Home » Education and Technology, Social Climbing

Gusto Mo Ba Maging Blogger?

28 August 2009 34 Comments

barriosiete_bloggerMarami sa atin ang nangangarap na makapagsulat kamukha ng mga Barrio Siete writers. Sino ba naman ang hindi ma motivate dahil maraming fans ang barrio. Hinihintay natin mga nakakakilabot na pagpapatawa ni Mel, mga dare devil posts ni Silver, diversified articles ni Snow, buhay overseas ni Jeri at mga iba pang articles na hinahanda ng Barrio Siete writers na nagbibigay ng saya at impormasyon sa ating mga ka barrio.

Pero bago ka maging blogger, kailangan mo muna ng blog. Yun yung tinatawag naming mga bahay namin. Hindi biro ang pagumpisa ng blog pero di mo kailangan maging super intellectual being. Marami sa mga barrio siete writers ang may full time job at meron din silang mga parlor na inaasikaso. Ang iba naman ay naghahalo ng uling sa pabrika para umandar mga makina. At lalo na mga tigasin na taga tikim ng aspalto kung tama ang timpla bago ipahid sa daan. Pagdating sa bahay, blog ang inaasikaso.

Paano nga ba mag umpisa?

May mga kaunting katanungan kang dapat sagutin bago ka mag umpisa ng blog at ito ang mga sumusunod.

  • Bakit nga ba gusto kong mag blog?
  • Ano naman ang isusulat ko para sa mga readers ko?
  • Anong talent ko ang pwede kong ma share sa madlang people?
  • Gaano kadalas kaya ako makakapag post?

PS: Wag muna isipin paano kumita ng datung. Darating tayo dyan at wag gawing priority ang datung sa pag umpisa ng blog. Ma frustrate ka lang ka barrio. Alam ko naririnig ninyo na pwede kumita pero basics muna tayo.

Nasagot ko na at ready na ako

Ok ka barrio so, talagang kating kati ka na mag blog. Pero dahan dahan lang, mahina ang kalaban. May kailangan ka pang piliin bago ka makapag umpisa at ito yung tinatawag na Hosting. May dalawang klase ng hosting.

  • Free Hosting – Yes, libre lang ito. Pwede ka mag sign up sa blogger.com or sa wordpress.com. Pag sinabing free hosting, ready na ito at wala ka na setup na kung ano anong detalye. Pagagandahin mo na lang ito at pwede ka na mag post. Ang disadvantage lang nito ay hindi mo masyado makokontrol lahat ng nangyayari sa blog mo. Limited kumbaga. Sample web address ng mga free hosted blogs ay http://robangeles.wordpress.com or http://robangeles.blogger.com.
  • Self-Hosted – Hindi ito libre. Kailangan mo mag register ng domain name (e.g. barrioete.com) at magkaroon ng hosting account. Sa self-hosted, lahat ng kailangan mong control pwera birth control ay maibibigay sa iyo. Usually, pwede ka magbayad ng monthly fee sa hosting para di mabigat sa bulsa. Paalala lang, hindi pa nakasetup ang wordpress or blogger sa mga self-hosted. Kailangan muna ma setup ang lahat. Eto mga hosting company na pwede ninyo check.
    • Blue Host
    • Dream Host
    • Media Temple
    • Just Host
    • Laughing Squid
    • GoDaddy

Sa mga kaibigan kong gustong mag blog, ito usually ang una kong tinatanong sa kanila. Di kasi natin pwede biglain lahat ng detalye dahil sa umpisa, nakakalito talaga. Hahatiin naming ang pagbibigay ng tips sa mga ka barrio natin na gusting mag blog.

Ka barrio, share mo naman paano ka nag umpisa o kung may mga katanungan kayo, mag iwan lang ng comment sa baba.

Related Posts with Thumbnails

Viewed 9565 times by 2388 viewers

WP Greet Box icon
Uy! Ka barrio, kung first timer ka dito sa Barrio Siete o kaya naman ay napasaya ka ng aming mga writers, inaanyayahan ka naming mag subscribe sa RSS Feed namin! Pwede mong gamitin ang Google Reader para dito.
is is from the small town of Malaya in Pililla, Rizal. He has a bachelor’s degree in computer science and has over 12 years of IT experience carrying different roles from software development, database architecture and project management. He is now the Digital Producer of one of the most awarded Ads agency in the Philippines, Database Consultant of a BPO company and the founder and author of Social Media Philippines.

34 Comments »

  • Mel says:

    Kuya Rob, this is helpful talaga. Gusto ko kasi mag dot com na but I have no idea kung papaano. I’m so naive sa mga ganitong bagay. Pinagpapawisan ako kapag tech stuff na ang usapan. Lol

  • malensky says:

    oo nga mel, you deserve a dotcom!!!

    mas masarap mag blog pag self-hosted. na-nosebleed ako sa umpisa, buti na lang andaming tumulong and super thankful talaga ako sa kanila

    i shall never forget you jeangrey and bluep!

