Confession of a teenage dramatistang bading

- Image via Wikipedia
I have a confession to make.
Opo, kuya, ate.
Isang pagtatapat mga ka-barrio. Hindi ito tungkol sa aking pagkatao dahil matagal ko nag ipinagtapat sa inyo na hindi ako isang tao. Sa mga hindi pa nakakaalam, isa po akong “diyosa”.
Hahaha! Charing lang.
Seriously (kunwari), mahirap man itong sasabihin ko ay kailangan ninyong malaman ang isang katotohanan na matagal ko nang tinatago sa sarili ko dahil mahal ko kayo mga masugid naming mambabasa. We owe you the truth and as the saying goes, “The truth will set you free”.
Hehehe.
Nakapag-ipon na rin ako ng sapat na lakas para masabi ang susunod na mga statements.
Don’t worry, hindi ito madrama. Wala akong hilig sa drama noh. Walang iyakan chorvaloo dito. Ako pa? Eh luka-luka ako. Hahaha!
Anyway highway, ano ba ang ipagtatapat ko sa inyo? Kasi ganito yun. Meron po akong kinatatakutan. Isang kakaibang phobia na marahil only a few of us have it sa buong world population. Opo. Ganyan kaselan ang “ailment” kong ito. Nakikiusap din po ako na sana ay maintindihan ninyo ang aking kalagayan. Pigilan niyo muna ang pagtawa gaya ng pagpigil niyo sa pag-utot habang nasa elevator kayo.
Heto na. Friends, meron po akong….
“Manilaphobia”.
Photo Credits: Flickr
Yes.
You heard it right. Takot po ako sa Maynila. Now, puede na kayong umutot.
In my seventeen years of existence dito sa mundong ibabaw, twice pa lang ako nakakapunta sa Maynila. The first time was when I was still three years young, dahil sinama ako ni mother and my ninang. Sa totoo lang, wala akong maalala na memory sa biyaheng ito. The second time was in high school nung sumali ako sa national jamborette ng mga Boy Scouts. Opo, naging boy scout po ako kahit gurl ako. Barko ang sinakyan namin noon and I thought the trip was very dreadful.
Sukang-suka ako sa biyahe. Hindi siya glamorous gaya ng mga napanood ko sa Love Boat. Pagbaba ng barko, unang tapak ko pa lang sa pier ng Maynila ay masamang balita na ang bitbit ko. Nawala ang iilan sa aming bagahe kasama na ang maleta ko. Hinarbat ng mga nagkukunwaring porter. Buti na lang at hindi pa Louis Vuitton ang maletang dala ko noon. Charing!
Anyway, fast forward to today.
Bakit ba ako takot pumunta sa Maynila? Ewan ko talaga but the thought of going there in our country’s capital is quite scary for me. Pinagpapawisan ako ng maraming singot ‘day. Hahaha!
Seriously, wala naman akong masyadong masamang memory of Manila except the one I mentioned above and the stories that I hear from friends who have been there to visit or stay there for quite a time and almost all of their stories are medyo nakakapraning. Alam niyo naman kaming mga taga-bukid kapag nakakatungtong sa ciudad ay parang nawawala sa sarili. Well, at least in my case. Hindi naman lahat ng taga-bukid katulad kong tatanga-tanga at luka-luka. Hahaha!
Yun bang stories na pagsakay mo pa lang ng taxi ay masama na ang experience dahil pag nalaman ng ibang gunggong na driver na galing bundok ka ay sasamantalahin nila ito upang chumika ng ka-ek-ekan at sasabihing ganito kamahal ang pamasahe galing airport at hindi na paaandarin ang metro. Worse is sisingilin ka pa ng libo-libo. O kaya naman ay kahit malapit lang pala ang destination mo ay masyadong tumatagal ang byahe dahil yun pala ay pinaiikot lang ng lecheng driver sa kung saan-saang eskinita ang taxi hanggang umabot ang patak ng metro sa “driver’s desired amount”.
Meron din story na pagbaba mo pa lang sa sinasakyan mong dyip or taxi ay biglang aagawin ng mga snatcher ang bag mo. Or tatabihan ka sa sasakyan at ikaw naman na nakanganga sa kawalan ay walang malay na hinihiwa na pala ang gilid ng bag mo.
Minsan, kapag naglalakad ka sa kalye ay biglang may lalapit sa’yo at chichikahin ka. Kapag nalaman nila na baguhan ka lang dun ay mag-ooffer na tutulungan kang makahanap ng lugar or hotel na mura na puede mong pansamantalahang tirhan, yun pala dadalhin ka lang sa isang eskinita kung saan merong naghihintay na kasamahan ang loko and guess what, holdap na pala ito ‘day! Juice ko. Nakakalokah! At ang masama pa nito ay baka saktan ka pa nila kung hindi nakuntento sa kinuha sa’yo.
