Cheap meds – GMA vs MAR
Ano ba talaga? Kahapon ito ang balita: Arroyo to sign cheap meds EO
MANILA, Philippines—President Gloria Macapagal-Arroyo will finally sign next week the executive order placing a price ceiling on 22 essential drugs sold in the country.
Malacañang made the announcement Tuesday amid allegations that Pfizer Phil. had tried to bribe the President with some P100 million worth of discount cards for distribution to indigent patients around the country.
Pero today iba na: Palace backtracks on issuing cheap meds EO!
Malacañang on Wednesday said President Gloria Macapagal-Arroyo would first take into account keeping foreign investors and ensuring public access to cheaper drugs before ordering a price ceiling for essential medicines.
“The implications for economic health go beyond just the issue of cheaper medicines at hand,” Gary Olivar, deputy presidential spokesperson, told reporters Wednesday.
The Palace was apparently backtracking on its tough position on Tuesday that Ms Arroyo was set to sign the executive order imposing maximum retail prices (MRP) by next week.
Ano ba ‘yan? What implications for “economic health”??? It won’t be healthy for the economy if the President signs the EO because it might drive away foreign investors, such as multinational drug companies who are making a killing, selling us meds at three times the price in other countries??? Come on! Does she really think that these drug companies will stop selling us their drugs if she signs the EO? In the end, they will settle for a small cut in profits dahil hefty pa rin surely, than no profits at all.
So why really is Gloria making urong-sulong, when signing the EO would be very good if not for the books then for her public image and approval rating, lalo na’t swak ang timing for the SONA? Aha. Kung si Ellen Tordesillas ang tatanungin, it’s pure and simple inggit. Inggit si Gloria kay Senator Mar Roxas because Roxas, who steered the law through Congress, will get the credit for it and might even get elected president in 2010 because of it.
Ang ugat ng kontrobersya sa executive order na magpapatupad ng Maximum Retail Price (MRP) na nakasaad sa 2008 Cheaper Medicines Act ay inggit. Inggit ni Gloria Arroyo na makalamang si Senador Mar Roxas sa isyung ito.
Sabi ng isang source namin sa Malacañang inis raw si Arroyo na ang pipirmahan niyang executive order ay magagamit ni Roxas sa kanyang kampanya para presidente sa 2010. Kaya pinulong niya ang mga hepe ng pharmaceuticals nuong Hulyo 8 at sinabing ibaba nila ang presyon ng 50 na gamot para siya ang sikat at masasabi niya na mas magaling siya kasi 22 lang ang gamot na nasa listahan ng MRP.
Ang kapalit siyempre ng kooperasyon ng mga pharmaceutical firms ay hindi pipirmahan ang MRP.
Hm, naisip ko rin yan, but not in terms of inggit, rather of just not doing the presidentiable senator any favors. I’m still hoping though that GMA will be big enough to allow credit where credit is due, never mind the politics of it. After all cheaper meds would mean more money to spend, more money going around, for other essential goods and services, which would be very good for the economy’s ever failing health di ba?
As for the criticism laid at Mar Roxas’ door that the power to implement the cheaper meds law should have been given not to the President but to a price regulatory board, hm, i tend to agree with Mar:
(Mar) said it is difficult to pinpoint responsibility in a board that he predicted to be the dumping ground of “election losers and relatives of powerful politicians…”
Sa totoo lang, I like it that the cheaper meds law puts the President on a spot. It’s time she showed some real statesmanship. Something we might remember her fondly for, unlike the “Hello Garci” tapes, and the unfortunate if infamous boob job (ang dagdag ang dagdag)!

Image source: Royalty free image from 123rf.com
Viewed 5136 times by 1098 viewers
angela is a freelance writer who has written for all media -- print, television, documentary film, stage, and now the internet. A sometime astrologer for family and friends, she has an abiding interest in psychology which she studied at the U.P. She has authored two books on the EDSA revolution -- Chronology of a Revolution 1986 published in 1996 and Himagsikan sa EDSA--Walang Himala! in 2000 by the Foundation for Worldwide People Power. She blogs @ www.stuartsantiago.com













Shit! Pati mapapakinabangan ng milyun milyun pilipino pinagtatalunan pa dapat di na pinagiisipan eh diba
that’s blatant in your face na selfishness talaga mark! pag di pa napansin nang mga kababayan naten yan nakuuuu! baka puro na naman kalechehan ang boto sa 2010!
never mind political-maneouvering between GMA and MAR;
here in our barrio, we have a lot of herbolarios and WITCHES
whom we could depend upon. watch for them because soon they are going to show up and wreak havoc upon the land…
diva kumander LEE?
GMA is a witch.
GMA is a witch, a very wicked one.
That is a good mantra every morning….
GMA IS A WITCH… GMA IS A WITCH… GMA IS A WITCH…
GMA IS A BITCH… GMA IS A BITCH… GMA IS A BITCH…
HAHAHAHA malay mo magka totoo. power of words.
hahahahaha bluep, sa tingin mo tatalaban pa yan ng kulam?
