Dear Papa Jesus
Happy Birthday!
OMG, how old Ka na nga ba, gosh, You’re so old na noh. You are like forever years old. Kamusta Ka naman diyan? Well, if You ask me, I had a wonderful year salamat sa’Yo. So far, so good and kahit na struggling sa buhay at least maganda pa rin and I thank You for that.
Alam Mo, marami akong sasabihin sa Iyo.
Una sa lahat, I want to thank You for everything. Oo, for everything kabilang na ang mga trials and problems. Kasi naman it made me stronger and a better person. Thank You for all the blessings You have given to me, to my friends and most especially to my family.
Siyempre, hindi ko rin makakalimutan ang time na niligtas mo ako sa ambush and You gave me this chance to live again. Kahit na maldita ako most of the time, You still love me. Siyempre, na-feel ko yun noh lalo na nung nagliliparan na ang mga bala sa aking palibot, I felt protected by Your hands because I was unharmed except for some scratches. Super thank You talaga.
Thank You because you are protecting my friends and loved ones lalo na yung mga may sakit at yung medyo nasa malayo at nagtatrabaho para matulungan ang kanilang pamilya back home.
Pasensiya Ka na rin kung minsan ay medyo pasaway din kami slight. Yung mga nilikha Mo dito sa Earth ay masyado naming inaabuso kaya tuloy noong bumagyo ng malakas ay kami rin ang nag-suffer. Don’t worry though kasi alam ko natuto na rin ang majority sa amin and we are doing something to make things better and cherish Your creations.
Sa susunod na taon po ay may konting wishes ako and the rest of the Filipinos. Sana ay tulungan Niyo kami sa darating na election. Nawa’y maging mapayapa ito at walang chaos na magaganap. Sana ay maliwanagan din yung may mga maiitim na plano para manggulo sa naturang halalan. Sana ay manalo si Noynoy. Hihihi.
Papa Jesus, yung mga kapamilya, kababayan at mga mahal sa buhay namin pati na rin yung mga celebrities na namayapa this year, kamusta na sila diyan? Sana ay kapiling Niyo si Michael Jackson para naman ma-entertain niya ang mga angels diyan. Paki-Hi mo na rin ako kay Brittany Murphy at Farrah Fawcett. Siyempre, pati na rin sa super duper love namin na si Tita Cory Aquino, I’m sure happy na siya diyan kasami si Senator Ninoy. Tell them na rin not to worry about our country’s democracy because poprotektahan talaga namin ang legacy na sinimulan nilang mag-asawa.
Please tell my Lolo, Lola and Uncle that we are very fine here and we miss them. Pakisabi na kahit miss na namin sila ay hindi pa kami willing na makapiling sila very soon. Sana matagalan pa noh.
Siyanga pala, Jesus, anong handa Niyo diyan ngayon? Bonggang-bongga ang birthday Mo noh kasi buong mundo ang nagce-celebrate at naghahanda. In fact, bumili ng dalawang kilong lechon ang Ate ko to celebrate your birthday. Actually, yan lang talaga ang naihanda namin kasi wala pa kasi akong bonus kaya ‘di pa makabili ng bonggang-bongga.
Pasensiya na ha. Masaya pa rin naman kami kasi at least nandito kaming lahat magkakapamilya. Ay, wala pala yung isa kong Ate, nandun kasi siya sa Dubai. Pakibantayan Mo na lang siya ha, pati na rin yung mga kababayan namin diyan na hindi kapiling ang mga pamilya nila. Sana hindi na sila mag-senti at mag-emote. Make them manhid. Charing lang. Hehehe.
Bago ko makalimutan, Jesus sorry nga pala ha dahil minsan pumapasok ako sa bahay ng Tatay Mo na naka-short shorts lang. Eh kasi naman yung pari sa amin ang sabi, look your best when entering the house of God. Eh ang ganda ko kaya kapag naka-short shorts. Anyway, pramis ko this coming days ay hindi na ako magsho-shorts.
Lastly, salamat po dahil napadpad ako dito sa Barrio at nakilala ko ang mga taong nakatira dito. Sana po ay manatili silang mga baliw tulad ko. Hahaha!
Happy Birthday again Papa Jesus!
Regards kay Papa God and kay Mama Mary pati na rin sa mga angels and saints.
Love,
Mel
P.S.
Thanks nga pala at nakauwi ako ng safe.
photo harbat: here
Viewed 20378 times by 3541 viewers
Mel is is the ‘gurl’ behind “The Misadventures of Mel Beckham”. ‘She’ graduated with a double major in Management and Entrepreneurship. ‘She’ grew up in the city but now lives in the bukid near barrio siete juggling work as a farm manager, office secretary, messenger, construction worker, housemaid, make-up artist and babysitter. Despite ‘her’ busy schedule, ‘she’ finds the time to blog in between work, and errands using ‘her’ primitive mobile phone. ‘She’ plans to take ‘her’ MBA soon but ‘her’ multiple jobs prevent ‘her’ from doing so unless going to school will get ‘her’ paid to pay for ‘her’ utangs.
Before ‘she’ dies, ‘she’ hopes of owning a pair of Louboutins, and landing on the cover of Vogue, kahit sa Vogue India lang. Whichever comes first.














Amen! hahaha…
galing mo talaga mel, tumbok mo lahat, i second emotion, amen,
merry christmas, wag dadamihan ang kain ng lechon kung ayaw mo pang makapiling ang lola at lolo mo, pag nag tweet ka sa kanila, pakiregards na rin sa nanay at tatay ko, enjoy the best of the holidays!!
@john- wishing u d best of the holiday season, greetings from ate an2nette
[...] This post was mentioned on Twitter by reyna_elena, Snow. Snow said: RT @tweetmeme Dear Papa Jesus http://bit.ly/7FEACc [...]
cute post sister mel. i love it 100% ~_~
awww. you look best nga n shorts Mel..
Happy Holidays!