Engkanto, Totoo? Part 1
Sa aming barrio siete, may nangyari na kababalaghan. Ito ay totoong nangyari. Kahit ibitin ninyo nang patiwarik si Silver.
Ang lugar ay isang gated community sa Tandang Sora, malapit sa lugar nina Ted Failon.
Believe it or not.

Tawagin natin siyang siyang si Haydin Hindiako. Siya ay ang nawala, bumalik at nawala ulit.
Sa edad na 29, si Haydin ay isang certified na binata, may career, mahilig sa night outs pero walang permanenteng girl friend.
Enjoy siya sa kaniyang bachelor hood. Puwedeng boylet material ni Reyna Elena. Isang madaling-araw, pauwi na siya sa kanilang bahay nang makita niya ang anak ng village laudrywoman.
Nakatira ang mag-ina sa isang bahagi ng subdivision na wala pang pinatayong bahay kaya marami pang puno at tanim. Pinayagan naman sila ng mga residente doon dahil malaki nag tulong sa kanila yong meron silang natatawag na labandera pag kinakailangan.
Mabait si Haydin kaya huminto siya at tinanong ang bata kung gusto niyang sumakay sa kotse para ihatid niya. Maiyak-iyak ang batang nagsabi na ang ina niya ay masakit at kailangang madala sa ospital.
Pinasakay niya ang bata at balaki nilang sunduin ang ina. Madilim sa parteng yon ng lugar; walang ilaw at may isang malaking puno.
Tumakbo ang bata pagkatapos bumaba sa kotse, patungo sa isang maliit na bahay.
Bumaba rin siya at sumunod sa bata papunta sa bahay na may maliwanag na ilaw na pakwari niya ay masyadong maliwanag kung nanggagaling sa kandila.
Wala ang bata. Walang tao. Sa gitna ng maliit na sala ay may lamesa na may mga pagkain; black rice, white rice, fruits such as grapes , mandarins, apples and peaches–mga prutas na mabibili lang ng may pera. Sa dulo ng lamesa ay may alak at tubig na umiikot.
Biglang lumabas ang isang napakagandang babae. Tawagin natin siyang Karina Halililangako.
Humingi siya ng dispensa na kailangang magpanggap siya na batang kakilala niya.
Naalala ni Haydin na kaya pala parang ang haba ng byinahe nila.
Inimbita ng babae na kumain sila. Inoffer sa kaniya ang itim na bigas. Hindi niya tinanggap dahil may narinig na siyang mga kuwento tungkol sa itim na bigas.
Nang siya ay tumanggi, biglang lumabas ang mga magulang ni Karina. Sinabihan si Haydin na pakasalan ang kanilang anak.
Hindi pa man siya nakakasagot ay nag-iba na ang lugar. Hindi na ito ang maliit na dampa. Isa nang community ng mga tao na katulad din natin. Dalawa lang ang pinagkaiba. Wala silang hiwa sa pagitan ng ilong at bibig. Ang imaheng lumalabas sa mata pag tinitigan ay baliktad.
Nakasuot na ng pangkasal si Karina. Inihanda ang kasal . May kaibahan ang kasal.
Kailangang dalhin ng groom ang bride sa kaniyang balikat.
Pagkatapos ng kanilang kasal , humingi siya ng permiso para madalaw ang kaniyang pamilya. Inisip niyang huwag bumali.
Pinayagan naman siya. Pinatulog siya at paggising niya ay nahulog siya sa malaking puno.
Hindi niya nakita ang kotseng iniwanan niya kaya naglakad na siya. Sa harap ng kanilang bahay ay may nakita siyang teenager na kamukha ng bata niyang kapatid.
Siya pala yon. hindi siya makapaniwala na ito ay 14 na taon na. Siyam na taon lamang ito nang siya ay nawala. ibig sabihin limang taon siyang nawala.
Nang makita siya ng kaniyang magulang ay dinala siya sa simbahan para pabasbasan.