Haha hindi na tatalaban ng kulam yan, suso nga peke na, kaluluwa pa kaya hahaha
Matawag nga si Bellatrix para may lukaluka na lalaban sa Presidenteng Lukaret hahaha
Sensya na I have a Harry Potter hangover written ol ober me. haha
“here in our barrio” LOL
jim,
hindi lang sa gamot urong-sulong si GMA, pati sa Abu Sayyaf, hindi alam kung ano gagawin naniniwala sa mga tsismis instead na ayusin mga importante sa buhay nang pinoy
tanim na lang ako ng Herbal sa bakuran ng aking kubo.
nothing wrong with mag-araro ng herbs.
Kung maipatupad naman itong cheaper meds na ito, bababa rin ba ang kalidad ng gamot?
herbal meds, yan talaga ang sagot sa ating problema sa gamot. ang kaso, walang administrasyon na nagkaroon ng balls enough to fund the development of our own drug industry — yung magre-research at aaralin lahat niyang mga dahon at ugat at buto na pine-prescribe ng ating mga arbularyo, para sigurado tayong mabisa nga at hindi placebo effect. as always, itong gobyerno natin, ay kayang-kayang i-bully ng multinationals…
Kailan kaya tayo magkakaroon ng President na iisipin muna ang kapakanan ng kanyang nasasakupan bago lahat.
Reesie,pag si buraot naupo na presidente, baka sakali. he he he
painumin na lang ng gamot si ate glow para luminaw ang pag-iisip.
anong gamot?
BAYGON.
Meeeeeel hahahahahaha
ang mga impaktong yan! these people have no clue, na ni clinic sa barrio wala, ang tanging botika minsan nagtitinda din nang alkitran so i don’t understand ba’t ginawang pulitika ang dapat na asikasuhin just because kelangan nang mga ka-barrio ko.
worse, ba’t nga ba si GMA ang magdedecide sa mga issue na to??? dahil ba merong traces of “economic hit man”???
kung sino man yang nakaupo dyan is not and never been a leader dahil kung leader yan, inuna na ang kapakanan nang ating mga ka-barrio!
mel! asan ang bygon!! dali!!!!
reynz! siguro nga me kinalaman din sa “economic hit men”! yung mga walang keber sa mga pinoy except as a market for their goods, the more expensive the better. naisip ko tuloy, pwede ngang makialam din si obama. baka totoo ang say ng marami diyan, na america does not want pfizer to lose profits kasi the bigger the profits the bigger the taxes they pay to the us govt. so sorry na lang ang pinas. bwisit.
angela,
and make it bigger and brighter on a grander scale like multinationals drama and you complete the picture. meanwhile an saya sa pinas once na nakita ang mga karatulang yan sa barrio. colonial mentality ba ang tawag dun? na tipong pyesta pa? but behind those karatula’s eh napupunta sa kanila ang profits at basura pa rin ang pinas? meron ata akong nabasang ley to reinvest corporate profits sa barrio, but i don’t understand ba’t andami pa ring bahay under the riles – so may i believe talaga ako na there are traces of economic hit men sa dramang to. bet ko me mga bonus pa galing sa drug lords
talaga naman ano, it’s been going on for so long na tuloy nakikita na natin na puro pangako lang pala, talkies lang, yang “reinvest corporate profits sa barrio.”
my friend Edz who works for Pfizer asked me this question in defense for his employer:
“Kung magkasakit ba si Mar Roxas, yung gamot na ginagamit nya ay generic ba?”
hahaha! why do i suspect na medyo tama ang friend mo Mel? why? tayong mga pinoy mahilig sa me etiketa, so kahit na siguro bumili ang Pfizer nang generic na gamot taz isalpak lang ang etikita nila, buy na ang bayan. korek? sa totoo lang, yan pa rin ang mentalidad nang karamihan saten.
sa barrio namen sa amerika, most of what we use are generic at pati mga dalubhasang dokto yon ang nire-reseta dahil nga the only difference is yong mamahaling label kung minsan
walmart, apat na dolyares lang ang prescription. Salamat na lang, mahal ng may etiketang high blood na gamot!
naku mahalia, kaya nga ayun si mader panay nanaman ang bilin ng gamot dahil dun daw satin nakakahimatay.
actually yung mga binibili kong gamot e pfizer at roche din naman ang brand pero di ganun kamamahal gaya satin.
last time dun satin palibhasa di ako nasanay bumili ng gamot at nakakabili lang ng gamot pag emergency inatake ng hika yung mga bata.
yung ointment satin 200php? mas malaki pa yung 20php na nabibili ko grabe at branded din naman at yung imodium magkano? sa south asia 5php isang banig na,kung nagagawa nilang ganun kamura sa ibang mahirap na bansa sana naman maawa naman ang gobyerno na kahit sa gamot m,an lang magkaron sila ng konsensya
sabi nga e botika ang magandang bisnes kasi di nawawalan ng bumibili at dika pedeng tumawad.
