Ha??? diley ang flayt…?

- Image by Old Shoe Woman via Flickr
Speaking of delayed na fight, marami akong ganyang nakakainis na karanasan, yan pa naman sa lahat ng hate na hate ko at nakakainit ng ulo, (Im sure, di lang ako lol) kaya nga sumuko akot talagang tinatanggihan ko yung mga trabaho na magiging jet setter ako. Nabasa ko kasi yung post ni mam Cat tungkol dito kaya nagbalik sa ala ala ko yung mga nakaraang experience ko.
Sigh, eto nakakainis, 3 hrs delay????? usually di ordinary sa SQ ang ma delay ng ganun katagal (sa experience ko) pero malas ka pag my nakasabay kang mga litsing politicians pabalik ng pinas na feeling VIP (Very Irritating People).
Masakit na pwet ko kakaupo makapaglibot libot at mag uzi nalang muna sa duty free (walang plan mamili, mag uuzi lang).
AKO: (aba aba abah, eto yung nakita namin ng amo ko sa magazine na new arrival ng gucci sunglass at talagang maganda hmmm, pero wala akong plan kasi di ako mahilig sa shades, sabi kasi ni mader mukha daw akong bangaw pag naka shades)…
Exkyusmi miss, can I see this?
SALES CLERK #1: (abala mag assist sa mga back packers na ugis) di manlang ako tinapunan ng tingin… dahil siguro…
a). di matangos ang ilong ko gaya ng mga ugis…(pareho lang kami nung salesclerk)
b.). dahil pinay ako (remember, nasa Singapore ako’t di tayo high class dun)
c.). muka akong cannot afford (di kasi ako naka isputing twing uuwi satin).
AKO: (to sales clerk #2) hi miss, can I see this? (saka pa lang lumapit)
SALES CLERK #2: No, that’s new arrival just for show and that’s very expensive, come to another side, have many cheaper for you (looking at me from head to foot na pairap irap pa)
AKO: (iritada… aba aba abaaaah ang litsing toh, nagpanting ang tambol sa loob ng katengahan ko dun sa sinabi ng chakang yun, teka nga tekaaaaaah)…
And what do you mean by that? When I say I want this, means I want this, and all you have to do is to get the key, and open this and give that bloody sunglasses to me (habang nanlalaki ang mata kot butas ng ilong na dati ng malaki)
MAMANG NAKA WALKIE TALKIE: ( bisor pala, tumatakbo, natataranta papalapit…. Pati mga backpackers na ugis naki uzi na…) ma’am, relax, what’s the problem?
AKO: (ala na, de puger, napasubo na ko, sige na tuloy tuloy na)… this bloody stupid woman, doesn’t want to give me what I want….I want that, and Im going to buy that, I don’t care about the cost, I can read numbers (mataas pa rin ang boses koh, ewan lang kung naintindihan nila inglisirs ko).
MAMANG NAKA WALKIE TALKIE: sorry, sorry ma’am (sabay baling kay salesclerk #2) you, get the key, faster.
(tsk, buti nalang di ipinukpok sakin yung walkie-talkie nung tinawag kong stupid yung staff nya, ayayay)
CASHIER: (nakangiti ng parang nakalunok ng pugad ng honeybee)
ka-chingggg…. 480sing. $ ma’am….
AKO: (muntik hinimatay at bumulagta, pero tinatagan ko ang tuhod ko’t gusto kong sumigaw ng “pukinenasalaminlangganunkamahal” pero pinigilan kot pinilit gumanti ng ngiting parang nakalulon ng isang baryong honeybee )..
hokey… aguy, aguy, araguuuuuy
(habang dinudukot ang dolyares na matagal kong pinagbelyasan sa abrooood).
MORAL LESSON: litsi! magtiis ka’t magpirmi ka sa isang sulok habang naghihintay ng delayed na flight moh.
Viewed 11175 times by 2464 viewers
lee is an OFW based in China. She started as a machine operator and become head supervisor in the very first company that she worked for. Then shifted to a QC Manager from Phil to South Asia and later bacame Deputy Country Manager of one of the biggest European company. She is recently working in a European Trading Liaison office as QA/Tech manager.
![Reblog this post [with Zemanta]](http://img.zemanta.com/reblog_e.png?x-id=4d410d83-35bd-4eb1-b486-b8cbc8d3be33)














napasubo ka ata sa shades..
kumusta naman? fit ba sayo? am sure naman bagay sayo yan, parati mo lang isuot.
wahahaha!!!! ayan kasi …
welcome back lee!
last time i remember merong delayed flight was coming from Puerto Princesa to Manila. that was DELAYED!!! 8 hours!!!
Anak ng! Lahat na yata ng pwede naming gawin sa airport ginawa na namin.. buti na lang kamo yung office sa puerto is close to the airport, bumalik kami sa opisina ng mga bossing ko! hahahah.
Sinakyan namin nun PAL. They were just being true to their word.
Plane Always Late!
hahaha sana naman nasasalo ng ilong mo ang shade…hahaha LOL(para hindi lugi) *wink*
hahahahaha, dati nung wala pang Cebu Pacific dito sa Indo palagi ako stop dyan sa Singapore, haysssssss dami nakaka-pesteng tao dyan sa Changi Airport, minsan may kuma-usap sa akin habang naghihintay ako ng aking flyt na bat daw di ako mag-apply sa Australia as Chamber maid, mas malaki daw sasahurin ko kesa mag-alaga ng bata sa Sing. Deadma, busy ako sa paglafang ng aking BURGER KING at UP SIZE na coke.
leche oo! hindi ganyan ang social climbing na tinuro ko ha?! ano ba! ulitin mo! gawin mo sa shanghai international airport uli hehehe and report back to us hehe
Wahahahahaha hayuf ka Lee and galing!!! Umuwi ka Pinas?
Hehe… Yun lang. Ako rin maiinis pag tinignan ako ng ganun. Pero sana hindi ka na sumigaw.
diko nga magamit ng maayos, nahuhulog hahaha walang ilong na pang-salo.
tagal nyan rob, ngayon kasi pag uuwi ako dun nalang ako nagtatambay sa mga coffee shops sa duty free.
lee: naman kasi… dapat sabay bawi ka…
You know what, due to the bad behavior that your clerk has shown me, even if I really like these shades and can buy four of them, due to the detestable behavior I have been shown, you can shove these up your arses.
Ching!
Di ba? Kabog?