Home » Buhay sa Barrio Siete, Culture and Society, Opinion

Do You Still Love Your Neighbor?

6 July 2009 73 Comments

Bago ako rumampa ulet sa aking mga labada na aking natanggap mula sa bagong paktori at kabilang barrio (kelangan ko po talaga dahil marami pong bibig ang umaasa sa akin. hehe e rampage mode muna ako dito sa ating pinakamamahal na barrio. Mamya e maglalako pa ako ng bananacue at mag-install pa ng barbecue-han sa may terminal ng paragos at tricycle. Hay buhay ng isang babaeng curacha. Hahaha!

funny-pictures-this-cat-disapproves-of-your-party

Photo credits: Icanhascheezeburger.com

In fernez, naglipat bahay este nagpalit anyo ang ating barrio – from being a kubo to a sleek looking bungalow! Masaya naman ako sa pagpalit anyo. Heheh. Congrats sa ating magiting na kasama na si Kotsengkuba dahil sa sipag nyang mag-ayos ng mga tumatagas na tubo at electrical wiring sa kisame (baka masita tayo ng Bureau of Fire Protection kung tadtad tayo ng jumper at masking tape ang ating mga kable..heheh)

Mapunta tayo sa tanong ko ngayon: Do you still love your neighbor?

Kung metaporikal ang ating iaaply sa terminong NEIGHBOR e of chors, no high falutin English needed e nangangahulugang kapwa natin. Right?

Now kung iiaaply naman natin ang literal e again, no Mandarin and Fukkien chinese chorva needed e ibig sabihin e yung katabing bahay natin. Left or right?

Sa totoo lang, kahit anong klaseng pagmamahal at pagunawa ang ibigay ko sa aking mga literal na kapitbahay e wala pa rin. E bakit kako naman? Hindi ako suplada sa personal pero eto lang naman ang ginagawa ng mga kapitbahay ko sa aming lugar:

1.) Iparada ang sasakyan nila sa harap ng iyong bahay. Yung tipong mga motorsiklo at sasakyan nila e nakaharang sa iyong driveway. There are times na di ka makadaan dahil talagang nakaharang sa dadaanan mo.

2.) Magkakalat sa iyong harap. Mula sa upos ng sigarilyo hanggang sa mga basyo ng bote ng Red Horse, San Miguel Grande at Emperador. Pasintabi sa mga kumakain, isama nyo pa ang mga dinuraan nila. Ewww.

3.) Pag lasing ang kapitbahay mo, as in bangengeng bangenge na sa kalasingan e matitipuhan pang umihi sa iyong bakuran. Kiver nila kung mamanghe ang bakuran mo, basta’t sila e maka-jingle bells.

4.) Gustuhin mong mag-siesta e hindi rin. Bakit kako? Andyan ang hiyawan ng mga bata na dapat natutulog sa hapon para lumake. Aywan ko bat hindi natutulog sa hapon ang mga pastilan na yan. Andyan ang isang kapitbahay kong napaka-ingay. Kababaeng tao at malapit lang ang kausap pero talo pa ang taga-bundok kung makasigaw. Abot hanggang kusina lang naman ang kanyang mga vocalizations. Isama nyo pa ang mag-asawang nagrerenta dito lang sa tabi namen. Alas-sais pa lang ng umaga e nagbabatuhan na sila ng kaldero at plato. Talk about carino brutal. Hmpt.

5.) Pag lasing ang mga kapitbahay ko, andyan ang maiingay na huntahan at payabangan. Hanggang sa kalaunan e magsasapakan. Dumating pa ang time na may pumasok sa kalye namen na may dalang baril at nagpaputok pa. Tsk.

6.) Dont forget also my dear old mahadera at tsismosang neighbors din. As in lahat papansinin sa iyo. Hindi ko na nga sila maintindihan minsan. Ultimo kung paano mo inaayos ang buhok mo e papansinin din. Eto pa ang masaya: ilan sa kanila e nag-bible study at sharing kuno. Mamya, maririnig ko na lang ang huntahan nila kung sino ang may utang at kung magkano ang utang. Tsk. Asar ako sa mga epokritong relihiyoso kuno pero nagpipigil na lang ako at baka atakihin ako ng juvenile hypertension.