At nagsimula ang pagkagulo ng buhay niya.
Abangan….
Viewed 20726 times by 5423 viewers
The Cat is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.














hahaha! love the story.
totoong nangyari yan darbs, pati pari sa amin hiningang ng tulong para hindi siya bumalik doon. sa part 2, nakalagay.
Pero may bahay ang mag-ina na tinatawag nilang BARONG-BARONG.
Parang barong-barong lang ang pueding ipatayo dahil based sa experience ng mga BIG LAND LORDS with the collaboration with the Engineering Department ng… sino ba ang may mga buldozer/bakhu/caterpillars/ sa pinas?
http://www.cat.com/products-and-applications
Ayon sa kasabihan. final result: kung sakaling mapatupad ang makataong land reform barong-barong ay madaling sunugin at buldusin. ung remains pueding itago sa kailalim laliman ng lupang tinubuan.
Wow, first hand na preview sa next episode. may additional character, pari. palagay ko ito ung kura doon ano?
Ano kayang klasing pari sya? Sekyular?
sekyular ung bang pari na ang loyalty nila ay doon sa Obispo na nakatira sa Palasyo ng Diocese.
Or Religious Order na pari kaya sya? ung bang mga tinatawag na Religious, like Society of Jesus, Oblates of Mary Immaculate, Franciscan Orders, Dominican Fathers, and e.t.c.
@Ms Cat,
This is creepy. Binabasa ko ito sa aming opisina kagabi at gustung-gusto ko na sanang mag-comment dun kaso bawal! *lol*
Amazing po talaga na totoong nangyari ito.
exciting. hindi ko mahulaan ang ending kasi parang madaming twist sa buhay ni Haydin Hindiako. hehe
dencios,
hindi pa tapos yan eh. may part 2.
yes mam caT iniisip ko nga kung anu magiging part 2. pede kasing patayin mo sa istorya si Haydin lols
tama si dencios, ang daming twist sa story. biglang andito then nawala, nakatulog, nahulog, batang nakita kapatid, sya pala ay may asawa.
naalala ko tuloy ung kantang, “Mahiwaga ang buhay ng tao…”
Puedi na ring, labanan at pagalingan ng imahinasyon.
hahaha! ang hirap kalabanin ang sumulat nito sana hindi kasali sa paligsahan.
salute to the writer.
Can’t wait for the next episode.
Thanks!
mam cat anu bang mangyayari pag kinain mo yung black rice? may efect din ba pagkain ng black chicken?jews ko e di engkanto na ko????
sabay hawak sa ilalim ng ilong kung my alulod pa ba
ang galing mo naman dencios. hindi ko pa nga makuha kuha ung story, ikaw hinuhulaan mo na kaagad ang ending? hahaha! how did you do that dude?
anyway, the point is, i have no point at all. just wondering.
sensya na po, na belong kasi ako sa Komiksan Generation of the 80′s. Un bang ubos ang pera sa kababasa ng komiks sa may palengke.
un bang muntik nang nabilanggo dahil nung sinita ng may ari dahil sampong komiks na ang nabasa, 5 cents lang pala ang pera.
un bang there was a time na banned ka na sa lahat ng komiks stand, dahil kilala ka nang mamboboso este mambabasa na walang pambayad sa sinulat ng may sulat na pinangalanan nilang komiks.
LOL @ ser darbs. haha parang naalala ko tuloy na hinampas ako ng matanda sa tindihan ng komiks noong bata ako kasi nabangga ko lang siya while reading komiks LOL.
hindi siya namatay. abangan.
ako na grounded, walang dinner dahil nahuling nagbabasa ng komiks nang ang pamilya ay nagdadasal. mwehehe
ako naman pinakain/nilolon ung tatlong battery ng transistor radio dahil nahuling nakinig doon sa dramang na entitled; MY FIRST EXPERIENCE hahaha!
buti hindi ka umilaw o tumugtog. hahaha
Kwento version 1 tungkol sa itim na bigas:
Pag magluto ka ng Rice with Beans at ang gamitin mo ung black beans. THE COLOR OF YOUR RICE WILL CHANGE TO?
