Bingo: National Past Time ng mga PINOY(?)
Bingo is a game of chance played with randomly drawn numbers which players match against numbers that have been pre-printed on 5×5 matrices. The matrices may be printed on paper, card stock or electronically represented and are referred to as “cards.” Many versions conclude the game when the first person to achieve a specified pattern from the drawn numbers. The winner is usually required to call out the word “Bingo!”, which alerts the other players and caller of a possible “win”. All wins are checked for accuracy before the win is officially confirmed at which time the prize is secured and a new game is begun. In this version of bingo, players compete against one another for the prize or “jackpot”. wikipedia
May mga ilan akong tanong tungkol sa larong BINGO:
- Una, ito ba ay isa sa mga national pastime ng mga pinoy, pangalawa sa Jueteng?
- Pangalawa, lahat ba ng Pinoy ay marunong mag-Bingo?
- Huli, dapat bang isama na sa Philippine School Curriculum ang larong BINGO?
Anong merong karisma ang Bingo na kahit saan basta may Pinoy di pwedeng walang BINGO? Nuong nakaraang Independence Day Celebration dito sa Indonesia ang Filipino Community at nagdaos ng isang selebrasyon at isa sa mga highlights bukod sa pansit, lumpia at putong handa ay ang pa-BINGO. Di ako nakadalo, pero ok lang kasi ang tutoong favourite ko ay Pusoy Dos at Tong-its.
Nuong nakaraang araw nabasa ko sa dyaryo na magkakaroon ng fund-raising ang mga Pinoy Community sa Jakarta para sa mga nasalanta ng dalawang delubyo sa Pinas. At hulaan nyo kung ano ang isa sa mga aktibidades…..BINGO!
Sa mga paralan pag may proyekto at kailangang mag-raise ng funds, ang sagot pa- BINGO!
Ang simbahan pag may kailangang kumpunihin at kulang sa pondo ang sagot pa-BINGO. Saan kaya napupunta ang second at third collection? Hmmmm….
Kung pag-aaralan ang anatomiya ng BINGO hindi kaya maaring isa ito sa mga instrumento na pwedeng maka-resolba sa mga problema ng isang bansa?
- Ang BINGO ay nakaka-organisa ng tao.
- Ang BINGO ay nakaka-consolidate ng tao.
- Ang BINGO ay nakaka-raise ng funds—-laksa-laksang FUNDS!
Di kaya BINGO na sagot sa suliranin ng bansa?
Naglalaro sa isip ko na kung kayang ma-mobilize ang mga tao BINGO, hindi imposibleng mangyari na sa mga kampanya sa susunod na election ay isa sa mga aktibidades ay ang pa-BINGO. Ang dami sigurong tao sa bawat campaign.soiree ng mga politiko. Di mo na kailangan maghakot at sumundo ng tao. Sila na mismo ang mag-aabang ng mga kampanya sa kani-kanilang lugar.
Anu-anu naman ang mga mapapanalunan pag nagkataon? Ito ay ang mga sumusunod:
- Pa-Bingo ni Villar – House and Lot (yung flood-proof house)
- Pa-Bingo ni Noy at Mar – Lifetime Entrance (front row seat) sa Araneta Coliseum tuwing may Event, Discount Card sa Cibo (courtesy ng pinsan ni Mar) at Free Pass sa ABS-CBN compound (courtesy ni Boy Abunda)
- Pa-Bingo ni Teodoro – since Administration candidate sya, pwedeng house and lot din sa Sanfo nga lang (courtesy Mickey Arroyo), at yung second place pwede na siguro Lifetime supply ng wine (courtesy of Mickey pa rin)
- Pa-Bingo ni Chiz – since under sya ni Danding, pwede ng lifetime supply ng HOTDOG at San-Mig Lights
- Pa-Bingo ni Imelda (kung tatakbo sya) – DVD copy ng “Dahil Sa Iyo” na may kasamang MTV at ang kanyang mag costume jewelry na kasing lalaki ng hallow blocks.
