Color Coding And Traffic Coding
Photo Credits: Here
August 19, 2005, the color coding scheme was suspended. The Mayor hen of Pasig City did not believe in the effectiveness of the said scheme. Now, three years later, the scheme is once again implemented in Pasig City.
For the benefit of bariotics, hindi pa daw mahigipit sa pagtutupad ng color coding na ito sa Pasig. Sa ngayon pag nahuli ka, ireremind ka lang. Next week, ihanda mo na ang panglagay lisensya mo dahil magtitiket na sila. sa totoo lang hindi ko alam kung gaano kahigpit ang mga traffic enforcers dito sa aming lugar. Hindi pa naman kame nahuli dito. Sa tingin ko lang ang madalas mahuli dito ay mga pampasaherong sasakyan lalo na ang taxi at fx. Huwag na ninyong itanong kung bakit hindi madalas mahuli ang mga jeep at bus. Ang madalas na nagiging violation ng mga ito ay ang pagsakay o pagbaba sa maling lugar.
Mayroon din naman na tinatawag na hot spot dito. Kung hindi kayo pamilyar wag nyo ng alamin (baka mabuking). Ito ay isang intersection na kung saan hindi pwedeng basta basta kumanan. Hindi ka pwedeng lumiko sa kanan hangga’t ang traffic light ay na ka go sa kalsadang iyong lilikuan. At wag ka ng mag aksaya ng panahon na lumusot. Kahit po dis oras ng gabi, may mga nakabantay doon para manghuli.
Nasubukan mo na mahuli ng dahil sa traffic violation?
E kung hinde, aba’y makinig kang mabuti. Pag ikaw ay pribadong sasakyan, isa lang naman ang pamosong pamoso sa mga nanghuhuli sa kalsada e, SWERVING. At yes, twice na kame nahuli dahil diyan. Ang ibig ssabihin ng swerving ay pagtawid o paglipat sa dalawa o mahigit pang linya ng mabilis pa kay Pacman. Ay getsing ko na! Kaya pala walang swerving sa Pasig.. neng liit kaya ng kalsada dito. Kaya siguro sila nag ro road widenning para mag ka swerving. Pag ikaw ay nahuli ng swerving, pakinggan mo na lang ang coded language nila para alam mo kung magbibigay ka ba ng lagay lisensya o hindi.
Sampolan natin ha:
Trapik pulis: (kumaway sa iyo at pinahinto ka) Patingin ng lisensya mo.
Ikaw: (wag mo agad bigay, ask muna kung anong violaiton mo) Bakit po?
TP: Swerving ka
Ikaw: (kamot ulo at napapaisip, paano kaya ito?) Ano po ba ang mangyayari?
TP: kukunin ko lisensya mo at kukuhanin mo ito sa aming opisina. Sa aming opisina ay mag seseminar ka, may oras ka ba?
Ikaw: (isip pa rin at may mga lagas ng buhok dahil hindi alam ang gagawin) wala nga po eh
TP: Ang violation nito ay 700 (sa iba 2000, depende sa lugar)
Ikaw: (panat na ang ulo kakamot at hindi pa din alam ang gagawin)????
Hindi mo pa getsing? Maliwanag pa sa sikat ng araw, wala ka naman daw palang panahon para sa seminar eh at ang fee, ineng, malaki laki yan. Sige na itanong mo na ang magic word. Say na agad, e magkano ka ba?
JOWK! Never say directly na magbabayad ka sa kanya, korupsyon yan! at pwede kang mahuli (agen)ng dahil dyan. E kung wala ka talagang oras sa mga seminar chuva at kalbo ka na kakamot ng ulo mo, tigilan mo na ang ulo mo at tanong ka na, ano po ang gagawin ko? (at maghanda ka na din ng 200 o 400)
Meron din namang mababait at may mga prinsipyongTrapik Pulis. Pag ang tanong sa iyo ng isang trapik pulis e, Paano ba ito? Ano ang gusto mong mangyari? Sagot ka lang at makiusap na baka pwede kang pagbigyan at umarte ka na taeng tae ka na. Never insinuate na ready ka to pay, ang mga ganyang linya ay fishing. Sila ang mga tipo na pag nagpahiwatig ka na willing ka to pay, doble ang violation mo. Kaya, careful, careful!
