Home » 5/6 at mga raket

Dahil OFW ka, gusto mo nang mag-negosyo para makauwi na. Di ba?

27 May 2009 61 Comments

Kaya lang, ready ka na ba?

Kaya bumisita parati sa Barrio Siete dahil, here, libre and entrepreneurship lessons namen. Haha!

Unang tanong: Ang pagiging negosyante ba eh para sayo? Alam nyo mga anak, sa negosyo, walang guarantees. At wala rin talagang paraan para maalis mo ang mga risks na kasama pag nagsimula kang mag-negosyo. Pero – pwede mong i-improve ang chances mo na mag-succeed with good planning, tamang preparasyon at kaalaman. Evaluate mo muna ang mga strengths at weaknesses mo as potential owner at manager nang small business mo. Wag kang da-dayb agad noh? Baka mamaya, eh wala palang tubig ang pool.

Kaya, consider mo muna aring mga questions na to:

Self-starter ka ba? Bakit? Eh kasi, nakasalalay sayo ang pag-develop nang mga projects, ang pag-organize nang time at ang pag follow-up nang mga detalye.

  1. Me people skills ka ba? Me attitude problem ka ba? Pano mo i-handle ang situations pag-ka iba ibang personalities ang nakaharap sayo? Bakit? Aba, makikipaghalubilo ka at makikipag-chika sa mga ibang business owners, customers, vendors, empleado mo, bankers, lawyer, accountant at ki Tia Karing. Pano pag-ka demanding ang client mo? Unreliable ang vendor mo? Late parati ang staff mo? Mainitin ang ulo nang receptionist mo? Tapos wala pang linya ang telepono? O kaya, naputulan ka nang koryente by mistake?

  2. Gano ka kagaling mag desisyon? Dahil negosyante ka na, aba, kelangan matuto ka nang mag-decide constantly at instantly. Kaya ayan, kape ka nang kape! Tapos under pressure ka pa parati.

  3. Meron ka bang physical stamina to run a business? Business ownership can be exciting, pero it’s also a lot of work. Kaya mo bang mag-trabaho nang six or seven 12-hour work days every week?

  4. Gano ka ka-organize? Marunong ka bang mag-plano? Research indicates that poor planning daw ay responsable sa pagbabagsakan nang mga negosyo. Good organization nang mga financials, inventory, schedules, at production can help you avoid nang mga sangkatutak na problema along the way.

  5. Malakas ba talaga ang drive mo to be in business? Alam mo, running a business can wear you down emotionally. Baka umiyak ka nang umiyak. Yong iba dyan, na-bu-burn out. Strong motivation will help you survive slowdowns and periods of burnout.

  6. Pano ang epekto nito sa family mo? Alam mo, yong first few years of business start-up can be hard sa family life mo. Importanteng maintindihan to nang esposa at esposo mo. Baka dumating yong araw na magkaron ka nang financial difficulties bago maging profitable ang negosyo mo. Yong iba, months. Yong iba naman, years bago kumita. Baka i-adjust mo ang standard of living natin dyan. Yong shopping sa Glorietta, wag na muna. Dun na lang tayo sa Ukay-ukay o kaya, dun na lang sa Dibisorya.

Ako po si Reyna Elena. Tandaan nyo? Nag-titinda po dati nang kamoteng kahoy!

Related Posts with Thumbnails

Viewed 10184 times by 2469 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

61 Comments »

  • dencios says:

    napaka risky ng mga dapat ikonsidera kaya ipon na lang muna :D

    • reynz says:

      right timing den also Dencio kasi baka mamaya sa kakaipon eh naiwan na nang panahon ang plano at ibang tao na ang humarbat nang business idea mo

  • alex says:

    hmmm kakaresign ko lang po last 19, one month notice, plano ko pa naman magbusyness sa pinas, pinag iisipan ko din ang negosyo!, ayun bahala na ang tirada, buti nalang may gustong pumulot ulit dito sa akin… kaya pag isipan ko muna… heheh

    siguro ang isang malaking problem para sa akin eh yung sa family… kase dahilan ng pag uwi talaga eh family… pero naisip ko yun din dahilan ng pag alis, ang kung magbusiness para sa kanila din, higpitan na nga lang ng sintron…

    thanks reyns!!! parang nahulog ako sa kama habang nananaginip…

    • reynz says:

      good luck alex! pero marami akong nabasang experience na pag alam nang family, they’d all be behind you!

