Chi, on scientifically proven herbal medicines
Our Dayong Baryo writer for today is from England who’s visiting Barrio Siete who’s gonna be talking about scientifically proven herbal medicines. She started writing when she was still in High School. That time, she wrote a novel in a notebook, she just didn’t know if it’s now being sold at the Amazon hehe! She also wrote poems and some were published in “Heartbeat”, their official school publication and continued writing essays while at the University. She even won something from a literary contest to which she claims “nagkamali ata ang judges!” Hahaha! Some of her poems were published in the University’s Official publication sometimes with the help of the author of chocolateword. If you want to learn more about the author, visit her at Journey in my head.
Ako po si Chi, isang Pinay na andito na sa Inglatera, at naimbitahan akong dumalaw sa Barrio Siete ng inyong kapitbahay na si Mahalia. Ay napakaganda nga naman ng inyong Barrio Siete at talagang Fiesta nga! Na balak ko tuloy maging bahagi ng inyong Lugar kayat eto, nag sa submit ng papeles na sana’y maaprobahan.
Ako’y lumaki sa aking lola at di ko maikakaila na sa kanya ko nakuha ang aking kaalaman sa paggagamot. Noong bata pa ko, sa kanya ako naiiwan sa dahilang ang aking mga peyrents ay parehong ngtatarbaho. nooy lagi nya akong inuutusan na manguha ng mga dahon ng halaman at kung ano ano na gamit nya sa pag doktor kwakwak na me kabuluhan at scientifically tested naman pala. At ang mga modernong tao ang actually mga mangmang at hunghang! ARAY! kasama ako roon dahil di rin ako paniwala somehow and tingin ko pa e parang witch sa mga me kaalamang ganon.
Dito sa england, bumabalik ang mga tao sa herbal medicines na mahal pa saa mga gamot! Isa na ko sa kanila! Anyway bago ako maiba ng landas ay eto ang mga kaalamang barrio ko sa mga gamot na talagang “Scientifically proven”.
Sa sugat, galis aso,impeksyon – murang dahon lang ng bayabas katapat nyan! pakuluan ang isang dakot na dahon hanggang maging kulay tsaa ang kulay ng tubig, lagyan ng kaunting asin, palamigin hanggang sa maging lukewarm at saka ilanggas(ihugas o ibababad) sa sugat.pagkatapos ay tuyuin.
Sa sakit sa puson o nabalisawsaw o nag iihi, pandan lang po katapat nyan. 3-4 dahon pakuluan, gawing tsaa. di ba kadali!
Sa kahol (ubo)- oregano lang po! pigain at inumin ang katas (2 kutsara pong katas) pede pong pigaan ng lemon or ialamansi pra mas epektibo.
Sa kabag o sakit ng tyan, magdangdang sa apoy ng tubang balayang at itapal sa tyan.
Sa sakit ng ulo, oregano, 2-3 dahon patakan ng konting asin tapos ay ligisin. itapal sa noo at temples.(ligisin meaning pipitin o katasin, ay hindi! eto na lang pagulungan ng bote o rolling pin ang dahon para kumatas at lumambot. ay ka hirap magtagalog!)
Sa rayuma, muscle pain, tendonitis at mga katulad na ailment pati bugbog at liay, wag na ho kaong bumili ng chili plaster, chili rin ang content non! SILI kung baga! yong pong hindi labuyo para di masunog ang balat nyo. ipahid ang katas sa affected area tapalan o puputan ng panyo o kung ano mang tela. walah! wala ng sakit!
Tut ache, magmumumog ng maligamgam na tubig na me sankatutak na asin!
Sa binulutong, naku uso bulutong dyan sa pinas di ba? mag langgas o maligo ng pinalamig na pinakuluang sampalok.(dahon)
Sa mga kalbo (alopecia, bald patches) Sibuyas, yes! onion lang po ang katapat ng kakakalbuhan nila! gumayat ng sibuyas at ihudhod o ipahid sa kalbo part ng ulo.
Sa sor trot, luya! o kung medyo sosyal kayo, lemon or kalamsi na me halong honey and inumin nyo.
Naku napaka rami pong gamot na naturale na pede nating mahingi o madekwat sa tabi ng kalye o sa hardin ng kapitbahay. believe you me! mga kataas din ng mga dahon dahon ang nsa mga gamot ntin. SA kasulukuyan ngagumagamit ako ng poison ivy tablets para sa aking shoulder, e ano bang nsa ibuprofen at diclofenac? yon ding propertiesng poison ivy! ay karamba!
