ERAP Tatakbo Agen

I will be beck, folks!
Alingasngas na naman sa mga barberya na ang dating pangulo na si Joseph “Erap” Estrada e tatakbo agen sa 2010 Presidential Election sa susunod na taon. Ang mga manong barbero, naghuhuntahan habang ginugupit sina Totoy at Boy as well as minamasahe si Karyo, na what ip daw kung si Erap e tatakbo na naman.
Ang inyong lingkod na natyempong napatambay sa barberya dahil dinala ko ang aking alagang aso na si Bruno for pet grooming (extra service nila yun…hehe) kaya aking naharbat ang cheezemaks. At nagkataon din na nabasa ko sa Philippine Daily Inquirer ang usapin na si Erap e posibleng tumakbo ulet.
Alam naman natin mga ka-barrio kung ano ang nangyari sa pagka-presidente ni Erap. Nagkaroon ng Edsa Dos para siya ay maalis. Tapos, isang taon lang ata ang lumipas e nagkaroon na naman ng Edsa Tres ang mga masa para siya ay ibalik. Unportunately, hindi nagtagumpay ang Edsa Tres na iluklok ulet si Erap. Mas mahaba daw ang hair ni PGMA kesa sa kanila kaya talbog sila sa beauty nya. At ang political landscape ng Pinas noon e naging mas madrama pa sa Rosalinda, Maria Del Barrio at Marimar.
Kung titingnan ang ating 1987 Constitution, maliwanag pa sa sikat ng araw, buwan, stars, nebula, pulsar at galaxies kung ano ang sinasabi nito pagdating sa running agen ng mga presidente:
Section 4. The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June next following the day of the election and shall end at noon of the same date, six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time. (1987 Philippine Constitution, Article VII, Section 4)
O di ba? E baket nangungulet si Erap na tumakbo agen? Hmmm….esep esep with matching kamot kili-kili. Ano naman kaya ang mapapala nya sa pagtakbo ulet?
I think Manong Erap should realize na it would be better to become a tagapayo ng oposisyon. Makakasira sa oposisyon kung siya e tatakbo agen. Haller, andyan si Binay na nag-aambition din tumakbo! So sino ba talaga Manong? Is it lep or write? Hmmmm….~kamot kili-kili ulet~
And remember mga ka-barrio, narungisan ng kabi-kabilang eskandalo ang kanyang presidensiya. Mas mahaba pa ata sa listahan ng utang sa tindahan ni Aling Karing. There’s the sugalan, the ill-gotten wealth daw, then the gurlets chorva…susmio marimar…ang dameng gulo nitetch. Isama mo pa si Chavit Singson who make traydor of him pa. Anubeh…
Andyan po ang ating Constitution. Ilang beses ng nabastos (read: nilabag) ang ating constitution eh. Andyan ang cha-cha na ginagapang sa Batasan at ni hindi pinaaalam sa mga taong bayan. Kumbaga sa tao, ilang beses ng nilapastangan ang ating constitution. Leche naman oo, kung di ka pa makaintindi. Ano ka, no read-no write?
Malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas na ang isang presidente e hindi na po dapat tumakbo. Magpadyak na lang daw. LOL.
Anyhoot mga ka-barrio, kung sino pa man Pontio Pilato o Pilata ang mangarap humawak sa pinakamataas na posisyon ng ating bansa, wag po sana tayo papadala sa populismo. Meaning, tayo ay dapat bumoto, hindi base sa popularidad o dahil sa pambato ng inyong gurlprend or boyprend or kumare or kumpadre ang inyong kandidato. Bagkus, tayo ay matuto magsaliksik sa mga track records ng mga applicants na ito. Tutal, pasweldo naman talaga natin sila (read: tax natin) kaya dapat masuri natin sila ng mabuti. Wag na tayo magpauto. Okies?
At hello! wag na kayo sumale sa PPV (Pay-Per-Vote). Ang PPV e dapat lang pag merong boxing si Pacquiao.
So till here mga ka-barrio. Isampal sa post na ito ang inyong mga comments.