haha yun nga lang high na high ka palagi sa demerol haha
magbebenta ka ng gamot sa aleng naghihingalo ang asawa sa hospital eh bangag ka na nakangiti na humarap hahahaha
bluep, naiimagine ko na susunod na mangyayari sayo pagka ganun lol.
lee natawa ako dito kanina sa comment mo kasi iba ang basa ko. hahaha sabi ko, bakit naman kailangnag “tumuwad” pag magbebenta ng gamot? yun pala TUMAWAD hahahaha
talagang bangang nga ako sa rugby hahaha
ala, nasobrahan na ang rugby lol
blue!
two of my pangkins, both nurses to be at that time, piktapos kumuha nang nursing board, at dahil they could not find a construction work, alam mo naman – they applied as drug pusher for one of the biggest pharma sa manila.
now, yong isa told me na me quota daw sya. of course kelangang abutin ang quota na yon.
alam mo ba? para lang daw maabot ang quota for the month, minsan tina-taas ang presyo?! how true?
Oo reynz, either itaas o ibaba ang presyo. kasi ang quota sa med rep ay in amount or pieces depende sa company at sa dala mo na gamot. Yung iba by pieces pero siguro sa company ng pamangkin mo eh by amount meaning kailanagn makabenta ka sa isang buwan lets say mga 500 thou worth of drugs. Kaya tinataas nya presyo ng maka quota.
Lets say for example pag nasa 300 thou ka pa lang ang gagawin mo itatas mo presyo syempre kwentado mo ang amount ng itatas para maabot mo quota mo. eh dahil nga sa ikaw ang representative ng kumpanya, nasa iyo decision kung magkano mo ibebenta maka quota ka lang. kasi madami klase ng sales eh. Pwede direct sa botika, yung iba naman sa doktor through prescription.
kaya mahal din ang gamot kasi malaki ang ginagastos ng pharma company sa whims ng mga doktor maka quota lang sila. Ang doktor kasi ang nagrereseta. Meaning, pag generous ka sa doktor, magrereseta sila palagi ng gamot mo. tataas ang quota mo on that month. No offense to the MDs pero yung iba MD garapal talaga sa paghingi ng pabor sa medrep and when I say Pabor, money tlks or in kind.
ganun kalakaran sa industry ng gamot dito sa pinas kaya pangit. Naapektuhan ang mga consumer. ito ang hindi alam ng senado yung kalakaran sa pharmaceuticals at med rep.
ayoko makasagasa ng med rep dito pero in all honesty yung trabaho nila ay parang kasama na ang bribery. would you believe that they can sponsor dozens of doctors in seminars abroad? sagot ng company ng gamot ang lahat ng gastos. lalo na pag high value yung doktor meaning mahal ang mga gamot na nirereseta nya. kaya ang labanan dyan padulasan.
My cousins, brother in law and my college and HS friends are mostly med reps before, mga umalis na sa trabaho na yan kasi nga malaki nga commision mo stressed ka naman at minsan hindi pa ethical.
Ang dami ko alam sa med rep na hindi pa nabubunyag hahaha halos lahat ng mga kaibigan ko even former seminarians which I had the opportunity to have them as my college prof was telling me incredible stories with regards to their experience as med reps haha.
I have to shutup na LOL
@mel @reynz: naku, ibang usapin pa yang generics. totoo namang sa maraming sakit e sapat ang bisa ng generics. ang kaso dito sa pinas, sumakay ang mga doktor sa propaganda ng multinationals na mas nakakatiyak ka sa branded, kahit anong sakit. pati mga botika, sumakay rin. pag naghanap ka ng generic usually wala o kaya ididiscourage ka. e talaga yan sana ang solusyo lalo na sa mga barriosiete.
si mar roxas, gagamit ng generic? malamang hindi pero dapat. dapat yan ang ikampanya niya next.
Early 1990’s ang Generic nag-umpisa.
2009 na… ang tuno ng usapan, parang early 1990’s pa rin.
Update: http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090716-215771/Roxas-to-blame-for-cheap-meds-row–solons
There is an interesting story today on the internet na nag-sasabing:
oo nga, interesting question pa rin ito. on second thought, a drug regulatory board might have worked better, but only if it were composed of upright citizens na hindi mababayaran ng higanteng drug companies.
agree ako angela sa drug regulatory board. i know yong iba dyan baka sumemplang ang eyebrows dahil di ba mas mabisa kung kumpetisyon? well, tipong di uubra ang competisyon sa mga drogang ganito dahil ang mga bida eh mga multinational, eh sino ang nasasakal, eh di si Aling Karing at Mang Pidro, kaya mas ako sa Regulatory Board. Kaso an daming sira ulo saten. Pag pinasok ang Regulatory Board na yan nang mga tuta nang mga drugista, tukmol pa rin tayo, but it’s the better choice kesa sa pamumulitika ni Gloria
This is another hellish segment of the Gloria Presidency.Too barbaric an act to keep the credit to herself. Ano kaya kung magka-constipation si GMA at Mikey tapos di oobra ang kahit anong gamot sa kanila? Mag zero crime rate din kaya ang MM?
