Home » 5/6 at mga raket

Gross Domestic Product – Ano ba ang Animal na ito?

29 May 2009 37 Comments

Meron bang recession sa barrio siete? Malapit na nga ba tayong mahulog at sumama sa mga Bansang kumakampay sa dagat ng recession kagaya ng US?

Sige seryoso muna tayo. Aayusin ko muna ang maluwag kong turnilyo. Class, lecture muna.

cats

May mga nagsulat tungkol sa topic na ito na walang kamuwangan sa ekonomiya kaya imbes makatulong, lalong nakalito.

Ayon sa balita:

The National Statistical Coordination Board reported that the economy grew by 0.4 percent from January to March, prompting NSCB Secretary General Romulo Virola to remark that the economy was teetering into recession.

Unang tanong:

Kailan ba may recession?

Sagot: (natutulog ang klase basta economics ang pinag-uusapan) hmmm, makalabog nga.

Hoy, ang mga hindi sasagot, patatayuin ka hanggang matapos ang klase. O ba’t tumayo kayo lahat?



Sagot sa tanong. Mayroon recession kapag sa magkasunod na quarter ay bumagsak ang GDP ng mas mababa pa sa 5 per cent. Remember, magkasunod na quarter. Ang mga survey na ginagawa ay mga perceptions lang ng ma consumers samantalang ang GDP ang the real thing.

Ikalawang Tanong:

Ano ba ang animal na GDP na ito.

Sagot sa ikalawang tanong:

Ang GDP ay ang Gross Domestic Product.

Syempre, kaya lang ano ba ang nakikita rito.

Huwag magbubukas ng libro. ahahah. i babalibag ko kayo sa bintana. (hingang malalim).

Ang GDP ay maaring sukatin sa tatlong paraan subalit ang pinakagamit na definition ay ang expenditure method.

GDP = consumption + gross investment + government spending + (exportsimports), or,
GDP = C + I + G + (X − M).

C= ay ang private consumption ng mga tao pati hayup siguro.

I = ay para sa investment.

G=Ito ang government consumption

X= exports

M=Imports

Ano ang kasali sa consumption at paano nakukuha ang data nito?

Ang consumption ay ang mga ginastos para sa pagkain, sa renta ng bahay, bayad sa doctor ang mga gamut, damit , kuryente at marami pang iba.

Kapag bumili ka ng pagkain sa grocery, sa restaurant, at iba pang bilihan ng pagkain, ito ay nirereport sa NCSB, quarterly ng mga companies na ito. May pinadadala silang form na kanilang finifill-upon.

Kaya kung ang karamihan sa tao ay nagbawas ng kinain, hindi masyado nag-malling at namili ng damit, sapatos at iba pa, babagsak ang Consumption. O kaya ay bumili lang sa ukay-ukay na hindi naman nagrereport ng tunay na income, babgsak talaga ito. tseh.

Paano ka nakakasigurado kung tama ang information na ibinibigay?

Walang kasiguruhan kasi wala ng check ang balance ito na ang inireport ni Company A ay katulad ng inireport nila sa kanilang Income Tax Returns.

Hanep anoh. Hanep talaga. Pero at least meron tayong report.

May nakipagdebate dito na ang GDP ay overstated. On the contrary, kadalasan ito ay understated.

Bakit kanyo? Tanungin ninyo ako hanggang di pa ako nagkakape?

Kasi marami tayong underground economies.

Ano ang underground economies? ANG KULIT mo naman.

Sagot: Ang underground economies ay yong mga walang formal na organization pero sila ay may negosyo katulad ng karinderya ni Aling Karing. Yong mga karinderya na naglipana sa Makati, sa mga sulok, sulok, yong mga nagtitinda ng sa malamig at mga barbecue, chicken feet, lugaw at balut.

Kasama pa rito ang mga smuggled goods na binebenta sa Quiapo, sa Divisoria, sa malls.

Kahit asukal at bigas iniismagel din. Taksiyapo.

Hindi sila nagrereport at hindi rin nagpafile ng income tax return. Pag sila hinuli ng pulis, sila ay nagbibigay lang ng padulas (bribe). Tuloy ang negosyo.

Ano ang Investment?