7.) Meron din akong kapitbahay na kung makapagpatugtog ng radyo e kanila ang mundo. There are also times na yung ibang kapitbahay namen e kung maka-videoke e uumpisahan ng alas-sais ng umaga at matatapos ng alas-sais ng sumunod na umaga. Aruroy.

So sa palagay nyo, mamahalin ko pa ba ang mga kapitbahay kong ito?

Isa lang naman sila sa dahilan kung baket ako sleepless in my own Barrio Siete. Hay nako. Kung pwede lang i-bayanihan ang aking bahay na bato at makalayo ng ilang kilometro sa kanila (you know, yung tipong sa probinsya natin) e ginawa ko na. Problema e mabigat ang bahay na bato. :D

Related Posts with Thumbnails

Viewed 6808 times by 1141 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.

73 Comments »

  • jeri says:

    Duon sa Aming Barrio, meron akong isang kapit bahay na sobrang mapagmahal sa kapit bahay… pati asawa ng kumpare nyang kapit-bahay din nya, minahal din.. sabi nya sinunod lamang daw nya ang isa sa 10 commanments:

    Love your neighbor’s Wife… walastik nasobrahan ang magmamahal nya sa kapit bahay.

  • Glo says:

    walanghiya ka jeri! di ba do not covet thy neighbor’s wife? ;) heheehhe. may ganyan din sa neighborhood ko noon. umalis na yung pamiya ng babae dahil sa sobrang kahihiyan. for a barrio like mine, di ka tatagal sa kutya ng mga tao pag nabuking na. ;)

    kapatid na silver…i feel you sistah. bad trip yan. alam mo dito sa barrio ko ngayon, dahil nga ang lalawak ng bakuran so malayo ang spacing ng mga houses. so yung mga lasing eh di sa bakuran nila sila umiiihi.

    then dito naman,kung may couple na nag-aaway, deadma lang muna ang mga tao sa paligid. pag merong sumigaw na ng ‘tulong!’ or ’saklolo! . yun na susugod na ang ibang neighbors para tumulong. walang battered wife dito sa amin. bugbog sarado ang lalake pag nagkataon. kasi neighbors mo distant relatives din eh. eto lang gusto ko dito, ang diwa ng bayanihan eh buhay na buhay pa.

    • Silver says:

      Salamat Manay Glo.

      Juiceko, sarap pagsasapoken ang mga neighbors ko. Hmpt.

    • reynz says:

      “do not covet thy neighbor’s wife?” that’s right Glo! but it’s ok to covet one’s husband. hehehe di ba?

      • jeri says:

        ha ha ha ha, pareho lang yun kapitana… parehong pangongo-veta sa kubeta ng kapit-bahay. bwa ha ha ha.

        • reynz says:

          hindi parehas Jeri – kaya pwede ka pang nakawin. malinaw na “wife” ang sinasabi. hehehe!

          • jeri says:

            Para ka palang abogado kapitana,.. pilit binabaluktot yung mali.. he he he he

          • roni says:

            hehe, Di sya parehas,
            Walang bastardong lalabas.
            Sa mga babae, kung sawa na sa asawa,
            Hiwalayan na bago gumawa ng bata,
            Sa ganun, alam ng anak kung sino ang tunay nyang ama.

            Yun ang real wisdom sa naturang commandment, at kung bakit dapat ding legal ang diborsyo.

  • jeri says:

    Bukod sa mga tsismosang mga kapit bahay, dagdag pa rito yung “Inggit”. pag nakita ka na medyo umaasenso marami silang nasasabi na hindi maganda sa pandinig..mabuti sana kung hindi rin naipaparating, ang masakit nun masyadong exagerate yung kwento.. palibhasa me sakit na “Bato” as in mga Batugan, walag ginawa kindi tsismisan sa buong maghapon, ni hindi pa yata nakapag-mumog pagka gising sa umaga, Ayun! nagkukumpulan na naman para mag tsismisan… Imbes na tismisan at inggitan ang inaatupag dapat kumayod, gumawa ng paraan para may ikabubuhay. Sayang ang bawat minuto na dumaan pag wala kang magawa sa buhay… Amen ba kayo mga kabarrio?

    • Silver says:

      Amen ako dyan Jeri. Tumpak ka sa inggit factor na yan.

