sabi ni kapitana aaswangin ka raw pag nakita ka…. he he he
parang sinabi mong aswang si kamahalan. hala ka, sumbong kita boss jeri! hahahaha.
saka totoo yun, alangan naman ginugudtime lang ako ng lola ko? hahaha.
@Dencios, bakit ikaw lang ba marunong mang-good time? mukhang nagood time ka nga ng lola mo eh. lol!
hahahaha. natatawa ako. kwentuhan ko din siya kunwari may aswang din sa desyerto na ang gamit pamatay ay ang kanilang mga kilikili hahaha. di pala kunwari yun, totoo pala! LOL
i think hindi uubra ang asuwang sa disyerto! eh ang init eh. kasi sino naman di tatagal. well unless youa re a cactus!
hahahaha!!!
oist in fairness… meron daw talagang aswang… @dencios at @glo… naka abaya daw… dun sa isang malaking mall dito sa desyerto… tindig balahibo namin ng aunt ko. istaff nila yung nakakakita… nagmakaawa na na ilipat na daw sya ng assignment…
pero oo… pest yung mga aswang sa bus dito! grabe…. di sila ang may mapupulang mata…yung katabi nila… dahil sa hapdi ng mata mo sa talas ng amoy nila. ewww!
hahaha. nadale mo mam monique ang pinakanakamamatay na aswang sa earth! LOL
eh di dencios ang trabaho ng mga parents at grandparents eh i-stir at i-goodtime ang mga bat?!
hahahahah!!!
nadale ka dun!
lumaki na ako at naging independent nasa isip ko pa din iyan tas gudtime lang pala?
babawiin ko na ang balikbayan box ko nyahahaha
Si Dencios, mahusay yan Mang-aswang ng Russian sa Dubai… madalas yan sa Jumeirah… Lalo na sa Cyclone disco.. tambayan ng mga Aswang na pinoy.. nya ha ha ha ha
boss jeri,
di pa ako nakatikim ng puti, muntik-muntikan pa lang hahaha, potek mahal e. LOL.
alam na alam mo ang mga lugar a, tiktik ka siguro noon sa bubong haha. sayang di tayo nagkasabay dito sa dubai e di sana nagkasabay tayo ng adventure, ang mang-aswang nyahahahaha.
Pag nagkataon na nagkasabay tayo dyan… Riot ang buong Dubai. he he he he
Tatlo na ang aaswangin ko dito. Humanda sila sa Barrio Fiesta. Bwahahaha
ayoko magbigay ng fearless forcast at baka ma banned ulit ako haha.
Secret. Basta. Malalaman niyo yan sa takdang panahon. Bwahahaha
Mel sino? bigay ka ng Clue… he he he
Aminin…
huwag i-deny.. Chickaaaaa!
chikaaa?! anak nang baklang pating oo! HOY! wag kang ganyan Jeri! baka habulin ako nang asawa mo hahahah wala akong kasalanan dito hahaha
Aba! may pumiyok… he he he he
Eto ang totoong ASWANG… Bilyones na Pondo ng OFW inaswang ng Gobyerno.
http://bravedier.blogspot.com/2009/08/p1140-billions-ofws-contribution.html
im fak napagod ang aswang nang kakalipad, nagbalak bumili nang jet para daw di na mahirapan.
http://reynaelena.com/2009/08/17/ambisyosa/
glo,
from someone who comes from family of aswang. hikhikhik,
sasabihin ko saiyo ang aswang hindi napupunta sa bubong.
Yan ay sa ilalim ng bahay in the form of animals, karaniwan, aso, pig o black bird.
Yang dumadapo sa bubong, yan ang tinatawag na tiktik sa Bicol o manananggal sa Tagalog. Hati ang katawan at may pakpak na malaki parang sa paniki. Kaya nasa itaas yan, ay gamit nila ang kanilang dila na nagiging parang sinulid na siyang pinalalawit nila para mabutas nila ang tiyan ng babaeng buntis. They just prey on unborn babies.
Ang kalahati ng katawan nila ay iniiwan nila kung saang lugar. Para di sila makabalik doon, nilalagyan ng abo o anupaman ang kalahating katawan.
ang ordinaryong aswang ay inaatake kahit na taong hindi buntis dahil ang kinakain nila dito ay liver.
ang pagiging aswang ay iniiwan sa mga anak bago mamatay ang may hawak nito. Ito ang bato na imbes maging Darna sila ay nagiging aswang sila pag bilog ang buwan o kaya pagsapit ng ala seis ng gabi. Sa ngayon, wala nang masyadong aswang dahil ayaw nang tumanggap ang mga anak sa mga ganitong black power. Besides, naging OFW na ang kanilang mga anak.
Isa pa ang mga teknolohiya ay nakakapahirap sa kanila. Kaya noong giyera, walang aswang dahil, takot sila sa bala or anything na gawa sa
tingga o nickel.
takot din sila sa maliwanag. kaya para silang bampira nasa gabi lang sila lumalabas. kaya ngayon na kahit sa baryo ay may ilaw, para silang mga engkanto na naipupush sa mga liblib na lugar kung saan walang makakaistorbo sa kanila. At palagay ko nga nagtitiyaga na lang sila sa mga hayup.
Ang tanong kung may aswang. Meron. hikhikhikhik
aktuli parang ganyan nga ang kwento sakin noon ng aking lola.
sa bulakan daw, sa amen, meron pa ding ganyang bali-balita ng mga buntis kahit moderno na ang panahon. ayun. pero ang karaniwan na ay yung mga engkanto naman na nakatira sa mga puno.
pero mam cat natatawa na naman ako sa naging OFW ang anak. hahahaha.
dencios,
oo totoo yan. may nagkuwento sa amin niyan na hindi raw nila tinanggap yong bato kahit nahirapang mamatay ang kanilang ina kasi ayaw na nilang ituloy pa ang tradisyon sa pamilya.
