Home » Culture and Society, Muni-muni, Opinion

Battle of the Brains

20 November 2009 29 Comments

Way back in my student days, I regularly watch “The Battle of the Brains”. Aside from learning new stuff, my brain muscles also get flexed. Here’s a clip from one of the old episodes of that game show:

Siguro naman, during those days, lahat ng estudyanteng nakakapanood nyan e kumahog sa pagsagot ng mga questions dyan. E pano ba naman, may kahirapan din ang mga tanong dyan noh! Kaya nga Battle of the Brains eh! :D

Pero nitong mga nakalipas na taon, especially years after the last Battle of the Brains episode aired, e parang nagshift na ata ang mga programming sa telebisyon. Naging bihira na ang mga matitinding quiz shows na tulad nito, ang madalas ko na lang makita e mga star-search shows, dance shows, singing shows etc. Mabuti pa nga ang mga shows na iyon ngayon, tiyagaang pila ang mga kabataan. Ang haba talaga ng pila. Pero nung dating quiz shows like sa Battle of the Brains, e baket parang ang kaunti lang ng sumasali? Or perhaps, baket wala na ang mga katulad nila sa ere ngayon?

It maybe for a fact na pili lang naman ang sumasali. Of course, madalas representatives ng school ang mga sumasali. Mas nagtataka lang ako sa pagkadiminish ng mga ganitong shows – baket puro telenobela ek-ek atbp ang nakikita ko? Minsan, nakakatampo din sa klase ko dahil instead na maalala nila ang mga konsepto sa aralin e tipong episodes ng MMK or Dahil May Isang Ikaw ang naalala nila. Yung ibang kabataan, instead na makilala ng husto sina Jose Rizal at iba pang personalidad sa ating kasaysayan (at iba pang kwento about them and their struggles) e sina Darna, Zorro at Marimar ang kilala nila ng lubusan.

Try to ask any random kid kung sino ang pinakahuling bayaning sumuko sa mga Amerikano or kung sino ang nagpasimuno ng Katipunan sa Batanes or sino yung mga nanguna sa labanan sa Balangiga, Samar (the famous town na nagmamay-ari ng Balangiga Bells) e baka di na talaga nila masagot. History pa nga lang ng bansa natin yan ha, hindi pa yung mga concepts sa Science, English and Math as well in the other subjects.

homer-simpson-wallpaper-brain-1024.thumbnail

Photo credits here.

There is even a time when I assigned to make an essay on a particular social issue (during one of my classes) e instead of proper English ang isagot ng bata e tipong mala-Kris Aquino english ang naisulat. For example (sorry Mel, hindi ko naman inaaway si Kris, example lang ito. Hehhe. Baka batuhin mo ako ng durian. Hahaha): *with mala-shushal tone please* “The politicians will not stop making kurakot of the kaban ng bayan noh.” Syempre, gulantang ako sa sagot at yari ang essay sa akin.

What I am trying to imply is the influence of media sa ating kabataan. Di kaya nakaka-dumb down na itong nakikita natin sa telebisyon recently? Instead of showing worthy documentaries and shows na tipong pang-feed ng brain para sa ating kabataan e puro showbiz or sensationalized news at wa wentang telenobela ang nakikita. Pansinin nyo ang mga news shows. Uunahin  ang mga headlines – crime report etc. Biglang lilihis ang usapan from there, papasukan ng showbiz news, then other etchos. Yung dapat pagusapan or the things that matters most e nakalimutan na ni viewer.

I dont know lang ha, but these are my observations. Pakiramdam ko kasi nagiging rampant na ang dumbing down sa ating society. Hindi ba para maging progressive ang isang bansa, dapat pinangangalagaan din natin ang human capital – tayo mismo at yung mga susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagdevelop ng skills at potentials pati na din ang paglaman din ng utak? Food for the brain ika nga.

Baka in the near future, instead na maging battle of the brains e baka maging BATTLE OF THE BRAIN-LESS na. :(

Baka namimiss ko lang pati ang Battle of the Brains. Heheh.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11781 times by 2661 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

29 Comments »

  • Abby says:

    that’s so true…there was a time that i was glued to watching soap operas..buti na lang nagising ako..i’m wasting my time! i vowed not to watch it all!

    concern din ako na yan ang madalas napapanood ng mga bata sa pinas..minsan pag they throw tantrums, sa mga lines ng soap opera sila kumukuha ng dialogue..argh!!! kaya nga yung anak kong 3 taon, naloka ako ng kumanta ng May Bukas pa ;) although i think medyo mas ok naman yung program na yun..

    sana ibalik nila yung mga “hiraya manawari”, “bayani”,”sineskwela”, “math-tinik”…

    • reynz says:

      minsan pag they throw tantrums, sa mga lines ng soap opera sila kumukuha ng dialogue..argh!!!

      BWAHAHAHA

      ganito ba?

    • Silver says:

      Yeah Abby… I am wondering kung asan na ang mga shows na ito.

      Meron Knowledge Channel sa Channel 10 (kung kayo ay may cable) but then again, not all Filipino kids have access to cable TV para mapanuod yung ibang worthwhile shows dun.

  • QLET says:

    i loved this show…at totoo ka jan, isa ako sa mga nakikipag-unahan sumagot sa mga contestants, hahaha. dahil sabado ang airing nito noon sa channel 9 eh ginagawa ko na lahat ng dapat gawin (homeworks at houseworks) para makapanood nito. ang galing pa mag-host ni david celdran…di masyadong nakaka-pressure ang ka-cute-an niya, hahaha. crush ko noon iyong bet ng PUP sta.mesa sa championship kasi ang galing sa math. nawa nga bumalik na ang mga ganitong palabas sa atin at wag na puro nobela…masyado na ma-drama buhay ng mga pinoy.