Babushhh….
Viewed 9977 times by 1484 viewers
silver is the blogger behind Dare to Speak Out, a personal and commentary blog.She graduated with a degree in Industrial and Organizational Psychology. She posts blogs that ranges in different topics – from trivial to the political. She currently works as a freelance writer.














Technically, puede siyang tumakbo kasi 2 years lang naman ang naging term niya noon hindi more than four years. Right or left?
Pero haller, ang kapal ng mukha niya ha! Akala niya nakalimutan natin ang dahilan kung bakit sya na impeach? No way, highway!!!
I think he should just stay away and be on the sidelines. If he’s allowed to run that’s beside the issue – but what comes into my mind was Boracay New Manila and many more.
Reesie,
Maliwanag pa sa reseta ng doctor, hindi na pwede tumakbo ang mga dating presidente…
O inom na ng gamot….hahha..
hmmm tumakbo nalang kaya is kapitana next year? sino kaya ang chief security nya sa 3? and may first lady or gentleman na ba?
Pwede din alex…hahahhaa…
Si Reyna e magiging perst gentol-reyna
Haha.
Ay kakulet talaga naman o! Tigas ulo mula noon hanggang ngayon!
at last lil sis, nag comment ka na dito! yay!
Joycee!
Salamat sa pagdalaw sa aking kubo dito sa barrio siete…
Kulet nila noh. Habulin mo nga ng dos por dos…hahaha
I think Erap is doing this as a big time saving face act. kaso ang tigas lang talaga ng face pag nangyari ito.
Hmmm….matigas pati ang ulo nya John.
Ano pa bang malambot sa kanya? Hehe. Lahat ata e matigas ~gasp~
Aruroy. haha.
Haneeeefffff..Di ba kapal muks itong ginagawa nya? Ano kaya mangyari kung payagan sya tumakbo ulit?
@ Rob
Kung tatakbo siya ulet e hahabulen naman siya ng padyak ni Mar Roxas at mga itik ni Manny Villar.
LOL.
Kung ako si Erap, hindi na ako tatakbo. It’s a jungle out there. I have a high respect for him as an actor, magaling naman kasi. As a mayor, magaling naman din siya…
Pero as a President? Hmmm, isip-isip. Kasi hindi nabubuhay ang leadership sa mga ‘advisers’ lang. See what happened sa Presidency niya before.
Yun lang po. I, thank you! ^_^
Kung ako si Erap e maglalakad na lang ako sa bangketa..
hahahha…
Salamat Snow sa pagdalaw!
hayop na yan! kasama pa naman ako sa edsa 2. tapos tatakbo sya ulit?! utang na loob. sabi nya sa tv: i will run in the same flatform.
ha ha ha ha ha! one liner nga lang balikwa na. masakit sa tenga. pag yan ang naging presidente ulit? ayaw ko na maging pinoy!
Hahaha…
Chill ka lang Tita Glo…hahahha…
hindi ko na talaga maintindihan ang political system dito sa atin
lagi na lang pinapa-ikot ang mga batas kapag may gusto silang gawin
Roy,
I have two words for our political system: HYPOCRITE and POPULIST.
Hehe. Pinainit ko na naman ang ulo moh. Haha.
asa ka pa ka puroy. tindi ng mga abugago nya no? biruin mo ipipilit na me legal grounds yung pagtakbo ulit ni erap? eh wala naman. palalabasin pang tanga ang taumbayan.
hay naku. sabi ko na nga mang-aasar na lang ako eh. saka na lang ako papatol sa pwalitiks. tataas na naman dugo ko nito.
kapal muks nalang talaga pero i sa totoo lang mas kapal muks itong si ate glo, para sakin lang naman malaking kalokohan na lang talaga kung tatakbo pa si erap pero not means mas gusto ko si glo kesa kanya,talagang worst parin ang inabot ng pinas sa kamay ng mga arroyo
amen…
Gordon! Gordon! Gordon! hala ilabas na ang mga baso at pulutan eto my isang boteng gordon ako dito pagharapan natin
LOL!
