Bayanihan sa Barrio Siete
Kelangan na naten nang malaking lugar. Dumarami na tayo sa Barrio. Tsaka mahirap mag-internet nang de-pedal. Kaya pansin nyo, pag me duma-daang eroplano, nawawala ang binabasa naten. Kaya, wag po kayong magtaka kung ba’t dinekwat namen ang aming bahay at kame eh kasalukuyan nag-lilipat. Wag kayong mag-alala. Hindi sa kaVilang Varrio dahil boundary pa sya nang Barrio Siete. Balita kase namen, me koryente na sa lugar na yon. Baka sa Linggo, tapos na to. At sana tapos na rin yong jumper sa meralco na pinagawa namen ki Kumpareng Buraot. O, yong mga baboy! Yong mga manok! Bahala na kayo! Crispinn! Basilioooo! Ang mga platooo!!!
Photo Credits: Buhay Pinoy and eLjeProks
Sa daan, me nakasalubong kami. An-yayabang!!!
Photo Credits: Dashwerks
Konting tyaga lang… aasenso den kami… makikita nyo! *hikbi*
Viewed 17251 times by 3108 viewers
Kotsengkuba is a native of Nueva Ecija, lived most of his life in Manila but is currently staying with his wife and daughter in Tagaytay. If not busy looking after his family, he could either be found blogging, tweaking his blog or other people's blogs (their lives included) just so he could fund their next food trip or family outing. Pester him on his blogs Chronicles of Kotsengkuba and Adobong Starfish
















nyahahaha ok to ah, galing naman.
nag-imprub na ang bayanihan?! hehehe
ay! bayanihan upgrade. ang sushal! hahaha
ang tagal ko nang di nakakita sa kalsada sa tapat namin ang ganitong bayanihan.
hahahaha! ang galing nung 2nd picture, tsugii ang mga humans, machine ang ipinalit.
hahaha! panalo!
hehe ser KK nagbabago na ang panahon. pero sana hindi magbago dito sa ating barrio
naalala ko pa 3 times kami naglipat ng bahay dati, 1 buhat ng mga tao, 2 sakay sa truck, gang ngayon yung bahay namin buo pa, 3 places na pinanggalingan
Lilipat na ba ang BS sa Brgy.Forbes Park?
malapit na dFish hehehe sa bilis nang Alexa namen sana maging pira este pera kahit man lang sa tagiliran nang fobres fart err fark
isaksak dapat yan besides Malacanang…bongga!
@jim, anu yan talaba?hahaha
Sa barrio siete ay may bayanihan
nagtitipon-tipon ang mga mamamayan
na pinangungunahan ng barrio kapitan
si kotsengkuba ililipat na ang kanyang tahanan
Kotsengkuba, tuluyan ka na bang lilisan
nasusuka ka na ba sa mukha ng mga tulisan
Nawa’y intindihin mo at iyong mauunawaan
Wag mo sanang iwanan ang barrio na luhaan
jeri,
maganda yong story nang barung barung to bungalow and i hope you share it to us naman, i know there’s a number of lurkers and readers here who wanted to read those things hehehe ~wink~
at isama mo na rin mga litraks at pikturakas hehe
sige po kamahalan, pero naipost mo na po yung story nung ipinakilala mo ako d2,…siguro bigyan ko lang ng konting rebisyon kalakip ng pictures ng aking bungz..
Yung bungalow ko kaya? pwede bang ilipat? balak ko sanang ilipat dito sa barrio siete kasi mas masaya dito. he he he
tinuninuninung……ministry of tourism, pede…wag san miguel gin, oo bilog nga ang mundo, pero nakakapag inglish from hell yun, coco cola, ewan, mga bangko, pede. real estate, pede, kontakin ang ayala land, daming pera nun, para sa mga gustong magkabahay.
@roni, pagka ganitong bayanihan sarap mainuman— pulutan ang kulang— nakain ba kayo ng inihaw na buntot ng pating?lol
na-experience ko na yang bayanihan na yan as one MIRON (watcher) sa barrio namen hahaha shock to the bones ako nung nakita ko na yong buong bahay eh talagang hinablot sa lupa at nilipat sa kabilang kanto hahaha
shark fin, masarap yan! Parang nakain ka ng maalat na agar agar!
indi pating yan, whale yan, a big fish! ang hirap manghula, nakakapraning, pede ako na lang sponsor?
Basta alam ko kapag may bayanihan, may kainan pagkatapos. Sa kainan, game ako. Ako pa ang magluluto!
Mayron kasing malaking Tulyasi yung Tatay ko, sa labas tayo magpapansitan. Sana magka-EB tayo in the future no?
Yung EB talaga na walang sosyalan, puro koboy lang, sa tabi lang ng dagat, etc. etc. *sigh
Ang sarap mangarap!
bat puro boys ngbuhat ng kubo?
nakakita din ako ng bahay na nglalakad sa bukirin, kahit luma na eh pinilit ng may-ari isalba dahil ung dating lugar nya wag di umulan ay lubog.
isang maipagmamalaking kaugalian ng mga pinoy ang bayanihan, uso pa kaya ngayon yan?
don sa sekan fiktyur, di kaya mas praktikal kung bumuo na lang panibago kubo ung me bahay?
mukang luma na ung kubo at baka konting dagdag na lang don sa pinangarkila nong paglipat eh makakabuo na ng bago.
Pwede talaga sa barrio ang lipatang ganayang style. Dito winawasak ng MMDA eh! Demolition baga! hahaha!
wahaw! lilipat na ang barrio sa isang gated community!!! sushality!!!!
gated community?! i like that hehehe i mean, da guards hehe wala akong pekealam sa gate kaya kung talunin ang mga yan
HUh!
Hayuuffff…yung bayanihan na de-truck! Hindi na bayanihan yan. Lipat bahay na! Hahahhaha…
Sosyal na talaga ang Barrio Siete! Weee! ^_^ Hay, pasensya na po kung hindi ako madalas makabisita. Ang daming labada.