    • reynz says:

      ~nag-kakape~ dini-describe mo ata jeri yong mga nasa Kalye Dos sa barangay namen…

      • jeri says:

        Mga Batugan din ba yung mga taga kalye dos sa inyo kapitana?… well, sosyal sila, tumitira na rin pala sila ng Bato. he he he

    • darbs says:

      Amen.

      may alam akong ganyan. kaibigan ko ang anak at manang mana sa tatay ang pananalita. ang daming alam sa buhay ng may buhay… kesyo ganito…ganire at ganyan.

      Same tsismis style ang ginamit ng Nanay nang kinausap ang anak na made in U.S.A. Graduate sa isang universidad. Nakapagtrabaho sa isang corporate environment…

      Ito ang Official sagot ng batang lumaki sa dito sa ibang bansa.(which i thought impressive)

      Anak sa Inang Barriotic:
      SO WHAT? It is not of my friggin business. I don’t know them… who cares!

      Tumahimik tuloy ang nanay na very barriotic minded. ako na ang nahiya at akoy natutu doon sa bagong henerasyon.

  • jeri says:

    Mali pala yung interpretasyon ng kapit-bahay ko ate Glo..hayaan mo pag bakasyon ko, pagsasabihan ko..! do not covet pala yun…! dapat pala wag sya maglalagi sa Coveta ng kapit bahay.

  • roni says:

    I’ll blame it to the inumans, imajin, kung regulated ang alak, no headache! walang mapanghe, walang kalat ng bote, at wala ring magdadala ng barel! sige, tagay pa!

  • jimg2940 says:

    my beloved fwendly neighbour is a genuine watchman alias: PERV/BUSERO

    • Silver says:

      Nge. Buti walang ganyan sa barrio namen.

    • darbs says:

      Ako ata na pinaringgan nitong si jimg2940 ah. sowi ang dami kasing butas-butas sa may banyo kaya ganoon. beside pang teen ager lang na adhikain yan.

      but kung adult ka nat may edad uugod-ugod na inaakyat ung malaking mangga sa likod ng bahay para busuhin ung mga estudyante sa nursing na nagbibihis … now that is dirty old perv busurero na bitay ang hatol.

  • jeri says:

    Dapat sana ang magkakapit bahay ay nagmamalasakitan, at may respeto sa isa’t-isa, hindi yung ginagawang palikuran ang iyong bakuran sa tuwing nalalasing.

    Kapatid na Silver, Lasunin mo na lang kaya sila.. he he he Jowk lang po.!

    • reynz says:

      Jeri – sabi sa barrio namen “Say that to my neighbor!” takbo ka na rin kasi baka tagpasin ka nang bolo.

      • jeri says:

        aba! magagamit ko pala dun yung napag aralan ko sa Karate..! hindi Kung-fu kundi “Sayonachi”.

        Sayo na Chi-nelas ko… takbooooooooooooooooo!

    • Silver says:

      Jeri,

      Dysfunctional ang mga neighbors namen. hahaha. Nakakaloka talaga.

      May isa pa akong ginagawang kwento about them. Hahahhaa.

      Abangan ang susunod na kabanata.

  • N!ckph says:

    Do You Still Love Your Neighbor?

    Kaya nga siguro nilagay ni papa Jesus yang niegbhorhood sa 10 commandments, dahil alam n’ya ang mangyayari. Ito ay tipikal sa mga pilipino lalong-lalo na sa baryo…madalas tayong nakasilip sa bintana upang pag-aralan kong ano ang daily routine ng ating kapitbahay.

    ENVY — naiinggit tayo kung ano ang naging achievements ng ating kapitbahay.
    CRAB MENTALITY — ayaw nating umasenso sila.
    COMPETITION — pataasan ng ihi este ng bakod. Nag-gisa lang ng bawang sisigaw pa ng ANAK PAKIABOT NGA NG KARNI NG BAKA para iparinig sa kapitbahay, letse sardinas lang pala.
    RUMORS — yun na nga dahil asensado na sila gagawa na tayo ng k’wento na kesyo ang anak nilang dalaga ay pokpok sa maynila. Drug pusher yung anak na lalaki.

     

    • roni says:

      ahhh…errr…Kay Moses yung ten commandments, hehehe.