Kaya ko lang naman naisulat ito e dahil nahuli kame noong isang gabi. And yes, ito ay kaso ng swerving. And yes, kame ay may kasalanan. At dahil sa pangyayaring iyon, napaisip ako:
Sino ba ang may kasalanan sa paglaganap ng kotong sa kalsada? Ang mga motorista ba na nagbabayad o ang mga trapik pulis na nagpapabayad? Sino ba ang nasa awtoridad para magpatupad ng batas?
Sa Makati daw walang kotong, trulala?
Viewed 4897 times by 1369 viewers
pehpot is a BS Food Tech grad of UPLB. She was on her second year when she realized she’ll do good on BS Home Econanay. And yes she did, she now hold three degrees on BS Home Econanay (major on scream) and currently on her fourth. She is a multitasker, she blog, she cooks, she breastfeed, she do the laundry. She is the mommy in front (not behind no) of Make or Break (pehpot.com), a parenting blog that focus on humor as a way to survive kids 101. Aside from maintaining her losyang figure (and make or break), she also maintain two more blogs and plan to put up some more. Blogging is her answer to her insanity, it’s cheaper than theraphy.














August 19,2005 nasa Pilipinas ako sa Pasig, I lived there from February 2005 to September 2005 ata and I knew dahil all the while na andyan ako, nakatago ako sa lungga every Wednesday dahil yun ang color coding days ko. Iritang irita ako dyan sa lecheng color coding na yan. But i learned how to live with it.
Totoo yang sinabi mo about hot spots. Me alam ako, part ata nang San Joaquin yon, maybe I’m wrong but I know the place pag napunta ako dun dahil pag liko ko, wala namang sign and everything leche, pinara ako. Ang pagkakamali ko nakita nya yong US Drivers license ko nung hinuhugot ko yong lisensya ko. I guess alam mo na kung magkano binigay ko. Oo iritang irita ako.
uy parehas tayo.. Wednesday din coding namin..
waah in dolyars? ang susyal ng trapik pulis na un!
Kahit dito sa bukid may ganyan din. Kaya nga yung mga kotong cops dito niratrat ng mga vigilante.
katakot pala dyan sa inyo Mel.. e sana naman nabawasan nga ang mga kotong kings jan
Ako naman nung nasa Pinas pa ako eh pinara ako ng MMDA at eto ang naging usapan namin
Ako: Kuya, may problema ba?
MMDA: Oo may traffic violation ka
Ako: Ano ho ba ginawa kong mali
MMDA: Illegal Swerving ka
Ako: Illegal Swerving? Pwede ho ba ninyo explain sa akin kung papaano legal swerving?
MMDA: *kamot ulo*…*kaunting smile*..Cge patatawarin kita ngayon, masyado kang madaldal.
Vrooommmmmmmmm..Bye bye!
illegal swerving? patay! naiwan ni Manong ang diksyonaryo.. eto pala ang magandang palusot ahaha
hahaha natawa ako dun Rob!
of all my driving miss daisy sa Manila, once lang ako nagkatiket talaga. kahit na nung hinuli ako sa San Joaquin, dollars lang gibsung ko, tapos.
hinuli ako dito sa Edsa kanto nang East Avenue – leche wala syang sign na NO LEFT TURN, alam mo kung asan sila? nakatago dun sa mga kahoy. ang unang pulis will not stop you – para atang tip dun sa susunod na pulis to stop you. ang sabi saken no left turn daw dun. wala namang sign sabi ko. meron daw at pag kinontra mo sila – talagang galit silaaa! hahaha!