binanggit ko na to dati pa, bakit sa india, pakistan, bangladesh mura ang mga gamot?naka motorsiklo ang mga med reps, walang ads sa tv, ang mga naencounter kong mga doktor mostly generics ang nirereseta bahala ka ng mamili ng brabd, yung box ng mga gamot my nakatatak na price.
napakalaki ng diff ng presyo compare sa pinas pero pareho lang naman ng mga company.
hanggang ngayon sa india at pakisatn pa rin ako nabili ng mga gamot at vitamins dahil pag satin nakakamatay ang mga presyo.
Very sharp point from a consumer’s perspective Lee. Here’s one incisive perspective from a doctor on why drugs are expensive:
“Since January 1, 2009, US pharmaceutical representatives have been banned from giving physicians pens, table paper, toys, clocks and calculators and other related gifts. They have also been restricted in bringing doctors to fancy restaurants in order to listen to a talk expounding on the unique benefits their drugs might have and those days when we would be invited to attend a medical conference in some golf resort are over.”
“according to the American Board of Internal Medicine,the pharmaceutical industry directs $18.9 billion towards physicians each year and this amount is simply obscene.”
We all know Pinas is no different.
Source: Doc Martin Bautista’s Blog – http://mbautistamd.blogspot.com/2009_04_01_archive.html
alam mo ilang beses ko ng tintry makipag meeting sa mga executives ng mga pabrika ng gamot sa south asia nung araw pero talagang pinas ang problema, palalabasin pa nilang peke yung mga gamot, nung bumili ako ng maraming gamot pati mga vits nung last days ko na sa south asian countries nilagyan ng chalk marks yung boxes na dala ko ang dami ko kasing binili panggamit namin at that time my bagyong sunud sunod so i decided to bring pampamigay na rin, kundi pa dun sa best pren kong ambassador kalaboso bagsak ko dahil pilit nilang pinalalabas na peke yung mga gamot samatalang ang mga tatak e novartis,pfizer at roche at kung dipa yung mga taga DFA ang sumundo sakin mabubulik nako sa kulungan ng wala man lang laban.
Kasi gusto ng custom mapapunta sa kanila yung gamot. As if we dont know na kurakot ang mga taga customs. Yang mga yan ay dapat i septum, sempra haha
mga ulanghya talaga,ang kakapal kaso wala naman tayong magawa kundi magngitngit nalang kasi kahit anung panghihiya at pang-iinsulto sa kanila dedma ang mga buset
@Dfish, “We all know Pinas is no different.”
Ang panangga panlaban is… “may proof ba?” na maliban sa dalawang kahong gamot na gawa ng gaw-gaw may refrigator pang paaman at libring tuba doon sa “Restaurant Kamayan and Nude Clubby”
hi lee
galing talaga sa india. walang pakialam sa multinationals, basta make sila ng murang generics at spread the information na ’singbisa ito ng branded. at naniwala ang mga taga-india, kaya nagkaroon ng competition ang multinationals at napilitang magbaba ng presyo ng branded.
tama ang sinabi mo lee, nabasa ko ang similar comment na yan ki Tita Ellen Tordesillas. ang kaso, bago pa makarating ang mga gamot na yan na galing India, lecheng porsyento ang ipapatong nang mga impakto, darating sa botika, ang presyo nang bote – bote pa lang yan ha? na walang laman eh abot 60th floor na.
grabe, buhay ng mga nangangailangan ng gamot ang nakasalalay dito tapos ang pinag-aawayan kaya di maisulong ang batas e dahil sa POGI POINTS? sus, nakaka high blood! (mahal pa naman ng gamot!)
sana mapirmahan na ang EO na yan. stress bumili ng norvasc para sa lola ko at nanay ko. nasa 44P ang isang tablet. sa india, 7P lang daw.
malen bilis email moko, diko alam kung alin email mo dito
All I can say is, kung sino man sa inyo ang nakikinig na dating mga exMedical Representative at gusto nyung mag share sa inyong opinyon regarding sa transactiones between the ehem and the ehem. Paki-share na lang.
Hahaha – i nominate brads…
DFish, maraming exsems na naglalako ng rugby sa lansangan, i mean med reps… baka ung iba veterans na o baka retired na pero maraming alam. sana makonsensya at mag simula ng maki-awit dito sa Barrio Siete.