I (Investment) ito ay investment ng negosyo o households kagaya ng bumili ng makinarya ang isang factory o kaya ay bumili ang household ng computer, sasakyan o kaya bumili ng bahay.

Hindi kasama dito ang mga investment sa stocks at bonds .

G=government spending =G (Government spending)=ito ay ang gastusin ng gobyerno kagaya ng pagbili ng mga baril sa military, mga konstruksiyon ng iskuwela o roads at iba pa.

Kapag ang projects ng gobyerno ay maraming overpricing, ang information na ito ay overstated. Taas ang kilay, dahil tataas din ng GDP ng walang tunay na taas kasi napunta lang ito sa bulsa ng ilan. Arghhh

X= Exports

X (Exports) ito ay an gating prinoporyus para ipagbili sa ibang bansa.

Ano ang kasama sa exports?

1. refined copper

2. prepare tuna

3. dessicated coconut

4. centrifugal sugar

5. copper concentrates

6. semi-conductors – elecronic microcircuits

7. crudecoconut oil

8. garments

9. ignition wiring sets,

M= ito ang mga inimporta natin para gamitin sa mga exports natin.

Alam ninyo ban a ang Integrated micro chips ay gumagamit ng gold thread?

Alam ninyo ba na ang mga chains ng fastfood natin ay nag-iimport ng mga beef burger, coffee , potato para sa potato chips?

Kapanipaniwala ba ang GDP?

Pag nakakita kayo ng GDP at ang growth rate, ang tanong ay, is this REAL?

Walang kasama yang hampas sa mukha at buka ng bibig na nagtataka.

Ito mga dear students and hahanapin ninyo pag nakakita kayo ng GDP.

  1. Current GDP is GDP expressed in the current prices of the period being measured
  2. Nominal GDP growth is GDP growth in nominal prices (unadjusted for price changes).
  3. Real GDP growth is GDP growth adjusted for price changes.

Ang mga reports na sinasubmit sa NCSB ay sa current prices. IBIG sabihin nito.( Oy Silver, gising natutulog ka sa lecture) ay kung anong presyong pangkasalukuyan.

Kaya kasama nito ang epekto ng inflation sa loob ng panahon na huling kinuha ang GDP.

Hindi pwedeng ikumpara sa nakaraan. Parang magkumpara lang ng isang taong kumain ng baboy na binili niya last year sa halagang isandaan per kilo at sa taong kumain ngayon ng baboy na binili sa 150 per kilo.

Hind puwede yan ateng.

Kaya ang mga ekonomista ay kailangang itranslate ito sa REAL GDP. Kung paano? Kinukuha ang inflation index at minumultiply ang Current GDP.

Halimbawa ang current GDP ay 150 pesos ngayong quarter. Simple lang na example. . Ano ang katumbas nito ng huling GDP. Kapag mataas ang inflation ito bababa ng husto katulad n gang tunay na halaga ay 110.

Parang sa mga home economics, ang nabibili nila noon sa halagang 110 ay kailangan bilhin nila ngayon sa halagang 150.

Kaya pag sinabi ng gobyerno, tumaas an gating GDP biglang tanong, ano current or real.

Ang kasalukuyang ginagamit natin ay ang ang 1985 constant prices.

May mga industriya na apektado ng pagbagsak ng GDP at ito ay tatalakayin ni Reyna.

The Ca t

Related Posts with Thumbnails

Viewed 11842 times by 2685 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is a part-time educator who was also a former Dean. She is a CPA with a PhD in Economic Development and Doctorate in Business Admin., enjoying her early retirement because of her disability; of being brain challenged, hehehe! that's according to her.

37 Comments »

  • Reesie says:

    very informative ms cat! nice post!

    nakalimutan ko na ang GDP na iyan. :D galing.. salamat.

  • Mahalia says:

    ilang quarter na ba ang US na mababa? Parang ang haba ng recession natin eh.

