Boboto ka pa ba ng TRAPO?
Yan po ang katanungan ni Dionisio. Opo. Ang blog entry na to eh, hinarbat ko sa blog nya, habang ang Dionisio eh nag-swimming sa ewan ko kung saan. Kaya, wag nyong iiwanan ang mga blog nyo. Dahil di ko mapigilang dumekwat nang ari-arian nang iba, gaya nga nitong pag-aari ni Dionisio. Hehehe! Pakinggan naten ang pananaliksik ni Dioniz.
Photo: Nadekwat dito
Sino’t ano nga ba si TRAPO?
Aba tanong din iyan ng Dioniscio nyo!
Sa aking pagsasaliksik ay nakita ko si Ginoong Sonny Melencio (Chairperson ng Partido Lakas ng Masa) sa kanyang sinulat na “PAGBABAGO” at aking hinimay-himay para sa pansariling kaalaman at upang maibahagi na din sa inyong mga interesado.
Ang TRAPO ay pinaiksing Traditonal Politician. Sabihin nating mga superyor na representantes ng kani-kanilang mga angkan. Sila ang mga Political Dynasties na kung saan ang mga angkan ay nakagawa na ng sariling pangalan at may hawak na kapangyarihan sa politika sa marami ng taon.
Ayon sa Citizens Anti-Dynasty Movement ay mayroon na diumano na halos 120 pamilya na may kapangyarihang hawak sa halos 75% ng 81 probinsya ng Pilipinas! Akalain mo yun?
Teka isa isahin natin kung saang probinsya ba sila naghahasik ng lamig este kapangyarihan pala.
*Isabela – Angkan ng mga Dy’s
*Ilocos Norte – Angkan ng mga Marcoses
*Ilocos Sur – Angkan ng mga Singsons
*Nueva Ecija – Angkan ng mga Josons
*Zambales – Angkan ng mga Magsaysay
*Tarlac – Angkan ng mga Cojuangcos/Aquinos
*Pampanga – Angkan ng mga Macapagals
*Cebu – Angkan ng mga Osmenas
*Batangas – Angkan ng mga Rectos
*Zambales – Gordons
*Danao City – Angkan ng mga Duranos
*General Santos – Angkan ng mga Antoninos
*Zamboanga City – Angkan ng mga Lobregats
Heto naman ang mga makabagong Dynasties:
*San Juan – Angkan ng mga Estradas
*Pampanga/Negros Occidental – Angkan ng mga Arroyos
*Aurora – Angkan ng mga Angaras
*Quezon City – Angkan ng mga Defensors
*Camarines Sur – Angkan ng mga Villafuertes
*Basilan – Angkan ng mga Akbars
Edits from commenters:
*Cagayan Valley – Juan Ponce Enrile, minana ni Jacky, tapos asawa naman ni Jacky (Thanks to Pinoy!)
*Davao City – Duterte family currently holds 3 public positions. Mayor, Vice Mayor and ABC President (Thanks to Mel!)
* Bukidnon – Angkan nang mga Zubiris
* La Union – Angkan nang mga Ortega (Thanks to Ely!)
* Sorsogon – Angkan nang mga Lee, ang bagong dynasty! From Raul, then to Sally, then to Bobet (Thanks to Glo!)
Madami ba? 75 porsyento ba naman iyan e! At dahil mag e-eleksyon ay bibigyan ko kayo ng mga listahan ng mga Presidentiables sa 2010 na galing sa mga numero unong Trapos op da Pilipins:
Si Gilbert Teodoro (Partido Lakas at Kampi) na may relasyon kay Danding Cojuangco na kapatid ng kanyang (Teodoro) ina. At ang asawa naman niya na si Monica Prieto ay isang Congresswoman sa unang Distrito ng Tarlac. At ang tarlac ay balwarte ng mga Cojuangcos at ngayon ay mga Teodoros na din!