I have two hands the left and the right.
Black Rice (Rice and black beans cooked together in a certain temperature)if you add ung karni ng baboy ang color ng baboy ay itim na rin.
ako pag kumain ng squid, itim din ang lalabas. ooops sorry sa kumakain.
Pag smile makikita mo sa ngipin. true, true.
personal choice: mas masarap kasi ang squid kung hindi kinukuha ang “ata”
I don’t know what is “ata” sa tagalog. basta ung maitim na nakadikit sa mga internal organs ng squid.
Fresh na squid mo lang makita ung itim na “ata” na un.
Inimbita ng babae na kumain sila. Inoffer sa kaniya ang itim na bigas. Hindi niya tinanggap…..dahil hindi sya kumakain ng bigas, kailangan nya munang isaing iyon. bwa hahaha….aftermath ng fullmoon.
hindi siguro gusto ang ulam. baka black beans. lol
HUH! There is BLACK RICE! Duh! matud ko pa.(slow learner)
http://en.wikipedia.org/wiki/Black_rice
Wow!
Cool!
Daw si manol (glad to know)
parang T2 to ah.. yung movie ni Maricel. I just watched it last weekend. Lols.
I can’t wait to read the next episode, ms cat.
natakot akech!
kaya sa aming barrio, parati ako may dalang asin. hihihi
ressie,
takot ba ang engkanto sa asin?
oo, yun ang sabi sa amin.. kaya daw mga pagkain nila ay mga matabang.. hehe
Ang alam kong mga engkanto doon sa baryo namin hindi takot sa asin ang totoo wala silang PAMBILI kahit ASIN.
Pero ung bahay kubo nila kahit munti ang halaman ay sari-sari… may palaisdaan pa sila. ang problema walang pambili ng asin.
In case na ma-invite ka sa bahay nila, kahit bata pa walang takot sa mga engkanto na iba pa nga ang imahen sa kanilang altar, ung asin mo okey lang naman sa kanila.
In fact, pinapagamit doon sa kababatang kaibigan ang asin. pero ung matatanda dahil sanay na walang asin, they didn’t care.
2009 – coffee po sa isang engkanto sa amerika ay black coffee without sugar.
kala ko, mahilig manungkit ng manggang hilaw. hassle naman kung bagoong ang dala-dala……again that moon shadow.
Baka sa part 2 e hindi na ako ititiwarik.
Mam Cat,
kelan ang part 2?
Silver,
Kahit sa kwento, nakatiwarik ka pa rin. lolz
malapit na. may mga nakaline-up kasing mga article.
kailangan variety.
That is not true. unless, you will change this,
“Dare to speak out!”
If not…then
Truth be told: you already signed up for the patiwarik blues.
hey, just kidding! hahaha!
darbsky, parang 24/7 ang tambay mo dito sa barrio ah!
darbs, pala-isipan sa akin yung avatar mo: kung hindi tuyong bunga ng niyog, ulo ng dinosaur, mani kaya?
Dear Roni,
Thanks for the inquiry. Glad you asked.
JIT: I have the reason to update the page.
Power of suggestion:
Here is the answer of your question.
http://exodians.wordpress.com/2009/05/31/mango-ny-the-third-winter-still-surviving/
You have the right to reply law. It is now a law by the way.
Thank you.
Mao ba? (Halata ba?)
hmnnn… interesting.
Do i have to create three more accounts para ma distribute ang oras? hahahaha!
halatang, halata! ninakaw mo ang summa cum laude title ni silver! hehehe
ninakaw mo ang summa cum laude title ni silver!
BWA HAHAHA!
Really?
Review nga uli kung sino si Silver.