Present darbs, med rep ako dati kaya lang rugby ang nilalako ko, bote-botelyang rugby. May libreng Linoleum pag bumili sa akin ng isang kahon haha
hahahaha langya ka bluep, pinaglihi ka ba sa bumbay hahahaha
hahaaha, nakalimutan ko sabihin, 365 gives yan. araw araw may hulog. malas mo kung leap year kasi may sobrang isang araw haha
juskupu hahaha.
naalala ko tuloy bigla yung tao naglalako ng santo…
santoooooooo, diooooooooos, birheeeeeeeen…
nangangatok, nangungulit, hulugan naman daw… e anu ba kako yang nilalako mo? dios po birhen at santo hulugan at my free po na last supper…. langya palayasin nyo nga yan bastos,alang galang,pwede namang hindi ganyan ang pagbebenta ng mga poon nakakaasar e kung buhay lang si Father Anton hahabulin ka ng sapatos
haha wala ka sa mga naglalako dito sa barrio namin, KABINET AT ISTANTE NG TV ang dala dala sa likod haha.
wala biro. talagang buhat nila. mapapabili ka tuloy hindi dahil sa kailanagn mo kungdi dahil sa awa haha
hahaha oo bluep nakakita na ko ng ganyan pati papag pasan nakakaawa bibilhin mo na kahit di mo kelangan,ganyan ang mader ko maawain kaya nga daming abubot sa bahay,lalo na yung mga gawa ng preso, tulong naraw e kako buti kung sa kanila nga napupunta yan? baka sa warden lang ang punta nyan.
sa warden talaga ang punta nyan haha. Alam mo ba na ang ibang warden dito sa pinas ay nagmimistulang anito? kailangan lagyan ng alay ng preso para dumulas hahaha
Pero ang ganda nung mga nakalagay sa bote ano? hangang hanga ako sa mga gumagawa nun. Yun nga lang, mga bulag na ngayon LOL
Opps, hindi ko sinabing linoleum, o refrigarator o free sponsored tickets and hotel sa “seminar ng mga…” to wherever you go, or what about gameboy-1990’s nintendo gusto made in U.S.A ayaw ng made in Taiwan.
No offense sa chinese pero nakakatakot din naman kasi bumili ng gamot na made in taiwan o china kahit pa cheap ang presyo. Madami kasi lately lumabas na below quality standards tulad nung mga herbal na gamot na nakaka cause pala ng renal disease. Yung US brands mahal lang talaga kasi labeled eh
bluep, sa totoo lang di mura gamot sa china, at pag nagkasakit ka,yung ng doctor dun na ililista yung gamot mo sa computer nya derecho sa computer ng cashier at dun ka din sa hospital bibili kasi my patient serial number at ang mahal kamo,yun din ang problema nila dito,wala silang laya na maghanap ng botika kung san sila bibili at pati nga yung mga herbal nilang pinapakulo na ang sama ng lasa sa hospital din at yun till now ang pilit na nirerequest ng mga tao na magkaron sila ng kalayaang mamili kung san sila bibili dahil sa hospital lang ang my kompletong gamot at legitimate maliban nalang kung mag over the counter ka.
@Lee ganun ba? anak ng pating pano kapag yung hospital eh mahal ang gamot so ibig sabihin no choice ka?
Ay sori di ko naklaro, I mean yung made in taiwan and china na nilalako sa mga mall at binondo. Yun ang nakakatakot bilhin. mas maganda pa bumili ka ng us branded kasi FDA aprub.
Natrauma kaya ako dun sa balita na pati Siopao na galing sa china eh Karton ang laman sa loob haha
ewan ko lang blue ha?
kapag ang GAMOT eh MADE IN CHINA! litsi! baka mamaya eh White Rabbit Tablet ang mga yan noh? Tapos iinumin mo sa Chinese Milk na ang baso eh pinturada pa rin in China?! HAHAHAHA! NUNCA! kaya basta GENERIC may i ask ako sa doktor kung saan galing at pag dating ko sa apt may i check ako kung saan nag-originate at wala talaga akong believe sa mga produktong yan na galing china!
@Reynz – ako din nga basta may chinese na nakasulat sa label kinakabahan ako. One time bumili ang nanay ko sa lako ng bug spray made from china sinabihan ko na wag bumili kasi di naman alam kung san galing. Baka mamaya eh poison gas na pala yung bug spray haha. ayun nakinig naman. sabi ko okay na ang baygon kahit mahal di naman kami maoospital. maospital man alam namin ang kumpanya na hahabulin. di tulad nung Gatas na naexperience ni KK at hershey o kaya yung siopao na karton haha
kaaway na kaaway ko ang hayop na baygon na yan blue!
nung may 2006 ata yun, 2 weeks vacation ko sa pinas, a day after i arrived, yong katulong namen, nag-spray nang mga lecheng alagang ipis sa bahay dahil nag-ba-baras na ang mga impaktong yon right? an lakas nung amoy! nag-kasakit ako for 1 week, by the time i was fine, pack-up uli dahil pabalik na sa US! hahaha! ang galit ko nun sa katulong namen!!!
