Home » Baryo OFW, Byahe at Lamierda

Biyernes ng hapon sa Merak-Jakarta Tollway

16 November 2009 11 Comments

jakarta expressway signageAlas 4:00 ng hapon araw ng Biyernes ako ay nasa Bus depot patungong Jakarta. Ito ang unang subok kong lumuwas mag-isa sakay ng public bus patungong syudad. Bagamat ayaw akong paluwasin ng aking administrator sakay ng bus, ako ay nagpumilit dahil malapit na akong takasan ng bait sa aking deserted na Barrio. (Sa sobrang walang magawa dito, tinatawanan ko ang aking saring jokes at madalas ina-argumento ko ang aking sariling argumento). Gusto kong makakita ng “tao” at maka-inom ng kape sa STARBUCKS.

Bandang 4:15 umusad ng bus, napansin ko na halos apat lang kaming babaeng pasahero. Iniwasan kong makipag-eye contact sa sino man upang di ako kausapin. Ayaw kong mapansin nila na ako ay expat at di marunong masyado sa salitang BAHASA. Habang umuusad ang aking byahe nagbibilang ako kung ilang kilometro ang layo ng aking maliit na paraiso sa syudad—87 kilometres.

Ang aking Barrio ay coastal community at malapit sa port. At dahil ditto, kasabay namin sa Tollway ang mga dambuhalang trailers na may dalang mga bakal o di kaya mga sako-sakong semento, truck na may pasaherong baka, saging, gulay at minsan yung mga truck ng ELPIGI (yes, folks ganyan nila sinusulat ang LPG).

Dahil siguro Biyernes na at pagod na ang mga draybers, ang aking bus ay muntik ng sumalpok sa isang trailer na biglang nagpalit ng lane. Nag-panic ang lahat at kasabay nito hinabol ng aming bus ang trailer at pilit na kinakausap ang driver ng trailer (lahat ng ito ay nangyayari habang tumatakbo pareho ang dalawang sasakyan) Sila ay nagsisigawan at tingin ko ay nagmumurahan na rin. Nagdesisyon ang dalawang drayber na huminto subalit paghinto ng aming bus ang pahenante ng trailer ay bumaba at may hawak na palakol at akmang hahatawin ang aming bus. Di naman kami inabutan dahil kumaripas na kami ng takbo.

Kasabay pala ng mga dramang nagaganap napakadami kong miss call at SMS. Ilan sa mga SMS na natatandaan ko:

SMS1: Ei girl ok ka lang dyan tuloy ka ba luwas, may lindol.

SMS2: May lindol sa lugar mo, asan ka?

SMS4: Oi babaita ok ka lang, malakas lindol dyan?

SMS3: There’s quake in there 6.5, is every thing Ok?

Sa katarantahan ko nag-reply naman ako sa mga sms nila.

Reply ko: Ok lang naman tinawagan ko mga guro hindi daw nila naramdaman

SMS : Which means?

Reply ko: Di ko naramdaman kasi nakasakay ako ng bus. Nakausap ko na ang mga guro. Ok lang daw sila. Tawagan kita mamaya nasa bus ako.

SMS : Cora, I don’t speak Tagalog. This is Chris, Don’t tell me you don’t have my number.

Reply ko: So sorry, I just saved your number now. I am ok, I am in the bus on my way to Jakarta. Thanks for checking on us.

Ang Australianong Executive Principal ko pala ang ka-sms ko waaaaaaaaaaa. Malay ko ba na kukumustahin kami at wala naman syang number sa akin.

Dahil nasa balita an gaming kampong (Barrio) naiisip ko ang Nanay ko. SMS din ako sa ate ko sa Manila para sabihin na wag sila mag-alala.

SMS ko sa ate ako: Ei may lindol daw at sa lugar ko yun baka nanonood si

Mama ng news , pakisabi wag mag-alala. Actually di ko

naramdaman kasi nasa bus ako. hahahahahaha

Reply ng ate ko : Wag kang magtatawa, magdasal ka palagi na ilayo ka sa

disgrasya. Sya, ingat palagi

Di ko alam kung OA ang Ate ko o INSENSITIVE ako dahil nakuha ko pang tumawa sa mga kaganapang naganap isang hapon ng Biyernes sa kahabaan ng Merak-Jakarta Tollway.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10152 times by 2288 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is an avid reader of Reyna Elena and contributor in Barrio Siete. She is working as an OFW in Indonesia.

11 Comments »

  • reynz says:

    hahaha can you imagine? parang mga pinoy? ngayon ko lang nalaman to. i have a good friend, tiga-Jakarta pero he’s here in Philadelphia. Pinoy na Pinoy kamo, pero yong story mo, natawa ako.

  • Mel says:

    Ate Cora kaloka ka! Parang di naman comedy yung nangyari sa’yo pero natawa ako sa kuwento mo. Hehehe. Anyway ingat ka po diyan.

    • cora says:

      Mel, alam mo na realise ko dapat takot” ang naramdaman ko lalo na NUng makita ko ang palakol na winawasiwas, neng parang scene sa East Timor nung late 90′s ….haysss buti di nagpang-abot,kaso yung takot ko palitan ng feeling katangahan kasi ang dami dami palang nagyari sa labas ng bus eto ako, walang muang. at eto pa nabuko ako tuloy ng mga panginoon na tumakas ako sa barrio sakay ng bus……waaaaaaaaa

  • Monique says:

    Waaah! uso talaga yung mag-aaway ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan habang nagkakarerahan sila.. :( ( nakakatakot.

    Yeah, so Pinoy, natawa pa at ok lang siya, way to go maam cora! late reaction ang mangamba eh. Salamat pa rin sa Diyos at okay ka dyan.

  • an2nette says:

    ang layo mo nga sa siyudad, mabuti at di naman pala naapektuhan ang mga kasama mong naiwan sa barrio, i still remember nung nag aaral pa ako ng MBA sa Germany, dahil nag iisa akong pinay, sa grupo ng mga indonesian ako sumasama, i even act as ninang sa anak nung isa, dalawa sa mga friendship kong indonesian ang katoliko, ingat and pray lang ang katapat ng mga kalamidad

    • cora says:

      ay naku nette, nung tawagan ko ang mga pinoy na naiwan sa Barrio, pinagalitan pa ako ano daw ang itinatawag tawag ko…..oblivious din sila sa mga kaganapan kasi natutulog sila. pagkatapos ng work kasi nage-early evening nap kami. Ewan densed yata ang mga pinoy…hahahahahah

  • promking says:

    wag ka magalala, ugaling pinoy lang ang dalhin mo, solb ka na sa kahit na anong kalamidad.

    • cora says:

      oo nga, actually sa dami ng lindol dito pag na praning ka baka nakasapatos ka na matulog. Nung sa Banda Aceh lindol at nagka Tsunami nasa Sumatra ako nun, yung ang malakas —-sa lakas di ko maipasok ang susi sa keyhole at akala ko matatabunan ako ng chandelier..ang nakakatawa naka-panty at t-shirt lang ako…hayssssssssss sa labas kaming 2 oras ang mga pinoy naka-panty lang ..pero nakuha ko pa ang kumot ko sa kahit napakalakas ang lindol..at as usual matapos mag dasal ang mga pinoy ng napadaming “Dios ko po, Dios ko po, Dios ko po” ayun tawa to the max kami sa gilid ng bahay namin dahil sa ayos namin. Noypi na Noypi

  • annie says:

    at minsan pa, nag tatawanan kayo na umiiyak! Hays….na-experience ko yan nung nasa Abu-Dhabi ako!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.