Harry Potter 6 Movie Review | Confessions of a Half-Retired Harry Potter Addict

Fan naman talaga ako ng Harry Potter. Mula Book 1 hanggang Book 5 e masugid akong tagapanood at mambabasa. Pero yun nga, natigil ang pagbabasa ko sa Book 5. Kaya naman noong mapanood ko ang Harry Potter 6 o Harry Potter and the Half Blood Prince, para kong ligaw na hindi alam kung anong mga nangyayari.
Noon ko napagtanto na ang mga pelikulang Harry Potter pala ay para lamang sa mga masugid na tagasunod ng mga aklat na Harry Potter. Sobrang liit ng mga detalyeng ipinakita sa Harry Potter and the Half Blood Prince na halos hindi ko masundan ang bawat pagpapalit ng eksena.
Katulad nalang ng hiwaga ng aklat na pag-aari ng Half Blood Prince na ipinakilala sa tagpo sa Potions class ni Professor Slughorn. Mula sa tagpong ‘yon ay bahagya nalang nababanggit ang mga detalye ng kahiwagaan nito maliban sa madalas syang bitbit ni Harry Potter na bigla nalang kinailangan itong itago. Sa bandang huli, kung saan inihayag na kung sino ang nagmamay-ari nito ay parang wala man lang saysay o ‘yun ngang tinatawag na dramatic effect.
Lito rin ako sa huling usapan ni Professor Snape at Professor Dumbledore sa clock tower, kung ano ang ipinapakahulugan ng nauna nang sabihin nitong ayaw nya nang gawin ang mga pinapagawa ng huli. Hanggang sa huling tagpo kung saan isinagawa ang isa sa mga unforgivable curse na Avada Kevadra. Hindi ko alam kung ito ay para parin sa kabutihan o para sa tuluyang pagsapi sa panig ng kasamaan. Oo nga at may naganap na pagsasagawa ng unbreakable vow pero hindi ito naging ganoong kalinaw.
Sa Harry Potter and the Half Blood Prince, hindi masyadong nabigyan ng eksena ang ilang sa mga malalaki sanang supporting characters tulad nina Luna, Ginny, at ang aking paboritong si Neville Longbottom na mukhang magiging isang batikang Herbologist. Wala rin masyadong naging eksena si Hermoine at Ron bukod sa kanilang love triangle kasama ang isang napaka-landing babae.
Kaunti at lalo lang nagpagulo sa mga detalye ang kahina-hinalang paglalagi ni Draco Malfoy sa isang silid at ang isang tila misteryosong aparador o aparato.
Walang masyadong eksenang nagpaliwanag tungkol sa mga hinahanap na Horcruxes maliban sa isang alaala na hindi na magawang itago ni Professor Slughorn sa bandang huli.
Hindi ko alam kung sadya lang akong na-nosebleed sa British English accents ng mga bida sa pelikula o sadyang kulang lang ang mga tagpong nagpapaliwanag sa takbo ng bawat eksena.
Gayun paman, dalawang eksena ang lubusang kong kinawilihan. Isa na dito ang aking all-time favorite na Quidditch matches na ngayon ay pinagbidahan ni Ron Weasley. Gayun din ang eksena sa Inferi-infested lake na tila ba isang piling tagpo sa pelikulang Lord of the Rings.
kasalukuyan ako ngayong naghahabol ng pagbabasa ng Harry Potter and the Half Blood Prince at sa takbo ng aking pagbabasa, tila mas lalo akong nalabuan sa ilang detalye ng pelikula tulad nalang ng eksena sa pagbubukas ng pelikula kung saan si Harry Potter ay nasa isang tila-restaurant habang nagbabasa ng Daily prophet. Gayundin ang pagpapalit ng tauhang nagligtas kay Harry sa isang eksena sa tren patungong Hogwarts.
Mula dito ang larawan, Picasa Web Album, Neville Longbottom
Viewed 7736 times by 1241 viewers
Kotsengkuba is a native of Nueva Ecija, lived most of his life in Manila but is currently staying with his wife and daughter in Tagaytay. If not busy looking after his family, he could either be found blogging, tweaking his blog or other people's blogs (their lives included) just so he could fund their next food trip or family outing. Pester him on his blogs Chronicles of Kotsengkuba and Adobong Starfish













Masyado kasi masalimoot kapatid ang libro na to in a sense na isa ito sa pinakamahaba na sinulat ni JK Rowling. Amindado ang maraming fans na madami mga eksena na nawala. Pero in fairness kahit nawala yung iba scenes maganda pa rin ang kinalabasan. Kaya nga para dun sa mga hindi nabasa yung libro, madidissapoint sila kasi ineexpect nila ay may action tulad ng labanan, magic etc, pero para dun sa nakabasa ng libro bago mapanood yung pelikula, satisfied naman sila kasi nga maganda din yung treatment sa movie.