    • Rob Angeles says:

      Nick, hindi lang sa baryo typical ito. Kahit nakaahon na sa barrio life eh nagyayari pa rin ito. Makikita natin na marami tayong mga dating ka barrio na magaganda na buhay at malaki na ang naging pagbabago ngunit ito ay external lamang. Andun pa rin sa ugali nila ang mga nakakrinding ugali na nilista mo.

    • Silver says:

      Nick!

      Juiceko…meron din ganyan sa neighborhood namen. Hahahha.

  • roni says:

    Sa mga neighborhood, depende rin kung pano ka tinitingnan ng mga kapitbahay mo: sa barrio namen nuon, di pedeng mag-inuman sa tapat ng bahay ng titser…dun kame sa tapat ng pokpok, di rin pede magdala ng baril sa tapat ng bahay ng pulis.

    Suma tutal, kung me malaking paggalang ang kapitbahay mo, iyon ay kung iginalang mo rin sila. pangkalahatan itong opinyon na ito at hindi kinakailangang tugon sa nag-post.

  • jeri says:

    Total napag-uusapan din lang ang Pag-inom at 10 commandments, pagsasamahin ko na lang.

    ********SAMPUNG UTOS SA PAG INOM**********

    1.Huwag makulit habang umiinom

    2.Huwag matakaw sa pulutan (dahil itoy hindi picnic)

    3.Huwag patagalin ang baso (dahil may naghihintay)

    4.Huwag uminom ng uminom (bumili ka rin)

    5.Uminom ng diretso sa tiyan (huwag sa ulo)

    6.Magpaalam kung uuwi na, hindi yung bigla nlang mawawala

    7.Magtira ng pamasahe (para hindi maglakad pauwi ng bahay)

    8.Huwag matulog sa harap ng inuman kung may tama o lasing na

    9.Siguraduhing sa bahay ang uwi kapag lasing na

    10.Huwag manakit ng asawa kung hindi nya sinabi sayo na…
    “LINTEK KA, LASING KANANAMAN!”

    • roni says:

      jeringgola, nakalimutan mo yung ika-labing isa: Asahan mo na mamamatay ka ng mas maaga! I disapprove alcoholism, strongly!

  • Lani says:

    Hindi kaya iisang lugar tayo Madam Silver? Ganyang ganyan ang kapitbahay ko. Lalo na yang videoke factor? Minsan na akong nag complain sa barangay by telephone, eto namang barangay namin ang gusto, mag formal complaint pa ako, at kasama daw dapat ako para puntahan ang mga maiingay, sabi ko nga, inihahanap nyo ba ako ng gulo? Di ba dapat pag may complaint, kahit anonymous, dapat imbestigahan? Dahil ang pagkakaalam ko, may batas ng nagbabawal ng noise pollution.

    • darbs says:

      Tawag ka lang ng 911. Patrol Car andiyan na yan. Trabaho lang kasi nilang may kapayapaan sa nieghborhood. Kahit TONGGRISISTA ka pang bitokon sa aming neighborhood kung maingay ka “PATAY KANG BATA KA!, kung may mag complain at kinabukasan HEADLINE ka na sa LOCAL NEWSPAPER at local radio. Para bang Barrio Siete ang implementasyon.

      Kaya pag may-anak kang iniiwan mo lang sa bahay na minor de edad at walang kasama…

      kung malaman yan sa kapitbahay… patay kang tatay ka! o nanay ka! Dahil kukunin ang anak mo at ikaw ay may posas pa sa presinto ang punta.

    • Silver says:

      Naku Lani,

      Kahit anong gawing pagsasaway sa mga lintek kong neighbors e wa epek. Talagang matitigas ang mukha ng mga yan. hahahha.

      • Lani says:

        Ay super tigas talaga ng mga muka. Buti sana kung magaganda ang boses, sus! May isang kapitbahay pa ko, in ferness, hindi sya nakanta, ang kaso napakalakas magpatugtog ng radyo at ang gagawin nya, lalabas sya ng bahay, mukang sya mismo nabibingi sa ingay ng radyo nya.

  • dFish says:

    Minsan, pag naririnig nila na tsinitsismis namin sila…

  • darbs says:

    Walang inggitan sa neighborhood namin. Dahat nag dadamayan. Nagtulungan. Kami na mismo ang tumatawag ng 911 kung sakaling si Aling Matanda ay kailanganing isugod sa ospital.

