Home » Business and Politics, Chizmiz sa Barberya, Opinion

Cory Aquino; from a Marcos loyalist point of view.

9 August 2009 30 Comments

ely_phototectureEly is a long-time reyna elena dot com reader and has been one big-time B7 supporter. I love this guy at wala akong pekealam kung ano ang political colors nya because ang aking loveliness has no set pre-conditions (bahala na kayo mag-define hahaha) at ako ang magiging fairy godmother sa kasal nya. But it got me curious kasi, even though 100% B7 fan, supporter achaka defender of truth, freedom and equal employment opportunity tong aking love na si Ely, somehow iniwan nya kami sa Touch a Blogger: Tie a Yellow Ribbon for Cory Aquino. I never really knew kung nagalet si Ely sa-akin or sa mga ka-barrio ko, but I still visit his site baka kasi busy na naman for he always is. Until I read his entry…

Nabasag ang puso ko. Bitak bitak ang butil nang luha na duma-usdus sa mala-porcelanang pisngi ko. At mas lalo syang napamahal saken, tuloy gusto ko syang imbitahan for one candle light $20,000 dinner at Le Cirque in New York. Kaso, sa kinsenas pa ang sweldo ko at ang kalahati eh nakataya sa pahulugan. Pero, pramis, padadalhan ko sya nang balikbayan box. Take note: sabi ko box. At hindi lang yon, bibigyan ko pa sya nang lobo at babolgam and if Ely decides to join us in da Barrio as a writer/contributor, hindi na nya kelangan nang NBI clearance at lalong hindi na sya dadaan sa Immigration.

Kaya sapilitan kong ninakaw at hinarbat ang entry na to. Oo, wala syang pahintulot. Handa akong ipa-barangay nya.

CORRECTION Obit Philippines Corazon Aquino

Photo Credits: Yahoo

Cory Aquino; from a Marcos loyalist point of view.

“Una sa lahat, nakikiisa po ako sa buong Pilipinas na nagluluksa sa pagpanaw ng ating dating Pangulong Cory Aquino.

I was literally raised a Marcos loyalist. Ipinanganak ako at nagkaisip nuong kasagsagan ng martial law. Namulat ako sa paniniwalang si Marcos ang siyang bayani. Lahat ng nakikita at naririnig ko nuong mga panahong iyon ay puro papuri kay Marcos, at pagbabatikos naman sa oposisyon. I was one of those who hated the color yellow and any personality who’s associated with it.

Masisisi nyo ba ako?

Matindi at mainit ang usaping pulitika noong panahong iyon. Sa aking murang isipan, tumatak sa utak ko ang lahat ng naririnig ko sa mga umpukan at lalo na sa isinisigaw ng broadcaster mula sa aming lumang transistor radio. Si Marcos daw ay pilit pinapatalsik, kinukutya at inaapi kasama ng kanyang buong pamilya. Lumabas ang ibat-ibang pangalan, mga dating kaalyadong tumalikod at naging traidor, at ang babaeng naging dahilan ng kanyang tuluyang pagkakaalis sa pwesto.

Nagluksa at bumuhus ang luha sa buong Ilokandia noon sa balitang pumanaw na si Marcos. Nakita ko ang kalungkutan hindi lang sa mga magulang ko, sa mga kapitbahay, buong bayan. Kami ang inapi!

Perhaps, I was too young to understand.

Years have passed and I remained a believer of Marcos’ legacy. On the other hand, I never really paid attention to the other side of the story. Sa isip ko, kami pa rin ang inapi.

I’ve seen photos of the EDSA revolution. Watched the videos, read the stories. But I never really learned to respect the brave woman who was behind all these. I failed to educate myself.

Up until her death.

Nuong unang nilunsad ng Reyna na sinundan nang buong Barrio at nang buong Pilipinas ang “tie a yellow ribbon for Cory Aquino, napaisip ako. Ninetynine percent of the time, suportado ko ang mga krusada sa baryo pero ngayon bilang isang loyalista ni Marcos, ayokong magbalatkayo. Walang yellow ribbon sa blog ko.

Hindi ko alam kung tama ba o mali, kung huli na ba ang lahat na magawa kung respetuhin si Pangulong Cory Aquino ngayon na wala na siya. Ang kanyang pagkamatay ang nagmulat saken sa katotohanan, sa sinasabing tunay na diwa ng demokrasia. Ang kanyang pagkamatay ang dahilan upang kilalanin ko ang kanyang katapangan, mga nagawa at naging kontribusiyon sa ating bayan. Mali ba na maisip ko lang ang mga ito ngayong pumanaw na siya?

Kung nakikita ko ngayon ang kanyang mukha sa dyaryo, sa TV, sa internet, parang bulang naglaho ang galit ko na namuo simula sa aking pagkabata. Ang nakikita ko ngayon ay isang babae, asawa, at ina, na nagsakripisyo hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa buong bansa.