  • reynz says:

    nasaktan ang damdami ko nang entry na to…
    na-alala ko nung unang siglo…
    bago lang nadiskubre ang dot com
    kung ano anong ka-dot-kungan ang ginawa ko

    lahat nang klaseng dot com, meron ako
    kurbadang empanada dot com
    bar ni reyna
    banco de reyna
    simbahan ni reyna
    lukaluka si reyna
    inubos ko na

    sabi kasi, pede kong ibenta
    ang mga impakto, niloko ako!
    ultimo banco de reyna, puntahan nyo, bangrap sya

    lessons learned, akala mo lang magkakapera ka
    marami nang tangang dumaan sa mundo
    kindatan mo lang ako
    yan ang advise ko senyo
    *hikbi*

  • Reesie says:

    masarap ang my dotkom i tell you. feeling sushal na sushal ka prang si eklat. lolz.

  • Snow says:

    Tumpak ang mga sinabi ng mga ka-barrio sa taas! Sushal na mala-Eklat ang feeling mo kapag naka-dot com ka.

    I will also advice them to be equipped with the basic know-how (kahit konti lang) ng file transfer etc para hindi sila matulad sa aking nangkukumpuni ng blogsite hanggang ngayon. Tulong po…hahaha.. *LOL* :D

  • Mon says:

    this is very informative. hehe.. labet!
    pwede din magdotcom while staying on blogger/blogspot as the host. that way domain lang binayran mo, free ang hosting. gaya ng sakin. :)

    • Rob says:

      Opinion ko dito is pag meron kang sariling host, pwede ka makapag dagdag ng mga folders mo at maupload lahat ng files na gusto mo gamitin. Di ko na kasi matandaan nung nasa free hosting pa ako. Kinaiinisan ko kasi nun eh di ko totally ma control ang blog ko.

  • angela says:

    hi mel ;) totoo, hindi madaling mag-blog. may basic know-how na kailangan. sinuwerte lang ako na may anak akong geek na siyang nag-set up at nagdesign ng blog ko at tinuruan akong mag-post (nasa holland siya, so he taught me through email and skype). hanggang ngayon di ako marunong maglagay ng pictures, hehe, alam na alam yan ni reynz. na-busy na kasi masyado si anak, at tinamad na rin ako. happy na ako sa all-text…

  • an2nette says:

    Nangangapa din ako nung una, kuntento na ako sa libreng blogger, at least hindi nawawala sa web ang balay ko, wala pang bayad at saka wala talagang alam sa teknik ang lola, malaking tulong ang kapitana, sa kanyang mga words of encouragement

  • promking says:

    malaking tulong itong blogpost mo para sa mga nagsisimula..

    ako, self-hosted ako at sarili kong domain name.. click ninyo name ko para makita ang website ko..

    kung kailangan ninyo ng tulong, wag kayo mag atubili. tumutulong ako ng libre.. seryoso walang bayad.

    tsaka add ko lang sa writeup mo Kuya Rob..

    You can have your homepage address; regardless of free-hosting or self-hosted;
    become your own domain (owndomain.com)
    or a free-riding domain (ownname.hostname.com)

    • reynz says:

      @promking,

      i think one of the most important things in blogging is – mission and vision – meaning, pag hindi nag-tugma yong dalwang yun, chances are hindi ka mag-eenjoy sa blogging at baka walang paratnan ang gagawin mo.

  • Ely says:

    Ako din na-inspire mag-blog dahil gusto ko kumita, pero nung matagal nag-enjoy na din, kaya till now buhay pa siya, at dalawa pa sila. hehe

    • reynz says:

      i was the same Ely and i remember at that time, habulan kami ni Chuva sa earnings. hanggat tinamad na ako. to this day, kiver. wala na akong pakealam. na-guilty pa ako sa mga pinag-susulat ko sa reyna. lahat yon, pinag-de-delete ko.

  • Mel says:

    ako naman na-inspire mag blog dahil sa kalandian. bwahaha!

  • Irej says:

    Mga ka barrio,

    Alam ko nagtataka kayo kung bakit nawala ang nakabalandra kong Ilong este! mukha sa panulukan ng mga manunulat ng barrio.

    Huwag kayong matakot dahil walang kababaglang nangyayari, naglipat lang ako ng balay dahil nilusob ng mga bandido ang aking sakahan, at pilit na inani ang akin palayan, pati yung mga abono na aking itinambak sa aking bodega ay tinangay din.. wala silang puso! Atay at balumbalunan lang ang meron sila, kasama ang naglalakihang mga Bituka.

    At wag kayong matakot sa mga kapatid nating Muslim dahil sila’y ating mga kakampi, sa katunayan silay natutuwa sa galak dahilkay Momar na ating pina-unlakan para maibahagi ang pananampalatayang Islam.

