Home » Baryo OFW, Culture and Society, Opinion

Buhay PINOY sa Angola

7 July 2009 44 Comments

Kabayan saan ang punta mo? Tanong sa akin ng isa rin Pinoy OFW sa loob ng paliparan ng NAIA nung una kong punta dito sa Angola dalawang taon na ang nakakaraan. Sa Angola kabayan, pangiti ko namang sagot. Angola? saan parte ng mundo yun? Tanong muli nya muli sa akin.

111

Madalas natatanong ako ng ganyan sa tuwing pabalik ako ng Angola kapag ako’y nagbabakasyon, maging ang mismong empleyado ng NAIA ay may kapareho din tanong. Minsan naisip ko tuloy kung naisali nga ba sa mapa ng mundo ang bansang Angola, bakit tila marami pang hindi nakaka-alam kung saan lupalop ng mundo ang bansang ito. Marahil nga dahil ito’y hindi pangkaraniwan na napupuntahan ng mga manggagawang Pinoy at kadalasang tinutungo ay sa mga karatig bansa sa Asia, sa Gitnang-silangan Europa at Amerika, at hindi pa alam na ang Angola ay isa sa mga bansa ng Africa.

222

Sa mga unang araw ko dito sa Luanda, ang siudad ng Agola ay magkahalong lungkot at pangamba ang aking nadama dahil kakaiba talaga ang hitsura, tila ba isa akong mandirigma na ipinadala sa isang gyera, at hindi rin lingid sa aking kaalaman na binalot ng takot ang mga Angolano noon dahil sa civil war sa loob ng nakalipas na halos 30 taon. Malayong-malayo talaga kung ikukumpara sa mga ibang bansang aking napuntahan tulad na lamang sa dubai na mala-paraiso ang kagandahan.

333

Dagdag pa dyan ang matinding trapiko sa mga kalsada at sadya nga naman buhol-buhol ang mga sasakyan dahil sa sobrang dami ng bilang ng mga sasakyan. Madalas pa ang aksidente dahil sa kawalan ng disiplina sa lansangan, marahil kulang pa sa sapat na kaalaman ang mga Agolano pagdating sa batas trapiko, sa katunayan, dito lamang ako nakaranas ng aksidente na muntikan ko na ring ikinasawi, kitang kita ko ang isang Land cruiser na ubod ng bilis patungo sa aking linya, mabuti na lang at nagawa ko pang umiwas ng bahagya, kung hindi malamang nakikipaglambutsingan na ako kay San pedro. Ang masaklap nun, Pulis pa pala ang nakabangga sa akin.

Kakaunti lang ang bilang ng mga OFW dito sa aking palagay, kung hindi ako nagkakamali mahigit o kumulang pa lamang sa isang-libo, hindi tulad ng mga ibang bansa lalo na sa middle east na umabot na ng milyon ang mangagawang pinoy.

Sa ngayon, marami na rin ipinagbago ang Luanda, mula nung inumpisahan ang renubisyon sa mga nasirang imprastraktura at napag-iwanan na nga ng pagbabago dulot ng matinding gyera sa loob ng maraming taon. Meron na rin mga bagong gusali at malalawak na kalsada gawa ng mga iba’t-ibang kontratante mula sa Asia kabilang na ang mga mangagawang Pinoy. Karamihan sa mga Pinoy dito ay may mataas na katungkulan o posisyon sa mga kumpanya na pinapasukan, at marami na rin mga pinoy na nakapagtatag na ng sariling kumpanya. Sadya nga namang masinop, masipag, matiyaga at malakas ang loob ng pinoy. Likas na malikhain sa mga bagay na ikinamamangha ng ibang lahi, lalo na pag ang karunungan ang pinag-uusapan, madalas na Pinoy ang nangingibabaw, isang bagay lamang ang madalas na nararanasan ng Pinoy maging sa iba pang bansa, ang diskriminasyon. Lalo na pag lahing puti ang iyong kausap, tila hindi nila matanggap na kayang-kayang sapawan ang pinoy ang kanilang kakayahan.