“Hati ang katawan at may pakpak na malaki parang sa paniki. Kaya nasa itaas yan, ay gamit nila ang kanilang dila na nagiging parang sinulid na siyang pinalalawit nila para mabutas nila ang tiyan ng babaeng buntis.”
Cath, ibig sabihin ay Aswang din si dencios?…. kasi yung Dila ni dencios nagiging sinulid din yan pagsapit ng Dilim.
tapos, Lumalawit nga din yan para makabutas… ang hindi ko lang alam kung sa babaeng Buntis..
Nya ha ha ha ha ha
lrej,
ano kaya ang tatak ng sinulid na yan.
Astra… astrangdencios.. nya ha ha ha ha
boss jeri, hayup ka! hahahaha
Seriously, may kamag-anak kaming aswang. Andun sa Iloilo. Nakapag-asawa kasi yung tiyahin ni mother ng may lahi ni Impaktita kaya nahawa. Last time we saw them was at Lolo’s burial in the late 80′s. We haven’t heard from them since. Scary bumalik dun eh. Baka instead na sumakay kami sa eroplano pabalik ng bukid ay sumabay na lang kami sa paglipad nito. Hahaha! I can’t imagine a manananggal with a backpack. Nakakatawang isipin. Hahaha!
Whaaat??? Mel, bakit mo inamin na may kamag-anak kang aswang? naku! malaking iskandalo yan sa barrio.. waaaa ha ha ha ha.
ngayon ko lang nalaman na may Aswang na Ilonggo.. ha ha ha
Ang Aswang bow!…. A mythical creature in Filipino folklore. The aswang is an inherently evil vampire-like creature and is the subject of a wide variety of myths and stories, the details of which often vary greatly.
Spanish colonizers noted that the Aswang was the most feared among the mythical creatures of the Philippines, even in the 16th century.
The myth of the aswang is well known throughout the Philippines, except in the Ilocos region, which is the only region that does not have an equivalent myth.
It is especially popular in the Western Visayan regions such as Capiz, Iloilo and Antique. Other regional names for the aswang include “tik-tik” and “wak-wak.”
Tama pala si Mel, meron din pala sa Ilo-ilo.
Next time gawa ako entry.. “ANG Ilonggong ASwang”.. he he he
Definition of Aswang…
“Aswangs” are often described as a combination of vampire and witch almost always female. They are sometimes used as a generic term applied to all types of witches, manananggals, shapeshifters, lycanthropes, and monsters.
Aswang stories and definitions vary greatly from region to region and person to person, so no one particular set of characteristics are ascribed to the term. However, the term is often used interchangeably with manananggal, which is a particular creature with a specific set of features.
The most popular original definition however, is that it is a bal-bal (maninilong in Catanauan, Quezon), an eater of the dead. After consumption, the bal-bal replaces the cadaver with banana trunks.
Creatures Associated with the Aswang
There are other creatures that are associated with the aswang. The tiktik or wakwak is known as a type of aswang, a spirit of a deceased aswang or its familiar. As a familiar, it takes the form of a small owl-like bird that is found in the rooftops of residences during nighttime. It emits unique cry that heralds the arrival of its companion. This serves as a warning to the aswang’s victims
Check out this photo.. kung sino kahawig nya.. he he he
http://www.gypsygirlshop.com/items/aswang_10.jpg
Prangkahan na. Kamukha niya si…… I don’t want to be a mean girl! Nyahahahaha
si boss jeri talaga, tamang kaadikan lang hahahahaha
marami akong kebigang mga aswang… eto sila… just before the flight…

sino jan bf/gf mo? hahaha
@dencios,
mga baliw ko lang na mga kebigan. lahat mga aswang hehehe
@Reynz – ang taas ng talon ninyo dito. Wow, para kayong si Michael Jordan. Nice shot!
nyeh. wala kayang aswang no. pero syempre very alive pa din sa barrio ang mga ganyang kwento. sa amin sa iloilo maraming pa ring mga kwentong ganyan. socialclimb ko na lang itong post ko on aswang http://www.promdiliving.com/growing-up-with-aswang/
anyway, mas nakakatakot kaya yung mga aswang na lumalabas kung araw. yung mga aswang sa gobyerno na nagnanakaw ng pera ng bayan mas nakakatakot yun. yung medyo maliit na me nunal. hehe
Tama ka dyan Gladita… Ang dapat katakutan ay ang aswang sa Malacanyang, Si Asuwang Gloria.. Ang tunay na sumisipsip ng Dugo ng sambayanang Pilipino at Nilalamon ng buong buo ang kaban ng bayan.
http://bravedier.blogspot.com/2009/08/p1140-billions-ofws-contribution.html
http://bravedier.blogspot.com/2009/08/statement-of-assets-and-liabilities-sal.html
hala! hahaha! kilala ko kung sinong aswang yan! di ba nga napagod lumipad, nagbalak pa lang bumili nang presidential jet? haha
HAHAHA! ibang na palaa gn pinag-uusapan dito.
cool!
i mean ibang aswang na pala!
ang kulit ni boss jeri hano mam glo. madala nga ito sa camsur, sa amen, at maipaing sa aswang. haha
baka yung Aswang pa ang Lapain ko dencios.. he he he
Glo,
Ilang araw ko nang tinititigan ang litraks mo dyan kung aswang ba yan o photoshop na aswang.
Anyhoot, naniniwala ako sa aswang. May nangaaswang ng asawa, may nangaaswang ng sinampay….ROFL!