    • reynz says:

      Mahalia,

      this past week, mixed ang reports. yong mga economic forecasters are saying na we bottomed out and all the signs of recovery are daw are in place then,

      sumambulat yong GM bankruptcy news, which is like – ok? asan ang recovery?

      then nasa news pa rin ang mortgage subprime just last week, they released the report na home prices are still going down!

      so, gulo ako which is which, all i know, is that i am currently hiring sa work and the number of applications na nareceive ko is unbelievable. kaso mo we are hiring hindi dahil lumalaki kami (read: growth) kundi dating taong kelangan

      siguro mga ilang basa ko pa, magetz ko ang puzzle hahahaha

      • Rob Angeles says:

        Yep! Di ko rin maintindihan mga reports. Sabi nila, recovery will start around September. Napapakati ulo ko dahil nga sa mga sinabi mo Reynz.

        Sa job market naman, medyo marami nanamang nag eemail for requirements unlike first quarter ng 2009 at last quarter ng 2008. Medyo marami na ako natatanggap ulit. Pero, di ko lang lam kung palengke blues nanaman sa tawaran sa hourly rate.

        So,ano ba talaga ate nangyayari?

  • The Cat says:

    mahalia, three quarters na lahat below 6 per cent. kalalabas lang ng april or first quarter.

    • Snow says:

      Correct Ms. Cat! So, ibig sabihin kapag binasehan natin ang report – bagsak ang ekonomiya natin.

      Ms. Cat, puede po bang magtanong, hindi po ba dapat mag-revise na sila and do away with the 1985 constant prices? Ano po sa palagay ninyo? Parang hindi kasi realistic eh…

      • The Cat says:

        siguro they can advance the base year.

        pero when they present gdp, they always present the current and real at constant prices para makita talaga ang increase or decrease.

  • Mahalia says:

    Miss CaT ano bang kakaibahan ng Depression at Recession? Nalalapit na ba sa you sa Not so Great Depression? May signs ba ng pag-ahon natin mula sa recession? Sorry Ma’am ang dami kong tanong, hirap kasing mangopya sa exam, kaya i kokodigo ko na lang yung mga sagot dito. hehehe

    • reynz says:

      pour moi?

      recession is when your neighbor lost his job

      depression is when you lose your job!

      hehehe!

      charing lang!

      balik work uli ako! kumain lang hehehe

  • Silver says:

    Bwahahaha….

    nahule ako ni ms. cat na natutulog sa klase. hahaha…bad habit ko yan nung estudyante ako. hahaha..

    in perness, mas maganda ang explanashun mo ms. cat kesa sa dating prof ko sa eco101. hahaha…

    May tanong ako: bakit 1985 constant prices ang ginagamet natin e samantalang iba na ang presyo ng mga bilihin nung 1985 at 2008? Di kaya may discrepancy pag ganun?

  • Silver says:

    Sa aking palagay, hindi magrerecession ang pinas.

    May mga problema lang sa exports at pre-need pero I think di yun ang full indicators na recession na ang pinas.

    Sa US naman kasi, di ba nagumpisa sa subprime, tapos nagkanda sunod sunod na hanggang sa umabot sa credit crunch. Kung titingnan maigi, ang US is heavily dependent sa credit system na ultimo pati lifestyle ng tao e nakatuon sa ganun.

    Isa lang ang tinuturo ng recession na ito: matuto tayong magimpok ng parang langgam at spend wisely talaga.

    Yung sa GM at Chrysler naman, kaya sila nagkaproblema e dahil di sila maka-adopt sa ginagawang innovation ng mga Japanese car manufacturers. Isa pang issue sa kanila na hindi fuel efficient ang kanilang mga kotse. Gas guzzler ika nga. Importante kasi sa mga auto owners na fuel efficient ang sasakyan dahil sa mahal ang gasolina. Another thing is panget ang disenyo ng sasakyan nila at hindi nagugustuhan ng tao.

    Unlike sa mga Japanese automakers na tulad ng Honda, Toyota at Nissan, sobra ang focus nila sa research at development kaya sila maraming silang innovative solutions na nailalagay sa kanilang mga produkto. At yun ang gusto ng mga customers sa kanila.

    Example ng innovative solution nila? Yung hybrid cars. Nangunguna ang Toyota dyan dahil sa kanilang Toyota Prius.

    • Rob Angeles says:

      At iwas sa credit card LOL! Live the life you can afford. Marami kasi dito sa US na gastos lang ng gastos habang may pay check. Most of my friends here don’t even have enough savings to survive in a 6 month no-job period.

      Also, in my opinion, this recession was also a result of spending arrogance that people have. Get what you need, not what you want! Pero in fairness, tumaas daw kita ng Dollar General at Family Dollar.

