Betamax sa Barrio Siete – Angels and Demons
Mga ka barrio siete, lumamierda ang inyong lola Silver sa pinakamalapit na talipapa at natyempuhang matripan na manood ng latest flick ni Ron Howard based sa isa sa mga nobela ni Dan Brown na “Angels and Demons“.
Kaya wag na kayo magtaka, lupaypay ang lola nyo. Gora here, gora there then nuod ng zarzuela na itetch. Haha. Kaya ayun ang mga artikulo ko e hinahunting na ako pagkauwi ko. Hmpt. May karapatan din naman akong mag-dayoff noh! Paltos na ang kamay ko sa kakadutdot sa cellphone at laffy taff. LOL.
Okay, hindi ko pa nababasa ang libro nito ni Dan Brown itetch. Kahit yung Da Vinci Code dati, nevah ko pa nababasa yun. Naiintriga kasi ako sa mga pinagsusulat ng author na ito at tipong rock na rock ang mga readers sa kanya. Pati ang simbahang katoliko e nagtataas ng kilay sa isang ito – as in off the charts! (excuse lang bluep…hehe…pasintabi lang…hehe)
Of chors, alam nyo naman ang naging issue nun sa Da Vinci Code – it talks about the theory if Christ is not divine as we think of. Oo, alam kong controversial ang take nya dun. Pero di tayo popokus dun, dito tayo sa Angels and Demons. Baka awayin nyo pa ako. Haha. Iba kasi ang take ko dyan. Sikweet na lang. Haha.
Eto tip lang: Wag nyo muna patulan ang mga pinagsasabi ni Dan Brown about the historical chorvalais ng mga sinusulat nya. Just watch the movie for entertainment’s sake. Okay?
Napanuod ko ang Da Vinci Code dati. In comparison to the previous flick, mas gusto ko ang pacing ng Angels and Demons kasi mas napakapit ako sa upuan. Pagkatapos ng sine, parang hiningal ako. Haha. As expected kay Dan Brown, layered ang kanyang take dito sa Angels and Demons. Andyan na naman ang usual symbology chorvalais na ala treasure hunt ng kanyang protagonist na si Dr. Robert Langdon.
***Spoiler alert: I will mention some snippets from the film!***
Angels and Demons deals with the themes about the Illuminati (the secret society), religion vs. science, symbology, freemasonry, papal conclave and the role of Camerlengo (Chamberlain) of the Papal Court. Sama pati ang Large Hadron Collider ng CERN (European Organization for Nuclear Research).
Fun fact lang po: Ang LHC (Large Hadron Collider) ay ang pinakamalaki at highest energy particle accelerator. Ang particle accelerator ay isa sa mga experimental na gamit ng mga physicists para mapag-aralan kung paano nabubuo ang mga particles chorvalais at pati na din sa pagtest ng kanilang theories. Sa movie naman, ang LHC ay ginamit para mapag-aralan ang anti-matter at hence, nakapag-produce sila dun ng god particle – isa sa mga earliest particles ng ating universe chorvalais.
Phew! Para na ata akong naglelecture ng physics ah. Hahaha.
vAnyway, highway, talahib highway. Nagkandalintek lintek sila dun dahil may nagnakaw ng anti-matter na naproduce dun sa LHC at sapilitang itinanim sa nuknukan ng Vatican (panuorin nyo para malaman nyo kung saan haha), ang pagkidnap sa 4 na preferiti or mga cardinal na most likely na magiging favorite candidates for the papacy at hallerness ever! mega threat to bura ang Vatican from the peyz of the earth! Wah. Make sure na naka-seatbelt kayo sa upuan nyo. Haha.
Overall, with all the layered story, plus the rush to find that anti-matter somewhere sa Vatican e parang all-hell breaks lose .Not to mention is the surprising twist in the ending. Ayaw ko na kayo ispoil noh! Tama na. Manuod na lang kayo if you want. Haha.
So ano ang BETAMAX RATING ko for this movie? I’ll give it a B+ rating. Pasado sa aking panlasa ang pelikula na ito dahil sa kanyang action pati na din ang nakakalukring na pacing nya. (kaya wag na kayo magtaka kung lagi na lang akong lukreta. Haha)
Sa aking maliit na pananaw lang, this flick can be appreciated even by the people who have conservative views about religion and science. Mas light ng konti ang kanyang religious chorvalais kesa sa Da Vinci Code pero di hamak na mas maaksyon pa. Dun sa Da Vinci Code kasi e nakakahilo ang puzzle solving chuchu nila dun. Sa Angels and Demons naman, may puzzle solving- symbology evah pero di ganun ka heavy. Naeenjoy ko pa nga kung san lupalop ng Vatican mapadpad sina Robert Langdon at ang kanyang leading lady. Hehe. As in hanapan ng buko here, there and everywhere noh!
