Balik Mangagawa
Ang mga OFW na nagbabakasyon sa Pinas ay nangangailangang magbigay pugay sa templo (POEA) upang kumuha ng kaukulang dokumento na tinatawag na OEC. Ito ay clearance na hinahanap ng mga opisyales ng immigration bago ka palabasin at tuluyang paliparin sa bansang iyong pinagtratrabahuhan. Nitong aking nakaraang luwas sa Manila inabot ako ng pagpapalit ng hugis ng buwan sa pagkuha ng aking OEC.
4 January 2010
Lunes 9:00 ng umaga basa pa ang aking buhok nuon dahil ako ay bagong paligo, mula sa over pass ng Ortigas ay tanaw ko na ang di lang makapal kundi napakapal na tao sa lobby ng POEA. Sa loob-loob ko, “Ah mga nag-apply ng trabaho kasi unang Lunes ng taon”. Hindi magkamayaw ang mga tao sa lobby, tuloy-tuloy ako sa “BALIK Manggagawa Centre”.
Laking gulat ko nang mapansin ko na regulated ang pagpapasok ng mga tao, sambit ng guard “ Yung lang pong mga may numero ang pwedeng pumasok, kumuha po kayo ng numero sa labas”. Nagsimula na ang aking takot, ayaw kong isipin na ang NAPAKAKAPAL na tao sa labas na nakapila sa ilalim ng araw sa may parking area ay ang kuhanan ng numero.
Paglabas ko, TRUE enough, ang nakita kong napakapal na tao ay mga Balik Mangagawa na katulad ko na kailanagang kumuha ng OEC. Hinanap ko ang dulo ng pila, di ko mahanap. May nakita akong isang Manong na nag-yoyosi sa gilid, tinanaong ko ang kanyang numero 516C. Waaaaaaaaaaaaa pasado alas 9:00 pa lang ng umaga at Batch C na ang naipamigay. Ibig sabihin may Batch A at B na. Di na ako nag dalawang isip, dali-dali akong umalis ng templo at nagtuloy sa Galleria at nagkape. Galit nag galit ako sa aking sarili dahil pinagpaliban ko ng ilang beses ang pagdalaw sa templo. Habang nagkakape, inisip kong maigi ang aking “Game Plan” for the next day.
5 January 2010
Martes 6:00 ng umaga bukas pa ang mga ilaw ng ibang poste sa Mandaluyong, dala ang aking passport , ballpen at cash ay walang takot kong binaybay ang Edsa sakay ng bus. Habang tinatawid ko ang over-pass sa Ortigas ang laking tuwa ko ng Makita ko na mangilan ngilan pa lang ang mga tao. Waging-wagi ang pakiramdan ko, bulong ko sa sarili ko “malamang pang sampu ako o sige na kahit pang 50”. Walang pila sa lobby , kumuha ako ng form at numero. Ang aking number sa oras na 6:38am ….drum roll please…… 213!.
Laking gulat ko, di ko maisip kung anong oras nagsidating ang mga tao, ayaw kong isipin na dito na sila nagpalipas ng gabi. Pagpasok ko sa Centre puno na ito at wala ng maupuan. Tinanong ko ang guard kung anong oras magbubukas ang opisina “Alas 8:00 po” ang sambit nya. Haysssssssss sige na rin at least nakapasok na ako. Natapos ako ng mga 9:30. Paglabas ko ng templo ang makapal na mga namamanatang OFW ang bumungad sa akin—nakapila at nag-iintay. Sa isip-isip ko makakatapos din sila, konting tiyaga— ang PAGPILA, ang PAG-AANTAY at ang PAGTITIYAGA ay din a bago sa mga OFW.
Viewed 14619 times by 3441 viewers
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.















gawd! i feel you cora, ganun pala talaga kahirap ang dinadaanan nang mga OFW, dyan pa lang eh talagang para nang final rites dahil ang susunod na initiation eh ang pagdating mo sa assignment mo.
technologically-challenged pa rin pala talaga ang POEA despite all the funds na pinapadala nang mga OFW para ma-improve ang lecheng get a number and make pila outside. o baka drama tlaga nila to para meron sila cut here at cut there.
hindi ako naniniwala na ang solusyon nang lecheng pila na yan eh dumating nang maaga. pwede namang gawing electronic yan sa dami nang OFW. nag-iinit ako habang binabasa ko ang diary mo.
Sabi ko nga sa sarili ano bang itong binabayaran ng OFW na di ko naman maintidihan kung para saan. Maalala ko nung may crisis sa middle east at kailangan ilikas ang mga pinoy walang nagawa ang OWWA , simbahan ang tumulong sa kanila kasi wala o kulang sa pondo ang OWWA…hayssss
First time kong pumila dyan noong unang uwi ko from Saudi, 2002 yun…
Ang haba talaga… inefficient… mainit… kaawa-awa ang mga tinatawag na ‘bagong bayani’.
