Home » 5/6 at mga raket, Komentaryo

Ceiling Price: No Shortage of Scandal

13 October 2009 12 Comments

grocery racks

Noong Setyembre 29, 2009, nagtalaga ang Department of Trade and Industries sa ilalim ng Republic Act No. 7581 The Price Act ng ceiling price sa basic commodities. Ang pagpapahinto ng presyo ng basic commodities ay dala nakaraang bagyuhang Ondoy para sa mga nasalantang biktima.

Mula Cordillera Area Region, Region I-IV, itinalaga ng DTI ang paghinto ng presyo sa itinalang ceiling price na nakalagay dito. Nakapaloob dito na sakop ang palengke o wet markets at grocery stores.  Nakalagay din dito ang ilang manufactured goods na maaring bilhin ng mamamayan.

  • Sardinas
  • Condensed Milk
  • Evaporated Milk
  • Powdered Milk
  • Kape
  • Sabong Panlaba
  • Instant Noodles – Chicken Flavor
  • Baterya
  • Kandila

Kamakailan lamang pina-subpoena ang anim na malalaking grocery store sa Kamaynilaan dahil sa pag-singgil ng higit sa ceiling price na itinalaga ng DTI.

  1. Save More Drug. Ang dahilan raw nila sa pagpapataas ng presyo? Kulang raw ng tauhan para baguhin ang tag ng bawat commodity na nasa listahan ng DTI. Ano raw? Eh iilan lang naman ang inilista sa DTI, diba? Pwede namang kahit na may lumang tag ang mga ito, mag-lagay sa kahera ng bulletin na nag-sasabing ito ang bagong presyo at iyon ang i-punch in. Dahilan pati nila ay convenient store daw ito at di klasipikasyon sa wet market at grocery store. Ano raw? Nagulahan ako. So, ibig sabihin dahil ito ay di klasipikado, pwede nang sumingil ng mas mataas na presyo?
  2. SM Group of Companies. Wala pang nakalabas na dahilan bakit mataas silang sumingil.
  3. Plaza Fair. Nag-comply naman daw sila, ayon sa kanilang abogadong si Danny Patalinhug. Kaya lang, sa taas raw ng bigay ng supplier nito, kailangan di umanong mag-lagay rin sila ng karampatang kita sa bawat produkto. Sumusunod naman raw sila sa batas, kaya lang yung computer raw nila, may “glitch” kaya yung mga datos ng main office ay may mataas paring presyo. Sa kasalukuyan, kung ano ang lumabas sa computer yun ang singgil nila.
  4. Robinsons Supermarket. Sumusunod naman raw sila, kaya lang October 8, pa raw nai-post sa DTI website at noong October 5 sila na-inspeksyon at di pa raw nila alam ang ganitong patakaran.

Kasama na rin sa freeze prices ang may 22 bilang na gamot tulad ng Norvasc, Plavix, Lipitor at iba pa.

Ang usapin naman ngayon sa nagdaang bagyong Pepeng ay ang mabilisang pagka ubos ng bilihin sa Bagiuo City. Dahil nga na cut-off ang major highways papuntang Benguet, di makalusot ang mga supplier at delivery ng gasolina sa naturang syudad.

Although nag-palabas ng announcement ang gubyerno nito:

As another typhoon threatens to hit the country, Malacañang on Saturday reassured the public of enough food supply while vowing to go after price manipulators and hoarders.

Deputy presidential spokesman Anthony Golez said the Department of Agriculture (DA) and Department of Trade and Industry (DTI) had assured President Arroyo that there will be no food shortage amid the onslaught by two storms that caused P6 billion worth of damage in the agriculture sector.

“Secretary (Arthur) Yap has reassured us that there is enough stock for the whole year but the impact of the supply could be felt by the first half of next year, so in 2009 we will not be having a problem because that is already provided for by our buffet stock,” he told in a press briefing.

Golez said Trade Secretary Peter Favila also assured Mrs. Arroyo and the public that there is no shortage in the supply of goods, but he admitted that the setback lies in the distribution. Manila Bulletin, October 5, 2009

Hindi pa rin maiiwasan ng ilan na mag-hanap ng kaunting kita sa ganitong sitwasyon. At hanggang kailan itong ceiling or freeze price? According sa isang news report, nakatanggap na raw ng death threat itong si Secretary Peter Favila (DTI), kaya ang sagot ng Malacañang? Ipagpa-indefinite na ang frozen prices. Teka lang mukha bang di susunurin ng Malacañang ang RA no. 7581 Price Control Act na ceiling price? Nakalagay rito na hanggang anim na pong araw (60) ang dapat itagal nito.