    • Silver says:

      QLET,

      Di lang madrama, maaksyon pati. Hahahha.

      Kaasar nga lang minsan ang proliferation ng mga soap operas na yan. Isama pa ang Big Brother ek-ek na yan na puro hypocritical values lang ang pinapakita. (pasintabi lang sa PBB fans dyan)

  • malensky says:

    Favorite ko din to panoorin noon sa ch9. i rem nun college sa pup, may quizzer’s circle, yun group ng mga mahilig mag non-stop-sunog-kilay para sa battle of the Brains, syempre hinde ako myembro hahaha

    favorite ko din ang battle of the brainless ng tropang trumpo sa ch5!

    • Silver says:

      Yes, the famous quizzer’s circle sa PUP. Yung sa amin dati sa Sto. Tomas e pilit na magtatag nun. But of course, intense pa rin ang competition between the courses. Hahhaha.

  • Mel says:

    That’s why I always encourage my pamangkins to read books and I’m glad to tell you they don’t recognise local artistas that much because my sister prohibits them to watch local teleseryes and even tv on weekdays/weeknights. As a reward if they do good in school, they get to watch their favourite cartoons sa weekend.

    Anyway, habang maaga pa ay idiscourage sana ng mga parents ang pagpapanuod ng mga primetime dramas dahil sa totoo lang, wala akong makitang positive influence sa mga bata. Yes, even May Bukas Pa. Ito ay opinion ko lang naman noh. Feel free to disagree.

  • Lalaine S. says:

    Nakasali ako dito nung high school, we didn’t win, hehe. Cute si David Celdran.

  • pusa says:

    love ko rin yan battle of the brains at david celdran hehehe
    i agree sana nga ibalik yun mga educational shows esp batibot :)

  • delta says:

    hindi ko na ata matandaan ang show na yan.. basta ang tanda ko yun LG quiz.. grabeh lagi kami magkakapatid parang bonding time namen, paunahan kami at padamihan ng tamang sagot. nyahaha.. kaso konti lang lagi ang natatamaan namin. hehe.. okay rin somehow yung mga general info na quiz parang GKNB at who wants to be a millionaire..

    ang thought ko lang kung bakit hindi na ineere ang mga ganong klaseng show is.. of course.. “RATING” at “KITA”.. hindi rin natin sila masisisi… kasi siiguro namomonitor nila na kapag ganun ang show eh ang baba ng rating. meaning, kahit somehow nageeffort sila na magpalabas ng may mga kwentang show, eh mismong mga manonood ang umaayaw panoorin ito at lumilipat sa cartoon network, HBO etc… so ayaw din naman siguro nila malugi di ba or maturingang walang nilalangaw ang palabas nila? so meaning sumasagot lang din sila sa kung ano ang demand ng manonood..

    maybe tayo, oo, mahilig manood ng ganito, but correct me if im wrong, mas marame pa rin talaga ang nabobore sa ganitong palabas kesa mga naaaddict manood..kasi sa ganitong palabas, wala ka aman kwentong susubaybayan na parang isip na isip ka kung ano mangyayari bukas, na para bang pag di mo napanood bukas eh hindi kumpleto ang araw mo… yung mga ganong effect…

    sayang nga at wala ng mga ganitong palabas ngayon.. naruto nalang hehe.. :)

    • Silver says:

      Yes, Delta, andyan pa yung LG Quiz. Trip ko yun nung una kaso nung huli e parang naging korny na. Rawr.

      Tanda ko nun, kamuntikan na sumali ang school namen. Hahhaha.

  • Snow says:

    Ako rin favorite ko ang Battle of the Brains lalo na nung ini-spoof siya ng tropang turumpo. :)

  • reynz says:

    sino yang host? guapo at american accent, akala ko kanina western show. sa pinas pala to.

  • Amor says:

    Nakapanood ako ng live nyan, sumali kasi classmates namin nung HS. Gosh ang cute ni David Celdran! :D

  • pusa says:

    hehehe kyut talaga sya… lahat ata ng estudyante dati me crush kay david celdran

  • promking says:

    yung pinsan ko from meycauayan bulacan, nanalo dyan.. ang galing nga niya e. eto website niya ngayon

    after 12 years, sumali yung younger brother niya, sa game ka na ba naman.. ayun panalo din. magagaling yung mga pinsan kong yun e.

    syempre, pinag timbang namin (with proper computations) mas maraming naipanalo na pera yung younger brother niya..

    • Silver says:

      Alam ko sa Battle of the Brains di ganun kalaki ang cash prize. Pero laking honor / prestige na sa iyo at sa school nyo pag naging champion kayo sa contest. As in astig!

  • Monique says:

    I miss battle of the brains! It was a welcome show tuwing weekends… The telenovelas and the “stupid” show really has lorded it over the matitino and brain stimulating ones. haaay.

    Gwapo nga si David Celdran.

    Ito yung di ko malilimutang tanong dahil nakikita ko itong point na ito pag dumadaan ako sa isang bridge sa amin:

    What do you call the point where the river and the sea meets?

    :D

  • nina says:

    I used to watch Battle of Brains – hindi para maki-answer-answer kundi crush ko si David Celdran. Kaya lang he’s old now – nget na cya.

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.