      • Silver says:

        Eggsaktly Rob!

        Di baleng maraming debit card, wag lang maraming credit card. lols.

        Sobrang predatory ang style ng credit dyan sa US. Talagang isusubo daw sa tao. Haha.

      • dencios says:

        ok alam ko na ang GDP na iyan. at salamat mam caT FYI.

        teka kung ibabase ko naman ang recession na yan dito sa dubai, e naku po lang ang masasabi ko kasi kasi hanggang nagyon tuloy pa din ang tanggalan sa kumpanya namin at sa iba pang alam kong malalaking kumpanya at bangko dito sa Dubai. dito kasi sa UAE, dubai ang pinaka malaking tinamaan daw. ramdam ko/namin ang krisis hanggang ngayon in terms of employment.lalo na sa amin na construction at architecture ang hanay.. kaya nanganganib talaga ako na baka one of this days e..ayoko ng ituloy…basta kapit pa din ako na makabawi ang US at ang dubai at lahat ng bansa, hehehe.

      • Rob Angeles says:

        Oo Silver. Super duper and consumerism dito. Pag wala ka credit, parang katapusan na ng mundo. Marami ako kilala dito na inaalaska ako dahil tagala ng sasakyan ko at wala ako masyado bagong gamit, sagot ko lang sa kanila is wala naman akong utang.

        Sa iba, gusto raw nila enjoy life nila by spending which, in my opinion, is kinda ridiculous. Mas pipiliin ko na wala akong utang at tahimik utak ko.

      • Mahalia says:

        tama Rob, mabilis nga kasi ang transaction ng Credit card. Lalo na’t unlimited spending na minsan ay na kakalimutang utang ito. May kaibigan ako galing sa Micronesia. Noong una syang dating dito binigyan sya ng asawa nya ng CC for emergency purposes only. Noong nalamang ang dali palang bumili ng may credit card, nalubog sa utang. Mga 15 years na niyang binabayaran ang utang ng 10 CC na may 1/2 Mil. Kahit na gusto niyang mag-stay at home dahil may bagong syang bata di na nya magawa. If she can’t get on top of her CC bills, isang payment away from forclosure ng dalawa nilang bahay at sasakyang nakalagay din sa CC. Tagalog naman ito, di niya maiintindihan. At I don’t mean to chicka about her. Sample lang ng spending mentality ng karamihan sa atin dito.

        On the other hand, mataas nga ang income ng mga dollar stores ngayon dahil doon na pumupunta ang mga natamaan ng recession. Lalo nang malaks dito ang garage, yard sales at thrift and second hand store.

        Good Observation Rob.

  • The Cat says:

    Miss CaT ano bang kakaibahan ng Depression at Recession? Nalalapit na ba sa you sa Not so Great Depression? May signs ba ng pag-ahon natin mula sa recession? Sorry Ma’am ang dami kong tanong, hirap kasing mangopya sa exam, kaya i kokodigo ko na lang yung mga sagot dito. hehehe

    Ang economic depression ay kung walang pagbabago sa ekonomiya ng bansa sa maraming taon, and unemplyment rate ay 25 per cent at ang GDP ay bagsak ng halos 50 per cent.

    Ang huling economic depression ay noong 1929 na nanggaling din sa US.

    bumagsak ang stock market sa sinasabing Black Thursday.

    una may recession tapos hindi nila alam kung paanong gagawin.

    Si President Roosevelt lang ang nakapag-ayos nito. He created jobs at itinayon din ang social security para sa mga empleyado pati ang unemployment benefits.

    tumagal ang depression ng sampung taon at nang makakabangon na biglang pumutok ang world ward 2.

    • Mahalia says:

      sa pagkakaintindi ko WWII ang reason kaya naahon sa Depression, nagtayo sila ng pabrika ng armas at bala. Napanood ko sa History Channel. hehehe

      • The Cat says:

        totoo yan mahalia.
        saka siyempre may balita na ang daming treasures ang nakuha after the war. hindi nga lang published. pero mga inventions yata. hehehe

  • The Cat says:

    May tanong ako: bakit 1985 constant prices ang ginagamet natin e samantalang iba na ang presyo ng mga bilihin nung 1985 at 2008? Di kaya may discrepancy pag ganun?