Unless sooner lifted by the President, price control of basic necessities under this section shall remain
effective for the duration of the condition that brought it about, but not for more than sixty (60) days.
The terms “disaster” and “calamity” shall include those brought about by natural or man-made causes,
whether local or foreign. Price Act, 1992

Di naman sa kumakampi ako sa mga malalaking kumpanyang nasa taas, ang point of view ko lamang ay paano na ang maliliit na business owners, indefinitely na rin pa nilang lalamunin ang hagupit ng kawalan ng kita dahil sa pag-sunod sa “indefinite” freeze prices?

Medyo kailangan yatang mag-review ng kaunti itong si DTI Secretary dahil sa sinabi niyang kailangang sumunod sila sa batas.

Price control continues

“I don’t think I can find it in my conscience to recommend a lifting (of the price control) if our people—these well-meaning public servants, these ordinary government employees—are being physically threatened,” Favila said at a media briefing in Malacañang.

Asked if the price ceiling would run indefinitely, he replied: “Yes.”

“We are not the ones who crafted the law, but we are expected to implement the law no matter how much it hurts,” he said.

Inquirer

Dyan naman nagkamali ang deklarasyon ang Malacañang. Nalilimutan na ba nila na marami sa mga nasalanta rin ng bagyo ay ang mga maliliit na negosyong kailangan uling panimulan pagkatapos ng delubyo. Last I heard 60 days does not mean indefinitely.

Why fight against the indefinite ceiling price?

  1. Hindi lang malalaking negosyante ang apektado nito. Marami sa mga apektado ay mga small business owners.
  2. Indefinite Government control in any sector does not sound good. Not good at all.
  3. Marami sa mga maliliit na businesses will be forced to close dahil hindi na sila competitive.
  4. Kailangan bang buhatin ng mamayanan ang parusa ng negligence at incompetence ng ilan?

At mayron ba kayong nababalitaan na inilabas ng DTI (which is the implementing agency ng Price Act) ng buffer fund? Ang Buffer Fund ay nasa section 9 ng Price Act na:

Sec. 9. Allocation of a Buffer Fund to the Implementing Agency. – The implementing agency may
procure, purchase, import, or stockpile any basic necessity or prime commodity, devise ways and means
of distributing them for sale at reasonable prices in areas where there is shortage of supply or a need to
effect changes in its prevailing price. For any or all of these purposes, a buffer fund shall be allocated in
the annual appropriations of the implementing agencies. Price Act, 1992

Kung mayron po kayong narinig ukol dito, pakibalitaan naman po kami. Sa ngayon mga usapin lang ng eksperto ng UN ang dadalaw sa Pilipinas para mag-asses ng sitwasyon, Government at Non-Government relief efforts, bilang ng mga taong nasalanta at namatay, at turuan dito at turuan doon. Pero wala pa akong naririnig na balitang may Buffer Fund pala in case na mag-kawalaan na ng basic necessities and commodities sa affected areas.

Nakakalungkot ano ho? Lose lose kahit saan ka tumingin. Kung mamayanan ka: nagkakawalaan na ng bilihin, kung may maliit kang negosyo: lugi sa kita, kung nakatira ka sa pook na hingupit ng husto: dala na ng baha ang iyong ari-arian.

Tatlong daang piso na ang kerots per kilo. Tataas pa rin iyan. Wag naman pong isahan ang ating mamamayan na lalong pakinabangan ang trahedya. Wag ring mag-panic buying, mag-imbak nang walang dahilan, mag-gantso ng kapwa, mag-neto ng kita ng higit sa nararapat, at makipagsabwatan sa ilang kumpanya para kumita.

Sa panahon ngayon, ilabas naman natin ang mabubuting budhi. May ilan na kailangan talaga nilang i-concentrate ang lahat ng kanilang lakas para maipakita naman may kabaitang loob rin sila. May ilan naman pong patuloy pa rin ang paggawa ng tama, in spite of the circumstance. Sa inyo po, mabuhay! Sa mga nag-nanais gumawa ng tama, ngayon na! Sa mga dapat gumawa ng tama, “aba’y bangon na, tanghaling tapat na, kumilos ka na!”

