Dear Ate Charing: Letters from Readers
Here in Barrio Siete, we come across different kinds of readers from all walks of life. Contributing articles through email is one aspect where readers can share their stories about their respective lives or experiences. Pero dapat matuto ka rin makipag-social climb noh kasi hindi naman lahat ng nagsa-submit ng mga articles eh napipili ng council para ipublish lalo na yung nagpopromote lang ng blog nila. Ano kayo sinuswerte? Charing!
At dahil nasa vacation pa ang La Kapitana at wala akong magawa dito sa aking kubo, pinakialaman ko na ang laman ng barrio mailbox. Aba, at meron palang mga sulat from our readers na humihingi ng mga payo. Well, dahil na-curious ako at gusto ko silang matulungan ay ako na ang nagbasa at ako na rin muna ang sasagot sa mga ito in behalf of the Barrio Siete writers kahit walang pahintulot mula sa kanila. Hahaha! Kung may pinadala kayong sulat, well, maswerte kayo at napunta sa mga kamay ko dahil malamang isa na ito sa mga nabigyan ko ng mga payo. Pasensya na at naka-condense na ang mga sulat dahil konti lang ang space. Ang importante ay naihayag ang problema ng mga letter senders. Basa na mga kapatid.
Dear Ate Charing,
Ako po si Flor. 36 years old, may asawa at merong isang anak. Sumulat po ako dahil may problema po ako sa mister ko. Simula po kasi ng makapagtrabaho siya sa isang bangko ay madalas late na siyang umuwi. Kadalasan ay amoy alak pa ito. Nagduda po ako nab aka may kalaguyo ang aking mister dahil minsan ay amoy-pambabaeng perfume ang pinaghubaran niyang uniform. Mas lalo po akong nagduda dahil minsan ay may nakita akong mantsa ng lipstick na kulay pula sa kwelyo ng polo niya. Sinubukan kop o siyang kumprontahin pero deny to death po siya Ate Charing. Please tulungan niyo po ako kung ano ang aking gagawin.
Nagmamahal,
Flor
Dear Flor,
Una sa lahat salamat sa iyong sulat. With regards to your problem, naku hindi mahirap yan darling. Alam na alam ko ang sitwasyon mo. Sabi nga nila, been there, done that, kabayong bundat. Ito ang dapat mong gawin. Ang mantsa ng lipstick sa kwelyo ay mahirap ngang tanggalin dahil ang lipstick ay may chemical sangkap na dumidikit sa tela lalo na kung shimmer ang finish nito at hindi matte. Mataas ang oil content kaya kahit na basa-in mo ito sa tubig ay kakapit pa rin ang mantsa. Dapat ay budburan mo ng powder ang lipstick stain at dahan dahang kuskusin. Huwag mo munang basa-in ha? Tapos ibabad mo sa tubig na may oxalic acid para dahan dahang naaalis ang mantsa ng lipstick. Kapag hindi pa rin ito matanggal, mas mabuti kung dalhin mo ito sa dry cleaners dahil they know what to do. Promise. Yun nga lang, medyo mahal sila kung mag-charge. Subukan mo rin palitan ang mga polo shirts ng asawa mo. Buy shirts in fabrics that are stain proof para hindi na kapitan ng unwanted stains ang mga damit niya.
Sana ay makatulong itong payo ko sa iyo.
Stainfully yours,
Ate Charing
Dear Ate Charing,
Hi and good day to you. My name is Josh, 28 years old. I live in Pasig but I work as a call center supervisor in Makati. I wrote to you Ate Charing because I need some helpful advise. You see Ate, I’m gay. I’m happy to be one and I have a boyfriend of 2 years. The problem is that I come from a very conservative family and they don’t know that I’m gay. I have a close female friend who knows that I’m gay but my family thinks that she’s my girlfriend. It’s okay with her though because she understands my situation. I don’t want to live in the closet anymore Ate Charing. I want to come out. Please help.