    Yon nga ang purpose noon para magkaroon ng comparability.

    lahat ng Current GDP ay nirereduce sa constant prices ng 1985.

    noon ang naging basehan ay 1971.

    ang ibig sabihin niyan ang ang halaga ng 100 ngayon noong 1985.

    Halimbawas nga, ang GDP ay 100, ang tanong ilang ang nabili ng 100 ngayon kumpara noong 1985.

    Kung noon ay 5 ang nabibili sa halagang 100, baka ngayon ay isa na lang para sa 2009.

    kaya kung home econanay ka, kung noon ay puno ang basket mo sa halagang 100. baka ngayon, isang isda lang yon.

    • Silver says:

      Ayun! Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sagot ni ms. cat.

      halatang natutulog nga ako sa klase. lols.

      kaya pala si mama pag naggrogrocery, sinasabi nya, dati yung 2,000 pesos e sobrang lake. Ngayon ang panggrocery na 2,000 pesos e kulang pa.

  • The Cat says:

    Rob Angeles
    May 29th, 2009 edit

    Yep! Di ko rin maintindihan mga reports. Sabi nila, recovery will start around September. Napapakati ulo ko dahil nga sa mga sinabi mo Reynz.

    Sa job market naman, medyo marami nanamang nag eemail for requirements unlike first quarter ng 2009 at last quarter ng 2008. Medyo marami na ako natatanggap ulit. Pero, di ko lang lam kung palengke blues nanaman sa tawaran sa hourly rate.

    Kung nasa US ka, may recession, mataas pa rin ang unemplyment rate, may mga balitang nag-iimprove pero ang huling GDP report ay bagsak pa ang GDP na mahigit sa 6 per cent.

    Ang ipinresent ko sa itaas ay para sa Pilipinas na ang growth rate ay bagsak din. Pero wala pang recession kasi hindi pa naman bumgsak ang GDP ng mahigit 6 per cent negative growth.

    Ang ibig sabihin ang nagsalba sa economiya natin ay ang padala ng mg OFW.

    Imbes nga raw bumagsak dahil sa recession ay lalo pang tumaas.

    Dahil sa padala nila, may nagagastos ang mga tao dito sa Pinas. Whether we like it or not, ang laking tulong noon sa mga nag-aaral na nagbabayad nd tuition, bumibili ng uniporme.

    kahit na tipid ang mga OFW sa sarili nila , sige pa rin ang padala nila.

    ang US walag OFW. on the contrary ang mga negosyo ay BPO nila kaya nagagalit ang iba dahil ang trabaho dapat sa kanila ay napupunta sa india, sa china at sa pilipinad.

  • The Cat says:

    ilang quarter na ba ang US na mababa? Parang ang haba ng recession natin eh.

    nagsimula tayo ng 2007, pero ang pinakamatindi ay last quarter kung saan ang bagsak ay 6.3 per cent,

    Siguro kaya nila sinabing may improvement, dahil ang kakalabas na GDP ay bumagsak lang ng 5.7 per cent, mas baba sa projection nilang 6.1 per cent.

  • The Cat says:

    kaya pala si mama pag naggrogrocery, sinasabi nya, dati yung 2,000 pesos e sobrang lake. Ngayon ang panggrocery na 2,000 pesos e kulang pa.

    huwag mong isnabin ang ating mga nanay, alam nila ang basket of goods.

    yon yong tinitingnan nila ang kanilang basket na pamalengke at ang kanilang pera.

    may biruan nga noon na sa 1000 noon, kailangan mong magtaxi pag namili ka.

    Ngayon sa 1000 pwede kang maglakad na bitbit ang isangbayong ng walang kahirap-hirap.

  • The Cat says:

    nakalimutan ko na ang GDP na iyan

    pag wala naman sa linya ng trabaho mo hindi mo na maalala not unless magbasa ka ulit.