May mga ilang kababayang pinoy na sama samang nakatira sa isang komunidad na mahigit ng 20 taon ng nakatira dito, nung una ako’y nagtaka, ngunit nalaman ko rin na napagkalooban na pala sila ng Angolan citizenship dahil sa tagal na ng panahon na paninilbihan bagama’t nakaranas ng digmaan. Dito, sila’y nasa simpleng pamumuhay, ngunit ang kanilang mga pamilya sa Pinas ay nasa marangyang buhay. Sapagkat malaki pala ang kanilang kinikita, bukod sa malalaki ang sahod, may nakakapa pang dyamante sa minahan. Sabi nga ng ibang pinoy dito, bakit pa pupunta sa mala-paraisong lugar kung ang kikitain, ay kulang pa ng pambili ng asin.

Ang higit na nakakamangha pag may lalapit na mga batang Baluga na magmamano at sabay batiin ka ng “magandang umaga po”. Mga anak din pala ng pinoy na naturuan ng kaugaliang pilipino.

Napaka simple talaga ang klase ng pamumuhay ng mga OFW dito sa Angola, puro trabaho at sa bahay lang, hindi katulad sa Pinas na sandamakmak ang bahay-aliwan.

Kung meron man dito ay eksklusibo para lamang sa mga Angolano, dahil pag gusto mo pang makisawsaw tiyak “birds flu” ang aabutin. as in, yung bird mo magkaka-flu…… tulo yata yun. he he he

Meron din konting kasihayan kung minsan. May nagtitipon-tipon para sa konting salo-salo at inuman pag araw ng sabado o lingo, kwentuhan, tawanan at kantahan gamit ang videoke o gitara, mga simpleng kasiyahan para lamang maibsan ang pangungulila sa mga mahal sa buhay. Sadyang napakababaw ang kaligayahan dahil wala namang ibang mapupuntahan..

Mababaw man kung tawagin,…… ngunit ang mga bulsa nama’y malalim.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 12322 times by 3147 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a Geodetic Engineer, graduated at Saint Paul University in Tuguegarao city, in 1992. He's a surveyor. Yung maninilip ng pag-aari ng iba. lol. (siyempre naman nya pag-aari yung mga lupain na aking sinisipat at sinusukat). An OFW for more than 16 years in several countries in middle east such as in saudi arabia, dubai UAE, and Doha Qatar. He's currently employed as Consultant for a large multinational company in Luanda, Angola since May 2007. He blogs at http://bravedier.blogspot.com/

44 Comments »

  • jeri says:

    Medyo napahaba yata yung aking kwento. he he he

  • roni says:

    so, pag gusto kong pumuti, punta lang ako ng Angola, hehehe, joks lang.
    palagay ko, di masyadong nadidiscrimminate ang pinoy jan, di kaya? habulin ba ng mga black beauty ang mga noypi?

    • jeri says:

      Roni…Sabi nga raw ng titser ng Anak ko, ako daw ang pinakamaputi d2 sa Angola, he he he.. syempre naman, paligid mo ba naman puro Baluga. lol!

      Discriminated lang naman pag nasa trabaho, dahil kahit saan bansa basta may pinoy at laging kasalamuha ay lahing Puti,makakaranas ka nito.. Alam nyo naman pag Pinoy ang gumawa pulido yan.. me angking Talino at talento sa kanyang resposibilidad.

      Black is Beautiful.. but white is more Useful… dahil kahit sa dilim kitang-kita pa rin.

  • Lani says:

    At malaki ang sweldo diyan sa Angola. I have a friend doctor, surgeon sya, nag OFW jan sa Angola, it was in the late 90′s pa, ang salary nya, 200K pesos a month na agad..

    • jeri says:

      That’s true Lani, Iba ang salary standard dito, kasi sumasabay lang sa agos ng pamumuhay dito.. sa sobrang mahal ng bilihin kasi.. in fact just recently, lumabas sa survey na ang Luanda ay Most expensive city in the World.
      Nilabas ko rin yan sa Blog ko, at pinatunayan ko kung bakit… dalaw ka sa aking burikin naroon yun.