Love,
Josh
Dear Josh,
Good day to you too and I hope you and your boyfriend is in good condition. You know, I can totally understand you because I have a friend with similar problem like yours. I’ve helped him and I’m sure I can help you too. I told him about my carpenter and interior designer. You see, his closet was too small before and I told him to make it bigger so that it can accommodate at least four people inside. Have you seen Oprah’s walk-in closet? Ganun na ganun na ang itsura ng closet niya ngayon. Hindi mo na kailangang lumabas sa closet kung palalakihin mo naman ito ‘di ba? Ngayon ay doon na rin siya natutulog, nagluluto at naliligo dahil meron na ring banyo ang closet niya. Oh ‘di ba? Hindi mo na kelangan mag come out sa closet at masaktan ang conservative mong family. Puede mo na sila imbitahing pumasok sa closet mo at doon kayo mag-bonding.
Straightfully yours,
Ate Charing
Dear Ate Charing,
Mabuhay ang Barrio Siete at mabuhay kayo. Ako po si Nancy, 32 years old at nakatira sa Mandaluyong. Sumulat po ako dahil may problema po ako sa kambal kong anak aged 7 years old. Noong birthday po kasi nila ay binigyan sila ng biyenan ko ng playstation at simula noon ay nawili na sila sa paglalaro nito. Masaya naman po ang kambal kaya lang simula nang mawili sila sa playstation ay napansin kong bumaba na ang grades nila sa school. Pagdating kasi nila sa bahay ay instead na mag-freshen up at mag-aral ay dumidiretso na sa playroom , umupo sa sahig at harapin ang paglalaro ng playstation. Nangangayayat na rin po ang kambal dahil wala na sa tamang oras ang pagkain nila. Tulungan mo po ako Ate Charing.
Respectfully yours,
Nancy
Dear Nancy,
Mabuhay ka rin! Naku, malaking problema nga yang kinakaharap mo. Ganyan na ganyan din ang ex-boyfriend ko noon na adik din sa playstation, hiniwalayan ko nga. Anyway, ito ang masasabi ko diyan. Bumili ka ng bonggang bonggang sofa with matching coffee table. Dapat kasi ay comfortable ang pag-upo ng mga anak mo habang naglalaro at hindi lang sa sahig naka-squat. Bad yan sa posture nila dahil baka maging kuba sila in the long run. Piliin mo ang sofa na may solid na likod at sturdy and post para hindi gumalaw. Huwag yung masyadong malambot dahil hindi mataas na quality ang foam na gamit dun. Invest in a sofa that will last long, huwag itong tipirin. Pag nasira ang cover nito ay maaari mo pa naman ipa-reupholster pero I’m sure matagal pa yun kaya sa susunod mo na problemahin. Okay?
Sittingly yours,
Ate Charing
Hay naku! Yan na munang tatlo ang sasagutin ko. Masyadong na-drain ang utak ko sa pag-iisip ng solusyon sa mga problema ng tatlong ito. Juice ko ha. Hindi pala biro ang magbigay ng payo. Very emotionally challenging!
Hanggang sa susunod ulet mga kapatid!
Ingat!
photo credit: here
Viewed 15234 times by 3203 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.














pati naman ako nahirapan mag-isip ng solusyon sa mga problema nila.
ate flor baka meron lang syang mga kaibigang humihingi ng opinyon kung gusto nya amoy ng mga pabango.
josh lumabas ka sa closet, ang dilim kaya jan.
karagdagang payo lang po ke ate nancy..pagawa ka ng sofa bed para kung abutin ng antok ung mga anak mo eh diretso na sila ng tulog.
dapat may unan na lang noh? itong si nancy masyadong kino-complicate ang buhay. Lol
nice one miss mel este ate charing…grabe naaliw ako. now i know kung kanino ako lalapit kapag ako ay may problema. teka nagpapa-5/6 ka ba? charing! =))
QLET, wala din akong pera noh. Kung may kilala kang nagpapa-5/6 eh iintroduce mo rin ako. Lol
i need advise too mel!!! wahaha ang gleng gleng mo magpayo ate charing
Agnes, sumulat ka kay Ate Charing. I’m sure sasagutin ka nya ng bonggang-bonggang solusyon sa iyong problema. =)
Klap, klap, klap – pati si Tia Dely (may she RIP), hahalakhak dito Mel!Pati ako, nalinawan din don sa lipstick haha…the technical,chemical, garment side ng isyu hahaha…
Dfish, baket? Madalas ba magka-lipstick stain ang shirt mo? Hahaha charing lang!