  • dencios says:

    ok alam ko na ang GDP na iyan. at salamat mam caT FYI.

    teka kung ibabase ko naman ang recession na yan dito sa dubai, e naku po lang ang masasabi ko kasi kasi hanggang nagyon tuloy pa din ang tanggalan sa kumpanya namin at sa iba pang alam kong malalaking kumpanya at bangko dito sa Dubai. dito kasi sa UAE, dubai ang pinaka malaking tinamaan daw. ramdam ko/namin ang krisis hanggang ngayon in terms of employment.lalo na sa amin na construction at architecture ang hanay.. kaya nanganganib talaga ako na baka one of this days e..ayoko ng ituloy…basta kapit pa din ako na makabawi ang US at ang dubai at lahat ng bansa, hehehe.

  • The Cat says:

    teka kung ibabase ko naman ang recession na yan dito sa dubai, e naku po lang ang masasabi ko kasi kasi hanggang nagyon tuloy pa din ang tanggalan sa kumpanya namin at sa iba pang alam kong malalaking kumpanya at bangko dito sa Dubai. dito kasi sa UAE,

    Malaki ang epekto ng subprime mortgage sa US sa buong mundo.

    Maraming bank ng iba’t ibang bansa ang nag-invest sa mga financial instruments na inissue ng mga malalaking invesmtment houses,insurance companies ng US na nang bumagsak, nawala ang pera,

    marami pa namang pending construction diyan sa Dubai na funded ng mga investors na karamihan nabankarote rin.

    Yan ang fraud at corruption sa amerika, damay ang ibangbansa. sabi nga pag humatsing ang us, ang dala ay flu sa ibang bansa.

    • dencios says:

      marami pa namang pending construction diyan sa Dubai na funded ng mga investors na karamihan nabankarote rin.

      ***nako mam caT halos lahat ng projects at design namen ganyan ang nangyare sa investors. kaya eto kame hinahati ang trabaho sa kaliitliitang paraan para lang may gawin at mabuhay ang kumpanya..hay..

      • Silver says:

        dencios,

        marami ding akong college friends sa dubai nagwork, ayun, nasa abu dhabi na daw kasi na-layoff..ayun process daw sila papeles sa embahada ng pinas doon.

  • The Cat says:

    ***nako mam caT halos lahat ng projects at design namen ganyan ang nangyare sa investors. kaya eto kame hinahati ang trabaho sa kaliitliitang paraan para lang may gawin at mabuhay ang kumpanya..hay..

    maganda project ninyo diyan na kung tuloy-tuloy marami pa rin ang kakailanganing manpower.

  • The Cat says:

    Agree! Yep, sinalba nga nga mga OFW ang Pinas at ng kinikitang dolyares.
    Reply to this commen

    kaya ako nagtataka bakit ang ibang grupo gustong alisin ang labor export.

    para din sa isang barrio na pag walang gapasan or harvest, dumadayo ang mga tao sa kabilang baryo.

    hindi naman kasi kakayanin na lahat ng graduates iabsorb. sa ibang bansa kakaunti ang college graduate dahil mahal ang education.

    tanggap natin na ang ting mga pulitiko ay walang ginagawa kung hindi ang kumulekta ng suweldo, in fact maliit lang yon dahil karamihan naman sila ay mayayaman, pero kaya sila tumatakbo dahil sa kapangyarihan, control at mga puwedeng gastusin sa kanilang bayan.

    kagaya ng mga may negosyo sa kaniyang probinsiya, pag sila ay kongresista, napapalagyan nila ng highway, ilaw at communication na nakakatulong sa paglago ng kanilang negosyo. kaninong pera. sa bayan. overpriced pa.

    • Rob Angeles says:

      Hahahahaha Yes! Seen it for a year working with Cong. Yadah Yadah. Galing nga ng pricing ehh at dami mga nag approve at dapat bigyan ng padulas. Haaaaayyyy..

  • orphicpixel says:

    sandali parang di ko masundan naman ito, business kasi ang usapan

  • Dinah says:

    naku, kakahiya. ni hindi ko na maalala tong GDP, inflation etc etc. pero pag narinig ko na lang na ang merit increase namin ay mababa pa kesa sa inflation rate, alam ko na kakainin na lang ng tax ang increase ko. tama ba ko? hu hu hu

  • nebica says:

    ano poh ba ang dahilan kung bkit may nagpupuslit ng bawal na gamot?…
    thank u poh!…

  • nebica says:

    pwde pa poh bbang magtanong!…ano poh ba ang halimdawa ng underground sa ekonomiya?

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.