  • darbs says:

    Sa aming neighborhood ang batas ay batas. It is up to you to challenge sa batas. Dahil pag sinabing bawal at iyong ginawa… for example isang Senador na nag-over speeding at nakainom pa man din. Of course dinakip ng highway patrol… Driving while intoxicated is a big no!no! sa U.S.A. What happened next is imposibleng mangyari sa Pilipinas. Kinabukasan,headline. Hanggang ngayon ung highway patrol buhay pa. at ang mga pahayagan andiyan pa rin.

  • darbs says:

    2.) Magkakalat sa iyong harap. Mula sa upos ng sigarilyo hanggang sa mga basyo ng bote ng Red Horse, San Miguel Grande at Emperador. Pasintabi sa mga kumakain, isama nyo pa ang mga dinuraan nila. Ewww.

    Dito sa aming neigborhood may ticket ka na kung gawin mo yan. In fact, lilinisin yan but you will receive BILL na napakamahal pa naman.

    Pati grasses sa lawn pag hindi mo na mow yan sa tamang sukat, may summon ka na at padalhan ka na nyan ng mga meksikanong landscaper para sila ang mag mow sa lawn mo… expect the Bill later of course.

  • darbs says:

    CRAB MENTALITY — ayaw nating umasenso sila.

    This is very much against sa tinatawag nating SOCIAL CLIMBING.

    Kailangang kailangang may aasenso sa kapitbahay para makasama tayo sa kanilang kaasensuhan.

    In fact, kailangan pa ngang tulungan upang lalong umasenso.

    Of course baka sakaling pag nakaupo na si KAPITBAHAY sa kalangitan, baka hindi makalimutan na TAYO PALA AY HINDI CRABBY na kagaya nila. dito nagbakasakali lang na marunong lumingon sa pinanggalingan si kapitbahay na sikat.

  • Silver says:

    Darbs,

    Baka ang sinasabi mo e mga neighbors mo sa New York! Hahahha.

  • darbs says:

    Darbs,

    Baka ang sinasabi mo e mga neighbors mo sa New York! Hahahha.

    @Silver, hindi ka lang pala “Dare to speak out” manghuhula ka na rin pala. bwahahaha!

    • Silver says:

      Darbs,

      Nakikita ko ang lahat sa aking bolang kristal…hahahhaa…

      • darbs says:

        @Silver, Bolang Kristal?
        Nananakot ka ba?
        Are you talking the witchy kind/engkanto dungdungwen kanto orasyones de la tuod-matuod giod BOLANG KRISTAL? ~ nginig ~ kaartihan ng salawahan…bolang, nginig parin boses…”kagaya kay Madame Ursula?”

        CHORUS:

        “MADAME URSULA?”

  • fatherlyours says:

    Yung kapit bahay ko naputol ang puno niya minsan may Bagyo, akalain mo ba naman yung mga sanga at dahon sa tapat ng bahay ko pinag lalagay. Sa tapat niya ang linis. Nung inilipat ko sa tapat ng bahay niya nagalit sa akin. Ako pa ang masama ang ugali.

    • Silver says:

      Hay naku manong fatherlyours…

      kairita din ang mga yan. susmio.

    • jeri says:

      Ang Gawin mo kabayang Ramon, sa susunod na may bagyo at may kalat ulit… yung bakuran nya mismo ang lilinisin mo.. reverse physcology lang ba?.. tignan mo kung ano reaction nya.

    • darbs says:

      According to whom? ung nieghbor? ibig sabihin fatherly yours nasaktan ung damdamin ninyo nang pinagsabihan kayong … nananana masama ang ugali nya! five time ba ang repetition again and again and again? or hundred times or million times… gaano kalakas ang sigaw na masama ang iyong ugali… 24/7 ba itong naririnig mo? how many years kang nag suffer na pinagbintangan kayong masama ang iyong ugali?

      • darbs says:

        Sus mio…
        sabi pa nya,
        kairita din ang mga yan.
        susmio.
        Kaya pala?
        Naintindihan ko na
        Kairitang talaga.
        Makalagot sa bisaya pa.

  • dencios says:

    walang halong biro pero ang neybor ko puro sex sounds ang madidinig kasi yung room ko ang katabi din is another bedroom ng kabilang unit.

    nakakaistorbo na at hindi na magandang pakinggan sa tenga.

    • Silver says:

      Ngak! Hahahhaha…..