At kung ang itatanong nyo naman ay ay hilot, buga, usog at suob, me kaalaman rin ako bagamat ako’y skeptic sa mga ito, ano baga’t nakagamot rin at ang lingkod ninyong manggamot ay hindi rin maipaliwanag. Ang mga ito ay baka sakaling mailantad rin sa mga darating na panahon. Sa ngayon sana’y nakapasa ito sa ating mahal na reyna. your majesty,the queen.
Website: http://mabulaklaknadila.wordpress.com
IP: 78.150.31.232
Viewed 17907 times by 4794 viewers
















Thank Chi! Thanks talaga! You know why! Nagka-alopecia ako 2 years ago ata! Yong ulo ko kala mo nabuhusan nang kwan nang pato hahaha dahil me parang hundred islands! The doctor gave me something na pampahid, walang nangyari, nagpa-semi kalbo ako para kunyari! leche! mas lalong lumitaw! hahaha! stress daw sabi nang doctor! Actually, na-stress ako sa kanya dahil mas lumaki yong alopecia ko after the visit hahaha, nawala na sya. sana di bumalik, esp na stress na stress ako ngayon! waaa!!!
yong friend ko d2 me alopecia rin ginawa na nya lahat sbi ko itry sibuyas wla nman mawawala ngkakabuhok na uli sya ngayon me tumutubo na. kplit nga lang yong asawa, ntutulog sa ibang kwarto hahaha!
Alopecia areata, sibuyas nga! o kahit anong irritant sa scalp, pede rrn ang bawang, pero dapat sa early stage pa lang ang medication. pag matagal na at malaki na, kelanggan na ng derma.
trulili! maraming halamang gamot talaga ang mas effective compared to the synthetic ones. pati yung mga damo na akala natin ay walang halaga can actually become a source of treatment on certain illnesses/diseases. mabuti dito sa pinas, relatively cheap kasi makikita mo naman kahit saan. yun nga lang, tamang application or procedure ang dapat kung paano ito gagamitin. importante din na wala itong sangkap na poisonous kahit pa sabihing herbal ito.
thats tru! me bilang din ng dahon at kung ilang beses iinumin at kung paano otherwise me side effects din. so be very careful!
mabisa ang kanyang mga gamot, usong uso ito nuon sa aming baryo
naku kahit ngayon! mas epektibo pa. nabanggit ko nga na dito sa englatera bumabalik ang mga tao pti mga doctor sa mga herbal at homeophatic meds.
in what sense is this scientifically proven? may trials tlga?
most of the government and big private medical restrictions are not based on the findings of the cure or medicinal value of the herbal medicine. FDA and other companies are after the consumers’ money and loyalty. Call me conspiracy theorist, but sometimes, grants and research funds are rarely given to study these because they do not want competition to let say antibiotics and such. Mawawalan sila ng malaking chunk ng business considering na mapupulot at maitatanim mo lang ang mga ito sa tabi tabi.
hahaha nkakapangilabot! bka mya mging mangkukulam na ko! hahaha! yap yap true yan classmate! pati sa hika lagundi rin ang gamot. yong mga me hika at wlang lagundi uminon ng 2 strong cups of coffee. why? caffeine eases asthma! o ayn ha. mainit sa pinas ngayon uso asthma. hahaha.
bagay yan kay Philip O. yung isa pa nating classmate. I-invite ko sa YM na makaparito sa Barriosiete at para di na sya hikain! hehehe.
me hiks din sya? yes yes invite ng invite pra masaya! woooo hoooo!
hay naku Chi, laging niloloko namin noon yong si Philip, laging inaatake. Sana naman nahiyang na sya sa California sun. Naku ibibigay ko sa iyo ang YM non, kausapin mo at maraming kwento. Dito ko pa naichika eh. Ay pag-ka tsimosa ko!
yap! kadalasan ang mga plant extracts e ang ingredients ng meds ntin? tulad ng sennecot from senna sya, rhus tox na gmit ko, from poison ivy. me researches tungkol sa mga medicinal plants and they are scientifically proven. kelangan lang tamang paggamit.
Ayos na post ito ah.
Dagdag lang. Yung dahon ng madre cacao e magandang gamot din sa galis aso. Hehe. Dogs and humans alike.
Gumamet din ako ng herbal para sa mga doggies ko. Haha.
ay oo nga ano? limot ko yon a. iniligo ko na yon dti sa doggie ko!magaling nga yon!
Oo Chi.
Uber inexpensive lang ang madre de cacao. Nung ginalis ang aso kong si Mhello (he’s turning 10 years old and still healthy pa rin..hehe) e umikot ako sa barrio namen para maghanap nun.