Yung isang kaibigan kong bading nag-strolling sa isang mall diyan sa Maynila. May sumunod na gwapong lalaki sa kanya at nagpakilala. Akala naman ng friend ko ay gusto siya ng lalaki kaya sumama din ang hitad sa isang lugar kung saan silang dalawa lang. Totoo naman na kursunada ng lalaki ang malandi kong friend. Kursunadang holdapin. Ayun, umuwing umiiyak ang bruha.
Iilan lang ito sa mga kuwento ng mga friends and relatives ko nung perstaym nilang mapunta sa ciudad. I know, hindi lang naman sa Maynila nangyayari ang mga ito but also in other cities in the country. Ang mas nakakaloka lang talaga ay ito ang madalas na eksena na nakikita ko sa balita sa tv. In short, magulo ang tingin ko sa Maynila. Araw-araw na lang may snatching, holdapan, kidnapping, patayan. Juice ko, kinakarir na yata ang mga gawaing ito diyan. Charing!
Alam niyo kasi, the place where I come from, dito sa Davao, walang masyadong ganyang eksena. Kung meron man, very isolated lang ito. Yung mga snatching and holdapan, I’m proud to say that back home, rarely lang itong nangyayari.
Medyo hindi maganda ang ugali kong ito. Masyado ko yatang nase-stereotype ang tingin ko sa Maynila. Hate ko pa naman ang stereotyping.
On the other hand, this Manilaphobia of mine has a relative counterpart diyan naman sa mga taga-Maynila and many foreigners. Ito ang tinatawag na Mindanaophobia. Ito naman ay yung fear na pumunta or mapunta sa Land of Promise, Mindanao. Mas nakakaloka naman ang phobiang ito dahil may variation. In some cases na hindi lang sila takot mapunta sa Mindanao kundi may takot din sila sa mga taga-Mindanao.
To sum things up, I realised that this kind of fear should be blamed to the media. Mainstream media to be exact. Why? Eh ikaw ba naman ang makapanuod, makinig at magbasa araw-araw ng mga balitang nagkakagulo sa Mindanao, at kung gaano ka-talamak ang street crimes sa lungsod ng Maynila ay gugustuhin mo pa bang mapadpad dito?
Kung minsan kini-question ko na ang credibility ng mga media companies because sa totoo lang hindi na accurate at medyo exaggerated na ang balitang nabo-broadcast at nasusulat. Nakakainis to the extent na sinisigawan ko na ang tv dahil sa inaccuracy at sobrang exaggeration. Halimbawa, may giyera sa isang barangay sa isang isla sa Basilan between rebels and the military pero ang lumabas na balita sa tv ay may giyera na kaagad sa Mindanao when in fact isolated lang naman ang area kung saan may gulo. Same thing happened when a gang war broke out in a street in Tondo but the reporter projected it na parang ang buong lungsod na ang may giyera.
Ano ba talaga Kuya?!
Kelangan ba isensationalise at palakihin ang balita?
Nakakalokaaaah!
Now, can you blame me for being Manilaphobic?
Viewed 9874 times by 2215 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.
![Reblog this post [with Zemanta]](http://img.zemanta.com/reblog_e.png?x-id=f484f30b-7a26-4253-94c9-e68cd97f3eab)














Ako din, takot sa Manila. Ang unti nga lang na nare-report eh, kumpara sa bilang ng mga krimen talaga. I blame poverty (for which I blame corruption) naman.
Ang media naman, ideally objective ang reporting. Nase-sensationaliza nga minsan, but still, appreciative pa rin ako sa information (e.g., modus operandis), nagiging mas maingat.
At least hindi pala ako nag-iisa dito. Hihi
On the other hand okay na rin ang role ng media dito. They gave us info, yun nga lang medyo OA na yung iba.
And yeah, nagiging maingat tayo when we get there.
‘day, it’s all in the mind!
dati takot ako sa Tondo and Quiapo, pero nun nag college ako, I frequent those places, pati Recto, Divisoria, Carriedo. Dyan ang kuta ng mga snatchers eh hehe. Ngayon, hinde na ako takot…sila na ang takot sa kin lols
i agree with you, foreigners and locals alike are afraid to go to Mindanao.
re davao, i love davao talaga! napaka-peaceful and clean. wish ko lang mag-migrate dito sa Manila ang DDS.
wish ko din magmigrate ang DDS sa CEbu.
Ate Malens hindi ko na pala kelangan mag hire ng bodyguard kung ikaw ang kasama ko diyan. Hahaha
also mel, should you come here…let us know…sasalubungin ka naming mga pans mo ng bonggang bongga!!!