      Dencios, ang hirap makatulog nyan. Parang may naglalandiang pusa sa gabi ang mga tunog na yan. hahahahaha.

      • dencios says:

        minsan tinatablan din ako ng mga ungol ng malalanding… PUSA! hahahaha

        • lee says:

          @dencios, garampingat ka nga talaga ahahahahaha

          • darbs says:

            @everyone involve…

            uken-ina-yo latta! bwahahaha!

          • dencios says:

            @lee

            nagkakataon lang hahaha. pero minsan nakakaasar na kasi ang laks talaga ng ungol lalo na yung babae.

            @darbs

            hala ano yan? (kamot ulo, hehe) record ko ser darbs tas bato ko sayo dyan haha

          • lee says:

            @dencios, nyahaha yung mga dati kong natirhan ganyan,kaso this time swerte ko kasi nasa dulo na ko at yung rum sa dulo naka pwesto.

            @darbs, boooooog bog bog bog hahaha

  • lee says:

    hendeeeee, hende ko lab yung neybor koh parekoy.

    *kung magsara ng pinto palagi akong napapatalon dina ko masanay.
    *di marunong magtapon ng basura nya dun lang iniiwan sa labas ng pinto nya.
    *kung magpatugtog abot hanggang kabilang city ang tindi ng lagabog.
    *palaging parang my gyera pag nag aaway sila nung kanyang asawa,pagsasaran nya ng pinto at yung isa naman buong magdamag magkakalabog sa pinto pero pag umakyat yung security biglang titigil.
    *yung aso nya sa harap ng pinto ko pinapa -u-u kasi ako ang nasa dulo malapit sa stairs(fire exit)hysterical ako palagi kahit na nga may service tagalinis.
    *gusto ko syang ibitin ng patiwarik from 30th floor.

    • Silver says:

      Tulak mo na lang siya parekoy from the 30th floor. Hahahaha.

      • lee says:

        di kaya parekoy matindi security hahaha.
        makukulit mga chikwa,aawayin pa yung security pag sinita sila,marami kasi akong neybor na mafia ngaaaaaa

        • mtoni says:

          grabeh neybor mo ate lee kung ako nasa kalagayan mo palagay ko palagi ako me magagawang bagay na kunwari eh di sinasadya(joke lang po yan pero kung ubos na pasensya maari totohanin).

          • lee says:

            naku @mtoni, kaya nga ako lumipat kasi yung dating flat naman na tinitirhan ko, yung nasa taas ko ginagawang basurahan at tapunan ng kalat nya yung balkonahe ko at ang nakakabuseeet dun pa nadura, litsi,tapos tong bago ginawa namang kubeta ng aso yung harap ko nyahaha

  • darbs says:

    Dapat sana ang magkakapit bahay ay nagmamalasakitan, at may respeto sa isa’t-isa, hindi yung ginagawang palikuran ang iyong bakuran sa tuwing nalalasing.

    Hindi ba pueding lumuhod sa harapan sa lasenggerong sanggano anak ng malaking yutaan na next time pag malasing huwag namang gawing palikuran ang bakuran…

    Warning 1

    Warning 2

    Warning 3

    Perwisyo bang talaga?

    Paki check doon sa Davao kung kasama doon sa mga nalibing sa may bakod.

  • Amor says:

    Naku ganyan din sa amin dito, may kapitbahay kaming halos linggu-linggo nag vi-videoke maghapon, kahit walang okasyon. Okay lang sana kung kagandahan ang boses kaso hindi. Meron din kaming kapitbahay na sakop ang 1/3 ng kalsada ginawa na nilang garden.

    • lee says:

      @amor, sa pinas yung harap ng bahay namin social hall, since my bayad ang paggamit nung social hall palaging my party na ubod ng lakas ng sound halos gabi-gabi,kaya twing uuwi ako nakukunsumi ako,yung pamilya ko sanay na e parang di na nga makatulog pag tahimik hahaha,pag uwi ko next month bibili ako ng tirador,titiradurin ko yung magiingay at yung mga ilaw lol.

  • [...] ng naikwento ko sa inyo sa aking sulat na “Do You Still Love Your Neighbor?”, umandar na naman ang barumbadong kapitbahay ko. Alas-otso pa lang ng umaga e nagsisigawan na [...]

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.