- nominated as influential blog
- barrio siete newspaper columnist
- dare to speak out blogger
- number 2 behind darbs in commenting
Add all the points. Department of Barrio Siete Education Culture Ethics and GMRC – good moral and right conduct.
Summa Cum Laude pa rin si Silver.
I am not a threat to her Summa Cum Laude position.
Alam ko sa aming baryo, ung pamilya nung number two for the Summa position ginawa lahat kasama na ang bribery, para siguradong ang anak ang maging Summa Cum Laude sa panahon ng graduation.
Hahahah…
Kanina pa ako tawa ng tawa sa comments nyo.
Darbs,
Sobra naman ang medalyas na nilagay mo sa akin. haha.. nakaka-fat ng heart..hahahha….
Anybody can comment here, kahit pa mas marami sa akin. I just have a habit in answering every comment on my posts.
@darbsky, jokeness lang manoy! natutuwa nga kami sayo dito eh!
@Reesie, jokeness indeed.
medyo seryoso lang dahil Magna Cum Laude ba naman.
magic word yan eh, or shall i say, sacred word that can only happen in my dream but will never come true.
remains elusive even in enchanted world like ours.
hahaha! morag atik na man giod kaayo na sya, (hindi ko alam ang translation, hahaha!)
Peace Lord of the Rings!
5 years?! Juice ko.
Baka nag abroad lang siya Ms. Cat…
charing! can’t wait for part 2.
mel,
abangan. hahaha
kaya siguro matabang ang pagkain ko. hahaha
hindi bawal lang sa akin ang sobrang sodium. hehehe
engkanto ka pala ms cat? engkantong pusa, it is! hehehe
eng eng sa kanto ressie. lol.
Kung totoo ang propetic words ni Reesiskie, Ms. Cat is the most powerful nilalang sa Barrio Siete na nakatira sa may Balite (Malaking 225 years old na kahoy).
to be continued…
si bisor ko andiyan na.
(ito po ang harap-harapang pagnanakaw ng oras ng bayan, instead na trabaho ang inatupag ito nag iistambay sa waiting shed ng barrio syete)
juice ko magnanakaw karin darbs?ako nga sa halip na trabaho unahin tambay dito bwahahaha.
un nga ano?
ganito ba ang modelo na ating ipinapakita sa ating mga kababayang hindi lang oras ang ninakaw pati na ata arinola nang bayan kanilang gipatimbang. un biglang yumaman.
kids, how we do it… istambay, istambay sa barrio siete… hard to explain. it comes with experience. plus gadgets of course. clean without a trace.
Simpol – wag na wag mong gamitin ang kompanyang gamit para lumabas sa mundong alapaap. Never! ever! 100% pure official transactions. no more, no less…
shhh wag ka mengay di naman masyado halata sinasamantala ko lang at from tomorrow wala nanaman ako dito
nakakaexcite naman, can’t wait sa ikalawang kabanata, ano kaya ang ending, abangan…..
ysn sng sinasabing abangan ang susunod na kabanata. kung ano ang nangyayi kay hayden hindiako.
pinapatangos mo ilong ng engkanto?
ha ha ha , hintayin mo ang kuwento ko tungkol sa multo.
Di ba white lady ang nandoon? ngiiii
Sana walang mamamatay or papatayin, pero di naman magiging kahindik-hindik (parang naghuhumindik lang) ang magiging tagpo kung walang tatanghaling bangkay.
PERO aabangan ko na rin.
yan ang suspense diyan.
kung uso na pala cam nun ibi vidio yun tyak ni haydin hindiako
ang kulit ng kwento mo…cool…may kasunod to diba?
malapit na. AWOOOO
Asin – Pamahiin
Wag ilapit ang asin sa bungang kahoy – manga-pa man din.- dahil next season hindi na tatamis ang bunga. PAMAHIIN!