@Mel – let me know kung kailan ka pupunta ng Manila. Pangarap kong maka-EB ang mga B7 people. ^_^
Mel,
guaranteed na magaling na sikyo yang si Malen. there’s another one, si Agnes hehehe, pag umiinit ang ulo nang dalwang yan, bibigyan ka nang dinner sa Shangrila in Makati hehehe
alalay
katulong
masahista
tiga-bili nang 3-n-1
tiga-bili nung (whatever da heck that dessert na colorful hehehe)
tsaka hindi mo babayaran si malen.
ikaw pa kamo ang bibigyan nang $300 hahahaha
mel, takot din ako sa manila. di ko kayang pumunta doon mag isa. well, ginawa ko noong first time at last kong pumunta. kasi walang choice, ako lang mag isa. interview sa us embassy. ginawa ko, airport-embassy lang tlaaga. di ako rumampa, baka anong mangyari sa akin. juicekopo. pero siguro kung maranasan natin tumira sa manila ng matagal-tagal, siguro naman mawawala na tong takot natin.
I think so too. Sanayan lang yan. But as of now, puedeng huwag muna? Hahaha
ako ang siga nang Pasig. teritoryo ko, likod nang Podium hanggang Rosario sa may Floodway hahaa! mag-sabi ka lang kung kelan ka pupunta. ako bahala seyo. marami akong alam kung saan nag-tatago ang mga hinahanap naten. hahahaha!
ready mo lang card mo kasi minsan ang mga tulisang to, ang hinihingi pridyidir.
Ay pridyidir? Ang mahal naman! Hahaha
Ate Reynz siga ka nga pala sa Pasig so safe pala rumampa diyan. Hehe
Lumaki ako sa Makati which show a stark contrast between the rich and poor talaga. Pag tumatawid ako papuntang Bangkal, ayan na, makikita mo yung other side ng Makati.
Noong una, nakakatakot pero nasanay na ako. Minsan kelangan mong maging siga or masungit kasi mahirap na makipag-talk to strangers. Madami ding siga dun at mga gangsters or pasaway na kabataan.
Sa Ayala side ng Makati, nakakatakot din kasi you dont know, baka isang araw e bombahin na lang ang mall na pinupuntahan mo, or holdapin na lang ang store na pinuntahan mo or bigla na lang may mag-attempt ng coup de etat sa hotel na pinuntahan mo.
Overall, kaunti na lang ang lugar na talagang safe dito sa Pilipinas. Batanes na lang ata. In fairness, I love to go to that place. Ang simple lang kasi ng mga tao dun – yung mga Ivatan.
i remember nanligaw tong kebigan ko dun sa sampaloc
isama ba naman ako. mga 6 kami nun
ginabi kami nang uwi
nag-lalakad kami palabas
pinag-babato kami nang tarantado
dahil yung isang nasa kanto eh nanliligaw den
akala mo ba, nasa dyip na kami eh pinagbabato pa kami?
mula nun indi na ako napunta sa lugar na yan
except espana
oo.. alam ko yang lugar na Bangkal Makati. Nagbabatuhan ng bote ng beer ang mga tao diyan, take note: hindi pa sila lasing nun.
tatawid ka lang ng isang riles at isang highway, iba na kaagad ang Makati, nasaan na si Binay at ang Makati Yellow Police?
Promking,
You read my mind. Oo, isang riles at highway ang tatawirin mo para makita mo ang other side ng Makati.
Reynz,
Tindi nun ha. Nasa jeep na e may botehan na. Hahha.
Hi mel, laking maynila rin ako at talagang nakakalokang tumira don, kaya lang sanayan lang yan at saka prayer helps a lot, kahit saan ka naman tumira maaaring mangyari ang di mabuti, but in fairness sa mayor ng maynila, may mga pagbabago rin namang nangyari kagaya sa quiapo maayos na ang underpass at may sarili ng puwesto ang mga sidewalk vendors
Dapat overcome your fear. Daming nagmamahal sa iyo dito, kami ang bahala sayo. Nakikisawsaw lang. Hehehe. Sangkaterbang ingat lang and dapat mong baunin pagdating dito. Sagot ko na ang Kyusi..
Just wondering…dumadami ang masama elemento at krimen sa pinas pag malapit na election. Only in the Philippines. Pinoy nga naman.
taga Davao ka pala Mel? pag nakabalik kami dyan, tour mo kami ha.
alam ko, sobrang safe sa Davao. Kahit hatinggabi ka maglakad sa kalsada, walang adik na gagalaw sayo.
Dito ako sa Maynila pinanganak. Dito na rin ako nagtatrabaho ngayon. Extremes ang mga tao dito, may nakakurbata na holdaper at may mga taong grasa na manyakis. may mga kabataan na tambay at may mga matatanda na tomador.
Hi MEL!
i’m from davao too… manilaphobic din ako dati
dahil sa naririnig at nakikita ko sa tv
dito na ako ngayon..natatakot pa rin ako
at syempre,mas friendly ang mga boys dyan sa davao
habang sinusulat ko ang komento ko..may dalawang tao pala sa likod ko at lalaki sila
ang sabi nya..pano daw sya?..di ba daw sya mabait..
o sya,sya..dahil taga malabon at taga bicol sila
friendly din ang mga boys ng malabon at bicol