Bastusang Pambansa

What’s the buzz?
Basically, ganun na nga ang dapat itawag sa Batasang Pambansa dahil walang ginawa ang mga bastos nating Senador kundi bastusan at katarantaduhan. At bago ako i-akusang libel dyan, oo, yan ang aking opinion sa aking mga nakita, nabasa at leche mga pinakinggan na haka-haka. Pwe! Times of the year na nakaka-irita maging Pilipino! Pwe uli!
Ang simula kasi nito mga kabarrio kung hindi pa kayo updated sa mga kaimpaktuhan sa Bastusang Pambansa, eh ang C5 na liko-liko na tipo bang me hinahanap na bahay err subdivision pala, nabuko, na kagagawan daw naman pala ni Manny Villar.
Dead na sana ang issue na to di ba? Eh kaso, nag-dare ang Villar ki Failon. Ayon, tumirada ang Failon, nabisto at mas lalong nalaman nang people how goes ba the C5 Extension.
Para syang basketball, follow-through ni Juan Ponce Enrile who sponsored a resolution na i-censure ang Senador sa mausok na C5 Extension na to.
Sakay nang kabayong puti, itigil ang censure! Yan ang sigaw nang Katipunerong is Alan Peter Cayetano na gustong ma-clear si Villar sa mga charges.
Meanwhile, tinawag ni Jamby Madrigal si Sen. Manuel Villar as a coward for choosing to ignore the committee of the proceedings in regard to the C-5 project. Oo nga naman di ba? Ba’t ka nga naman may I hide? Tigil na ang tagu-pung! Lumabas ka na! Buko ka na.
Eh, eto naman kasing si Manny Villar, ano ba talaga ang problema at hindi nya ma-irespeto ang institusyon na parte sya? Ano’t hindi nya maharap ang mga accusations against him? Besides, he’s a Presidentiable? Eto ba ang ating magiging lider who have no respect sa Senate institution?
So, nung narinig nga ni Pimentel si Jamby na tinawag si Villar na coward, nang-galaiti ang Lolo nyo who objected sa mga unfair suggestion ni Jamby Madrigal. Ang sabi ni Pimentel, to call Sen. Villar a coward is an unparliamentary language. Diga pa ni Pimentel, ba’t di na lang lahat nung absent eh tawaging cowards?
An sabi nang Madrigal, it was a mere “judgement” on her part. Chika lang daw yon. Kaso, mas lalong nag-init ang butse nung ibang Senators when Madrigal branded them as “choo-choo train” of Villar.
Nag-ngit-ngit nang todo ang Aquilino Pimentel nung marinig nyang isa syang busina nang tren. Kaya chinorva nya si Jamby na isa syang “abused child”.
Of course! Ikaw ba naman, tawagin kang abused child. Siempre, basag na world peace to noh? Kaya tumirada ang Jamby Madrigal at nag-ti-tili nang “Corruption! Corruption!” as she pointed her ek-ek finger ki Aquilino Pimentel.
By this time, nagbanta ang lolo nyo: “If the lady thinks that she can get away with those things here, she has another thing coming….” At inulit nya pang “At least, I’m not an abused child.”
Akala nyo tapos na? Nope.
Napunta ang usapan nang Bastusang Pambasa sa mga insertions. Hindi triple x na insertions. Yong mga siningit sa budget. Yon ang ibig kong sabihin.
Say nang Jamby – she had no budgetary “insertions” in the national budget passed by the Senate annually compared with Villar.
Narinig nang Alan Peter Cayetano, tinira naman si Jamby na saling-pusa lang naman daw sya noong May elections. Aray! Oops. Teka, ba’t ako ang umaray?
Mas lalong nag-kagulo sa senakulo nang ang Lolo nyong Pimentel would use the same line at sabihing that was the same defense that was used by Sen. Mar Roxas that he too, had no insertions in the national budget.
Eh kaso narinig sya ni Mar at hindi lasang aji-no-moto ang sinabi nang lolo nyo!
Alam nyo ba sinabi nang lolo nyo?!
Hahaha! Eto pakinggan nyo. Dito umusok ang nguso ni Sen. Mar Roxas.