nagbayad ako nun! hahaha! i think i blogged the receipt sa reyna elena hahaha
how mats? at nag attend ka ba ng seminar nila? wahaha
may mga style din talaga ang mga mokong no.. talagang ginawa ng negosyo.. ung part na sinasbai ko sa may ipi LOL.. ang tawag namin ng asawa ko sa lugar na end of the rainbow.. may pot of gold kase wahaha
Mga kaibigan ko pinipikchur nila yung mga signs na yun..Pag hinuli sila, pikchur din nila nanghuli. Miss ko na mga yan. Pero dito sa barrio ko walang modo mga driver!!! Alam lang mabilis, pag nagkaroon na ng problema di na nila alam gagawin nila. Amp! Kaya ang taas ng insurance dito!!!
Mas impakto naman ang mga drivers dito sa New Orleans, highway na highway akala mo nasa Barrio Onse, titigil sa gitna at bababa mga leche, tapos biglang stop dahil liliko, taz magtatanong kung bakit sila binangga.
Worse, majority pala nang mga impaktong drivers dito me mga insurance na binili sa mga engkanto kaya ang insurance ko sobra sa DOBLE compared sa Philadelphia. And I was told na pag binago ko registration ko, bayad uli ako based sa sales value nung car ko nung binili ko sya! HUH?! kaya ibabalik ko ang kotse ko sa Philadelphia! hahaha! impakto talaga oo!!!
and BTW Rob,
ba’t ganun, nung nasa Philadelphia ako, I thought Philadelphia has one of the highest insurance sa US, kaya ang mga tigaron bumibili at nakaregister ang mga kotse sa New Jersey until nag-mahal ang insurance sa Jersey. Pagdating ko dito sa New Orleans, doble pa! Lahat ata nang puntahan ko sa Amerika puro sila ang pinakamahal na insurance sa Amerika. Lito ako! HAHAHA
Depende ata sa assessment sa mga City kung gaano kadalas at ka severe mga aksidente. Sa Cleveland kasi mura din insurance ko doon.
isa lang daw ang dahilan dun Reynz.. mahal ka nila.. kaya kung saan ka andoon.. nagmamamhala sila!! wahaha
Basta ayoko na magdrive sa Pilipinas dalawang Jackson ang binayad ko nung mag right turn ako sa may Ayala galing ng Edsa wala naman sinabing NO TURN On RED grrrrrrr! kakayanin ko mag drive sa NY pro sa Manila di baleng mag dyip o kaya lakad nalang!
ako din ayaw ko.. pero andito ako sa pinas eh hehe.. kaya kahit anong pilit ng asawa ko ayaw ko mag aral.. hindi lang ang mga bwayang trapik pulis ang ayaw ko makasagupa.. pinaka hate ko ang mga nag momotor na akal mo sa kanila ang kalsada. hmp
Hay naku Maxi! you should read yong Driving in Manila experience ko sa Reyna Elena hahaha maloloka ka hahaah! Pero kasanayan lang actually dahil dun, defensive driving at kabaliktaran saten in the US. Ngud ngud mo lang nang konti ang nguso mo, pasok ka na hahaha! anak nang driving sa pinas yan oo!
hinanap ko nga sa mansion at hahahah napaubo ako sa kakatawa! sayang nga lang wala dun nga mga pictures. super true talaga yun sinulat mo dun.