I am not sure kung applicable din sa bagoong. applicable din siguro dahil ung manga na malapit sa may pagawaan ng bagoong halos di na namunga. coincidence or baseless unscientific pamahiin blues.
di ko alam ito ah. thanks for the info.
that pamahiin is based on sub-atomic level of matters’ constant vibration. a salt is a concentrated seawater, and so therefore stronger than a tree. my opinion.
Any doctor in Barrio Siete Los Banos Agriculture Agronomy and horti culture department here?
darbs,
si glo gamat, graduate sa UPLb at nagwork yata sa IRRI.
[...] Posted by darbs on May 31, 2009 Updated: June 09, 2009 Dahil kay roni sa barrio siete. roni # roni. June 10th, 2009 : darbs, pala-isipan sa akin yung avatar mo: kung hindi tuyong bunga ng niyog, ulo ng dinosaur, mani k… [...]
meron talagang black rice kahit sa Bicol,kaya lang hindi commercial.
sa indonesia may nakain din ako.
marami ding engkanto doon. ang dami nilang templo.
thanks sa info TheCat. now i know. “itim na bigas” ay totoo!
Wow… let me check this out sa aming supermarket.
naku mam cat dito maraming itim na bigas at may partner pang ulam na itim na manok— means maraming engkanto dito?
siyanga. tapos ang gamit ninyo toyo, ayos.
wow gusto ko yung mga ganitong kwentuhan e, nadinig ko na yan nung bata pako mam cat yung mga engkanto walang alulod sa ilalim ng ilong at yung baliktad ang reflexion ang alam ko aswang naman yun lol,sus kung kelan pa naman ako lalayas bukas at lunes na balik ko saka pa bitin ang storya waaaaa magrarally ako dito sa tindahan ng barrio—
-ang part 2… ilabas—
ang part 2… ilabas—
part 2… ilabas—
2… ilabas—
ilabas—
as—
kailangan may permit kayo sa barangay.
susunod ka na lee. hahahaha
susunod san madam?susunod na ibibitin ng patiwarik??? waaaa
nang may hantik na umaakyat habang nakatiwarik. huwag kang aalis. hahabulin ka ng hantik. ah aha haha
My father narrated almost the same experience.Naaksidente siya sa bukid at nawalan ng malay. Hindi na masyadong ma-distinguish kung panaginip lang o totoo na kinuyog siya dun sa isang Kingdom na punong-puno ng katuwaan at kasiyahan (parang Barrio Siete lang). Yes, kakaiba din ang hitsura at damit. Pinapasali siya, kinumbinsi mamalagi. Siguro, nanaig pa yung love-liness nya kay mader. Yun nagising. Pero, pakiramdam niya, ang tagal nya dun. Minsan, dahil lagi sa bukid, mula sa malayong bundok, nakikita nya, nagkikislapan ang mga ilaw na hindi naman kayang abutin ng kuryente. Parang may party. Madalas, sa mga tahimik na lugar, doon yata sila gumagawa ng mga subdibisyon,C5,casino,at enchanted kingdom…
Bat kaya ang daming alam yang mga pader natin tungkol sa kwentuhang kababalaghan na may halong mystical at magical din. looking back kahit anong sabihin nila i never believed. mystefied yes, but believe? I don’t think so.
darbs, sa tingin ko, some pipol have more sharpened third eye. Why? Inde ko alam. In my case, i never had a close encounter with those spirits of the earth gaya ng mga duwende o white lady. Before my brother’s death, he would claim of seeing a white lady sa tulay na malapit sa amin. But i know that terrible pain can enduce hallucinations. Ang mga espiritu ng lupa, mahilig talaga yan sa tahimik at ang mga tatay natin, mas maraming oras sa bukid kaysa bagong henerasyon. So logically, the probability of those encounters are higher than with urbanized pipol…
By the way, waz up with the “white lady sa tulay?”
Bat lahat na lang na narinig nating encounter ng “white lady” bat ba sa tulay.
No idea either.
Pero ano ba ang relasyon ng babae at tulay. why it has to be white? why not brown? or black? or maybe green?