“After your marriage, you will have your insertions,” quipped Pimentel, a rather unsavory remark that drew Roxas’ ire.
“I demand that that be removed from the record!” shouted Roxas. “This is an affront to my wife.”
Sigaw nang lolo Pimentel nyo ki Mar, “Then remove it immediately!”
Wala pang ending ang komiks na to! Hahaha! Inferness, I am having a great time following the story hahaha! Ganito ako, ma-taga sumunod nang kursunadang balita!
Viewed 11748 times by 2404 viewers
reynz is one Uragon and a Filipino-American, has many years of public accounting & auditing, broadcast investments, housing tax credits and equity investments as his background. Based in the US, he maintains his personal and humor blog at reyna elena dot com. A graduate of Aquinas U, he went to GWU and Temple U in the United States.













Sakit sa ulo.
Pati insertions dinamay nila. Pweh!
hahaha wala pa dyan si Miriam ha? hahaha i could see na mag-sasanib ang Taiwan legislators at ang mga yan! Bugbugan ang mga yan haha
Grabe talaga. Nakakapanggitata.
Eh mas malala pa kay Gloria yang si Villar eh! Mas makapal lang ang mukha, at mas mayaman.
Geez
you know, i agree with Satur Ocampo on his statement in regards to this one. an sabi nya:
It’s GOOD GOVERNANCE and TRANSPARENCY at tama ang sinabi ni Satur na if you want to become the country’s leader – then face the music otherwise, Villar’s good governance will be in doubt.
Dapat lang talaga silang mag-doubt. Obvious naman na kurakot yang si Villar at kumampi ang MAKABAYAN sa kanila. Sa totoo lang, na-disappoint talaga ako sa kanila na nakipag-alyansa sila sa NP.
Matutuwa ako kung bawiin nila ang kanilang suporta kay Villar. In my honest opinion, Villar doesn’t need them at all.
Hay naku..yong makabayan na yan ay handang makipagsabwatan ki Villar (indirectly kay Marcos) manalo lamang……sira na kribilidad nila sa kanilang supporters….alang pinagkaiba!
Natawa nga ako nung nabalitaan ko na nag-presscon lang ang lolo Villar sa office nya. What’s wrong with facing the accusations para matapos ang issue once and for all.
What he did is a cowardly act.
Ang tanong kay Sen. Villar: NAKALIGO KA BA TALAGA SA DAGAT NG BASURA?!?
I doubt it. Itsura nya pa lang mga tsong!
Grabeh, cinematic ang mga ‘dialogue’ ng mga solons natin…hehehe…
Talaga naman, parang teledrama ang buhay politics sa Pinas… ~LOL~
Sa pamagat pa lang ng post na ito ni la kapitana, taas ang dalawang kamay ko pati na talampakan ko dahil agree ako.
wala na akong ibang nakikita sa pulong ng mga mambabatas kundi bangayan at bastusan, madalas personalan na ang laban… ang sarap siguro batukan ang mga senador na mga ito lalo na yung matandang ulyanin na kinakalbo.
puro bangayan daig pa ang mga bata, batuhan ng sisi, puro pagmamalinis, ngunit alam naman ng nakararami na pare-pareho silang may bahong umaalingasaw.
pataasan ng ihi ngunit gatiting naman ang kanilang mga vienna sausage.
remember… the subject matter is ETHICS. hahahaha! putang irony oo! hahaha! dapat sa mga Senador na yan palayasin sa Senate. These are obviously dysfunctional leaders of the government na dapat sa mga yan, mga kanto boys hahaha
Akalain mo ano? Tapos kung maka demand ng respeto ang mga yan sa Pilipino akala mo kung sinong mga high and mighty, PWE!!!!
Kapag dadayo mga opisyal na yan sa barrio natin, akala mo mga bathala kung ituring ng mga tiga barrio eh! Tapos ganyan lang ginagawa sa kamara. Mga tarantado’t taarantada – mga palengkero at palengkera, walang sense yung pinapasweldo sa mga yan, sayang ang tax money natin na pinapasweldo sa mga yan. REFUND!!!
‘day! pinapayungan pa ang mga yan!