In fernez, ilang liguan lang, tanggal ang galis! Heheh.
bantut nga lang noh? i don’t like the smell.
Okay lang yun.
Mas hindi ko maatim yung amoy ng galis ng pet doggie ko. Hahaha.
wahehe! nga nman. pano pag nkalbo doggies? pd rin kya ang onion? hahaha!
Di ko lang alam. Di pa naman umabot na nakalbo ang doggie ko.
Hahaha.
I now remember in high school, I had migraine na twing sasapit ang alas dos, an sakit sakit nang ulo ko na parang dinudurog nang kung ano!
Pinainom ako nun nang cacao “tinubod na cacao” paki-tagalog nga Cat! HAHAHAHA! hindi ko alam sa tagalog hehehe
sorry reynz, hindi ko mahanap yong bicol dictionary ko, baka ginawa na namang pantukod noong kapatid ko.
tanungin mo kaya si glo. kaya lang nasa menila yon ngayon.
cacao kasi is the raw material for cocoa and choc.
when roasted and powdered, it helps reduce headaches. black choc is anti-oxidant.
Contrary to the belief of many, this herbal medicine which is called phytomedicine is an old practice that had been chronicled in old books of different races, culture and religion.
In fact empirical evidences were gathered from old books from india, from egypt and aztecs.
for centuries, herbal plansts that were found effective were listed in their books so that researches used these information as their basis which plants to test.
the testing is different from the usual drug testing where animals and test tubes.
the examination starts with a botanist, ethnobotanist, plant ecologist who identify who studies the biological activities of plants based on the traditional application.
for ref.
you can read herbal and supplements
evidenced-based guide by lesley braun and marc cohen.
BTW, the DOH also approved herbal medicines.
They are the following:
1. Akapulko (Cassia alata) – also known as “bayabas-bayabasan” and “ringworm bush” in English, this herbal medicine is used to treat ringworms and skin fungal infections.
2. Ampalaya (Momordica charantia) – known as “bitter gourd” or “bitter melon” in English, it most known as a treatment of diabetes (diabetes mellitus), for the non-insulin dependent patients.
3. Bawang (Allium sativum) – popularly known as “garlic”, it mainly reduces cholesterol in the blood and hence, helps control blood pressure.
4. Bayabas (Psidium guajava) – “guava” in English. It is primarily used as an antiseptic, to disinfect wounds. Also, it can be used as a mouth wash to treat tooth decay and gum infection.
5. Lagundi (Vitex negundo) – known in English as the “5-leaved chaste tree”. It’s main use is for the relief of coughs and asthma.
6. Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.) – is a vine known as “Chinese honey suckle”. It is effective in the elimination of intestinal worms, particularly the Ascaris and Trichina. Only the dried matured seeds are medicinal -crack and ingest the dried seeds two hours after eating (5 to 7 seeds for children & 8 to 10 seeds for adults). If one dose does not eliminate the worms, wait a week before repeating the dose.
7. Sambong (Blumea balsamifera)- English name: Blumea camphora. A diuretic that helps in the excretion of urinary stones. It can also be used as an edema.
8. Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.) – Prepared like tea, this herbal medicine is effective in treating intestinal motility and also used as a mouth wash since the leaves of this shrub has high fluoride content.
9. Ulasimang Bato (Peperomia pellucida) – also known as “pansit-pansitan” it is effective in fighting arthritis and gout. The leaves can be eaten fresh (about a cupful) as salad or like tea. For the decoction, boil a cup of clean chopped leaves in 2 cups of water. Boil for 15 to 20 minutes. Strain, let cool and drink a cup after meals (3 times day).
10. Yerba Buena (Clinopodium douglasii) – commonly known as Peppermint, this vine is used as an analgesic to relive body aches and pain. It can be taken internally as a decoction or externally by pounding the leaves and applied directly on the afflicted area.
i wonder if the faith in these can be measured somehow, using double blind testing.
there’s no reason why not; but i can see why people would hesitate to test it, if people believes it works AND as bluepanjeet says, nasa exam na sya ng nursing.
why rock the boat,eh?
tawas cures putok. most of the time!
@ mahalia,
LOL.
How about bad breath? Hehe.
@silver: ay listerine na kelangan don! hahaha. o kya kung brave enough, magmumug din ng tawas LOL!
Hanshaket nun. hahaha.
A numbskull born yesterday.
Hahahahaha….
any medicine requires a dose of faith, herbal or otherwise. Kung di naniniwala na gagaling ka halimbawa sa anti-depressants na tine take mo, kahit na isang baldeng pills ang itake, ay ma dedepress ka pa rin.