Time for Barrio Siete Department of Paranormal Objects and Behavior. Si darbs, maraming tanong at freaky suggestions na pwedeng magbago ng kultura ng mga taong-lupa…
darbs kaya yata white kasi white ang damit para kita kagad sa dilim kaya ako yoko mag white ng damit— panu yung mga nars at doktor?dapat white nurses at white doktors? oo nga no ang gulo bakit ba porke naka puti ng damit white lady na?
hahaha! Barrio Siete Dept. of Paranormal Objects and Behavior.
X files ha?
Most likely paranormal exists but at least ung characters diverse din naman sana. hahaha! yan ang freaky part. tama ba dfish?
I can smell the New Yorker in you. You want diversity right kaya kung pwede lang, pwede ba time to take off from the old-fashioned white gown and try other colors.Si Pitoy Moreno marami non…But this is invading their territory i think darbs. Bawal yata ang colonial mentality sa kanila dahil may unique world sila…
siguro kasi may mga lugar na pinto ng ibang mundo. parang sa harry potter na dumadaan sila sa pader para makarating sa kabilang mundo.
Mundo na hindi basta basta nakikita ng mga normal senses natin. But pure spirits na hindi maka-alis-alis sa earth sa kadahilanang hindi ko rin alam, i ilke to agree with you that they can be anywhere they want most often as one unseen community…
@Ms Cat,
Nakakatakot palang makuha ng mga enkanto at engkantada. Imagine, 5 years mawawala. In fairness, papayag po ako basta hindi masyadong tatanda ang appearance.
Oh di ba, hindi na kailangang pumunta kay Vicky Belo? hihihi…
ay ganun na nga ms snow kala nila daw oras lang sila nawala yung pala years na, sana makuha din ako tapos pagbalik ganun pa rin di tumanda haha
korak lee para naman hindi na natin kailangang magpa-facial at magpa-moisturizer…hihihi…
lee,
yong iba, hindi na nakakabalik.
tipid ng ilang libong pesoses di ba. lol.
palagay ko nakapasok siya sa kabilang realm kung saan nakatira ang iba pang lahi.
minsan pagbalik parang panaginip lang ang nangyari.
The way he narrated it, it’s believable he was kuyogized to this Unseen Kingdom…
naku mam cat anu daw chura ng mga engkanto? mga wafu daw ba? baka dun ko makita ang aking prince charming wahahaha mahalata kaya nilang matrona ko?lol lol
maraming klase ang engkanto. meron din silang socio-economic group. sa part 2 ididiscuss ko.
Natawa ako sa move-on…Tulay appears to be some kind of symbolic need for a means to go somewhere where white ladies desire to go. Para maka move on hehe. I like to go with the logic of Lee – white is more visible in the darkness of night…
nyak, minsan wag ka nagpapapaniwala sa sinasabi ko,pachamba chamba lang ang logic ko hahahaha
Hehe, often the most logical, scientific discoveries and statements came out of playing with muds, tinkering with wires, playing in the rain or the kids or dogs. Never heard of this “white lady logic” before.Patent mo na Lee…
@dfish,lastek ang lalamim ng inglisirs mo, my question is; anu ang purpose? bakit kelangang iempasays yung puti para makita yung white lady?means sinasadya para talaga sila makita at talagang ang intensyon nila magpakita?
parang yung sinabi ni mam cat na kasi di sila maka move on kaya papakita nalang sila para my makapansin?