Mali si inday-bote mo hahaha.Dapat kasi pag magspray ka wala tao sa bahay. The best time to spray is during the day when people are not at home and the roaches are gathered in the sink kasi they are afraid of the dark. 4-6 hours pa dapat bago buksan ang bahay kasi yung vapor nyan ay cancerous. Kahit na sinasabi nila na water based yung spray its still carcinogenic. Dyan nakakuha ng cancer yung kaibigan ko sa seminary which I mentioned in RE before. He acquired Aplastic Anemia because their family are fond of spraying while they are inside the house ever since they were young. Eh ang mga bata before age 21 nadedevelop pa lang ang bone marrow nyan. So timano nagka applastic anemia kasi sensitive pa yung bone development.
Spraying should also have the right technique. Dapat you go with the flow of the air current. Dapat hindi pasalubong sayo. Kasi if you sprayed na pasalubong sayo ang hangin masisinghot mo yung vapor. Dapat pati naka mask and the distance of the spray from your face is arms length, naka tuwid at hindi tulad dun sa commercial na naka flex ang braso na nakangiti pa yung babae habang nagiispray ng ipis hahaha
pag-uwi ko uli sa Pasig blue, mag-ka-conduct ako nang seminar sa clubhouse on how and when to use bygon hahaha leche kasi, kahit na andun ka sa clubhouse, amoy na amoy mo na someone is spraying hehehe
lee – HAAHAAAHAHA, comment of the month…
@dfish, subukan mo maka encounter ng ganyang tao, kahit my heylo ka sa ulo uusok ilong mo lol
Hmmm…
Angela,
Natatakam ako sa picture mo. Parang MnMs ang nakikita ko, hindi gamot. Hhaahah.
Ang cheap talaga, hindi ng gamot,kundi ni GMA. Litsi.
Parang ito ata ang fruit ng meeting nila daw with big pharma companies. Hehehe.
silver
katakamtakam nga, haha, thank you uli ha, sa uulitin!
Ngak! Hahaha.
Sina KK at reyna ang may alam ng litraks. Nakatulog na kasi ako that time kaya di na ako nakatulong. Heheh.
Sensya na, mukhang naibalik ko na sa tama ang circadian rhythm ko. Hehe.
Isa ako sa makikinabang kapag natuloy itong bill sa murang gamot. I’m spending almost 5k sa maintenance meds ko every month and I am one of the many praying for this to be able to push through.
Pero mukhang umaasa lang ako sa wala dahil sa mga gaddemet na nasa pwesto.. ahek!
Nga pala, I like Reesie’s mantra about GMS being a wicked witch.. Hehehe…
Mabuti nga sa Pinas maraming klase ng Gamot.. d2 sa Agola kahit anong SakiT iisa lang ang gamot na binibigay.. “PANADOL”.
@Jeri – Hindi nga? Parang nabasa ko ata tol na kasama mo family mo dyan sa Anggola, pano pare pag nagkasakit ang anak mo panadol din? Generic name ba yan? mairesearch nga ngayon ko lang narinig yan. Anyhow ang lakas ng will power mo to stay there. I mean ako kasi, kahit di naman ako mahilig sa gamot, basta alam ko na may mabibilhan in case na magkasakit ako ayus na. Eh dyan parang constant stress na pag nagkasakit ka nasa isip mo wala ka gamot na mabibili. Unahin dapat ng G* ang development ng africa kasi nakakaawa talaga mga locals dyan.
Blue, hindi ko kasama ang family ko d2 sa angola, at wala akong balak dalhin sila d2 baka ma shock lang sila he he he. pero minsan nag to-tour naman kami sa Asia like hongkong during vacation.
Ang mahirap na sakit dito ay yung “malaria”.. marami ng namamatay d2 dahil sa sakit na yun, ibang klase kasi ang mga lamok d2, dala ay Virus na kakaiba, kaya laging naka Kulambo pag natutulog at laging nagpapahid ng off-lotion bago matulog.
About sa malaria aware naman lahat, me panlaban ng gamot for injection.
Halos lahat kasi na napuntahan kong clinic Puro “Panadol” ang binibigay, and believe me hindi naman sa pangungutya sa mga Doctors d2, wala silang masyadong karunungan sa panggagamot.
Daig pa sila ng mga albularyo sa aming barrio.
Kaya triple sa ingat para wag magkasakit.
Kasama yan sa mga Sakripisyo ko sa Buhay.. wala magawa, nandito ang Dyamante.. he he he
sa totoo lang! it’s really nice that you are here Jeri to share us about anything in that part of the globe! now ko lang naririnig ang mga yan.
of kors nababasa ko sa news about these stuff, pero mas juicy pag deretso sa source.
and with all the natural resources dyan, bakit nga ba andaming mahirap pa rin?
like tong mga pirata sa Somalia… kaaway mga multinational… getz mo ako? ayoko kasi munang ilabas kung ano ibig kong sabihin baka mapagkamalan akong tororista at tugisin ako ni Cora na tiga Indonesia hehehe
Kapitana,sa totoo lang napakayaman ang bansang Angola, dahil bukod sa Mga natural resources nila like natural Gas, meron pa yung Diamond mining.