      • alex says:

        yun nga po eh, kaso kung titignan ko ang difference eh, malayo din naman ako, parang wala din actually, pero maganda ganda naman ang sitwasyon nila, thinking na kung nandun ako at may busyness, parang mahirap din na physically nandun pero time ang wala…

        kakaingit tuloy buhay barrio noon, naririnig sa mga kwento ng lolo, actually buhay din ng mga tao dito sa kinaroroonan ko…

        sabi nung general na kasama ko, tignan mo yang mga yan(pointing people on the way to UIGE)… magahunting lang, mangisda, manguha ng frutas, ok na, bukas nalang ulit, tapos mahimbing pa ang tulog dahil walang inaalala(sabay pikit ng isang mata)

        pero this is our jungle now, this is our barrio now, mas malawak…

      • reynz says:

        i remember those times, sagana talaga noon, people are happy, eh kasi dun lang sila, and “sila” includes me, kaso nakalabas ako, nakalabas ka, nakita mo what’s it outside na for me, kung matino ang mga pulitiko, mas malaki pa sanang improvement at nag-iimprove ang barrio, little did i know na me mga kaengkantuhan pala!

        opps! sorry, nawala na ako sa 5/6 hehehe

  • ajay says:

    kabubukas ko lang ng business Ate, at least di naman lugi sa first month. Di rin ako nakatutok kasi may full-time job ako. Ang sabi ng mister, hobby ko raw ito, pero di naman. Maganda sana online biz kaya lang maganda feeling ng nagbibigay ka ng trabaho sa kababayan mo.

    Meron ding kasabihan, you don’t let your business rule your life 24/7. Me big difference daw between ordinary businessmen and the real business owners…the latter kasi, dumating na sa point na kuha na lang ng kuha ng pera.

    But I would encourage entrepreneurship, kung me kapital ka rin lang. Maraming kang lessons na matututunan dito.

    • reynz says:

      i remember the business you opened that you told me! good luck nga pala dun! i can’t believe na me panahon ka pa to juggle all these hahaha

  • orphicpixel says:

    kaya pala wala ako maisip na business e, kaya ok lang ako dito, dito muna ako magtrabaho, saka na umuwi ng pinas, hehehe, bakit nga ba wala ako sa pagnegosyo, e kasi sa lahat ng nabanggit wala ako nyan

    • reynz says:

      e kasi sa lahat ng nabanggit wala ako nyan

      hahaha hindi naman lahat wants to be in biz orphicpixel, you can also be successful in other larangan financially

  • The Cat says:

    Pano mo i-handle ang situations pag-ka iba ibang personalities ang nakaharap sayo?

    dito yata nagsimula ang aking MPS aka multiple personality syndrome.

    may araw na para akong si mother theresa sa pagkamaamo dahil ayaw kong mawala ang customers.

    mayroong araw na sampung krusipiho ang nasa aking dibdib dahil ayaw kong makapagmura. verbal harassment yon dito.

    eh kung meron ka ba namang mga CNAs (mga nursing assistants na ipinadadala namin sa convalescent) na hindi sumipot sa takdang oras na kailangan siya da ospital na pinadalhan namin, hindi ba naman magsasalubong inyong kilay at halos ayaw maghiwalay.kailangan makahanap ka kaagad ng kapalit kesehodang sunduin mo at ideliver door to door para sigurado siyang makarating.

  • The Cat says:

    Itong inventory ang isa mga dahilan kung bakit ang negosyo ay bumabagsak.
    Ano ang inventory. hindi ito yong nag-iinvent ka ng story. erase erase.

    sa restaurant halimbawa ang inventory ay mga pagkain na kailangan sapat para sa mga ihahanda at hindi masyadong marami na masisira.

    gusto mo bang kumain sa restaurant kung saan oorder ng fried chichen at ang tagal nilang ilabas ang order, dahil nanghuhuli pa pala sila sa poultry sa ibayo ng manok?

    o kaya gusto mo bang kumain sa restaurant na recycled ang mga pagkain dahil ang daming sobra ng natitira? kagaya ng fried rice na ang sahog ay natira sa lusilog–longganisa at itlog. hmm. sinangag lang.