Faith is when you act on your belief diba? When you want to belief na gagaling ka, mag-papaduktor ka, iinom ng gamot, maghuhukay ng uod at kamote para lang gumaling ka. Kasi halimbawa di ka naniniwala na magpapagaling sa iyo yung medisina, malilimutan mo syang lulunin.
Ang iyong pag-galing ay kaugnay rin sa iyong hope at kagustuhang gumaling. Herbal, generic, branded o kahit prayer healing.
Kaya nga pareho kaming bumait ni Bluep dahil nag-pray over kami sa isa’t isa noong unang panahon. hahahah
@blue
i was relying on you earlier comment, na sinabi mong nasa exam ng nurse ang herbal meds.
I agree also in Bluepanjeet’s diskursyon na maliit ang budget ng information dissemination ng herbal medicine dahil business ng malalaking kumpanya na gumawa ng gamot na bibilhin ng tao.Kaya doon ang tutok ng medicine field. Kung tuturuan ang tao na pwede palang kumuha na lang sa hardin, paano na ang business nila. Lugersya Balboa!
Tingnan mo ang bansang Tsina, ang mga duktor nila ay di pwedeng maging duktor sa ibang bansa, dahil yung ilang taong paghaba haba nilang iniaaral ay homeopathic medicine. Ang kanilang medical books ay nakabase sa mga lumang sulatin ng mga sinauna nilang ancestors mula ng 4,000 years ago. Gusto rin ito ng gubyerno dahil malaki ang business nila sa herbal medicine.
At di dahil herbal medicine ang tawag dito ay pipitsugin. Halimbawa yung ipinagbibili nilang perlas para sa pampaganda ng mukha, ilang libong dolyar ang kalahating kilo.
Kaya nakabatay lang ito sa kung ano ang focus ng isang community or bansa kung ano ang isusulong nila sa larangan ng mga gamot. Tayo sa Pilipinas ay malalim na ang ugat sa komersyalismo, kaya’t monopolya na ng malalaking drug companies ang kanilang agenda.
@blue
sana nga tama ka sa motivation ng BON.
at anyrate, it won’t kill anyone (i hope), so its no problem. i just hope they don’t use it in leiu of the drug-trial proven drugs
if they could prove its efficacy, then they could expand the market, sell it more widely.
as diabetic, i am using the bitter gourd tea and eat plenty of amplaya.
it doesn’t cure my diabetic but at least ir maintains my blood sugar level.
even with the drug maintenance, the diabetes can still get worse. my blood sugar level shot up last dec due to holiday’s sweets and carbos.
then i run out of bitter gourd tea. it is not really tea. it is dried cut up ampalaya that you boil and make into tea. my bs stabilized when i eat boiled, ampalaya at least for 3 days.
I’ll try this CaT. I have few plants of ampalaya sa likod ng basurahan namin. I am not diabetic but I was gest.Diab. which turns into a diabetic condition if I do not watch it. Pang preventive measures din.
Totoo yan Ms. Cat.
My father is diabetic too. At pinasok namen sa diet nya ang ampalaya at green leafy vegetables.
Wagi talaga. Namentain na nya ang kanyang blood sugar.
Sabay iwas na rin syempre sa bawal. haha.
bawang? nakalista ba? paki-check! paki-check! hahahaha!
bakit swallow in whole?
ginagawa ko to nung bata ako, pagka lunok ko eh sisigaw ako ng “KAPITAN BAWANG!” tapos susuot ko yung eye mask at kapa ko.
Hahaha! Seryoso, ginagawa ko to noon
baki nga whole? pra di bad breath? LOL! no kidding, YYYY?
Pansinin: We are what we eat. Kung kayo mong mag-distinguish ng karakter ng isang halaman, (or hayop for that matter), malalaman mo rin kung saan mainam ang mga ito. Halimbawa: kumain ng mga gulay at prutas na slender, papayat ka. Natural, pag kumain ka ng baboy, magiging obese ka.
no offense to blu (anlaki mo pre’), at sa lahat ng mga cute, pero alam na natin lahat na malapitin sa sakit at mahina ang immune system ng mga chubby (pero hindi lahat). Virgin coconut oil, sagana sa lauric acid, would boost anyone’s immune system. I’m using it myself,orally because I needed moisture sa lugar na kinalalagyan ko na ang humidity eh average 8%. Pansin ko rin na pawisin ako pag nakakapag-take ako nito, which is a good sign, lumalabas ang mga toxins sa katawan.
bluep, si mahal no real comment, ako no comment, just asking, What happened?! never mind! slim is pretty bur big is butipul! hahaha katulad ko! LOL!