- Pa-Bingo ni Erap – DVD collection ng kanyang mga pelikula mula Asiong Salonga, Kumander Alibasbas to the most recent yung pelikula nila ni Ai-Ai at may bonus kasama rinmga pelikul ani Jinggoy , yahoooooooo!
Paalala sa mga dadalo sa mga campaign soiree, kailangan nyong magdala ng mga sumusunod:
- foldable table and chair
- pebbles or chalk pantanda sa mga numero
- at siguro whistle para pantawag pansin sakaling kayo ay nanalo.
Pag ito ay nangyari, siguro naman mababawasan ang mga nakapaskil na campaign poster sa buong komunidad. Hindi na natin makikita ng mga mukha na politiko na nakatitig sa iyo na nakangiting aso. Ang mga Grammy Award winning political jingles ay din a rin mapapakinggan habang mahimbing kang nagsi-siesta sa hapon. Anunsyo na lang lang kung saan at kalian ang pa-Bingo ang abanagn ng mga tao.
Huling tanong: Bakit ma-appeal sa mga PINOY ang larong BINGO?
1. Challenging itong laro—Napapaisip ka at nagco-compute ka ng probability sa paglabas ng puro mo
2. Masaya dahil maraming kalaro
3. Aliw ang mga code/terms na nakakabit sa bawat numero-Minsan pwedeng literary pieces
4. Mahilig lang talaga tayo sa “game of chance”
5. All of the above
Kayo, Makiki-BINGO na rin ba ? Ako— pinag-ninilayan ko.
Viewed 8013 times by 2021 viewers
Cora Dolorosa is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.















UU nga naman, kasama sa paglalaro ng bingo ay ang punit punit na papel na pangmarka, butong pakwan, at ang hindi kinakalimutan ng mga naglalaro nito habang nag aantay ng numero, ang pagpiyestahan ang buhay ng iba na mas kilala sa tawag na chismis
Oo nga ang tsismis habang mag BINGO. Pag may pa-BINGO sa mga kampanya malamang ang mga tsismis ay ganito:
Kampanya ni Villar : Player 1: Magkano kaya kick-back ni Manny sa C5?
Player 2: Ha, tutoo ba yan, pero wag ka mas
malaki kick back ni…….
Kampanya ni Noy at Mar: Player 1. Sa tingin mo naka-score na kaya si
kay Korina?
Player 2. Eh si Noy saan kaya yan nagpa-
hair implant..in fairness bagay…
Kampnya ni Teodoro : Player 1. Oi alam mo ba na di pa rin sya
kinakausap ng kanyang Tyuhin na si
Danding.
Player 2: Ah talaga, eh sila ni Noy nag-usap
na ba? Ayaw pumayag ni Kris..
Kampnya ni Chiz Player 1: Sa tingin mo naniniwala ba si Chiz
na mananalo sya…
Player 2. Ikaw sa palagay mo nanalo ka ba sa
Jackpot round?
Kampanya ni Imelda Player 1: Hoy alam nyo ba na yung nasa ay di
na si Makoy, yun ay isang wax lang!
Player 2: Wag kang mag-alala kung di yun
tutoo , yung mga alahas na
mapapanalunan mo mamaya ay di rin
naman tutoo!