  • mel beckham says:

    sabi ng ate ko kung puede ba daw magnegosyo kami dahil mahirap ang buhay sa abroad at i know miss na rin niya ang baby niya. sabi ko naman mag-impok na lang muna siya at magtiis ng konti.

    tama ka ate reynz, dun sa checklist sa itaas parang hindi ako confident kung angkop na ba sa amin ang magsimula. sa dami ng bagay na dapat iconsider, malamang masayang lang ang capital niya.

    oo, nega-star ako dun. hihi

  • Mahalia says:

    sa negosyo pati, kung halimbawa mag bubukas ka ng karinderia, marunong ka bang magluto? kung parlor, marunong ka bang manggupit? kung shrimp farming, marunong ka bang bumungkal ng lupa? Minsan kasi komo intersado lang ang isang tao sa isang maliit na industriya di ito dapat maging basehan ng pagbubuhos niya ng buong pondo at ipon sa bagong business.

    Ugma rin dapat ang talento o kaunting entrepreneurship at research sa pagbubukas nito. Dahil kung innate sa isang tao let’s say gardening, kahit na bagyuhin ang kamotehan, hindi sya manghihina ang loob dahil alam niya ang labas at loob ng kanyang business–na tutubo pa rin ang mga kamoteng kahoy.

    tama na lubos na pag-isipan ang marketing plan ng isang business, gaano man ito kaliit kahit na, halimbawa yung Handmade Card Business na sideline ko. Kung itutuon ko ang lahat ng aking time and energy dito at alam kong isang tindahan lang naman ang binabagsakan ko, lugi sa trabaho.

    Bubudburan lamang ito ng sipag at tyaga at pursigidong maging sucessful (which is not necessarily gauged by income alone) walang problema, kahirapan, sakit ng ulo at panghihina ng loob ang makakapigil sa isang negosyante.

    Tulad noong pinsan kong taga-Pampanga, masarap siyang mag-timpla ng Tocino. Noong napa-petition silang mag-anak sa Australia, nag-titimpla timpla lang sya ng Tocino at Longganisa. Iniisa isa niya ang bawat Pinoy sa telepono at kinulit. Ayon, mansion na ang bahay at milyonaryo na, napatapos na niya ang mga anak niya.

    Kaya payo lang, kung uuwi tayo para mag-negosyo, think twice muna. Try mo lang minsan na mag-side business sa bayan na pinag-tratrabahuan mo. At baka doon ka lalong maging sucessful. Tulad noong taga-Canada, may maliit siyang tindahan ng pan-de-sal. Hindi nga tindahan, kusina lang. Tuwing madaling araw, nag hohorno sya ng tinapay, tuwing umaga nag-dedeliver ng pan-de-sal, tuwing hapon nag susukat at nag-luluto ng mga kakanin. Ganon lang sya ng ganon, hanggang malaunan, ipinatawag na niya ang pinaka-magaling na baker ng Sariaya. Ngayon, lima na ata ang franchises nya sa Toronto.

    In suma total, kung ang dugo mo ay umaagos at sumisigaw ng ako ay Negosyante! Di balakid ang kawalan ng pera, o kaya ay nasa ibang bansa ka, kahit walang gasinong kakilala o bago ka sa iyong environment. Negosyante ka ipagpatuloy mo iyon.

    Ma-interview nga ang mga OFW Business Owners, at isusumite ko ri ne sa 5/6 category.

    P.S. Ilang failure ang kaya mong harapin sa pag-nenegosyo? Dahil darating ito kahit na ilang baldeng pawis ang ialay mo sa paanan ng negosyo.

    • Mahalia says:

      pwede na palang post itong comment ko…hahaha

    • reynz says:

      @mahalia,

      maganda tong sinabi mo: “Ilang failure ang kaya mong harapin sa pag-nenegosyo? ”

      kasi there’s always the chance o kaya sabi nga ni Pareng Trump, babagsak ka muna bago ka maging successful, so swak ang tanong mo, as in – Ilan ba ang kaya mo?

      nice one!