Related Posts with Thumbnails

Viewed 5548 times by 1170 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
mahalia is is a mom of three, devoted wife and is still traversing life as an immigrant. She blogs at Chocolateword and is currently an apprentice at a Christian Writer’s Guild. Currently based in the US, Mahalia is currently taking Creative Writing at UCLA.

12 Comments »

  • reynz says:

    very common, right after a disaster, kahit nga dun samen, prices just spikes fast! double sworded and state of calamity declaration although i believe na state of calamity tayo mula pa noong si marcos, si estrada at ngayon si gloria

    anyway, to protect the population sa kahirapan nga dahil wala nang kabuhayan eh me mga gago naman who’d take opportunity of the situation. delicate masyado tong mga issue na to.

    if you’re a small businessman baka delikado ka nito

  • Clarck says:

    sana hindi sila ganun kaabusado lalo na ngayon. Kung totoo ang sinabi ng 4 major companies stated above, just to be fair, lets have them work with their own mistakes since na audit naman sila. Kung di pa rin sila gumagawa ng action steps para maayos yung mali nila, then kelangan na nilang harapin ang batas.. [lalim hekhek]

  • dencios says:

    teka…

    hindi ba at nasa state pa din of calamity ang pinas?

    tama ba?

    waaaa. di ko sure pero kung nasa state of calamity pa din ay meaning kahit anong desisyon ng palasyo ay siyang masusunod. di ba ganun yun? in control ng presidente ang buong bansa?

    so kung ganun nga e wala yang 60days-60days na yan basta ang maysabi ay ang palasyo.

    teka may sense ba ako. haha. basta yun yun e. dapat lang kasi kinokosider lahat ng sektor.

    • Mahalia says:

      May sense Dencios, very clear. Sana naman ay isipin ng mga nakaupo ang kapakanan ng mamayanan, iilang buwan na lang sila (hopefully) na nakaupo, sana ay patuloy na mag-isip at gumawa ng mabuti.

  • promking says:

    feel na feel ko ito sa bahay..

    ang ulam namin. prito.
    ang ulam na prito, walang sangkap.

    kung magluluto kami ng may gulay na sangkap, parang kumain na rin kami sa restawran.
    walang mga gulay na mura sa divisoria. sa Baguio pa lang daw, ubos na ang gulay, hindi na nakakababa sa Manila. mas ok pa daw kung ang gulay manggaling sa Visayas,

    pero sa paanong paraan? 2 days sa RORO? pwede ba makahiram ng eroplano ke Lucio Tan at Gokongwei?

    • Mahalia says:

      Explain RORO promking…di ko alam yon.

      Naku sana ay makabili na kayo ng pagkain na di gasinong kamahalan, soon. Will be praying for our countrymen.

      • reynz says:

        Roll-On Roll-Off, nung una kong nabasa yan, akala ko yong kagaya nung sa UK na rubber boat ang itsura, hindi naman di ba? typical lang ata sya na mga lantsa, korak? wala pa kasi akong nakikitang pictures nang RORO na yan

  • gentle reader says:

    Green Revolution ang solusyon sa kulang na supply ng pagkain tara na magtanim kamote.

    Always think 3R’s. Abono mula sa basura…lalago ang halaman….organic pa.

    • mahalia says:

      nag-sulat ako ng tungkol sa the wonders of potato dito sa barriosiete. Tama dapat maging masipag magsipag tanim tayong mga Pinoy:

      http://barriosiete.com/patatas-pohtahtoe-potato-ano-ang-gagawin-sa-patatas-na-ito/

      • gentle reader says:

        i read all about it Mahalia. sana sa sunod na entry mo may tips n tricks ka uli how to plant veggies in a small backyard. yan ang una ko gagawin paguwi ko ng pinas.

        I will plant in a garden even in a small area even in sa rooftop, terrace, veranda basta may paglagyan ng paso, tanim ng tanim tingnan mo after 3 weeks may pakbet ka na.

        I will recycle all recycable and biodeg materials…how do it? ask pareng google he knows it well…then when i succeed i will share the ideas to others.

        green revolution na!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.