Bluep, natin pla! LOL!
hahaha. no real comment. natawa lang ako. pero parang totoo nga.
ay bakit ako muka na nga akong rabbit sa pagkain ng mga dahon, laki ko pa rin? waaaa…
ay ano bah? yung no comment ko ay para sa aking pork obsession, parang nagkakatotoo sa buhay ko. Ganon yata ang umeedad na. Bluep, wag kang magtampo ha? No offense meant.
sibuyas sa mga nakakalbo? maibigay ko nga to sa jowa ko tong tip na to. lol.. bwahahah.
thank you chi! and welcome sa barrio!
thanks! actually all that irritaes the skin when applied to kakalbohan, it helps! jelly fish kaya? pd iconsider? wahahaha! joke
Hi Chi, naku mabuti naman at naka-pagconcentrate ka sa day off mo. Ayan nakaproduce ka na ng napakainformative at personally tested post. Good Job! Mabyuhey!
LOL! anong day off? off sick kamo, a week kya eto mnamaximize ang free time! hahaha.
kasi takot ang mga aswang sa bawang. hihihihi
ako mahiig kumain ng carrot. What’s up DOc.
* hop* hop* hop
pag mahilig sa carrot: mahilig umarok ng kalaliman, kahit may balakid walang pakialam (kaya minsan baliko ang carrot, tumama sa matigas or bato)
how far down the rabbit hole do you want to go? wa hahaha!
somewhere in the bible (i guess) pinagbawal ang pagkain ng mga hayop na split ang mga paa. The effect is, would split your mind’s decision most of the times, leading you to stress.(my opinion)
ang gulay na bunga ng singkamas eh gamot din pala ayon dito sa nabasa ko. http://www.stuartxchange.org/Sinkamas.html
the herbs have been clinically tested before they were approved for prescription as traditional medicine for the treatment of various ailments.
This is different from faith healing where faith has something to do with the effect.
if that is so, then any herb can just be prescribed and make people believe that they can be healed.
yes, but by faith, i meant faith in their efficacy.
di ba this is similar to faith healing, in that the healing comes from the person’s faith in the technique/drug. hell, this is true for all drugs (which explains the benefits of placebos)
they have been tested, not for efficacy, but for safety, i.e. mamamatay ba ako kung ginamit ko to?
the answer is, thankfully, no. but as someone else has said, its the efficacy that the issue.
Naalala ko ‘yung halaman sa tapat ng bahay namin, akala ko damo lang. May mga kapitbahay na humihingi. Sabi ko sige, bakit ano ba ‘yan? Damong Maria ‘yan eh. Ah ganun ba? Simula no’n hinayaan ko na lang tumubo ‘yung halaman sa bakuran. Nakakatuwa, tumubo na lang siya kusa tapos may silbi pala.
OLISYOOT. ang tagalog pala ng Ubo is Kahol? HAHA
thanks chit. really informative. magdidingding ako ng oregano para hinde lumala ang kahol ko hahahahahah
By the way, ang tawag pala sa mga herbal, moxibustion, kasama na ang acupuncture, reflexology at body massage sa Baryo Mapagpalaya ay Oriental Medicine.
Akala ko noon sa Baryo Mapagpalaya lang ang nagprkatis ng ganitong mga gamot pati din dito sa Baryo Tate, Purok New York in na in.
darbs, scientifically proven na – masama ang pagpuyat due to stoking…
jozko speaking of dahong bayabas na pang langgas nung maliit pako tinubuan ako ng pigsa tatlo sabay sabay sa pwit walastek ang lola ko nilalanggas pinapaupo ako sa arinolang my kumu kulu kulo pang pinakulong dahong bayabas bakbak pati balat ng pwit at singit ko ayuf pag galing nangitim ang pwit at singit ko santisima ngal ngal ang mader ko dahil dina raw ako kutis mayaman, kutis bayag naraw ako kaya ayun tagal kung anu anu nilagay ni mader para mawala yung nangitim na pwit at singit ko
ang isa pang kagila gilalas nagtatalo kaming magkakapatid nung araw bakit ang lola ko ang utot at hininga amoy bawang, kanya naman pala panay ang lunok ng bawang ginagawang capsule pampababa ng dugo.
pra po sa mga diabeetic at may high blood.ksmote po ksinin instead na kanin(bigas).kain pa din kahit ano ulam kamote ang katapat 3 wks lng baba na blood sugar at highblood khit nd na kyo umininom ng gamot nyo pra maintenance