Pero isa lang masasabi ko..Kung magaling ka mag drive sa Pinas, kahit saan pwede ka na mag drive LOL! Kahit New York!
actually ako Rob, without my navigator, i could not drive in NYC or even DC hahaha, pero kayang kaya ko ang Manila. just give me one day to adjust at kaya kong makipaghabulan sa EDSA hahaha
Nasanay kasi ako magmaneho dun sa barrio namin kalabaw at mga iba’t ibang hayop ang kalaban ko sa daan, pag napunta naman ako ng siyudad tricycle naman. Di rampant ang kotong in my province, ni minsan wala pa akong narinig na nahuli ng traffic violation, on most cases overloading ng mga passenger bus ang kadalasang hinuhuli ni manong pulis kaso ang me-ari ng mga bus companies kundi meyor, kamag-anak ni tongressman at kung sino mang ponsyo pilato sa gobyerno so lagin lusot sila.
ganun ba yun Rob? dahil sanay sa barambaduhang driving? LOL
wawa naman mga jeepney drivers natin pag napuntang US LOL
may kotong po sa makati. pero hindi ka magbabayad sa kung saan ka nahuli. magkikita kayo sa isang mas tagong lugar nung kotong boyz. may susunod sa iyo na naka-motor (hindi naka-uniporme) na may dala nung license mo.
ingat din kayo dun sa mga pasay road sa may dusit. na-one way ako dun. P2000 ang sinisingil sa akin nung nahuli ako. eh ayaw ko maglagay kaya nagpa-tiket ako. e malay ko ba na one way from 4pm-9pm yung lintek na kalye na yun. hindi naman ako dumadaan sa kalye na yun.
pagdating ng lunes, tinawagan ko na lang yung pulis-makati na kilala ko. nagpasama ako para kunin yung lisensiya. nakuha naman.
nung mga sumunod na nahuli ako (sa iba’t ibang lugar sa maynila), nagbayad na lang ako.
ang sabi nila wag ka daw papayag na kuhanin nila lisensya mo, dapat daw issue lang ng tiket
Anyway Pehpot:
In London, to control the cars going into the city, an taas taas nang toll fee. I wish andito si Lalaine to explain. Busy siguro sa schooling. Etong lecheng color coding means that you can’t use your car on days na pano kung me business ka on that day? So you get a second car and pay exhorbitant fees para me license ka that would work on a particular day na coding ang 1st car mo. So what happens, nadoble ang kotse sa kalsada.
Ang di ko talaga maintindihan sa MMDA was that, kung ang Bangkok na-resolve ang traffic, tayo decided to limit the cars on the street which we know did not work dahil nga nadoble ang kotse.
What they should have done was to make more network of roads. But no. Di nila magetz ang solusyon na to.
Worse, maaga ka mang umalis sa bahay mo so that you can be free dun sa window nang coding, ang lecheng traffic naman ang yayari sayo to be on the road during that window time para kang pinain sa buwaya dahil andyan sila sa kalye para hulihin ka.
Tama ba ako?
you have a point there but come to think of it, not a lot of drivers can afford to buy another car. The color coding helps a bit but it is not the solution. Ang dapat talaga mahigpit na implementation sa traffic rules at disiplina para sa mga tsuper. Eh dito nga di ba along Ortogas Avenue.. lintik sa galing ang disiplina ng bus at jeep dirvers, sa gitna ng kalsada, nagsasakay at nagbababa.
Eto pala naharbat ko sa forum:
President of the Republic of the Philippines and/or PANGULO 1
Vice President of the Republic of the Philippines 2
Senate President 3
Speaker of the House Representatives 4
Chief Justice of the Supreme Court 5
Cabinet Secretary 6
Senator 7
Congressman 8
Associate Justices of the Supreme Court 9
Presiding Justice and other Justices of the Court of Appeals 10
Chairman of the Commission on Elections 11
Cabinet Undersecretary 12
Solicitor General 13
Chief of Staff, AFP/Chief, PNP 14
RTC Judges 16
And the latest is number 17
Those that can use the “17” license plate are judges of the Metropolitan Trial Court (MTC), Metropolitan Trial Court in the Cities (MTCC), Municipal Trial Court (MTC), and Sha’ria Court.
ibig sabihin all congressman can use the number 8?
parang ang dami ko nakikitang sasakyan with that number..
Vicious cycle. Color coding is never a solution to traffic. Yan ang mangilan-ilan sa mga naretain sa napag-aralan ko sa urban planning. hehehe.