  • roni says:

    I think first and foremost eh support ng family ang dapat i-establish, magkulang ka man ng kalinga sa kanila, maiintindihan nila. Sa ibat-ibang personalidad na makakaharap mo, tumpak ka jan! Hindi pede ang anything goes, pinaka-importante ang customer/client relationship, matinding patient ang kinakailangan, tsaka kung mag-nenegosyo ka, WAG KA MANUOD NG SOAP OPERA!

    • Reesie says:

      lol@ at wag ka manuod ng soap opera! bwahaha. paki-connect roni?

      • roni says:

        oke: pag dramatista ka or drama queen ka, makukuha mo lahat ng linya sa tv: ingungudngud kita jan! o kaya isang bala ka lang! ngayon, sabihin nyo sa akin kung ano ang benefit ng mga sabon na yan?

      • Reesie says:

        bwahahaha! o kaya, bukas luluhod ang mga tala or my brother is not a pig!

        tama-tama!

    • Mahalia says:

      hahaha, bawal ang laging nakikipanood sa kapitbahay. baka malay mo kapag yumaman ka na, makabili rin ng sariling betamax. :)

    • johnonymous says:

      Amen Roni! If you’re up for the greatest challenge, don’t watch soap opera… you won’t get any value out of it.

      You’ll lose focus. Get lower self esteem. Limits you outlook. You’ll miss time to create brilliant ideas you might use.

      A business is not really a place for strong emotions but for highly-flexed brains. Hahaha!

  • Reesie says:

    gusto ko mag negosyo, kaya lang “NO” lahat ang answers ko sa mga questions mo, reynz! lol

  • Rob Angeles says:

    Naku, di nga basta basta ang pagtayo ng negosyo. Kailangan din ay mahaba ang pisi mo at pasensya or else babagsak ka agad. Mga bagay na natutunan ko is timing, location at yung identity ng business. Di rin sandali gumawa ng brand.

    At pag nag umpisa, lalo na kung limited resources eh halos ikaw lahat gagawa, ikaw ang boss, marketing, ahente, kahera, bugaw at kung ano ano pa. Pero accounting, pahawak sa accountant. Wag mag try gamit lang calculator then tapos na calculations. Sorry po di ko linya AR,AP at GL.

    Ay onga pala, yung di pa ready business and gusto abroad, open Australia ngayon. Check na lang skill set kung nasa MODL. Sorry sa commercial. Salamat!

    • reynz says:

      an daming factors talaga Rob and as always importante each one hindi lang location, location, location. me location ka nga, palpak naman timing mo. o kaya you have both, wala ka namang kapital. o kaya you have all, magnanakaw naman mga staff mo hahaha

      • Rob Angeles says:

        Yep! Kung pwede lang bente mata mo para lang makita lahat. Actually risky talaga business at dapat 100% commitment. If 1% may doubt ka na you will not make it, wag na ituloy dahil mapapaiyak ka lang.

        Pero Reynz, isang negosyo sa atin na talagang kinareer ang location, location, location. Lam mo Sogo?

  • Snow says:

    I have always wanted to have a business of my own. However, like you guys hindi pa ako ready mag-fulltime kasi wala pang sapat na puhunan. ^_^

    Tama ka Reynz, timing is everything.

    • reynz says:

      at di lang puhunan Snow, kelangan mo ring mag-imbak nang operating capital on the sides sakaling umulan, bumaha at bumagyo hahaha

  • silver says:

    Gusto ko magtayo ng semiconductors manufacturing. Yung test and assembly line.

    lols.

  • johnonymous says:

    I think this is also an eye opener sa mga future and current entrepreneurs sa Pinas, particularly sa mga small and medium businesses. Madalas kasi sa atin yung mga may wrong perceptions sa business, I am not trying to be rude to some of them. A lot of entrepreneurs have to understand things beyond selling and business locations:

    1. Sari-sari store mentality – yung iniisip ba na pantawid sa pang-araw-araw na buhay lang… iwas pusoy kasi small risks are less painful… pessimism, etc.