Si Manny Villar (Partido Nacionalista) ay obyus na representante ng Las Pinas at ang asawang si Cynthia Villar ay Congresswoman ng Las Pinas.
Si Mar “Lalaban tayo!” Roxas ay apo ni dating Pangulong Manuel Roxas. At ang kanyang ama na si dating senador Gerry Roxas.
Si Chiz Escudero (Nationalist People’s Coalition) ay syempre galing sa angkan ng mga Escudero sa Sorsogon. Ang kanyang ama ay dating Congressman sa unang distrito ng Sorsogon. Ang kanyang mga uncle naman ay Mayor at Vice Governor ng Sorsogon.
Si Joseph Estrada (Partido ng Masang Pilipino) ay babalik diumano sa Politika. Syempre kilala nyo na ang mga anak nyang sina Mayor JV at Jinggoy na Senador at ang asawang si Loy na naging Senador din.
O malinaw na, hindi ba?
May tanong ako, boboto ka ba ng TRAPO ngayong 2010 Eleksyon?
Sa tingin mo sa tinagal-tagaaaaaaaaaaal ng kanilang paninilbihan sa Gobyerno e may nagawa ba namang mahusay, matino at kapabor-pabor sa masa o puro puta lang ang lumalabas sa mababaho nilang mga bibig?
Esep-esep mga bossing!
Viewed 9089 times by 2502 viewers















Me nakalimutan po kayo..
Ang Cagayan valley.. Angkan ng tiyohin kong Juan Ponce Enrile.
Pagkatapos na naghari si tiyo Ponce ng ilang dekada.. minana ni Jacky, ang aking bespren.. tapos ngayon ang asawa naman ni jacky..
Me kasunod pa.. hindi ko muna pwedeng sabihin.. sekwet!
Base nga pala ako!
maraming salamat sa info. entry was edited to reflect Cagayan Valley at mga Ponce Enrile.
In Bukidnon, the Zubiri family is very popular. Joe Zubiri is the governor. Joey is 3rd district rep, a position once held by Sen. Migs. According to chika, Audrey Tan-Zubiri will replace Joey next year if he seeks higher position while father Joe will run for 2nd district rep.
I like in Aundrey Tan because she was as a former commercial/print model. Ok din siyang politician’s wife.
But as a politician??? Hmmm, esep-esep.
…correction…ibig kong sabihin…
“i like audrey tan because as a former commercial/print model..”
sorry ha, inaantok pa ako nung nagkomento ako… *LOL*
…“i like audrey tan as a former commercial/print model..”
sowee…antok pa talaga… ~nahiya na~
i knew very little of Zubiri, dun pala sa Bukidnon galing sila. Parang Malaybalay Ciy ba yan? correct? how is that place pala? ok ba?
In Davao City, the Duterte family currently holds 3 public positions. Mayor, Vice Mayor and ABC President. Would I vote for them next year? Definitely YES. The crime rate in the city has decreased when the Duterte family took power. You can freely make balandra your cellphone or laptop in the open without worrying that some kawatan will snatch it. Drug pushing and holdapan is rare. Takot lang nila kay Mayor. Tourism has increased. I can proudly say Davao City is the safest place in the country, thanks to our local dynasty.
sana ma-implement din sa bansa natin yung ginagawa dyan sa inyo sa davao. pano ba pamamalakd nila? paano nila napapasunod ang mga tao? out of respect ba o out of fear?
Ate Jules, both. Out of respect sa batas at kay Mayor, fear naman sa mga may masasamang plano.
@mel,
naku, there’s a big issue about “peace” in Davao i’ve read in the papers. we all like Davao and who would not want a peaceful place kaso, is it vigilante killings? and i wonder kung saan na ang investigations na to this time?