Di na ako umulit sa ganyan… meron daw sa consulate na nag-i-issue ng OEC around 500-700 pesos equivalent price. So from there on, ganun ginawa ko, napakabilis… kumukuha ako ng OEC sa consulate before ako umuwi. My last one was 2008, noong OFW pa ako.
I hope there is also the same service sa embassy natin doon sa Indonesia. Have you tried it?
Good luck Cora!
Wala dito sa Indonesia pero I heard sa Singapore meron. Sa 8 taon kong OFW ganito at ganito ang scenario taon-taon lalo na panahon ng Kapaskuhan. Iniisip ko pang lang ang pagpunta sa POEA dinidugo na ako!
last time, i went there with my hubby di naman ganun katagal. ang nakakainis lang, kahit 3 days ka lng sa pinas – kailangan mo kumuha nyan – kahit one day lang. Isipin mo how incovenient. Kaya ako hindi nagdedclare na OFW kasi Family ang visa ako para I can come and go all the time. Di baleng magbayad na lang ako travel tax. Try to go in the afternoon – kasi sa umaga mahaba talaga pila.
One more thing – nakakainis pag late ang mga govt employees na yan. Dito sa embassy, laging late. Magdadaldalan pa bago magbukas ng window.
Kailangan baguhin ang sistema. Bakit kaya di gawing appointment basis para di na kelangan pumila ng matagal. Puede kaya yun?
hahaahahha papano kaya yun…libo -libong appointments and gagawin ng POEA. di lang pagpapalit ng hugis ng buwan ang lilipas bago siguro ako makakuha ng appointment, baka naglalakad na ang sanggol at tinubuan na ng ipin wala pa akong nakukuhang appointment date. Haysss sana pwede mag-bayad online ganun na lang siguro pinakamahusay na pwede nila maisip.
best would be online application paid by credit card or through bank. Tapos yong pwedeng i-print agad at may bar coding na yong mismong OEC para hindi na siya naibebenta sa Recto. O kaya yong tipong automatically nasa system na ng airport para wala ng print-out at fool-proof na rin. I think it’s doable specially for renewals kasi may existing OEC naman na sila. Ang then, yong first timer na lang ang kailangan mag-apply personally.
Mas okey din siguro kung mag-issue sila ng OEC sa mga consulates kung saan may OFW. Like dito sa Dubai, a day before kami umuwi kumukuha na kami sa POLO-OWWA ng OEC para less abala pag nasa Pinas ka na. Sayang din kasi yung isang araw na ipipila mo sa POEA, eh paano kung two weeks lang bakasyon mo.
They do pero problema pa rin eh. Mga staff sa OWWA laging late. Minsan tagal din maghintay.
Sa akin po 5 to 6 times a year akong pumipila at nang-gagalaite sa everytime na umu-uwi ako, say ang owwa certificate which is supposed will last in one year 10 months kukuha ako ng bago. have to renew as sa policy kuno. kahit in next month lang ay uuwi ka, kakausapin mo ang mataas at kita naman sa passport na uuwi ka b4 2 months kukuha ka ng bago ganyan ka efficient ang ating templo ng poea.
Kailan pa magsisimula ang pagbabago sa sitema ng mga may walang utak nating pilipino na nasa Pwesto.
Panay meeting, always meeting, everytime meeting, sana ay i meet naman ang problema ng kawawang mga ofw at ayusin ang sistema.
magpahinga naman sana sila sa kabulastugan nila. at sa pagdurusa nama natin. BAKA NAMAN KAILANGAN ANG SIMPLENG COMMON SENSE. Please!!!!.
Hi, ang tagal na ng blog ko na ito. May nagbabasa pala ng mga archives! Ganyan talaga ang sistema dyan..haysss kailanagn may baon kang PACENCIA at kape…heheheh
mam cora gaano po katagal kumuha ng OEC? ayon po sa kuwento nyo natapos kayo ng 930 nungg jan 5, 2010. nag-apply lang po b kayo noon
o narelease na din nung araw na iyon… nakuha nyo na din po..
salamat po.
may tanong lang ako? gaano b katagal kumuha ng OEC?
pano ba ang proseso?
newofw, usually natatapos naman within the day ang processing kaya lng kung gano katagal depende sa pila. Sabi ni hubby, kung may oras ka pwede mo hintayin. Pero sya usually nagbabayad na lang ng courier fee tapos idedeliver ng LBC sa bahay to save waiting time.