Bata Patay
Aruy! Tawagin mo na ang Traysikel. Pumunta na tayong Ospital!
Dalawang bata patay! Natagpuan raw na nakalutang ang dalawang batang si Allen at Adin sa San Pedro, Laguna. Nakakaawa naman ang nasapit ng dalawang batang ito. Ayon sa balita, ang nanay raw nila ay nasa trabaho at inihabilin ang mga bata sa kapitbahay. Nagpasabi naman raw ang kapitbahay na hindi nito maalagaan ang mga bata dahil siya ay mag-tratrabaho. Ang nanay? May trabahong di umano na mama-san. Nakaluluno ang nangyari.
Sa totoong buhay, isang propesyon ang pagiging magulang. At isa namang habang-buhay na kurso ang pagiging isang nanay. Biruin mo ba namang bago ka pa magka-anak, ang kalagayan ng pagkaagas ng bata sa sinapupunan ay beinte siete porsyento sa mga nanay na Filipino. Liban pa rito ay lalabanan pa ng mga nanay at midwife ang impeksyon dahil may sitenta porsyento sa ating mga ina ang nanganganak sa bahay. Ilan bang mga buntis ang kasama natin sa ward at sabay sabay umire. Minsan nga ay sa sobrang puno ng mga labor room ay nasa hagdan na ang mag-asawa ng ospital para maghintay sa susunod na kama. At kadadala lang ng bentilador at pasalubong sa bagong nanay ng ating mister ay iniaabot na ang bilyete ng bayarin at rekomendasyong umuwi na.
Sa siyam na buwang pagdadalantao, pag-lilihi at pag-duwal, dumating na ang inaasam asam na araw. Senyales ng ilang oras na pagdurusa ang pagputok ng tubig na di naman naka-schedule. Minsan nga ay nasa palengke ka pa namimili ng lampin, bigla na lamang lagaslas ang tubig na parang Malacañang dam at titirik ang mga mata sa pag-hilab ng sinapupunan. Matapos ang tatlong araw lang, masakit pa ang tahi mula sa cesearian, ilang tambak na ng lampin ang nag-iintay ng pagkusot? Masasabi ba ng mga nanay na, “Hay naku, tapos na ang aking paghihirap sa panganganak, mag-babakasyon muna ako sa Bora!”
Nilalabanan pa ng mga babae ang mga sakit na dala ng pagdadalantao: high blood, sakit sa atay, anemia, pag-iihi ng wala sa oras, UTI, at mahabang listahan ng mga sakit sa matris. At pagka-naman napasama ang panahon, napabigla ang pagtratrabaho, may salita rin tayong nabibinat. Kung hindi naman sakit sa katawan ang lalabanan, narito na rin ang tinatawag na mangulimlim na pananaw sa buhay ng mga ina. Nag-iiyak habang nanonood ng Wowwers, nagagalit kapag nakakalungkot ang palabas kay Ate Charing, mainitin ang ulo at madalas na pagpapakita ng ma-igsing pisi. Marami ang hindi nakakaunawa na sa dami ng mga kemikal o hormones na tumatagistis sa ugat ng mga buntis, kapag wala na ang bata sa sinapupunan, kailangan na itong ipag-tilapon ng katawan. Ayon naman, sa luha at walang humpay na pag-papawis ito lumalabas.
Kaya, bakit natin pababayaan ang ating mga anak? Kung mahirap ang pagluluwal at panganganak sa mga bata, ibig sabihin lamang na mahalaga ang mga ito. Di ba naman sa panlahat na bagay sa buhay, ang pinag-hirapan ay iniingatan? Ayon sa National Survey of Family Growth, 1995 dito sa Amerika ay may 6.1 Milyon babae at kanyang partner ang nagdurusa sa pagkabaog. Mapalad ang may pagkakataong magkaroon ng anak. Ingatan natin sila.
Viewed 9922 times by 2385 viewers
mahalia is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.














tama ka mahalia…walang bakasyon ang pagiging nanay. kahit may mga anak na din ang mga anak natin, we continue to take care of them. we just stop pag patay na tayo.