Ang lalim ng tanong mo Lee – intensyon versus pangangailangan ng pansin. Sampol na lang – dito sa pinapasukan ko – may isang pinaslang. Honest.Yung kusinera namin, madalas lalo na pag malapit na death anniv nya, pinaparamdaman – sa kusina, sa banyo. Close frend kasi sila. Halatang dihens pa sya naka move-on. Pero, madalas, mapaglaro lang ang kanyang presensya – tumutunog yung mga kaldero, kumakalabit sa puwet, biglang mag-on ang shower. One time, yung guard, nakakita ng lady, madaling araw, pero nakaitim sya. So tama din si darbs – may fashion varieties…
@dfish, may fashion varieties hahaha ok yan ah, kung nasa middle east o south asia ka sasabihin ko naka burka yan pare hahaha
May mga pangyayari na hindi talaga puwedeng explain ng logic.
sa aking travels, marami akong naencounter na lahat ng lahi meron silang mga misteryong hindi maipaliwanag.
ok mam cat, sa mga sinasapian ng mga namatay o santo wala akong paniwala dyan, pero itong aswang ok i must admit na na experience ko to nung buntis ang mader ko sa youngest namin, then sakin mismo babot at asong itim sa ilalim ng batalan pero itong mga engkanto at white lady gano ka credible?
kunti lang ang nakakaexperience niyan pero may story ako na mismo ang nakasaksi. abangan. hehehe
nyak sayang alis ako mamaya lunes na balik ko, bitin na bitin ako wohoho diko na alam kung makakaya kopa di bale nalang kaya… ako paba kaya ang nasa muso nya, di bale nalang kaya ngunit pahal ko sha, ni male nalang ni male nalang ni male nalang ngaya uwohooo— Aw Awoooooooo awoooo
ayan, di ka patiwarik, nakabitin ka lang, hahaha
mostly ang mga apparition na ito ay di nila alam na patay na sila. so they are staying where they met their death. o kaya may unfinished business pa sila.
ang mga kaluluwa kasi, lalo pag sudden ang death ay walang naggaguide sa kanila papunta sa dapat nilang puntahan.
“mostly ang mga apparition na ito ay di nila alam na patay na sila. so they are staying where they met their death”
this is very interesting Ca t. Statistics seem to show that people who died of sudden deaths like murder, accidents seem to show up in the places of their death. The metaphor of destination – napaka-appropriate sa tingin ko kasi alalaumbaga, kung bibiyahe ka, at least alam mo yung destinasyon mo. Paano kung hindi, kulang sa preparasyon…Patambay tambay na lang si kaluluwa hanggang makuyog din ng kapwa tambay na kaluluwa. Hayun – nagiging Asosasyon…
souls of those who met violent death become disoriented and since spirits have to sense of time and place, they never realize that years have passed and they are still staying in the limbo.
who could free them? why do all religion except for some who do not believe in souls pray for their dead relative. Why do we have all souls’ day in different races and ethnicities? to pray for the repose of the soul.
sa movies ginagamit nila ito as a symbol of transition to the enxt world.
pero sa mga mamatay meron taga sundo para iguide papunta sa spirit world. I should know i have several near death experiences and my co-professor who died while he was under surgery dito sa US and guess sinong sumusundo sa kaniya. hintayin ninyo ang story ko. bwahaha
Reminds me of Indiana Jones and his final move to get the Holy Grail – he has to walk through this invisible bridge…
mam cat, i experienced 3x nako muntik mamatay to the point na wala na talagang hininga,pero wala talaga akong nakita kahit ano (masamang damo talaga) unfair wala akong sundo???anu kala nila kaya ko papunta mag isa sa destinasyon ko?lol, nung bata pa ako till bago magkaanak napaka daring ko at napaka careless at di ako takot mamatay anytime soon,pero nung magkaanak nako bigla takot nako mamatay–para sa anak ko dina para sakin,kasi my pagka rebellious ako nung kabataan ko thou takot ako sa mader ko at lahat ng gusto nya sinusunod ko.
Lee, talking of ‘di takot mamatay’ at mention ng ‘anak’. Umandar ang pagiging ina, hehe. share ko lang nung single din ako parang anything goes..di takot tumawid ng kalsada kahit nandiyan na ang sasakyan. Pero ‘lam mo nung magka-bagets na ako. kabado na akong tumawid ng kalsada at nagagalit ako sa fx driver na mabilis magpatakbo, swear! Siguro like you takot ‘maulila’ ng maaga ang mga junanaks. Rele pa rin ba ito sa topic ni Mam Cat?