What do you suggest kuya Ely?
Sa akin strict implementation ng traffic rules. walang kotong kotong.. walang lagay lagay, lumagpas lang nag kaunti sa linya, huli na agad! (ay naging OC) LOL
I have a lot of experience about traffic violation… noon yun.. bago-bago pa lang ako magmaneho sa maynila….
Paano naman kasi dimo maintindihan kung saan ka dapat lulugar..
Minsan nakatago yung karatula na ” No parking here”…
Meron din yung “No right Turn at anytime”.. pero nandun nakasabit sa taas, at di gaanong mapansin.. kaya ayun si boy kotong nag-aabang..
Nahuli ako ng Pulis sa Quirino Avenue nung nagbakasyon ako last May.
Lespu: akin na ang licensiya mo.
Ako: anong violation ko sir?
Lepu: dimo ba nakikita yun? no rigt turn at anytime?
Ako: (kamot singit este! ulo pala.) paano mapapansin sir, bukod sa nakatago, eh inaagnas na yung Pintura.
Lespu: Narunong ka ba talaga mag-maneho?.. ano yung limang Kambyo ng sasakyan mo?
Ako: primera..segunda..tersera..kWarta…at kinta ser.
Lespu: dun..dun.. dun tayo tayo sa pang-apat. (Kwarta)
Anak ng teteng talaga oo.
kwarta pala ha.. so sana nag abot ka na din ng pang pintura dun sa sign nila wahaha
Kung gaano katalamak ang pangongotong ng mga pulis sa pilipinas, may talamak at hayok ang mga kapulisan dito sa Angola.. in dollars pa pag nangotong.. pinakamababa 100 usd..
Kahit walang violation basta kinursunada, dapat magbigay na lang kasi 2 lang ang magpipilian.
1.Kulong ng isang araw (tiyak mag piyestahan ka ng mga lamok may libre pang Malaria)
2.100 usd para maka uwi ng bahay (bawas na naman ang allowance)
$100!?!? ay ka grabe naman pala diyan!
Pehpot,
Palpak ang traffic management dito sa Pilipinas. Bakit kako palpak ang nasabi ko. Eto ang mga dahilan ko:
1. Kulang sa education regarding traffic rules ek-ek ang majority ng mga drivers. This can be one of the probable root cause kung bakit maraming accidents at pangongotong ng mga pulis at enforcer dyan. E kasi naman, kung abno ka sa batas trapiko at sinabihan ka ni Officer Kotong na ganito ang violation mo, syempre para walang gulo e magbabayad ka na lang ng lagay.
2. Kulang ang monitoring sa mga kotong rangers na yan. I heard na MMDA bought a lot of digital ticketing assistants para computerized at monitored ang pagtiticket at mababawasan na ang pangongotong.
3. Kulang din sa education on the part of the enforcers themselves. Kesyo nakasuot lang ng uniform, may batuta o baril e mayabang na. I have my own experience dito sa SLEX, tumatawid ako sa nearest bridge sa lugar namen na katabi lang halos ng SLEX. Aba may mayayabang ng tiga-PNCC na gusto akong hulihin at dalhin sa office. Although medyo dangerous nga ang pagtawid sa tulay na iyon, ang laki ng pakinabang ng mga tao lalo na kapag nagtitipid. Ang hindi ko ma-take is THE ATTITUDE OF THE ENFORCERS. Okay na mapagsabihan ako – fine let them have it their own way. Pero uber nairita ako nung sinabi pa ng PNCC enforcer na tutukan nya ako ng caliber .38 na nasa baywang nya.
Kiver ko naman kung tutukan nya ako. Kaya ang ginawa ko, tinalikuran ko sila parehas sabay dinasalan na sana mawalan sila ng trabaho at marealize nila ang papanget nilang attitude. A few months later, maraming na-layoff sa PNCC. I bet kasama ang mga dinasalan ko dun. LOL. Marami kasing tiga-PNCC dito sa amin. At uber HAMBOG talaga kesyo naka-uniporme.