      Maski na ako ay nagulat din nung first time ko, nung na receive ko sa E-mail yung Salary offer ng company. medyo nakakapanibago dahil sa tanang buhay ko sa pag aabroad kelan man wala akong offer na ganun.

      • Lani says:

        Uy salamat sa invitation para sa pagdalaw sa blog mo. Paglaanan ko yan ng oras. Ganun pala iyon. Siguro kung dito mo sa Pinas iyon gastusin lahat, talagang malaki..

  • jeri says:

    Bago ang lahat sigaw muna ang Director.:

    Take 2…. Light….Camera,,,Actioooon;

    Ayan na po, gumigiling na ang camera, ng Buhay Pinoy sa Angola.

  • fatherlyours says:

    yung bayaw ko seaman, napadpad diyan,a g gulat nung pumunta sa Restaurant may Pinoy. Pinoy na Ilokan daw at chinese ang na memeet niya saan man sulok ng mundo!

    • jeri says:

      Napakarami ang mga Chinese nationals dito, bale sila ngayon ang pinakamarami ng mga contruction firm dito… halos araw-araw maraming instsik na dumadating.

      Mostly of the restaurants here are Chinese restaurant and it’s very expensive… could you imagine for each meal can cost around $100 usd.

  • vietnamito says:

    jeri, 22o ba na narami na din dyan ang mga prostitute from other asian country like china and vietnam? most of african country kasi is now rising and one of those country is angola because of their oil reserve… com van dei?

  • mang joe says:

    sir jeri,

    im also from angola. may vietnamese friends din ako d2, sa kanila $50 ang meal…. you should try it, give me a call… i hope we could meet. im living in benfica.

    saludo ko sa diskarte at talino ng mga pinoy…. salamat at naibahagi mo ang ating kalagayan d2 sa angola

    • jeri says:

      Ayee! mas mura…yung meal sa chinese restaurant.. almost $75 yata yung bill namin each person. bitin pa yun, kaya tubig na lang yung panulak.. lol!

    • jeri says:

      Your welcome mang joe, my intention is just to lift up the OFW here in Angola, and thanks to barriosiete.com for allowing me to share the real story of Pinoy workers in this country.

      I hope i could meet you in Benifica…para maka meal ng mas Mura. lol!

  • jeri says:

    Para sa karagdagan inpormasyon ng buhay pinoy sa angola, narito ang friendster profile ng “Pinoy in Angola”.

    http://profiles.friendster.com/41366729

  • reynz says:

    hehehe baryong baryo ang aura! i like yong sinabi ni roni – so puro pala kayo “puti” dyan? hahaha! (walang bahid rasista ang sinabi ko ha?) hehhe

    • jeri says:

      Syempre naman kapitana, puro kami Datu puti dito… Meron nga akong niregauhan na ka-officemates ko na baluga ng Whitening Lotion, aba! akalain mon nagalit.. di daw nya kailangan…siguro hindi tatalab sa kanya.. ha ha ha

    • Monique says:

      Kapitana,

      Masyado kasi tayong “insecure” sa kulay natin… ayan! di na kailangan ng Likas Papaya at Glutathion para maging “maputi” . lol!

      Naku, bigla kong naalala, mas exotic na ba yung mga tga-Angola kuya jeri? natalbugan na ang “exotic-ness” ng Pinoy. hahaha!

  • jeri says:

    Walang sinabi ang pinoy pagdating sa pagka “exotic” nila. he he he

    Meron nga akong dating kasama sa isang project namin, engineer din and he is from portugal masyadong nyang nilait ang mga Tao dito… ito’y totong nangyari at walang biro.

    Eto sabi nya sakin:(tagalugin ko na lang baka masingitan tayo. he he)
    ang sabi nya sakin; hindi raw nya lubos maunawaan kung bakit hinahayaan ng Gobyerno d2 na magmaneho ng sasakyan ang Mga unggoy..!