I will remain a Marcos loyalist, but this I have to say; Tita Cory’s death made me realize how I got blinded by false stories instilled in me before. I shall forever look up to her as a very courageous woman, a fighter for freedom, a leader, and most importantly, a religious, prayerful and loving mother.”

Maraming salamat po, Pangulong Cory… Source.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 16373 times by 3864 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

30 Comments »

  • Mel says:

    I read this too sa blog ni Ely. Normal lang naman na sa ibang bagay na mag-iba ang opinion natin from perhaps the majority but I’m glad that despite his being ‘red’ ay na-antig din ang damdamin niya ng isang ‘yellow’.

    • reynz says:

      true mel, dun ako na-antig sa sinabi nya na he was almost exclusively listening and reading only the news na provided to him, must be tough to re-learn but i still admire and the more i respect him now (Ely)

  • Silver says:

    Ely,

    Tats naman itetch. O di ba, with your post, you are promoting understanding kahit different tayo sa political perspectives.

    :D

  • fatherlyours says:

    Ako rin ay isang Marcos loyalist nuon. kasama ako sa mga unang batch na naging kabataang barangay na nag training sa Mt. Makiling. Nabigyan ng book about the life of apo Marcos kaya bilib na bilib. Fans pa rin niya ako pero hindi ni Imelda Marcos.Namulat ako nung binaril at napatay si Ninoy Aquino. Talagang bumibili ako ng Mr. at Mrs. na diyaryo nuon na kung tawagin nila ay alternative press or mosquito press. Kanya-kanya lang talagang panahon ang pagka mulat sa katotohanan.
    Dito talaga ako bilib sa B7 ay kay Ely. May prinsipyo upang sabihin ang totoo ng walang pangingimi.
    Ito at nakatayo ako ngayung ala Honor Guard ni Cory Aquino with matching snappy salute.

    • reynz says:

      sa totoo lang Mon, hahaha, we all am sure have different colors pero that should not be some chinese great wall to have some meaningful blog relationship, di naten maiwasan yan, so we gotta find a way – remember our mission here: social climbing haha

  • reynz says:

    i felt the same way, natulala ako nung nabasa ko to sa blog nya hehehe

  • Ely says:

    Twice ako nag-refresh kasi kala ko may nangopya lang ng title ng entry ko. hehe. Karangalan po na maisingit ako dito.

    Tagal ko pinag-isipan kung dapat ko ba i-post to. Nung nagkaroon nga ng tie a yellow ribbon, hindi ko pinansin. Natakot kasi ako na baka negative ang feedback ng mga makakabasa at pagtawanan ako. Pero nung mapanood ko libing ni Cory, I decided to post this entry anyway. Medyo ilang days din siya pending as Draft. Kailangan kasi maging sensitive, edit edit ng matagal kc baka magaya ako kay Willie. hehehe.

    bluepanjeet, Mel, Silver, fatherlyours, maraming salamat po!!!

    La Kapitana, totoo na ba ang balikbayan box?! Hindi kaya magaya yan sa $100?!? hehehe

    • reynz says:

      La Kapitana, totoo na ba ang balikbayan box?! Hindi kaya magaya yan sa $100?!? hehehe

      hahaha! nakainom ako Ely, bukas pag hindi na ako lasing tanungin mo uli ako HAHAHA

  • chuva says:

    Well said Ely. Salamat La Kapitana for sharing it here. I admire the honesty of that post. Very touching.

  • Chi says:

    i must admit, marami din namang ngawa si marcos at first. at tlagang mgaling syang presidente, yon nga lang naiba sya ng landas…napariwara… ganda ng sulat na to. tlaga nga from the heart.

  • pehpot says:

    it only shows how fair this Barrio is..kahanga hanga ka ELy for publishing it.


    Make or Break

  • jeri says:

    Ely also visited my site, pero diko alam na marcos loyalist din pala siya.. i admit that my family are marcos loyalist too during that time,and my Father was a former Vice Mayor in our town during Marcos regime at supporter siya ni Marcos. but unfortunately my father was a Victim of a Dirty politics, coz he won in landslide victory before the Martial Law. My father not even finished high school,at mahirap lang, pero dahil sa pagiging matulungin nya sa tao sa aming bayan he bacame popular, people in our town convinced him to run as vice mayor and he won. tulad ng sabi ko biktima siya ng maruming pulitika, he was sentenced for 20 years imprisonment but due to the help of Mr. Marcos he served only 2 1/2 years in NBP. if im not mistaken i was 5 years old at that time when my father released from prison.

    With Pres. Cory Aquino is a different story, iba ang pananaw ko sa buhay nya,it is my personal opinion and my own choice. yung demokrasya na nakamit ng sambayanang pilipino ang aking tinignan, unlike before na nabuhay kami sa takot sa aming bayan, dahil sa mga sundalo at pulitiko na walang habas na nilaspatangan ang karapatang pantao sa aming bayan, porke ang tatay ko raw ay walang pinag aralan at walang puwang sa mundo ng pulitika. with Pres. Cory she gave us freedom.with Cory i felt the Love of a mother, as my Mother showed to me noong nabubuhay pa siya.. hanngang sa pagpanaw ng tatay ko noong 1997 he remain as marcos loyalist,tumanaw ng utang na loob.

