Home » Buhay sa Barrio Siete

Driving Miss Crazy sa Metropolitan Manila

18 July 2009 11 Comments

bahay 171Akala mo ba? Kahit na de-kotse ka sa Manila eh you already have peace, quiet and divine serenity?! Hindi!! At sa lahat nang pinaka-bwisit bwisitan ko mag-drive sa Manila are the following at isa na ang driving habits nang mga ibang mokong na mga pinoys dyan coz they are completely different. Wala silang sinusunod na rule! Kesehodang presidential decree pa yan! Dahil, walang pakundangan ang ibang mga pinoy! Eto patunayan ko!

1. They would make sudden left turn kahit na andun sya sa kasulok-sulukang right hand side nang Palawan!
2. Yong lane eh nasa ginta na nang kotse nya!
3. Cut nang cut nang lanes all the freaking time!
4. Mag-iistop kahit na sa gitna pa nang Edsa!
5. Red light? Dekorasyon lang ang mga yan!
6. At night, kala mo mga multo ang sasakyan! Mga walang headlight!
7. ‘Taz busina nang busina!!!

Anong drama ba nang Department of Highways? O kaya ni Bayani dito? Model yata sa dysfunctionality ang Metro Manila.

1. Ni walang mga roadway signs, kung meron man, binaliktad o kaya pahalang
2. Me mga street signs na nangawala at ni hindi man lang palitan
3. Yong mga lanes? Bigla na lang nawawala! So, mapipilitan kang makipagsiksikan!

If you ever get home, check this one out!

If you are driving on Edsa papunta ka sa airport, dadaan ka sa Ayala overpass. On your right hand side eh meron lane na nawawala. Alam nyo where it ends? Isang pader! Yeap, PADER!!! I was told, na merong na-chugi don, kasi nga, walang sign. Only after that accident nagkaron nang sign. Ganito kasi dito saatin, kelangan me me ma-chugi muna bago gawan nang safety measures.

Andaming nakakainis sa highways sa Metro Manila:

1. Andyan yong mga pedestrian na susulpot na lang kung saan-saan!
2. Andyan yong mga cigarette vendor na parang multo a-apear na lang sa window mo!
3. Me mga batang kakatok na lang sa kotse mo! An dami non sa Shaw halos tapat nang San Miguel!
4. Me mga nagbibisekleta
5. Yong mga de-motor, singit nang singit at cut nang cut! Andami na nilang na aksidente, pero sige lang!

Hindi lahat nang intersection dito eh me traffic signal. Kung meron, ang red traffic signal actually means – continue driving but be careful until na mabangga ka! Sa totoo lang, I thought all these traffic signals are nothing but decorations para lang sabihin sa foreign people na civilized din tayo no? Look! Me traffic light kami!!! Yeehhaa!

I see a lot of “Don’t block the intersection” similar to the ones in Philadelphia. Kaso, naiintindihan ba naman nila Inglis? HINDI!

Yong right-of way dito is by force!

Now how to make singit? Simple lang.

In a bumper to bumper situation, bantayan mong umalpas nang konti yong bumper nang isa and in a split-second upakan mo yong accelerator para lang mai-ngud-ngud yong bumper mo. Now, pag naipasok mo na kahit one millimeter? Ayos ka na. You have to repeat this exercise over and over! Nakaka-lukring ‘day! Especially kung sanay ka na sa driving in the west? Leche!!!

Na-mention ko na ba na ang pinaka-super baliw na ginawa sa Metro Manila eh tong mga lecheng U-tarns na impaktong kademonyohan kung anong klaseng imaginative defective mindset nang kung sinong naka-pink dyan? Subukan mong mag-drive sa Quezon Boulevard ata yun, yong galing ka nang Circle papuntang Edsa pag hindi ka mabaliw sa takbo nang trapik! Leche! Nag-titili ako oras na napadaan ako sa hayup na kalye na yon! Hmpt!

Alam na alam ko to dahil mababaliw ako sa kaka-drive sa Manila. Kayang kaya kong i-drive ang New York City. But I will tell you this, New York City drivers will get a shock of their lives once they drive in the streets of Manila. Now, I don’t know if it’s a good thing.

*bow*

Related Posts with Thumbnails

Viewed 7123 times by 1669 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is

11 Comments »

  • jeri says:

    mmmm tahimik ang barrio, nasan kaya mga sila? bka sumama sa rally sa Sona ni Gloria.
    Basiliooooooo, nasan kaaaaaaaaaaaaa?

  • jeri says:

    he he he tagalog na wrong gramar pa rin…….

  • maxi says:

    I couldn’t agree you more ateng! Nung umuwi ako last year, I attempted driving along Edsa and I swear from heavens not to do it again ever! Hindi naman kasi ako sanay mag maneho sa menila sa barrio siete namin pwede pa kasi baka, kalabaw at iba pang hayop ang kalaban dun.

  • an2nette says:

    Hi! you’re right renz, ilang beses ng nahuli si papa ko sa pagdrive niya sa maynila, may beating the red light eh wala naman kaming nakitang traffic lights, the next day, hinanap ni papa ko yung traffic lights, kakahanap eh lumagpas kami sa linya, another violation na naman, then sa sumunod na kanto nag U turn kami, eh no U turn pala doon eh wala namang sign, haay, magmemenopause ako ng di oras, kaya nga ayaw kong mag drive sa atin

  • jimg2940 says:

    survival of the fittest, Chong…when it comes to driving Pinoys are the bweset err best; pasalamat ka’t wala ng gaanong kalesa sa daan, and that’s another story.

  • art says:

    Sadly, hindi nagbabago ang pinoy; it’s a jungle out there – noon pa yan!
    The ultimate destination kung gusto mo magwala o mawala sa mundo – you know, a one way vacation – parang shit does happen there. Kaso masarap pa din umuwi;-).

  • mtoni says:

    makikitid ang ibang kalye at napakaraming sasakyan sa pinas kaya kelangan siguro taglay mo ang 7 katangian sa taas kung gusto mong makarating sa oras sa yong pupuntahan at lalong lalo pa kung trabaho mo ay drayber.
    di lahat ng tao sumusunod sa batas, mas pinaiiral ng iba ang pagkamakasarili.

  • pehpot says:

    ahaha, ako galit sa mga nag momotorsiklo.. ang tatapang eh, akala mo kung sino, pag nabusinahan mo aba sila pa ang may ganang tumingin ng masama, ay letse, kaya kahit anong pilit ni fafa na turuan ako mag drive todo tanggi ako, mahirap na at baka mapatay pa ako sa katabilan ko.. pero iniisip ko na din na magkabit ng mega phone sa kotse eh, iyong tipong pag mag nang agrabyado sa iyo, mag memega phone ko lang sbay banggit ng plate number nya haha

    Make or Break

  • antipatika says:

    AWTS! tinamaan ako sa mga sumisingit pag traffik. hahahah! pero may style naman ako pag sisingit, pag alam ko na madadaan sa smile at konting fa-cute, may I baba ako ng salamin ng bintana para mag smile sa katabing driver. Keri lang kahit kasama si KK, ang importante eh medyo makasingit.hehehe! Pero ang ayoko kase yung mga tumatawid na matapang pa sa may sasakyan kahit mali sila. Yung tipong makikipag titigan pa sa iyo. Naku, may award sa akin ang mga ganon. :)

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.