    2. Panggagaya sa pioneers – it’s wrong to take na to be successful, kailangan tabihan mo ang competitions mo. Ang nangyayari dito ay supply racing? It’s good, but there’s a better way too.

    3. Business Positioning – it’s not about the location/traditional traffic at all, it’s the unique value that you have to offer to your prospects. Kung 2 kayong nagtitinda ng bananacue, dapat ipamalas mo na may kakaiba sa bananacue mo. Oraganic harvested ba? Strawberry flavored? Life-changing? World beating? May kasamang lobo ba? Value for money?

    4. Trends and Relevance – a significant segment in Philippines are often disloyal. Bakit maraming bars and resto na bagsak sa Manila? Why the old, youthful QC and Makati nightlife declined? maraming big businesses and industries goes to another environment? Was it the laws and ordinances, the political/social situation? Why do other industries collapsed from the changes, technologically or politically?

    5. One time, big time – how do you become profitable in the long term? How do you keep your momentum. Yung iba kasi basta na lang makatipak ng pera and being unaware to other factors that may affect. Are you there for the ‘quick kill’ or ‘long haul’?

    It’s a series of unending character building obstacles… but I like the people skills aspect you mentioned Reynz… it’s something that creates a great difference in business. Relationship and Delivery…

    • reynz says:

      i like the summary you did:

      1.) sari-sari store mentality tends to be the easiest thing that most Pinoy investors go

      2.) trends would be internet cafe or ukay-ukay

      3.) one time big time are these pyramids, swak ba sya dyan?

      i guess bottom line nito is get rich quick aside from 1 and 2 siguro which is more ok lang kinda thing

  • roni says:

    Maidagdag ko pa, ito pinaka-importante sa lahat: Huwag kukuha ng partner na me intimacy going on kundi rin lang kayo mag-asawa. Di pede boylet mo manager or girlet mo personal assistant, or else, magkakalitsi-litsi ang buong sistema. Mag-steady going to marriage or engaged, pede. (my opinion)

    sabi nga ni pareng jhonnynotsoanonymousalready: “A business is not really a place for strong emotions but for highly-flexed brains. Hahaha!”

    • Reesie says:

      lol@johnnynotsoanonymousalready! hahaha

      tama ka roni, di pede boylet or girlet na kasama sa business. :D

    • reynz says:

      trulala yan Roni, i experienced that sa Manila, kasosyo ko mga pangkins ko, ayun nagkaleche leche, today sira ang mga relationships namen, hangga ngayon we don’t talk, we don’t teks at tipong dumating sa point na nagbawian nang kandila hahaha

      • bebe says:

        if you’re planning of putting up a business in the pilipins at ang kamag-anak incorporated ang magmamanage…

        “don’t ever expect na you’ll make profit” – syempre sila muna ang magpa-profit bago ikaw

        mas mabuti siguro i-donate mo na lang sa kanila ang pera.wala ka nang worries….nakatulong ka pa! hehehe

    • darbs says:

      yap, no boylet or girlet sa Kaha de Pera. kundi makakaletse letse ang negosyo. hahaha!

  • Rosa says:

    I want to start an agricultural business – coffee, rice and mango farm and a little on fish farming. Right now, I am reading a lot on coffee tree growing as well as how to roast coffees. The reason is coffee trees are good oxygen producers so I can also sell carbon credits later on. I am contemplating taking up a course on carbon pricing. Also working parttime as a barista. Hopefully I can get a job in a roasterie so I can learn how to roast coffee.

    • Mahalia says:

      I can smell it na.

      • Rosa says:

        Isang katerba na ang bibisita sa akin sa Pinas once I really pull this off. This is my dream to go home and farm but of course with a satellite dish and internet connection to follow the markets. Sa kabukiran…

      • reynz says:

        AHA! Rosa! So i’d say sinusundan mo ang uptick nang bond yield today sa Wall Street dahil bangkarote na RAW (ayan ha? sabi ko ‘DAW) hahaha ang GM?