True Ate Reynz. Mayor Duterte is under investigation by the CHR because of the increase in vigilante killings. Patunayan muna nila (CHR) na may kinalaman dito si Mayor but for me kung wala ka namang krimen na ginawa, there’s nothing to fear. Yung mga ‘pinarusahan’ ng mga vigilantes ay proven na rin na mga kriminal. Do I condemn the killings? I do. But I’d rather see my home crime-free than living in fear and danger dahil talamak ang mga pusher, snatcher, hold-upper at iba pang masasamang elemento.
naku Mel, kahit na nung nasa Makati pa ako, regulat biz travel ko ang Davao nun ang I remember, andaming bombahan dyan and everything. ni hindi talaga ako lumalabas nang hotel noon.
nung bumisita ako ki Beng in 2007, i was really suprised sa 360 degree turn dahil i can’t believe madaling araw na eh nasa kalye pa kami! hahaha! i’ve never done that in Davao noon!
Davao is very peaceful place…. peaceful, kasi pinatahimik na ng Davao Death Squad ang mga halang ang mga kaluluwa.
Itanong nyo ke meyor.
Hindi yan proven Kuya noh! =P
Hindi nga proven, kasi takot din silang mapatahimik.. kaya walang mag-lakas loob na mag prove.. mel Peace tayo ha? kanya-kanyang opinion lang ‘to. don’t take it seriously.
Tubaw ako. Tubong Dabaw. (nope not affiliated with the UPLB group, lol!).
Most Davaoenos respect Mayor Duterte (or Digong), anyone can come to him and ask his help. Maybe, wag naman tayong maging tanga, most tga-Davao knows na merong alam ang mayor abt the killings. naku, sila pa. BUT, I would have to say, would you want people to hide in fear and the city not to progress because of the litsing (borrow po ako kapitana) mga magnanakaw, bombers, terrorists and ol of those na naghahasik ng lagim?
I may not approve of the younger Duterte- the Brgy Capt dahil I still have those images of him na sobrang hambog on his big bike while nag-aaral pa siya… we’ll see anong magagawa niya. Of Inday Sarah, well, I certainly hope she makes a good mayor someday. She’s more responsible IMO.
Pakiramdam ko kasi sa case ng mga Dutertes eh they also have to protect the name that their father and Grandfather stood for. That is making sure that Davao is in good hands. Btw, Mayor Rodrigo Duterte was the first and only mayor ng Davao na nare-elect, and re-elect and re-elect. lol. Ganun siya kamahal ng mga constituents niya.
parang wala nang mapili na presidentiable na hindi trapo…
@jules,
eh pano, talamak kasi ang nepotism, apo, tatay, kapatid, lahat na! andyan sila at iisa karamihan ang goal. biglang yaman. tanungin mo ang experience ni Ka Paeng hehehe
La Union – angkan ng mga Ortega. Pero at least ang ganda ng La Union so kahit trapo sila, madami naman nagagawa… di tulad ng ibang trapo dyan na walang silbi talaga.
Gaya na lang sa Ilocos Sur…
Idagdag ninyo pa po:
Taguig City – Angkan ng mga Tinga
Hay, ang dami na palang angkan na may kani-kaniyang baluarte. What is happening to the Philippines???
@Snow,
sa Taquig, ano’t ano ang mga posisyon nang mga Tinga?
Dante Tinga was a Representative of Taguig-Pateros from 1987 to 1998.
His son, Sigfredo “Freddie” R. Tinga, is the incumbent mayor of Taguig City.
And since last term na ni Mr. Freddie Tinga sa Taguig, yung wife niya na si Kaye Tinga (currently a board director sumtin’ sumtin’) is being groomed to be the next mayor of the city.
base sa post at dagdag na comments,
ang Pinas talaga SAGANA sa mga TRAPOs
haha
wala sa listahan ang mga Lee ng Sorsogon!
mula kay raul, then asawa nyang si sally then ang anak na si bobet.
hehehe, bagong dynasty din yan dito.
hahahaha!!!
ayun! updated na ang list Ate Glow! hahaha!
uy, I disagree about bobet ha! he never held an elective position in the government. Sports coordinator lang sya or whatever. He tried to run last election but he lost. pahinog muna sya
Let me ask you kabarrio,
Do you considered NONOY as TRapo?
para sa akin kasi depende naman kung ano ang mga nagawa at credibility ng mga nasabing TRAPO.