Habang buhay manay Glo, but it’s worth it. Maraming antics ang mga bata na nakikita natin ang sarili natin sa kanila. Talagang nakaka-amuse.
i might not understand motherhood dahil nga yung fallopian tube ko nakabitay sa hita ko besides, tabingi ang obaryo ko, but i have a lot of respect for pregnant women working kaya naman pag uminit na ulo, tabi ako sa trapiko hahaha
ahahaha
nakabitay ang fallopian tube sa hita
i love it
hoy! kayong dalwa! wag nyong pinagtatawanan ang fallopian tube ko! hmpt! hehehe!
hahahaha!!!!!!! the best itong hirit mo reynz. sumakit tyan ko. yeah…yung mga lalake sa office ko noon…ang babait nila super. di man nila gets ang takbo ng hormones ko nung buntis ako then after manganak…eh they just clear out malayo sa akin.
hehehe.
@Glo, naku, mabuti nga at marami ang nakaka-intindi. lalo na at super lobo na ang mga buntis, nag-supersize din ang mga ilong at paa sa manas, erased na ang beauty, pero that pregnancy glow, nothing can equal that!
Reynz, yun sanang first line ang title. Pero thanks sa pag-publish nito. Napanaginipan ko tuloy na nagka-tidal wave sa Ohio at pinilit kong sagipin ang tatlo kong bulilit.
Agree to you 100% Mahalia. I did not really liked kids before until I became a mom. And I have to say that I had a very different opinion of pregnant women before and after my own pregnancy. complete turnaround.
And yes, if you’re leaving your kids and you have to work, make sure na yung magbabantay eh talagang babantayn niya anak mo. Just heard this news ngayon. nakakalunkot.
Oo Monique siguraduhing nasa maayos nakalagayan ang mga bata bago pumunta sa trabaho. Mayron pa ngang downloadable Babysitters checklist. Emergency Phone number, cellphone number, Primary care physician, etc. Para kung ano man ang mangyari, agad na matatawagan ang mga magulang.
eh iba naman kasi ang problema nang nanay nung mga batang nasawi na to…. i read na pokpok ata yung nanay.
Oo nga, talagang pinabayaan niya ang mga anak niya.
uber-negligence ang ginawa nung nanay (base lang sa nabasa ko sa news – who knows kung merong mga extenuating circumstances noh?) and its unbelievable na para lang plastic ang mga anak nya na iba-balibag lang nang ganyan. di ko mawari. kiver kung pokpok sya, useless ang pagtatrabaho nya kung hindi safe ang mga anak nya.
That’s right! I agree. Amen!
Nawawala na yata ang Family First na kultura ng mga Pinoy. Kahit na anong klaseng trabaho yan, mataas pa rin dapat ang priority sa mga anak, asawa, kapamilya. Ang daming nag-aampon dahil hindi magka-anak, may ilan namang may mga anak ang basta basta na lang. Kayamanan ng magulang ang mga anak, na-overlook yata nung nanay na may kayamanan sya sa sariling bakuran.
Malay ba niya na maging successful ang mga anak nya, sinayang niya sa kapabayaan.
Totoo ka reynz, negligence. dapat sa prisinto na sila magpaliwanag kung bakit nagkaganyan… lol.
shit! pokpok na nga kinalimutan pa mga anak. buti kamo kung plant manager yung nanay. but then in that case meron syang mga yaya at househelps.
ewan…ako kasi kaya kong mag-resign sa trabaho kung welfare ng anak ko ang nakasalalay. well in fact ginawa ko na nga yan!
hahaha!
sapul na sapul.. kahit sa pagpikit ng mata, sa paghilik o kahit habang nagbabawas ka pa sa kasilyas, nanay ka pa rin.. na iimbyerna din ako kapag nakakarinig ng ganitong klaseng mga balita eh..
pero sa totoo lang hindi mo din sila masisi sa hirap ng buhay ngayon.. ang isa sa mga katwiran ng mga iyan ay paano na kung tutunga sila at babantayan bente kwatro ang anak nila? saan na sila kukuha ng ipapalamon sa mga ito?
hindi pa rin kase laganap dito sa atin ang family planning at mga pag aaral na kung saan maipapaintindi sa mga ganyang klaseng tao ang kahalagahan ng pagpapamilya at ang mga responsibilidad na kasama nito.
Make or Break