Kaya lang ang problema d2, napag-iiwanan ng pagbabago dulot ng 27 years na gyera, kelan lang nagsimula lahat ng renovation sa lahat ng pasilidad dito kaya ngayon lang nagkaroon ng chance ang ibat-ibang contractors from other countries.
At higit sa lahat ng Problema dyan ay Corruption.. napakatindi talaga, from lowest class people hanngang sa pangulo, mga kapulisan panay kotong sa mga expats, ang dami ko ng experiece about that.
I already exposed that sa blog ko,.. Luanda is the most expensive city despite the fact that most People here are live in poverty.
eto po yun.
http://bravedier.blogspot.com/2009/06/luanda-angola-worlds-most-expensive.html
yes, mayaman sila and not just angola! buong Africa but the west is bleeding them dry, at ang bago ngayon? Chinese. all they want from Africa eh yong natural resources nila at walang naibabalik na reinvestment sa place na yan, like education sa population on corruption para matigil ang paghihirap kaya talamak ang corruption dyan dulot nang mga foreigners kasi binabayaran kahit na sino makuha lang ang natural resources.
now, balik tayo sa mga pirata. hahahaha! why do you think pinapalayas nila ang mga multinationals? i know balikwa ang drama nilang pangi-ngidnap but deep within, pinag-lalaban nila na ang natural resources na yon eh mapunta sa kanila. kung mayaman, matino at deretso ang society nang mga taong yan, walang pirata.
Kapitana, gusto kasi ng mga Piratang african pipol sila lang ang makikinabang sa Natural resources nila, they don’t allow any foreign investors para i develop yung kayaman nila.. makikitid nga ang mga utak. at yun ang gustong gusto nila para malayaya silang mangurakot sa sarili nilang resources, at sila lang ang nakikinabang etsepwera ang mga mahihirap.
Ayaw nila gayahin sa Saudi, na tinulungan sila ng mga Amerikano para maidevelop yung resources with a certain period of years saka nila hahayaan na ipagpatuloy pag lumago na.. Kaya nagkaroon ng Saudi ARAMCO sa saudi Meaning, Saudi Arabian American oil Company.
Yan ang alam ko coz nag work sa SAudi for a long years, puro Aramco Gas and refinery projects.
At kaya rin maraming impakto na mga mangmang dito kasi walang education na matino, base from my observation marami sa kanila ang hindi interesado mag-aral basta kung anong buhay meron sila kontento na sila duon..
Only South Africa ang alam kong pinaka asensong country in the whole African Country.
jeri,
it works both ways – gusto nang mga pirata na sila ang mag-manage para makurakot nila because they were never taught how to manage properly in the 1st place. ang nakikita lang nila ang pangungurakot nang gobyerness nila for their own kapakanan (anak nang leche! sounds pilipinas hahaha)
maling mali ang ginagawa nang mga pirata, but bottom line ang pinaglalaban nila is for their own survival, extremes na lang nga ang ginawa.
if the west would invest lang sana sa education nang mga to, dapat yon ang strategy for development para umangat ang buhay nilang responsable at hindi ipadala ang buong armada nang mundo there dahil it won’t work. it will never work ang tooth for a tooth. kitang kita kasi nila kung pano nangi-nginabang ang ibang mundo sa kayamanan nila. kaso, to this day, pinababayaan lang sila nang mga powers that be sa mundo. africa is the most misunderstood place talaga. ginawang gatasan.
@Jeri – sya nga pala ano. Nasa epidemiology namin sa nursing ang africa at Papua New Ginue na mataas ang morbidity sa malaria. kala ko naman kasama mo family mo dyan. Napabuntong hininga ako kasi hindi ko maimagin kung pano magtitiis ang mga bata sa condition dyan.
Regarding what reynz said, tutoo yung sinabi nya na the west is bleeding africa dry. Its in the GreenPeace report that Nigeria has the largest oil reserves in Africa pero mataas pa rin ang poverty line nila kasi di sila marunong magmanage. inuuto ng china at ng west tapos ang masaklap pa nito poluuted ang waters because of the waste from the oil plants.
Blue, you can click the link i posted above, may mga pictures dun about poverty sa angola.. ewan ko lang kung makakaya ng powers mo pag nakita mo hitsura nila.. ha ha ha ha
Pero ako, sanay na…..sanayan lang yan kapatid, kasama yan sa pagtitiis ko dito.. ha ha ha baka sakaling makapag-uwi kahit kontik tipak ng Dyamante… waaaaaa ha ha ha ha
@Jeri – tol eto ba yung link? http://bravedier.blogspot.com/2009/06/luanda-angola-worlds-most-expensive.html
eh mas maganda pa sa wari ko ang katayuan ng mahihirap dyan eh?
ayun o, di hamak na mas malilinis pang tingnan yung mga bahay at bata dyan sa angola haha. Wait till you see the pics near the PNR railways hahahaha walang panama ang mga mahihirap dyan sa angola sa lifestyle ng mga pinoy squatters. Talagang halos naglalangoy na sa estero na puro ebak.