Kampnya ni Erap Player 1: Alam mo ba na may bagong chicks si
Erap
Player 2: Di mo alam? Naku eto ibubulong ko
sa iyo… bulong…bulong…bulong
Ayan kumpleto na ang rekado ng BINGO!
naaliw ako, ang galing. hahaha.
malay ba natin mam cora na bingo na nga ang sagot sa kahirapan. mga tyahin ko pas time yan with matching tsismisan pa haha
sna nga DENCIO, baka eto ang daan ng ating pagiging industrialised country. pero sa tutoo lang napipikon ako na wala na maiisip na ibang aktibidades ang pinoy para i-consolidate ang ranks nila kundi BINGO! Imagine may nakausap ako nung Phil. Independence Day dito at excited umattend ng selebrasyon. Akala ko dahilnaman excited syang ma-meet ang PINOY Community yun pala dahil sa BINGO ang buong ning-ning nyang sinabi: “SAYANG naman ang mapapanalunan ko sa BINGO”!
gusto ko mag bingo..
may napanuod ako, pelikula ni John Lloyd nung medyo teenager pa siya.. kasama niya si baron geisler at isa pa nilang tropa.
nag bingo sila, nanalo sila ng kotse.
tapos, nagpustahan sila. kung sino daw ang makakakuha ng date sa prom, yun daw ang gagamit ng kotse.
nakalimutan ko na title basta nag-bingo sila dun.
hehhe one time nun, burong buro ako sa balay ko, go kami nang Ever, napadaan kami dun sa Bingo Center hehehe ayun! mga kasama namen, mga bungi, nag-bibingo hehehe nakakatuwa sya, kaya lang tumatago kami baka mi makakita hehe
Nung isang beses akong nag-Bingo, nanalo ako ng halaman na nasa paso. Ilang araw lang patay na yung halaman, sayang yung ipinaglaro ko. *sigh…
yan ang sitemyento ko sa BINGO, minsan lang ako naglaro at nanalo, pero di ko nakuha premyo. Nahuli ako ng sabi ng BINGO! kasi may number ako na di ko nalagyan ng mark. Paano naman ang mga numbers ay di nila itinatawag sa mga pangalan like “No. 5″, kundi ang mga alias ng mga number…haaaaaay.
anyway… growing up sa Barrio kahit na nong nagka-college ako sa Legazpi City, i have always associated bingo sa mga unemployed, tamad, palipas oras, lamay, walang magawa, etc., etc., etc. in other words, di ko alam kong pasok sya sa definition nang re-creation dahil typically, especially sa barrio, daming awayang nangyayari sa binggo simula nang tsismisan
tingnan nyo naman, nag-evolve na sya at napunta pa sya sa mall. but before yan lang naman kasi ang source nang sosyalan needs nang mga pinoy. dala nang kahirapan, yan ang easiest, korek? at dahil we see it kahit saan at kinagisnan naten, as students we thought it was ok, dahil pati titser namen nun, nangingimbita pang mag-binggo eh hehehe
Gusto ko sa bingo yung mga karakter ng numero tulad nang: sa letra ene! “palawit at pakapet” (no. 18 ), sa letra ene uli! “batam-bata may gatas pa sa labi” deysi saisss! sa letra ng O naman! “matanda sa barrio! (75) bingooo!!!. nakaaaliw..nakakalibang.
hahhahaha, pang literary pieces yang mga interpretasyon nila sa mga numero, at ang malupit may sexual innuedos lahat! Baka may pwedeng makakulecta ng mga ito from 1-75(?) tapos analyse natin!
Masayang mag-bingo..
Sa mayayaman, nagbibingo sila para mabawasan ang “barya” nila at para magbonding ng mga amiga nila..
Sa mahihirap.. nagbibingo sila para magpalipas oras dahil kadalasan ang mga misis ng mahihirap ay walang trabaho, oh oras para magtsismisan, oh para magkaron ng extrang barya pambili ng bigas sa hapon… di ba.. konti na nga lang pera nila isinusugal pa.. swerte kung manalo, eh kung matalo? hehe
Anyway kahit ano pa yan.. payo lang para wag madaya sameng probinsya kasi uso ang dayaan… kapag kayo-kayo lang magkakapitbahay ang nagbibingo, pag may nagshout na “bingo!”, make sure na ichek mo lahat ng numbersa sa card nya.. kasi merong magshashout at porke may tiwala ang kalaro eh hindi na titingnan yun pala hindi pa talaga bingo.. haha