Tiyo Paeng, here’s a very good read about Trapo. Nabasa ko sa Inquirer: http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/letterstotheeditor/view/20090907-223964/Escudero-still-young-but-already-certified-trapo
Thanks for this info.
This is such a good example of a so called Traditional politicians or Trapo in short… well, i can say that Chiz is a man without backbone… sabihin na nating wala siyang bayag.. (i hate to say this but this is my opinion).. at his young age as politician, he supposed to be the role model, pero nakikitaan siya ng maraming butas. so how he can convince Filipino people to vote for him as president.
Comparing to Noynoy, siguro pwede na rin nating i consider as TRapo.. From the late Sen. Ninoy, to Tita Cory tapos yung mga Tiyuhin at tiyahin on both sides.. (Agapito “Butch Aquino, Tessie Aquino Oreta, Peping & Danding Cojuanco).
I can say that Noynoy have more credibility to run as president comparing to those existing Trapos in our country.
Si Noynoy kahit wala pa siyang Asawa, at least meron siyang bayag. (sorry for using this word, pero ito naman ang pangkaraniwang ginagamit pag ang tao ay may paninindigan)
aray ko naman Tio Paeng! hahaha!
basta ako, kahit na medyo negative ang dating ni Chiz, hopeful ako na he’d do good. up to now, i really wanted him to be successful dahil dala siguro nang parehas nga kami uragon. kaso, 2 by 2 ako talaga ki Chiz but hopeful ako sa kanya kahit na andaming negative news about him. kung kelan ako totally magiging FOR him, i don’t know. truly undecided pa rin ako sa kanya.
I do hope too…
Kasi sayang naman..deserving naman siya actually, kaya lang as you had said there are a lot of negative impressions about him, isa pa yung nakadikit siya kay erap…(parang birds with the same feather flock together)
But for my opinion, kahit kababayan ko kung marami siyang palpak, i will never vote for him… lalo na pag corrupt!
Pero kahit trapo naman, tulad ng sabi ni leo, na kung maganda naman ang track records at nakatulong talaga sa mamamayan at higit sa lahat ay hindi corrupt.
“Every one of us should be responsible with our acts and thoughts”.- dapat maingat tayo sa pagpili ng presidente.. hindi porket kababayan natin.. alalahanin natin na hindi lang isang probinsiya ang magdudusa kung saka-sakali, bagkus ang buong bayan”.
isa yong dikit nya ki erap ang naiinis ako. i can’t seem to like Chiz nga taz nakikita ko ang samahan nila ni Erap. these are the reasons ba’t napaka undecided ko sa kanya
sa las pinas, mga aguilar naman. but in fairness, maganda ang las pinas at progesibo. sa buong metro manila e sa las pinas lang may overpass na naka-escalator.. o ha?! marami din benepisyo dito from health to education, libre. marami na rin nakuhang award ang las pinas. mababa din ang crime rate ng las pinas. tsaka nirerespeto ng tao dito ang mga aguilar. napaka low profile ng mayor namin dito.
para sa akin wala namang problema kung trapo, basta maganda ang record nila at makikita mong nagtatrabaho talaga at maraming nagawa at higit sa lahat, hindi corrupt.
true! true! depende pa rin sa Trapo dahil bottom line is that – is he able to deliver sa mga constituents nya? kaso naman, pag corruption is in your face, nawawala yong konting project na ginawa. i hope tong mga projects na to is not basketbolan o kay mr and mrs hahaha
masyado na kasing na-stereo-type ang salitang trapo sa korupsyon, kaya very negative na ang dating.
