Discovering My City: Sorsogon
I’ve been away for 18 years and I can say that I don’t know my own Province.
Since coming home in 2006…I’ve started discovering the place.
Though I haven’t seen the whole place, still I’m surprised with what I see in the city.
For one, there is this Museum of Sorsogon Province:
Huwag nyo ako tanungin kung ano ang nasa loob ng museum dahil hindi ko pa napapasok ang isang yan. Totoo nga yata ang kasabihang ikaw ay dayuhan sa sarili mong bayan.
Ngayong nakatira na kami sa city during weekdays…nagtanong ako kung saan ang masarap na kainan. (Sawa na kaming mag-ina sa lahat ng fastfood na meron dito.)
Ang highly recommended na Lalan’s Barbeque eh natagpuan na naming mag-ina.
Dumarating ang barbeque stall na yan sa harap ng Capitol Park by around 5 pm. So last week…two nights in-a-row bumili kami dyan ng barbeque and then dumiretso kami sa Jollibee para kainin yan.
Of course umorder muna kami ng 1-piece chicken joy with rice. Then order na lang ng extra rice for me and ulam ko ang barbeque. Nagustuhan din ng anak ko ang barbeque kaya addditional ulam nya yan.
Isa lang yang adventure naming mag-ina dito sa Sorsogon City.
Abangan ang mga susunod!
Viewed 8974 times by 2052 viewers
Glo is 100% bicolana. Born in a small barrio in Sorsogon,Gloria graduated with a degree in Chemistry from UPLB, where she spent 18 years of her life, studying and later working with a 10-year rigorous experience in working in various chemical-analytical laboratories. She skipped lab work for various reasons: napagod na sya, napuno na sya at ayaw na niyang tuluyang mabaog, seriously she just wanted a 'normal' family setting for her son (whatever normal means!) and a chance to re-invent herself career-wise and personal-wise.
















ang cute naman…
ni garfield sa batang chekwa na may bolang hawak na minnie mouse…
disning-disney ang smile…
magkano ba siya?
Sarap ng fishball..
wow naman.nakakamiss ang sari-sariling barrio siete natin. haay. tumpak yung sinabi mo glo, tayo mismo ay dayuhan sa sari sarili nating barrio. ako man 27 years na nasa barrio namin ehd pa nakapasok sa museum namin (dinig ko meron daw eh). nice to know sorsogon through barrio siete.ü
May nabasa ako dyaryong bulletin, magtatayo ng isang 20 hectare high end city sa Matnog ang isang japanese firm. May MOA na daw, soon to start na ang construction. It will compose daw of industrial business, a mall, with resort and japanese retirement haven. Congrats! Pero parang maliit ata ang 20 has. para sa mga iyon.
Hala namiss ko yang Capitol Park. High school pa lang ako nung huling naka pasyal diyan so mga 2 years ago. Hehehe! Joke lang! Thank u Glo for bringing back my memories dahil sa mga pics..
naku Lani! i have a lot of memories sa Sorsogon hehehe bandido ako dyan dati hehehe hinaharang ko mga traysikel drivers hehehe tapos hehehe hanggan dun na lang hehehe
dyan dati sa Jomil’s madalas tambay pag bumababa kami nang bundok hahaha alam mo yon! manonood nang sine taz you wanna make sure na me makakita sayong tiga-barrio para sosyal ka diba? leche! sabi seyo uber social climber na ako nun pa hehehe
Hahaha! Mahal na Reynz, sana nakapag pangita tayo ng mga panahon na yon. Ang saya-saya siguro! Naaalaa ko yung tyahin ko na teacher, pag summer, may YCAP ang mga estudyante nya, gumagawa sila ng nilupak. Nilagang kamoteng kahoy na binabayo tapos budburan ng asukal at nyog! I miss it! At ang bagoong sa palengke, may kalakihan ang hipon, pink na pink ang kulay at pag bumili ka, dahon ng saging ang lagayan. And the best KASAG ever!Naku ansarrraaaaaaap!
kasag?! nakuu! i remember dyan sa …. kalimutan ko kung anong lugar yong parang rest area na kasag yong style nung rest area andaming kasag doon and going home sa barrio, dun kami namimili
yong jomil’s kasi, dati ang tapat nyan was Philtranco kaya pati yong byaheng papunta sa barrio namen, dyan nakaparada hehehe kaya sabi ko we wanna make sure na me makakita seyong tiga barrio, dahil sikat ka. ganun. hahahah
Isaw, kikiam, turon, pancit habhab, penoy, sitsarong balat ng baka, ahahahay, mga comfort food na pinaalala mo, naglihi tuloy ako ng di preggy.
Maishare ko lang, dinadayo ko ang Buddy’s pansit sa market market fort. Tapos makita kita ko sa lucena pala sya originated. Dun kasi sa buddy’s gulantang ako, ang kapartner ng pansit ay suka, hindi kalamansi, ang tingin ko, anti panis ang suka. Pansin mo ang adobo, mas tumatagal mas masarap, hindi basta basta nasisira maging ang paksiw. Madali kasi masira ang pansit eh.
oo nga ano Lani! ang masarap pa sa suka, yung papalanguyin yung pancit. Tapos habang tagal ang kainan, namumuti na yung labi! Sabayan ng pinitpit na sili at malutong na sibuyas.
Naku sa suka solved talaga ako diyan, pati pipino, di ba madaling malanta yon? kung idudubdob sa suka, matagal ang lutong. Kahit na ilagay sa freezer, malutong pa rin kapag kakainin.