Baha: Hindi sya dala ni Bathala
Isa ako sa mga naniniwala na kaduda-duda talaga ang ang baha at hindi sya dala ni Bathala.
Oo na. Andun na ako. Too much rain talaga ang dinala ni Ondoy. But more and more people are saying na mukhang me kinalaman talaga ang mga namamahala nang dam sa por dyos por santong bilis nang tubig na rumagasa sa Metropolitan Manila. Eh kahit na andito ako sa Philadelphia, nakikita ko sa mga video na iba ang takbo at agos nang mga tubig lalo na yong nakita ko sa UERM.
Kagaya nga nitong sinabi nang isang geologist na tiga-UP na 9 hours would have made such a big difference to save lives and propertites. 9 hours.
That was the time it took for the floodwaters to travel from the watershed in San Isidro, Rizal, to J.P. Rizal Street in Marikina City. “They had nine hours to evacuate, but there was no mechanism in place in which they could be warned of the coming waters,” said C.P. David, a geology professor at the University of the Philippines. (Source: Dam managers probed on water release )
Ang nakapagtataka, sandamukal ang mga agencies na pomo-protekta saten mga kabarrio. Hindi na naten kelangan si Darna. Merong PDDC, OCD, MWSS, Pagasa, Napocor, LGUs, Mayor’s Office, NDCC, MMDA, DPWH, DWSS. Isama mo na ang Office of the Crocodiles. Pero tipong inutil ba talaga ang mga to that they speak different languages at kelangan yata nila nang Alta Vista translations para magkaron nang malinaw na communications? Sino ba senyo kasi ang nag-apprub nang bakasyon ni Batman at ni Darna?!
The Ipo Dam started spilling water as early as 1:20 a.m. Saturday, and Angat and La Mesa Dams (different watersheds but connected by aqueducts) would follow. Was there no communication between them and with agencies/LGUs downstream? With so many agencies (PDDC, OCD, MWSS, Pagasa, Napocor, LGUs, Mayor’s Office, NDCC, MMDA, etc.), why did residents receive no evacuation order? Was the MM5 weather model predicting hundreds of mm of rain, even the night before? As for people paying more attention to soap operas than bulletins, what bulletins would they have heard? (Source: What went wrong? Like sound of 1 hand clapping)
Sa letrang “C”, binggo!”
Eh bakit pa ba? Meron naman tayong mga equipments para sa monitoring nang mga baha. Pan-display lang nga sya. Yung mga ilan, napakilo na. Sayang din kasi. Di bale, pwede naman palang umutang uli at bumili nang mga bagong makinarya. Siguro naman ang susunod na monitoring equipments eh kusa na lang na mag-mani-obra nang sarili nya. (Basahin ang mga kaulolang ginawa dito).
Climate change?! Change your face to the left para masampal ko naman ang right side mo. Ang baha ay hindi dala ni Bathala, kundi, pa-alala lang sya sa mga kademonyohang natambak na sa mga ilang taong wala tayong pakialam.
- Wala tayong pakialam sa mga basura na hindi talaga dapat itambak sa estero sya.
- Wala tayong pakialam sa mga puno nang kahoy na meron talaga silang silbi.
- Wala tayong pakialam sa mga nature reserves na me reason kung ba’t nakausli ang lupa sa may ilog dahil pag bumaha, yan ang allowance nang tubig na mapagdadaluyan at hindi ka pwedeng magpatayo nang mansion!
- Wala tayong pakialam na kahit mga ulol at gago na walang alam sa gobyerno ibinoto pa naten dahil sikat ang pangalan nila.
- Wala tayong pakialam dahil kahit anong imbistigasyong gawin sa mga gumawa nang katarantaduhan eh ok lang pala.
- Wala tayong pakialam na me mga seryosong desisyon na dapat isali ang mama-mayan.
- Wala… wala talaga tayong pakialam…
Kaya tuloy yung mga nasa pwestong onidoro, feeling nila, sila ang dyos. Kung kelan i-click, parang berdugo. Isang desisyon, kiver kung ilang milyon ang masalanta. Ganun nga kaya talaga ang ginawa nila?
Oo na, pag hinayaan mong isiksik ang tubig sa karton, puputok at puputok yan kaya kelangang palabasin. Yan ang duda ko sa mga administrators nang mga dam. Walang communications sa mga tao.
“The flood water came fast,” Rosalin said, clutching her year-old child in a makeshift shelter across the road from her house that had been destroyed. “Our house is gone. We saved nothing,” said Rosalin, a single mother. (Source nang chika: ‘We did not receive any warning’)
Kumpleto naman nang organisasyon ang isang barrio para ma-i-bandillo na magpapalabas sila nang tubig. Merong Kapitan, merong Mayor, merong Governor. Kung ayaw nilang sabihin kahit isa man sa kanila, tawagin nyo lang si Inday, sure yan, chizmis yan sa Barrio. Pero, ano ba talaga ang nangyari?!
The release of water from the San Roque Dam on Thursday was “too sudden,” according to Vice Governor Marlyn Primicias Agabas. “There should be a protocol,” she said, adding that dam officials should not have waited for the water to reach a critical level before deciding to open the gates. (Source: ‘Water release too sudden’ )
AHA!
Protocol!
Mga alituntunin na dapat gawin para maiwasan ang sakuna.
Translated in local vernacular, it reads: BAHALA NA KAYO SA BUHAY NYO at sana me mga salbabida kayo.