Gordon’s Gin ang sinasabi mo Lee.. hahaha
May sumpa ata ang malacanang. Kung sino ang nagiging presidente e nasasaniban ng masamang espiritu pag nakaupo na sa trono. Haha.
malakas talagang makademonyo ang pera at power silver kaya ako yoko ng pera(na puro barya lang)
pinakapeborit kong demonyo si macoy silver nagalit lang ako sa kanya nung i-ban nya yung voltesV sa tv nyenyenye
Hahaha….
Loko ka talaga Lee. Malamang kung buhay pa si Macoy, tinatawanan nya ang mga politikos ngayon.
anung tinatawanan pare? alam mo ba yung nangyari kay rico j nung araw? at kay ariel oreta? yung ang gagawin sa kanilang lahat ni macoy bwahahaha tingnan lang natin kaya nga sa panahon ni macoy walang sena-senador
Hindi ko naabutan ang full years ni Macoy. Naabutan ko lang Edsa noon.
Pero kwento ni mamay at papay, mabangis si Macoy. Kaya baka lamunin lang ni Macoy ang mga senador na puputak-putak.
LOL.
oo malamang dika pa pinapanganak nun lol,loyalist kasi ako e kasama sa natear gas nung wahahaha aray nabubuking tuloy edad ko neto walastek
he can’t run…mahina na ang tuhod nya di ba…walk na lang hehe.
it will be a total waste of money if he runs kase hinde sya mananalo…dumadami na ang mga matured na voters. the last time na nag election, hinde nanalo ang mga artista diba.
@chuva
He can’t run… yung tuhod nya mahina na… Mataas ang blood pressure niya… Sakang na siya…
Pinayuhan ng doktor na uwisan ang ma-cholesterol na mga pagkain. Iwasan na ang itlog…
Kaya sakang ang lakad nya, kasi iniiwasan ang itlog… hahaha!!!
Praning ka talaga John….hahahhahah….
Ngal ngal ako sa comment mo….hahahhaha….
Chuva,
Regulahan mo ng cane para mapabilis ang lakad. LOL.
matatalo yan, isang daang porsyentong sigurado ang dioniscio nyo!
Malamang. Pero unpredictable ang kanyang masa fan base. Malawak ang fan base ni Erap. Hehe.
(inuumpog ang ulo sa unan. baket pader, anu ako hilo?)
Roni,
Try mo naman ang jallow blaks at jalousy ng bintan.
Hehe.
wag sa unan at pader, umpog mo sa coconuts, at least pag nabuksan, copra na sya. hehehe
reyna de bes ka lols
Honga…
Or baka di lang kopra…MACAPUNO pa. hahah..
honga, di na sya kelangan ibilad! TAG-INIT NA NAMAN! 50 degrees C sa labas!
lahat ng kandidato, paniwala sila na sila mananalo.
malakas ang loob ni erap kasi nandiyan na naman ang mga thugs na nakasama niya sa kaniyang paghuthot sa kaban ng bayan.
minsan hindi popularidad ang ikinapapanalo ng kandidato kung hindi ang ginagamit nilang pananakot sa grassroots.
si manila, hindi takot ang tao, pero sa mga baryo, doon nang teterorize ang kanilang mga inuutusan.
That’s a very good analintek ms. cat..
True,so true and I give an AMEN for that.
ang kuratong BOW!
Ang jueteng at si Chavit!
~bow din!~
ang clito-ris na glob ni manny BOW!
mali pa spelling typo “glob” dapat nga pala “globe” hahahahahahaha
Luka ka talaga Lee…hahahahha….
Ang ganda mooooooooo!!!!!
Where is the DELIKADESA! What is going on to my lupang hinirang? Darn it!
Well, simple lang yan Darbs. Tingnan mabuti ang balota at baka kinokopya ng katabi mo. haha.
[...] Estrada for President. Take 2. 14 October 2009 No Comment “Yes, I will run!” “Yes, I will run,” Estrada, 72, told Agence France-Presse, when asked to confirm press [...]