    Nung una natawa ako, pero naisip ko grabe naman yata yun.! so binale wala ko lang,.. and i have come to think na im working here and isa ako sa mga OFW na nakikinabang sa bansa nila.

    • Monique says:

      waah! totoo kuya jeri? talaga palang kung sinabing angola parang planeta ng mga unggoy ang naiisip ko. no offense meant sa mga tga dun ha. naiisip ko lang na masyado pang backwards dun. well i am so wrong. in fact it is making more and more Pinoys have better lives because of the pay they get there…ü

      • jeri says:

        Bakit dimo pa diretsahin Monique na nandito ako sa “Planet of the Apes”. he he he

        • Monique says:

          peace kuya.lol.yan yung mga misconceptions ng taong walang alam sa ibang bayan..kung di tulad sa mga pinoy na tulad mo kuya eh mananatiling planet of the apes ang angola sa akin.ü (makapaghanap nga ng trabaho dyan)

          • jeri says:

            Tulad ng sinulat ko, nagsisimula pa lang umasenso ang Angola dahil napag-iwanan na sa pag-uulad dahil din sa nangyaring gyera sa nakalipas na maraming taon.
            Ngunit ang hindi alam ng nakakaraming pilipino na halos lahat ng OFW na nagkaroon ng chance para magtrabaho dito ay umasenso, dahil sa mataas ang pasahod sa mga foreign workers.
            Yan ang biggest reason kung kaya kami nagtyatyaga dito, sa planet of the Apes.
            And besides, mas mukha akong tao sa kanila… he he he

  • Monique says:

    waah! totoo kuya jeri? talaga palang kung sinabing angola parang planeta ng mga unggoy ang naiisip ko. no offense meant sa mga tga dun ha. naiisip ko lang na masyado pang backwards dun. well i am so wrong. in fact it is making more and more Pinoys have better lives (read: more mouths pwd pakainin at bungalows like this ang pwdeng ipatayo) because of the pay they get there.

    (kapitana paki bura na lng po nung last entry ko.antok na yta ako,mali na yung email nalagay ko)

  • lee says:

    pareng jeri, puro yata inuman yang pictures mo hahaha kampay kampay lakay

  • dencios says:

    anu yun kelangan mag asawa ng lokal para makakuha ng citizenship? boss jeri nextime pictures naman kasi bihira kameng makakita ng mga palengke, mall, street, turo turo ng angola. something different ito sa barrio naten :)

    traffic din pala dyan parang dito lng sa dubai. common din ang mga violation at banggaan dito kasi reckless ang mga driver.

  • jeri says:

    Decios.. Citizenship by marriage ang ibig sabihin nun.

    Naku pag nakita mo mga pictures ng mga turo-turo at mga palengke na yan ewan ko lang kung makakayanan ng powers mo.. Mall at Grocery pwede pa, dahil meron ng mga nagawa na mall dito, kaya lang iisa pa lang at maliit pa.

    Maigi pa nga dyan sa dubai dahil nasa tamang implementation ang traffic rules and regulations, eh dito bukod kawalan ng disiplina sa lansangan, nagkalat pa ang mga kotong-cops..in dollars pa pag na-ngotong..kaya doble ingat pag nasa kalye at to make sure na walang Violation.

    I know about dubai, kasi almost 2 years din ako nag work dyan, in fact sideline ko dyan noon ay Car-lift.. alam mo siguro yun. daming pinoy dyan na ganun ang work.

  • Mel says:

    Familiar ako sa Angola kasi twice na sila pumasok as finalist sa Miss Universe kahit baguhan pa lang sila. Those girls were pretty. Kasing pretty ko. Lol

  • jeri says:

    @ Mel,…Sabi nga nila black is beautiful daw… meron din magaganda na angolana, lalo na yung mga Mulata, o yung nahaluan na ang puting lahi..

  • Mel says:

    Yes kuya jeri. Mga mulata yung mga nanalong Miss Angola na pumasok sa finals ng Miss Universe.