Photo Credits: Yahoo
Viewed 6353 times by 1356 viewers





















nakakalungkot talaga na ganito ang nangyari. sang-ayon din ako na oras nang gumising ang mga nagpapakasasa sa pera ng foreign aid at ng bayan. Aba ay election pa naman, dapat dito nila ipinakita ang kanilang Darna at Zuma powers para naman humakot sila ng boto.
Kaya lang delayed na talaga ang reaction ng mga nakaupo, saka lang ipapakita ang mga mukha nila sa tarpulin ng evacuation center, sa supot ng relief goods, sa gilid ng rubber boats (rumor has it that these rubber boats could have been deployed earlier, kaya lang kailangan pa raw pinturahan ng pangalan ng politiko at patuyuin bago ito i deploy).
Nakakapang-hinayang talaga:
-sa pera ng bayan,
-sa tulong ng foreign aid
-sa buhay na ibinuwis.
Tsk Tsk Tsk.
we could only hope that there will finally one meaningful change that will happen after this, radical change in people’s mindset pati na sa governance… kaya?
pakiramdam ko talaga sa dam na yan. sinabi sa tao nung napakawalan na before they knew it wala na ang mga bahay.
good governance naman pls. napaka iresponsable na ng ganitong pamamalakad.
nakakabwiset na kayo!
Kaming mga taga malabon ang isa sa mga labis na sinalanta ng bagyong Ondoy, at naniniwala rin kami na hindi lang ang matinding ulan ng naging dahilan ng matinding baha, kundi ang pinagsamang tubig mula sa mga dam na imbakan ng tubig, at ang ulan mula sa kalangitan.
nakapagtataka na ang daloy ng tubig ay sobrang lakas na tila nanggaling sa kabundukan. maraming mga ar-arian ang labis na napinsala sa aming bayan sa Potrero malabon.
Isa ring hinala ng aming Punong barrio, ay ang kawalan o kakulangan ng drainage system kaya aming sinisisi ang pamahalaan, matagal ng problema ito ng taga Malabon..
Saan ba napupunta ang pondo na nakalaan para sa mga imprastraktura?… ngitngit at galit sa dibdib ang namumuo dahil sa mga korapsiyon na nangyayari. mga sakim sa kapangyarihan at ganid. harinawa’y ayusin ng aming lokal na pamahalaan ang matagal ng problema sa aming bayan.
yan ang nakaka-panlumo AlKapon.
sana… sana…. pakatapos nang pagdurusang to, mag-tanong na ang taong bayan kung nasaan na ba ang mga pondo nang mga para sa infrastructures na to at tila ata dumami ang mayayaman na mga pulitiko? yan ang hinihintay kong pag-babago.
you’d think na maraming nationalismo sa mga impaktong nasa poder pero karamihan mga demonyo talaga.
tulad ngayon, turuan sila. andaming agency na dapat mag-alaga sa kapakanan naten. NDC, MWSS, DPHW, PAGASA, MMDA basta andami nila. Pati nga NPC, me narinig ka na ba? asan na sila ngayon???
Nawawalan na rin kami ng pag-asa na maayos pa ang malabon, napag-iiwanan na ng panahon, puro pangako lang ang aming natatanggap mula sa ma pulitiko, pero pag naka-upo na sa pwesto,..wala na.. sira na lahat ang mga pangakong binitawan.
kanya-kanyang ayuda na lang siguro ito.. hindi na kailanman aasa pa sa mga buwitreng nakaupo sa aming munisipyo.
Update:
Pangasinan officials, a former Court of Appeals associate justice and a group of businessmen have started preparing complaints against the National Power Corp. and the San Roque Multipurpose Project (SRMP) after excess water released from the San Roque Dam in San Manuel town flooded 38 towns and cities in the province.
Napocor owns the dam while the SRMP operates it.
SRMP officials have remained mum on the planned class suit against their company.
On Monday morning, the INQUIRER tried to interview Tom Valdez, SRMP vice president for corporate social responsibility, but he begged off, saying his office was preparing an official statement.
Link: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/regions/view/20091012-229697/Pangasinan-execs-mull-suit-vs-San-Roque-over-flooding
Eto pa: kaso puro “mull” and/or “to lead”. I wonder what’s giving them some second thoughts?! Hmmm!!!
Sen. Aquilino Pimentel Jr. is not about to forget the destruction wrought by Tropical Storm Ondoy, and wants to file a class action suit
against those responsible for the allegedly “reckless release of water from dams” near Metro Manila, which he believes contributed to the rapid rise of floodwaters last weekend.
Link: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20091003-228233/Pimentel-to-lead-class-action-suit-vs-dams
Yan ang gobyerno natin lampa na marami pang magnanakaw kaya tuloy bagyo ang inaabot natin magpaplano kuno! kung tapos na ang sakuna parating huli sa lahat nang bagay ang nasa gobyerno maging aral sana lahat to! upang mapakinabangan nang darating pang sang lahi natin hindi pighati ang inaabot natin ngayon.
Maraming plano ngunit umpisa lang pala wala naman natatapos kung miron man dindaya pa dahil sa subrang lagay nito kaya nga ako sa abroad na nagtatrabaho kasi sa atin maraming lagay na dadaanan bago mo makuha ang isang project lagay dito lagay doon ano pa kikitain mo o di wala! so di mandaya ka na lang para naman may pambayad ka sa empleyado mo yan ang praktis sa atin magalit ang marami pero tutuo yan! hindi gawagawa isipin mo na lang halimbawa ang sweldo ko mataas pa sa presidente natin pero imagine maraming nagkakandarap maging pangulo nang bansa natin ang lagay eh! ganon2x na lang diba! yan later on makikita mo na lang nasa mansion na sila kasi yon na yon!