        Yong bonds ngayon cheapangga na at naloloka ako sa pricing leche! hahaha

    • reynz says:

      Ang ROSA nga naman! Maganda na sa mata! Kaaya aya pa! And that’s what I like about future investors! They do their assignment at nag-re-research indi yong tatanungin ang mga barkada, “Ey ano ba ang magandang negosyo?” hahaha! Hopefully mga stock analyst at researchers ang mga barkada so ok lang hehehe! Good for you Rosa!

      • rosa says:

        nasa oil and gas kami so this week has been very good. Hopefully ang mga green shoots coming out ay mamumulaklak para naman makarecover na ang buong mundo. Dadaan ako kay Dr. Belo bago ako pupunta sa farm at saka magdedetour din ako sa may pampaputi.

        joking aside, marami pa akong plano tulad ng pagpunta sa Columbia at saka Indonesia at sa Batangas para pag-aralan itong kape. May school ngayon sa Baguio nagtuturo ng organic coffee farming.

    • Rob Angeles says:

      Ayyyy yan gusto ko, coffee business pero wanted to start as a roaster. Barako, Benguet at Alamid. Still thinking of a brand name. Yun nga lang nung nakita ko price ng mga equipment, nama mura ako.

      Pangarap ko coffee business noon pa.

    • Rob Angeles says:

      Oppppsss nakalimutan ko share. Rosa, try mo join Specialty Coffee Association of America (www.scaa.org) dami ako natutunan sa organization na yan. Just went to the World Barista Championship 2009 sa Atlanta and sila sponsor ng event.

      • Rosa says:

        Hello Rob,
        Thanks for the SCAA site. I spent an hour reading everything. I hope I can make it to their convention next year. I am in the process of talking to a coffee franchise here in Calgary. Number one of course is location. My group has bought a piece of land here which I hope we can build a restaurant and coffee place.

      • reynz says:

        wow pinuntahan ko! maganda yong site na yon!

  • johnonymous says:

    Hahaha! I am so disconnected na sa coffee business…

    If we’re talking about coffee… Indonesia at Vietnam ang best na sources… yung ang ginagawa nung dati naming amo sa Saudi… Any high-altitude grown type called arabica… lol!

    So rosa, can you advise me on penny stocks? I want to buy and hold it for a long, long time… hehehe!

    • Rosa says:

      Yes, I heard Vietnam is also a good source of coffee. Naku $65/barrel na ang oil so maraming good stocks to buy long term. They are saying to buy stocks from young commodity exporting nations like Canada, Australia, Brazil. Here is a good source of info on Canadian stocks:http://www.bnn.ca. Here you will see that experts are recommending Suncor, Encana,Nexen, Talisman for long term hold. I like stocks like PanOrient (POE) and Heritage Oil (HOC) and anything from Colombia like Canacol and Gran Tierra. Anyway happy stock picking. Also, I am part of a start-up so if you are interested, I can send you a brochure on our company.

      • reynz says:

        hey! Rosa! anong start-up yan? hahaha!

      • johnonymous says:

        email mo ako rosa… may i know nga the start up.

      • Rosa says:

        I will be sending the info once our sectary finish the edits. Anyway week-end ngayon so I have to the driving range at hahataw ng clubs.

      • reynz says:

        buti pa yo Rosa, sa Philadelphia, andun lang sa likod nang bahay namen is a golf course and nakaugalian ko nang humataw every weekends dun, dito wala akong clubs na dala at wala pa akong alam kung saan ang mga golf courses dito

      • Rosa says:

        Maraming golf courses dito at marami ang kababayan nating naloloko rin sa golf. Dinadayo dito ang Banff springs golf dahil makikita mo ang rockies with all its splendor. Pero ako sa community golf courses pa rin ako dahil I am just a beginner pero I just got this jumbo driver na mas mahaba pa sa height ko kaya ang hirap iwasiwas. I hope you’ll find a chance to improve your golf swing diyan sa New Orleans.

  • [...] know! I know! Karamihan sa atin sa Barrio Siete eh talagang gustong mag-run nang small business. Kaso mo, nawawalan na nang gana once na pinag-usapan na ang mga business plans, makikipag usap na [...]

  • OFW says:

    napakaganda ng mga sinabi mong insights tungkol sa pagnenegosyo. maraming salamat!

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.