  • darbs says:

    Panahon na upang mag welcome address kay Jeri. Welcome Jers! Napansin ko itong entry mo dito sa Barrio Siete pero minsan ang brain kasi ng tao 0 unggoy na katulad ko (sensya na sa sobrang pagka obsess sa kaungguyan na parang naging personalan… na inumpisahan ni freddie boy) ay hindi kaya lang basahin ang entry one at a time.

    Anyway, napansin ko ang sinulat mo pero hindi ko binigyan ng moment para basahin. Pero ang totoo talaga, kung na observe mo ang pattern ng aking pag commentaryo at pagbabasa, ladies first talaga ang una.

    Inuna ko muna ang magagandang dilag na basahin bago ang mapopoging dalag.

    Yan ang explanation na WELCOME JERI lang naman sana ang pakay, tumaas tuloy ang ari este ang uri.

    • darbs says:

      I forgot. BWHAHAHAHA!

      • jeri says:

        Anyway salamat sa pag Welcome mo sakin…kahit medyo huli na, ha ha ha
        Huli man daw at magaling.. huli pa rin…, nasa tamang oras ka para bigyan ng pansin ang aking entry, uso ngayon ng ka-ungguyan, kaya eto..Welcome ka ri dito sa “PLANET OF THE APES”.ungguyan ang usapan dito, kasi nagkalat d2 sa angola nito.. ha ha ha biro lang!

        Medyo pareho tayo ng hilig…. Ladies first.. syempre naman, ladies muna ang unang bigyan ng pansin.

        PS..Matagal ng Tumaas ang aking Ari,.. ay! anu ba..Uri pala,,,ikaw kasi, namali tuloy ako. dyahe ke kapitana.

    • jeri says:

      ha ha ha ha loko ka darbs, pinapatawa mo naman ako.

  • s2las says:

    from abu dhabi, Mabuhay ang pinoy diyan sa Angola.

  • ANTHONY says:

    DI NAMIN KAYO PABABAYAAN,

    BOI TABI MOH LAGPAS NAKU. . . . . .

    MAGTIWALA LANG KAYO KAY BRO`

    KUKUNIN DIN NIYA KAYO BALANG ARAW . .

    THNX BRO’

  • May says:

    Tlaga bang ganun pag malayo sa asawa mo? Nasa Angola kc husband ko tapos ngkaroon sya ng karelasyon… Ipinagpalit nya family nya sa isang babae n merong asawa at apat na anak… Isa pong engineer husband ko…

  • Rhoel Natividad says:

    oo nga naranasan ko na din yan sa NAIA nung una kong umalis ng bansa…papunta ako ng sudan noon…sabi ng teller sa Naia nung inaabot ko ang OEC ko..saan yang sudan sir?sabi ko sa africa…ano naman ang ie engineer mo dun?sabi nya hehehehe……nakapasok kasi ako sa isang kompanya na ang mga project ay sa UN Missions dito sa africa malipat-lipat kami dipende sa project….nasa construction at maintenance projects kami ng UN…ngayon nandito ako sa Chad,marami din mga pinoy dito lalong lalo na mga Oil exploration sa Kome,chad..dati libo daw sila dun noon mga 2003 ngayon nasa 500 n lng n pinoy na naiwan ksi tapos na ang construction ng refinery mga nasa matataas na posisyon na ang mga naiwang pinoy dun….ngayon naman kami dito sa UN umbrella dati marami din pinoy na kasama namin pero ngayong taon patapos na ang misyon ng UN kaya nailipat na sila..ung mga iba napunta sa liberia,ivory coast,sudan,haiti at kung saan saan pang meron UN mission…kahit din kami dito sa kompanya namin malilipat na din kami pagkatapos ng demobilization namin by the end of april,2011…kaya malamang sa somalia naman ang tapon namin…..

    mahirap ang buhay dito sa africa….walang mapagpipilian,,,ini-enjoy na lng kung ano meron dito at least nakaka survive…..kada 3-4 buwan nman ang uwian libre pa at may sweldo habang naka bakasyon…kaya ano pa ang hahanapin pa….di bale mahirap…basta may maipapakain naman sa pamilya….ayos na yun…..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.