Grabe Ate Charing ang galing-galing mong magpayo. Hats off…
Nakakaalis ng stress, promise!
Snow, marami pang nakatambak dun sa mailbox at nakaka-stress nang mag-isip ng maipapayo sa ating mga readers. Sana natulungan natin sila. Hahaha
Don’t worry sister Mel we’ll help them once nalibre ang beauty ng lowla Snow mo. Grabe, tambak kasi labada. Buti na lang nandyan si Ate Charing!
hahahaha kabaliw ang advice mo ate charing nautog ata ulo ko dun sa 1st letter pa lang hehehe napadaan lang mabilisan sorry busy ang lola haha
Take care Ate Reynz! Enjoy your vakazion. Hehehe
nice!!!
sobrang naaliw ako!!!
Salamat naman at naaliw ka Glorien. Hehehe
binasa ko uli dahil di ako makatulog dito sa pasig haha sleepless in pasig ang lola nyoooo! at mas lalong di ako makakatulog sa tawa ko dito, this is really hilarious!
i remember tuloy yong battle of the brainless dahil similar ang punchlines nito hehehe
mudra di ka ba makatulog, wag mong sabihin na sinundan ka diyan ng mga friendship mong engkanto sa new orleans? hanggang kailan ka sa maynila, dalaw ka sa balay namin
Hindi pa siguro nakapag-adjust ang time clock mo Ate Reynz. Hehehe. Gawin ko kayang regular ang pagbibigay ng advise noh? Hahaha
oo dinig ko hanggang dito ang tawa mo hehe
haha.. ang cute naman lalo na yung una.. well additional na payo lang dun sa nanay ng bata na kambal dapat eh lagi syang naghahanda ng masustansyang pagkain na pede kainin ng anak nya habang naglalaro para di nangangayayat.. nyahaha..
Delta, good advise. I’m sure mababasa ni Nancy ang payo mo. Hehe
ang dapat e may handang pringles at piknikm dagdag na rin ng coke.. pero pede na din na red horse.. just in case tumanda na sila sa pagkaka upo LOL
Hi mel, palagay ko madadagdagan ang magpapadala ng sulat para humingi ng pera mo este ng payo pala
Ate An, hahaha dapat may ‘payo fee’ si Ate Charing para ganahan magbigay ng payo. Hahaha
mel, pwede mong palitan ang tambalang balahura sa radio. very insightful ang mga payo mo lalo na dun sa lipstick haha
ate malens, nag-aral din kasi ako sa tambalang balahura school of knowledge. hahaha
ang kulit ng payo sa lipstick. ayan pag uwi ni mister na may lipistik sa damit.. alam ko na kung ano gagawin ko hehe..
ate pehpot, kung may matagpuan ka mang lipstick stain sa shirt ng hubby mo at hindi matanggal, i suggest na tell kung kanino mang bruha nanggaling ang mantsang yon ay tell your hubby na next time gumamit ang malanding iyon ng matte lipstick or mag lipgloss na mababa ang oil content na lang noh. mahirap kaya magtanggal ng mantsa. juice ko. hahaha
hay naku Mel,
I’m waiting for Eklat’s view on these lecheng mga artistang mga friends nyo who were making a beeline at nag file nang COC sa Comolec kanina! hahaha! Si Isabel Lopez, si Richard Gomez, at yung bading na nakalimutan ko name hahaha! Ano baaa! Gusto ko talagang ingudngud mga muka nun kamo hahaha
[...] if you ask me, okay lang ako at in-love. Charoooot! Because of the good feedback we received from our first response to some of our Barrio Siete letter senders seeking for advice, we are once again opening our [...]
[...] if you ask me, okay lang ako at in-love. Charoooot! Because of the good feedback we received from our first response to some of our Barrio Siete letter senders seeking for advice, we are once again opening our [...]
[...] or nahihirapan kayong i-share ito. Dito sa barrio, may solusyon kami sa inyong mga problema. ETO at ETO ang iilan sa mga problemang nabigyan ng solusyon dito sa [...]
ate charing, ba’t walang kwenta ang mga payo mo?
gusto ko pa naman humingi ng payo pero huwag na lang