agree ako seyo Leo, then again, sino ba ang nagbigay nang negative meaning sa word na “traditional politicians” kundi sila? kaya tuloy pag sinabing “traditional politicians” puro tae ang naiisip naten because pretty much they have done shit all along hanggang ngayon.
which is the problem now. sino pa ba ang natitirang hindi trapo? so the big question becomes, eh sino pa ba ang iboboto naten kundi mga trapo den? kaya bumalik na naman uli tayo sa bottom line which is – ang eleksyon na to is all about “who is the lesser evil”
leo,
totoo yan. ako may mentalidad na ganyan pero syempre iniisip ko na hindi naman lahat ay kumukuha sa kaban ng bayan. (yung iba pakonti konti lang magnakaw hahaha)
kamahalan,
sang-ayon nga ako na lesser evil na lang ke trapo o hindi. wala na din kasing choice e.
ANg tanging dalangin ko ngayon na kung sakaling maluklok si Noynoy bilang presidente, sana wala ng Utang ang Pilipinas..
Hindi katulad ng Ina ni Tongressman Mikey na halos nakasanla na ang buong pilipinas, dahil baon na sa utang ang ating bansa na kahit kaapo-apuhan ay damay ng magbayad.
Watch this Video about “accumulated Utang”
http://kantatero.gameops.net
ang mawala ang utang is not possible. dahil dyan sila kumukuha nang parte nila.
kahit saan naman na propesyon, meron mga dynasty. sa mga doktor, sa mga lawyer, sa mga teacher, kahit sa mga artista meron ganyan.
mga pari at madre lang ata ang walang dynasty.
sa pulitika dapat wala dahil ang nakataya is called ETHICS. tingnan mo, walang legislation na matino at ayaw nilang i control ang dapat controlin dahil me mga tatamaan silang kaanak nila. dapat walang lugar ang nepotism sa pulitika. yun ang paniniwala ko.
Ang sa akin lang, the term trapo becomes very very negative when we see that talaga namang kinakamkam nila ang kaban ng bayan, [read it here] .
But when you see a family/ a dynasty/ traditional politician that has been serving the people and that the people benefits from their being in their post, what is there to complain about, diba?
We become violent lang naman kapag nakikita natin na gina^$Go tayo eh.
No more Osmenas, Duranos, Ouanos, or Garcias please. Gusto ko bagong mukha sa Cebu.
reesie, naa kong friend na garcia hehehe anak nang kapatid ni pablo sya yung kasama ko sa greenbelt when i went home nung october 08
ginagamit ko pa yong trapo,sandali, magpupunas pa ko ng sahig. LOL!
honestly sana honest na ang bayan sa boto nila. wla ata ako mpiling totoong kaboto-boto.
mga trapo pa rin ang mananaig sa pinas, dahil sila ang may pondo o capital para makapuwesto sa kapangyarihan. habang pinaghihirap mo ang mga pinoy ay patuloy itong kakapit sa mga trapo kaya nga walang asenso ang pinas.
each province had at least 2 main political clans vying for positions. madalas palit palit lang sila. sa kalakhang maynila lang nagkalat. sa makati, andyan ang Binays. sa mandaluyong, ang mga gonzales at abalos. sa marikina, sina bayani.
halos kada lugar, syudad man o probinsya, meron. ginawa nang career ang magpalit-palit ng pwesto ang magpapamilya.
they might be good in what they do. pero a dynasty is a dynasty is a dynasty.
sa ncr lang marami na:
pasig – mga eusebio, mula tatay, nanay at ngayon yun anak nman
taguig – tinga at cayetanos
mandaluyong – ang mag amang abalos
muntinlupa – si rodolfo at si raffy biazon
marikina – mag asawang fernando
makati – mag amang binay
Pakisama naman ng deretsahan si NOYNOY AQUINO. Iyan ang dynasty. Anak ng dating presidente…parang si GMA anak ng dating presidente.