Meron din siyang pagkakaiba from the book according sa aking mga nabasa about this flick. Syempre naman, parang ito na yung condensada version (read: condensed) ng book mismo ni Dan Brown. Kung nabasa nyo na yung book, wag masyado magexpect na masusunod ang mga nabasa nyo sa flick na ito. Hehe.
By the way, rated PG-13 po ang movie na ito. Hindi pwede ang may mga baby teeth pa noh!
So yun lang mga peeps! Pag may time kayong pumunta sa teatro mamya, try nyong panuorin ang flick na ito. Hehe.
See yah in my next post. Babuuussshhh….
Viewed 7614 times by 1201 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














hehehhe. matagal nang nawala sa ere ang Hadron Collider na yan. mukhang palpak ata. ma-research nga ulet.
Nasira ang Hadron collider buraot. Inaayos pa. Baka september maging operational ulet. hehe.
i sooooooo love the book. i like it better than DVC.
will watch the film on friday pa, kaso ayokong ma-disappoint eh hehehe
Malen,
Go watch it! Magugustuhan mo ito. haha.
ay hindi ko binasa ang post dahil may spoiler. hihi. i love the book, sana hindi ako madisappoint. manunuod sana kami nung weekend kaya lang we were torn between this film and 17 Again. syempre mas matimbang si zac efron kumpara kay tom hanks. hahaha!
So as not to spoil those who have read the book,but have not yet seen the movie.Just scroll down(joke)
Tinanggal na ang mga unnecessary parts pinaiksi na di na sinali yung tatay ng bida na babae dun sa storya, pinalabas na lang ang pinatay ay isang empleyado lamang.
Binagoo ang mag pangalan ng mga papa(tama ba?), wala na yung nahulog yung bida sa ere nung pinasabog ang antimatter;sabay nabuhay pa din.Wala na din yung naging “sperm donor” yung pinatay na pope.
Yun lang ang sampol,in short pinaiksi at pinabilis nila ang mga pangyayari.
mas gusto ko ito,medyo naantok ako sa da vinci code (movie).
Pareho tayo Karl.
Mas pinaiksi at pinabilis ang pacing. At mas simple pa siya kesa sa DVC.
Bwahahaha…
Mel talaga. Minor snippets lang ang namention ko. Wala pa tayo sa climax evah!
di ko pa napanoo to, gaya ni malen at mel..ayaw ko madisappoint!
Fwend,
Panuorin mo na rin dali and let me know kung pumasa sa iyo. hahah.
disappointed din ako sa DVC after reading the book e. mas nagustuhan ko pa yung national treasure ni niclas cage. at least eto mabilis ang pacing at maaksyon. will watch this! salamat sa betamax review! panalo!
Salamat Dinah.
Panuorin mo and let me know kung pumasa sa iyo. Sa akin kasi e pasado ang isang ito. Naapreciate ko siya ng todo.
Hehe.
wow. curious ako. manood ako nito sa weekend. i will be in manila.
Nood ka na Glo! Dali! Hahah.
Hindi ko pa napapanuod ang pelikula na ito. Magandang review Ka Silver! Mukhang nagandahan ka sa B+ rating ng movie na ito. ^_^
paki-delete nga po itong unang post ko. nakapikit kasi ako habang nagta-type. inaantok pa kasi ako Barrio Siete na laman ng utak ko…hehehe…adik na yata ako, lagi ako tambay rito pero whew, hindi ko kaya yung over 300 comments ni Silver! Hirap habulin!!! nyahahaha… @_@
Natuwa nga ako sa movie na ito. Noong una e skeptical pa ako,pero naconvinced ako na panuorin itetch! Haha.
Hindi ko pa napapanuod ang pelikula na ito. Magandang review Ka Silver! Mukhang nagandahan ka ng husto dahil B+ ang rating mo sa movie na ito. ^_^
Pinanood namin ni Lalaine to nung B-day nya. Mas nagustuhan ko to kesa sa DVC dahil na din sa “anti-matter”….. para akong nanonood ng Star Trek. Warp Drive nalang kulang. HAHAHA
Jepoy,
Maganda nga yung anti-matter chorvalais. Gusto ko ang concept ng God particle. hehe.
napanood ko na ito. kung for entertainment lang at di ko na masyadong hihimay himayin ang bawat detalye e puede na ito. pero kung naghahanap sila ng butas at true facts and details e madaming puedeng itanong.
wag na lang dibdibin ika nga ni mam silver. entertain na lang ang sarili para di na sumakit ulo
pero may nalaman ako sa post na ito ni silver. hanep sa trivia talaga..
Ano ba Dencios! Hahahha…
Yung iba kasi e iniisip ang religion chorvalais pag nakakakita ng mga akda o pelikula ni Dan Brown. Ang sa akin, alisin muna kahit saglit ang mga religion chorvalais bago pumasok ng sinehan. Take it as for entertainment ika nga lang.
[...] ni Silver ang betamax sa barrio…naalala ko tuloy ang buhay namin noon dito sa barrio nung ako ay nasa elementary at high [...]