Why else do you guyz expect? Obscene and lascivious remarks by statesmen are but of course allowed, provided, they utter it INSIDE “Bastusang Pambansa”. Legislators are after all immune to say those darndest things.
Calling somebody coward OUTSIDE the legislative house (as Senator Jamby did say in one newscast-interview) is simply DEAD WRONG.
But who am I anyway, I’m not even a lawyer or senator, FCOL!
by far, this is the worst. i hope we can get rid of all them sa Senate, they’re hopeless and not the least role models to really make a change for the better.
Hi Reynz, I submitted this post for Strictly Politics (ANC) to use in tonight’s show in our Plod-a-blog portion.
I don’t know if TFC carries Strictly Politics.
Thanks.
thank you tita ellen! thank you! we don’t have TFC in our part of the world here in Philadelphia. according to our cable company, they’re pretty expensive daw, what we need to do daw is call more pinoys to request comcast to put them on hahaha ang mga walanghiya at gagawin pa kaming marketing agents, anyway – pwes eh di ganun na nga ginawa namen hahaha
OMG! Ma’am Ellen!!!!
Good to see you here!!!!
Hi po!! (kaway kaway kaway)
kakarating ko lang dito sa barrio nung nabasa ko ang paskil na ito ni madam ellen.
yehey for the barrio again! ~palakpak~
_____
“After your marriage, you will have your insertions,” quipped Pimentel,
The old man really knows how to masturbate words! He’s one hot DOM!
he’s got some brain masturbating talents i would agree
Oh gosh, nakahithit ba ng katol si Pimentel? And Cayetano for calling Jamby a saling-pusa, bakit ano ba siya eh tuta din naman siya ni Villar. Akala mo kung sinong righteous makipaglaban against Mike Arroyo eh wala din naman siyang pinagkaiba. Pera lang ang katapat.
Nakakainsulto kung ikukumpara ang senate hearings sa mga usapan sa barberya at parlor. At least sa barberya at parlor may nagagawa eh sa senado, juice ko. Kaloka.
Kung ganyan na rin lang ang mga nakaupo sa Bastusang Pambansa eh mas mabuti pang palitan sila ng mga tambay sa barberya ni Mang Tonying at parlor ni Atcheng Barbara.
if i were peter cayetano, he should have not said that no more dahil dagdag pa yon sa pagkanegatibong image nya, what with his partnership wih remulla in defending villar na honestly wala na akong gana sa dalwang yan, and i know, all flowery pa naman ako dyan before.
this is how fcked up our system is. 1st deserving some changes. pag di ka nag-ingat once you’re in the senate, the system will surely eat you alive. kaya naman puro na mga bastos ang mga kwagong yan sa senado
Narinig nang Alan Peter Cayetano, tinira naman si Jamby na saling-pusa lang naman daw sya noong May elections.
E siya? Saling baboy. He begged for Erap to include him in the line up. That’s what. If that’s not saling baboy then it surely is saling pusa!
Gago itong meztisong baboy na ito ah.
hahaha! i cannot believe my ears my eyes and my keyboard what i am witnessing! hahaha! what have become of these people? akala ko, these are the new breed of pinoy politics out to change the medieval behaviour! eh mas malala pa ang mga taong to! grabe!
Naku Reynz, these people are the paid phalanx of super plunderer Villar!
Jeeezzzz…
Sorry for the words ha, pero NAGAGAGUHAN ako dyan sa remark ni Sen. Pimentel. That is not the words that should be uttered by a statesman. Haller!!! Nasa senado po kaya kayo. Ang mga salitang ganyan e di dapat isama sa mga debate. For me, ad hominem attack na yan eh.
Buti pa nga si Miriam, she knows where to stop, look and listen. Di katulad ni Pimentel na may nalalaman pang insertions hoolah-balah. Bastos ng nampokang yan. Kakagigil.
E di ngayon, labasan na ang mga ugali ng mga TUNAY NA BABOY. Exposed pa sa national TV. No amount of apology will ever take that stain away. Litsi!
Umuorong sa pagtanda yang si Pimentel. Dapat may retirement age ang pagiging politiko….pag over 60 yrs old ka na…bawal na! Yang Cayetano naman, kala mo hindi sya saling baboy kong makapanlait…ahhhh ewan!