    • reynz says:

      ANAK NG!

      Oprah Moments tooooo! hahaha!

      I commend you both ni Ely, Jeri.

      I now have much more of respect senyong dalwa.

      Kung dalwang butil nun, 2 and a half na ngayon! Hahahaha charing! hehehe

      • jeri says:

        hinahanap ko nga kung saan ko na save yung picture ng tatay ko with former President Marcos na kinuhan ko sa lumang photo frame ng tatay ko nung dumalaw ako sa lumang bahay kubo. pag na hanap ko gawan ko ng blog sa aking site. the true to life story ng tatay ko.. makulay kasi ang storya ng buhay ng yumao kong tatay at madalas nyang kwento sakin nung bata pa ako at sariwa pa sa aking isipan.. in fact he want me to be his successor at ipagpatuloy ang nasimulan nya sa aming bayan.. but i refused dahil pangarap ko talagang maging Engineer. my 2nd older brother ang naging successor na nya at incumbent municipal councilor for double 3 consecutive years. my brother will have to run as vice mayor by next year in our town.

        Sa pulitika kasi walang permanenteng kaibigan, nagkakaroon ng alitan ang magkakamag-anak just becoz of politics. yan ang nangyari sa tatay ko. sya ang nag dusa, dahil lang sa hindi sya nakatapos ng pag aaral kahit na naging leader siya ang ginawang sangkalan ng kasalanan ng partido pulitikal ng aming bayan. iisang partido ni marcos pero magkakaiba ang layunin… Ang tanging kasalan ng tatay ko ay wala siyang sapat na karunungan sa pulitika. ang pagpasok sa pulitika ay hindi lang pagiging sikat ang kailangan o matulungin, kailangan may sapat na kaalaman para may pangganga pag dumating ang unos… upang makaiwas sa sibat na ibabalibag.

    • Ely says:

      La Kapitana, ano ung butil? hehe.

      Jeri, tatay ko din pure blooded na maka-Marcos. Pero nung namatay si Cory, nakatutok daw siya sa TV. hehehe.

  • Emmeline says:

    Impressive article. I was reluctant to read it at first, but glad I did. =)

    • reynz says:

      ninam-nam ko sya Emmeline and i knew when i was reading it, sinulat to ni Ely with some heavy heart. nakilala ko na kasi to si Ely kaya i seem to know something a bit of this writer.

  • jeri says:

    To Ely, parekoy saludo ako sayo. nagpakatoo ka, bagay na mahirap gawin ng isang tao ngunit dahil ang budhi ay siya ang nagdidikta kung ano ang dapat… lahat tayo ay may kalayaan na ipahayag ang bawat saloobin.

    Mabuhay ka parekoy… wag kang mag-alala sagot ka ni kapitana, padadalhan ka ng balik-bayan box na ang laman ay Pridyidir.

  • mtoni says:

    salamat Ely at meron ng pangalan yong ‘babae’ na walang iba kundi si tita Cory.

  • junpanti says:

    Nakaka relate ako ke Ely. i grew up under the guidance of a my dad, a marcos loyalist. until the time when i heard him shout ‘gademet!’. that was the time he threw out all marcos memorabilia out of the house including all the “tadhana” books and coffee table books about marcos’ revolution. Nagalit ang tatay ko kasi namatay si Ninoy. I guess my awakening was earlier than what Ely experienced. Pero sa mga oras nato pareho lang na fi feel ko tulad ng sanyo….gusto ko ng group hug….anyone?

  • Jethro says:

    hoy tingnana yo muna ang mga ginagawa ni marcos,puro nga papuri nung time nya but nung nagka martial law na hindi na sya pinuri.lalo na nung binaril si ninoy,naging contoversial na yun.kaya ayaw ko kay marcos…at wala akong pakealam sa mga pumupuri kay marcos…..si marcos ang kagagawan nito..buti nga panahon ngayon ng aquino…para lahat ng pumu[uri ka marcos, tubos lahat dahi nga panahon ng aquino ngayon..masama talaga si marcos…kaya ganyan ang nangyari sa kanya,nung time nya,pinupuri sya habang tumatagal,lagong nagkakagulo.katulad nung eleksyon nila marcos at ni cory,nagkadayaan nang dahil sa kanya.

  • Jethro says:

    bakit ,mtoni,pustahan tayo humaba ang buhay ni cory kaysa kay marcos!kaya nga pinagpala si cory dahil loyalty sya,magalang sya sa mga tao.e kay marcos,nung time niya ang daming kababalaghan ang nangyari.kaya di mo masasabi na si marcos nga talaga ang masama,si cory ang mabait!

  • Jethro says:

    at saka ang mga magulang ko aquino loyalist ako kaya hindi nyo ako mapipilit kung ano ang gusto ko!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.