Yun nga ang link… sa pinas ganun din, at tama yung nasabi mo..pero dito mas maraming bilang ang mga skwater, at least sa pinas nakakatikim pa ng Tubig Nawasa.. dito mahirap ang tubig kapatid, at mahal ang tubig dito kesya sa gasolina, kaya umaasa lang sila sa Ulan.. madalas nga nakikita ko sa kanal sila kumukuha ng panglinis, yung Car wash nila, sa kanal din kinukuha.
But for us, we can afford to buy it, at kompleto ang facilities para ma purify ang tubig mula sa dagat.
Kaya pag hindi nag ingat maraming sakit sa balat na makukuha, to tel you honetly, marami ring may pigsa dito dulot ng tubig na hindi maayos.. minsan na rin ako nagkapigsa dito… Laking Malas lang sa Pwet ko tumubo… waa ha ha ha ha.. totoo yun kapatid.
kasama pa rin yun sa mga sakripisyo ko.
Panadol; ay isang Generic name ng Paracetamol.
May kanta nga ako dyan in the tune of Lambada; lam mo yun? ganito
Paracetamol biogesic cortal medicol(repeat 2X)
nyahaha naiimagine ko ang tono at lyrics haha ayan kinanta ko tuloy ahaha
i’m not sure kung nabasa nyo ang iniwan na komento ni Tita Ellen Tordesillas sa entry na to: http://barriosiete.com/prelude-to-the-state-of-the-nation-address-ni-gloria-sona-2009/
Vakeet nga ba nakikipag-compete si Gloria ki Mar???
Trip ni Gloria eh… gusto nyang maabot ang tunay gloria.. he he he
Update mga ka-barrio! http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20090717-215817/Drug-firms-offer-to-cut-prices-by-60-but
Kapitana, Yung Viagra ba kasama sa news update na ito?.. curious lang po… bwa ha haha.
Hindi ko pa kelangan yan.. matikas pa ini! he he he
viagra?! ano yon?? wa ako knowing jeri. hehehe! can you define? hahaha
Yun yung kinalabasan nang ma-upgrade yung Candy na White Rabbit. he he he
Me sumubok nga dito na kasamahan namin, nauto sya kasi Pampatigas daw.. kinabukasan nagreklamo, Dila daw nya ang tumigas… Bwa ha ha ha
Teka muna.. napapansit ko wala si lee…
Lee, nasaan kaaaaaaaaa?
Halika dito, Puro Droga ang Usapan, halika daliiiiiiiii
Ilabas mo na mga shabu natin dyann he he he
Pansin pala hindi Pansit… he he he sori mga ka barrio panay tulog ko kasi sa Pansitan… ha ha ha ha
wala si lee! miiyak! andun sa kabilang kanto! hehehe! nagsusumbong ki malen hehehe na-agawan ata nang white rabbit hehehe
natatawa nga ako kay lee, nagdadrama na Comedy pa rin ang kinalabasan.. ha ha ha ha
Makabili nga ng isang Supot na white rabbit ibibigay ko lee para wag ng magmaktol, Baka lalo pa tutulo uhog nya wala na ngang ilong.. bwa ha ha ha ha.
Pero, luv ko yan si lee… full support ako dyan, kahit na madalas nya akong pinapalakol.. he he he
UPDATE: http://www.abs-cbnnews.com/07/18/09/drug-firms-submit-cheaper-meds-list
Drug companies under the Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) on Saturday submitted their proposal to slash prices of 21 medicines in the Department of Health’s (DOH) recommended Maximum Retail Price (MRP) list.
The PHAP met the deadline given by Malacañang for them to submit a proposal on how to make commonly prescribed medicines cheaper to the people.
PHAP executive director Reiner Gloor said the proposal was submitted Saturday morning to the DOH and the Department of Trade and Industry (DTI).
Essentially, the proposal would slash the prices of 21 medicines, but not necessarily by 50%. Some could be lower or higher than 50%, Gloor said.
Gloor admitted their proposal would have a 40% to 50% impact on their sales, but it will be a welcome development if it drives more people to buy.
He said the PHAP, as an industry, supports the goal of improving healthcare.
The drugs covered by PHAP’s proposal include:
* amlopidine, telmisartan, irbesartan, which are anti-hypertensive drugs;
* clopidogrel, an anti-thrombotic drug;
* the anti-cholesterol drug, atorvastatin;
* the anti-diabetic drug, gliclazide;
* piperacillin + tazobactam, ciprofloxacin, azithromycin, metronidazole and co-amoxiclave, which are anti-biotic drugs;
* bleomycin, carboplatin, cisplatin, cyclophosphamide, cytarabine, doxorubicin, etoposide, mercaptopurine, methotrexate sodium and mesna, which are anti-cancer drugs.
this is really good news, reynz, across classes. at sana hindi totoo yung comment sa blog ko na price controls will mean limited supply. sana hindi. benefit of the doubt muna