“bastusang pambansa”
- hahaha solid!
anyway, dapat kasi precise question and answering sila. may mga tanong kasi na oo at hindi lang ang sagot. ang gusto ko kang malaman ay kung pupunta ba si senator villar. eto namang si senator cayetano ang daming paligoy-ligoy.
medyo Lolo Nene went over the line dito… blame it on his age.
Good luck sa Pinas. When Pimentel said something about ‘insertion’, he crossed the line. Madumi na ang laban nila, whatever happens you show respect – eh senado pa sila. At least in most parts ng Pinas na napuntahan ko, people are nice, hindi bastos.
Nadismaya din talaga ako sa klase ng mga senador natin lalu na sa mga nagdipensa kay villiar in particular sa pambabastos ni sen. Pimentel, bilib pa naman ako dati sa kanya dahil respetado siya pero dahil lang kay Villiar ay sinira nya lahat ang naiiwang respeto ko sa kanya bilang statemen. Ni hindi pa niya iginalang ang mga kababaihan, binaboy pa nya ang asawa ng kapwa niya Senador.
Wala na halos silang pinagkaiba sa mga ampatuan na warlord sa maguinadano massacre dahilan sa ipinakita nilang asal at pagkaberdugo na akala moy magagawa at masasabi na nila ang lahat dahilan sa senador sila ng bansa na may parlementary immunity sila. Nakakahiyang maging filipino kung ganyan ang ating mga lider sa Senado akala ko sa Malakanyang lang nagbababuyan at kongreso e pati pala ang mga senador natin.
Kung tunay namang nagkamali si Sen. Villiar e kahit kakampi ko ito sa partido at pinagpifiestahan ng mga kalaban ko e hindi ko naman gagawin pabulaanan iyon. E ang kasalanang pagnanakaw kahit kapartido ang gumawa e dapat ituwid at icensure hindi iyong idadahilang namumulitika. Ang pagbubunyad ng pagnanakaw ay hindi pamumulitika kundi katotohanan lamang.
Pimentel’s remarks were the most unforgivable. Kung kelan tumanda….
tsk,tsk,tsk
Come tot hinkn fo it, ang panalo dito eh sila Sen.Leon Guerrero at Sen. Kap….mga miyembro ng committee on silence.
meron pa. si loren legarda. truly ever ever silent sya this time. baket kaya? hmmm…
oo nga no, ang tahimik ni madam….
Magsiraan silang lahat… Villar vs. Noynoy vs. Jamby vs. Erap, hehehehehe… Mananalo nyan si Gordon, HAHAHAHAHA!!! Kay Gordon ako!
finally, me kakampi na si Lee hahaha nag-iisang kinakampanya nun si Gordon hehehe matutuwa yun hahha
Pwera lang sa mga matitino dyan, parehas lang sila mga bastos talaga. But i can’t seem to shake off my brain Pimentel and next Cayetano. Sa kalsada ng pakikibaka, dati si P hinahangaan. But how did he grow up as an elder. At ito namang si C, halatang hilaw pa ang mga paninindigan. Nakakabwiset na talaga politika sa Pinas…
Now we know the true colors of some of most of our SENATORS, ang ating mgaHONORABLE SENATORS. bUT I ADMIRE NOYNOY HE MAINTAINED HIS COOL KAHIT NA NG SAGUTIN NIYA SI CAYETANO WHIC I FOUND DISSAPONTING AND DISGUSTING. ITONG SI CAYETANO AND ALSO GILBERT REMULLA SURELY AY DI KABOTO BOTO. ANG HUSAY HUSAY MAG TWIST NG FACTS.
buti na lang walang suntukan..
kung sa iba yan, nagsuntukan na sila…
at hindi pa tayo ganoon ka third world.
[...] This post was mentioned on Twitter by Silver, Snow. Snow said: RT @tweetmeme Bastusang Pambansa http://ow.ly/1nB8Lw [...]
pare-pareho lang ang mga yan…kunwari gusto mag lingkod sa bayan pero alam naman natin kong ano ang gusto nila..hhhaaaahhhaaayyyyzzzz