    Sa tulong ng kapatid nating si “Jepoy”, nakapag patayo agad ako ng isang Balay, hindi man kalakihan pero ayos na rin kaysa balikan ko pa ang munti kong Kubo sa aking Bukirin… sa ngayon ay hindi ko pa gaanong naayos, marami pang pako, semento at graba ang kakailanganin upang tuluyan ng maging “Mansion”.. he he he jowk!

    For the mean time, ay nakikituloy muna ako sa “Tiyo Paeng” ko, sa kanyang Videoke bar, masaya dun, naaliw ko, lalo na pagdating ng takip silim dahil magsisipag labasan na ang mga manananggal (ng saplot).

    kaya iniimbitahan ko kayo kung gusto nyo munang maglibang at magRelax,..at kung nais nyong kumanta, lalo na yung mga may ibinubuga..ibinubugang talento ang ibig kong sabihin, hindi yung ibinubugang APOY, hindi peryahan yun…videoke bar lang.

    Pansamantala lang naman na titira ako dun hanngat inaayos pa yung bago kong Balay.

    Dito matatagpuan ang “Tiyo Paeng’s Video Bar”.

    http://kantatero.gameops.net

  • BURAOT says:

    “Pero bago ka maging blogger, kailangan mo muna ng blog.”

    Natawa naman ako. wahahahah!

    • reynz says:

      @buraot,

      hehehe oo nga naman! pano ka nga naman magiging blogger hehehe

      one other important thing to remember – me memory recall ba ang blogsite mo? kagaya nung isang writer naten HAHAAHA na itago na lang naten sa pangalang JERI hahaha, binaliktad ba naman ang name, litsi hirap na hirap akong i-tayp hahah di ko alam kung me galet saken si jeri at pinapahirapan ako hahaha

      • Irej says:

        ha ha ha… bakit naman ako magagalit sa Reyna ng barrio, eh di para na akong nagtampo sa bigas nyan. he he he

        wala lang trip ko lang baliktarin, kasi mahilig ako sa “baliktaran” like yung birth year ko, 1969… yung last 2 digit diba baliktaran yun.. ha ha ha ha.

        and beside that is my favorite numeber… Dahil sa numero na yan, madalas akong manalo sa Bingo.. ha ha ha

  • Mahalia says:

    namiss ko bigla si Darbs…Buhay pa ba si Darbs?

  • Silver says:

    Hindi lang basta blog ang kailangan mo in order to become a blogger. You also need the passion to write as a blogger. Na kahit regular or hindi ang posts mo, mararamdaman ng audience ang bawat sinusulat mo.

    Si reyna pala mga peeps, influence ko yan siya sa blog. Hahhaha. Mahabang story nga lang. Hehehhe. Pero kung di dahil kay Reynz, baka wala ako sa buladasphere ako ngayon. Ahehehe.

  • Cruz Sabatin Jr II says:

    Hello sa lahat, medyo naingganyo lang ako sa mga nababasa ko tungkol sa Barriosiete. In addition, nadagdagan ang aking nalalaman tungkol sa blogging. Medyo matagal na rin akong nagba-blog ngunit medyo alanganin pa, hindi ko pa masyadong makuha ang mga paraan. Gusto ko lang kasing subukan ang aking kakayahan kaya sinubukan kong mag-blog. Salamat sa mga ideas. Thanks!

  • alansky says:

    magandang hapon, ka-baryo. oo nga at gusto kong magmaintain ng blog pero bobo din ako dito eh. may sinimulan ako ng sinumpong ng ilusyon at eto ay na sa blogspot (http://alfon-rivera.blogspot.com/?spref=fb) i tiiink…pero di ko pa nadadagdagan.

    piktapos, may ginawa akong isang “istorya” sa pamamagitan ng thread with friends in facebook…matagal na at ang hirap hanapin kasi gusto ko ngang i-lipat sa blogspot ko. Tanong: how do i find that thread again and how do i post/transfer it to my blog? or i-recall ko and try to re-write it as i remember it and just add it to my blog? mas-maganda kasi kung malocate ko yung orig di ba? at dahil sa compubobo ako at skeptical di ako kumagat sa balitang make money blogging…totoo pala yun. oh well.

    ganda nitong barrio niyo. how do i become naman a “writer” dito? O sige sa susunod. sana masagot niyo concerns ko. more power.

    by the way, apolitical ba ang barrio or does it have a color?

    • teresa says:

      beginner lang po ako sa blogging. hindi ko po talaga alam if pa’no ba magkakapera dito. may account na po ako sa wordpress pero wala pang sariling domain name. pano po ba??????? anyone can help me on this?????

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Violent reactions are welcome. Kiver kahit anong sabihin mo. But try to stay on topic and avoid personal attacks. Only privileged Barrio people & readers are allowed to swear.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.