4. Hindi safe ang mga roads natin at napaka-estupido ng kulay fenk na pinagpipintura ng MMDA dyan sa mga kalye natin. Ang tanong kasi ano ba ang standard color pagdating sa kalye? Di ba either yellow or black lang yan pagdating sa markings. Dapat nga may refector pa nga ang iba dyan. Aba, nakikita ba kaya ang PINK sa dilim? HALLER, puro papuge ang nalalaman pero yung actual reduction ng traffic and accidents e palyado. Lagi lagi na lang ako nakakarinig ng aksidente sa daan. Kung matino ang road and traffic management na sinasabi nitong si Bayani Fernando, e di dapat may significant reduction sa aksidente.
Yun lang at aatakihin na naman ako ng highblood. Naalala ko na naman ang mababantot ng PINK URINALS sa MAKATI. Hmpt!
Ay Silver agree ako sa’yo. Kulang na kulang talaga ang education ng mga tsuper sa mga batas trapiko. Kung sana mabibigyan pansin ito ng ating gobyerno, baka sakali e mabawasan ng kaunti ang problema sa trapiko.
Bilib naman ako sa tapang mo at lakas sa itaas.. talagang tinaggal sila sa trabaho no..pero tama naman talaga, para bang akala nila, pag nakasuot sila ng uniporme, nakakatakot na sila.. e for sure wala pa sa 50% ng traffoc enforcers ang talagang nakakaintindi ng batas.
Ako din nagtataka kung bakit pink at blue ang mga kulay ng mga kaanikan at kachorvahan ni BF. In fairness to his kachorvahan, some are really efefctive. Like the one in EDSA or CUbao area.. mas naging maayos ang daloy ng trapiko dahil nagkaroon ng sariling linya ang mga bus.. Iyon nga lang mas madami pa din ang hindi sumusunod.LOL Kung sa urinal ka sumusuko, ako naman natatakot tumawid sa mga tualy nilang kulay penk.. e paano ba naman parang pag pumadyak lang ako ng kaunti, bibigay na.. waaaah
Pehpot, good luck sa driving adventure niyo sa Manila. I don’t drive so wala akong ganyang mga na-experience. pero there was once with our friends when we traveled for a short out of town trip somewhere in Davao Oriental. May nakaabang na police along the highway and bigla na lang kaming pinahinto. We thought, ano kaya violation namin…
Pagkatigil namin, sumilip sa loob ng sasakyan, tapos, parang nag-isip pa eh…all the while we were thinking din kung ano… haaay! wala talaga… parang humingi lang ng pang-agahan! imagine! ang kakapal ng mukha… haaay. we had no choice though kasi malayo pa yung byahe eh…
yikes kapal naman talaga! so sana hinigsan nyo na lang ng umaalingasawa na tuyo o kaya tutong na kanin para matauhan sa kakapalan ng mukha un hehe
[...] nga sa lecheng color coding na yan twing myerkoles, nakatupi ang kotse ko napipilitan akong mag-dyip mag-taxi mag-trayzee at [...]
[...] nga sa lecheng color coding na yan, twing myerkoles, nakatupi ang kotse ko napipilitan akong mag-dyip mag-taxi mag-trayzee at [...]
nahuli din kami ng tabaching ko, kalalabas lang namin sa mall, di pa niya nailagay ang seatbelt gayon din ako, dalawa agad ang violation non, first wala siyang seatbelt, 2nd violation-the driver should inform me to wear seatbelt, pangmeryenda solve na sila, umikot kami, nag U turn, hinto ulit, huli na naman, no U turn daw yon, sa loob ng 3 minutes, 3 violation agad, bigay ulit pang hapunan, di na kami nagdaan don, baka pang midnight snack naman ang hingin nila