Sabihin na lang natin na ang birth-giving is a form of dying. And it is. Sa tingin ko dito magkakahiwalay ang pananaw ng isang nanay sa mga kalalakihan pagdating sa death. More real for mothers, less real (or more denied) i think sa mga kalalakihan unless may malubhang karamdaman. Yami – siguro mairelate natin ito sa entry ni Ca t about engkanto in terms of attitude, sense of reality,experience,preparation for and about death.To reiterate Ca t,ang mga engkanto sa tingin ko ay mga restless spirits around us na hindi handa o kulang sa preparasyon para harapin si K.
lee,
takot siguro silang lapitan ka. lol.
“pero sa mga mamatay meron taga sundo para iguide papunta sa spirit world”
Again my padir, he was in coma for 2 days sa ospital – he recalled na niyaya daw sya ng grandpa ko. He turned down the invitation saka pa sya nagising. Honest.
i think your father is also “sensitive”. Sensitive means he has the gift.
Mam Cat, nasubukan mo na ba maging medium between the living and the dead? May gift ka kasi to see the paranormal…ethereal beings.
At totoo ba ang astral travel. Sabi nung isang nakausap ko para daw may ‘tali-like’ na nakakabit sa spirit (ng taong natutulog) at once na mapatid daw ito, hindi na makakabalik pa ang spirit niya sa kanyang katawan.
@yami, mother instict siguro ganun na pag mader kana.
@dfish, buti nalang sakin walang sumundo kundi baka natuluyan ako hahaha
hindi ako nagiging medium, dahil takot ako baka mapossess ako. and i do not need to kasi nagpapakita naman o nagpaparamdam sila.
hindi ako clairaudience, na nakakarinig lang. minsan nagpapakita sila.
ang pinakamahaba ay yong sa SF na nakitang patay na nahulog mula sa mataas na building, hindi nila alam kung ano ang dahilan.
umiiyak yong namatay na humingi ng tulong para macontact ang family niya. (sa susunod ko na lang na kuwento) mahaba yong istorya at tatlong araw niya akong inistalk.
pero kung gustong mabasa ang istorya ni Pyro na nasimulang noong meron pa siyang sakit na ginawan ko ng advocacy sa blog, hanggang mamatay siya , nagpakita para magpadala ng message, hanggang magkatotoo ang message,
shameless plugging, ito i click niya.
http://cathcath.com/?cat=60
Ms. Cat,
Sa Mount Makiling, mayroon isang daan dun na tipong magtataka ka at parang naliligaw ka.
Then yung dating mansion nina Ferdinand Marcos sa may Canlubang plantation dati nina Speaker Jose Yulo e walang tao at uber hunted place na din. Madaming nanliligaw ng direksyon dun.
ang tawag sa mga ganoon ay tambaluslos.
ang tagal ng part 2……….
wala na ba yung part 2 nito? inaabangan ko pa rin.
ako rin po, inaabangan ko rin yung part 2… ms. cat, please po.. hehe..
I really enjoyed your story kahit bitin. Very entertaining. Ang problema lang meron talagang nakakaexperience ng engkanto. Hindi kwento or syete. Same with multo. Ang problema din, hindi ka naman aware until mawala sila. You’ll never know. Pag wala na, thats when you know its unnatural, extraordinary. How would you feel when you see someone you know, waving, waiting under a huge sampaloc tree; her children rushing earnestly as who to get to her first. When hugged by her child, just vanished in a blink of an eye? No it wasnt a poltergeist since the real person arrived alive and well that night to her terrified brood. They say it was just a playful engkanto residing in that sampalok tree. They say maybe it was slightly drizzling that night, and the moon was waning. Wouldnt it be a real treat if the person you’ll meet looks exactly like you.
naks…. talaga? walang black rice sa amin noh? pero dun ako sa puno ng balete nakatira..ahehehe