Presently Half Blood Prince got an 84% positive reviews in rotten tomatoes.
http://www.rottentomatoes.com/m/harry_potter_and_the_half_blood_prince/
Its one of the highest review ever. Average highs in rotten tomatoes is up to 65%, pero harry potter got 84. Just shows that the critics love the movie. Maganda sya para sa akin kasi mature yung pelikula. di sya korny di rin naman sya offending. tama lang talaga.
regarding kay nymphadora, sya talaga ang magrerescue kay harry sa hogwarts express in the book pero ginawa nila si Luna kasi mas realistic daw dahil andun na naman si Luna sa tren while nymphadora would still have to travel to hogwarts with no other reason but to save harry.
some plots kasi would be absurd if it is put in a movie thats why yung iba inalis
yun nga, kase diniscard nila yung ibang details (like nymphadora) kaya it’s just natural that they use luna to save harry at baka masuka ko lalo kung san nanggaling si tonks. hahaha
maganda ang movie, in fairness. pero the book reading is really 90% necessary para maka-catch up ka sa mga pangyayari.
pwedeng gumawa kayo nang parang summary para naman alam namen ang nakikita at nababasa nyo sa mga tamad na gaya ko? hahaha
dun sa post ni half-blood bluep. may mga links sya to his summaries pero i haven’t read them myself kaya di ko alam kung anong takbo ng summaries nya dun.
kamahalan, ganto yon… eto yong kwento…si harry, ay putulin na natin! ang haba e! hehehe.
hahaha!!!!!!!!! pinanood ko ang movie nung saturday sa megamall. bukod sa ia pang babae sa sinehan na kasing-lakas ko humalakhak eh wala nang ibang nanonood. hehehe.
ang daming details ng book 6 na hindi maisaksak sa movie. pero in fairness maganda ang kinalabasan ng movie. i cant wait for part 7 na movie!
mas magandang napanood mo itong half-blood prince kung nabasa mo na ang book 7. like i said doon sa last post ko dito…half-blood prince may refer to severus snape but the story is about lord voldemort. nasa book 7 ang story ni snape.
plot ni snape at dumbledore ang pagpatay ni snape kay dumbledore. that will all be revealed in book 7. by then mamahalin nyo si snape! hahahaha. he is really the good guy mula pumasok sa hogwarts si harry potter.
hayyy tuwang-tuwa ako ke luna! mas interesting kesa ke tonks ang character nya! hahahaha.
Glo, hindi ko nga sinasabi ang spoiler ng 7 para basahin nila sinabi mo naman hahahaha
Kaya diba yung “Please” dialogue ni dumbledore sa half blood prince can be doulbe maening for the viewers. sa mga hindi nakabasa ang ibig sabihin noon ay “huwag” pero dun sa nakabasa na eh ang “please” refers to “patayin mo ako snape please” hahaha
Though hindi ko pa nababasa in full yung 7 pero alam ko na mangyayari kasi pinakwento ko sa pamangkin ko nung matapos na nya basahin yung book last 2007.
I want to read the 7 gradually kasi diba pag ang “garbage” hinihimay dapat mabagal hahaha
Si Luna ay very Powerful witch according to JKR sa isang interview. Pero pinagtulungan nila Luna, Ginny, at Hermione si Bellatrix diba pero umepal si Molly Weasley, nanay ni Ginny kasi muntik na mamatay anak nya gawa ni Bellatrix haha kaya sya ang nakapatay kay bellatrix kasi nanggalaiti si “anabelle rama” ng muntik na mamatay si ruffa hahaha
ayan spoiler din yan
eto pa! patay si Remus, Tonks, Fleur at Dobby sa Part 7 hahahahahahaa
bluep, tama pala ang hunch ko na hiniling nya na si snape nalang pumatay sa kanya pero sabi mo hindi. hahaha
Haha kasi ang tinatanong mo ay yung sa movie. hindi sa libro. kasi dun nga sa movie iniba nila yung iba plot. so ang nasa isip ko ay yung movie which is wala naman talaga pinakita dun na hinihingi ni dumbledore kay snape kamatayan nya. ang kay dumby kasi ang pinagtatalunan nila sa movie if napaklinggan mo yung epalan nila ni snape bago dumating si harry eh ayaw na ni snape sa inuutos ni dumby. malamang yun na nga hunch mo. pero iba kasi ang basa ko dun sa movie haha. The only hint was the “Please” na malalaman pa natin kung tama yung sa libro sa deathly hallows movie. till di lumalabas yung deathly hallows di natin malalaman kung tama nga ba yung sa libro o iniba nila sa movie
bakit di pa ikwento pti kahulihulihan? na maganda ang ending dahil me mga anak na si harry potter ke ginny na kapatid ni ron and it seemed like … they live happily ever.. after kya lang pano kung me makapulot nung bato? (please read the beetle and the bard para maunawaan) me harry potter 8 kya o isa sa mga anak ni harry potter ang magpapatuloy non? hay! lumalayo ang imahinasyon ko.
tama ka bluep! dami nwala sa scenes. but then again expected ko na yon kc yong mga previous movies ng harry potter e nwala din sa scenes yong nsa books.tlagang nag enjoy ako sa kwento and i’ve got the complete set nong books and the last one pinareserve ko pa sa plymouth. and na collect ko pa yong book na the beetle and the bard. kya lang kakalungkot pagdating don sa movies kulang kulang.
Kaya mahirap magcompare ng Harry Potter sa film at novels kasi magkaiba ang haba nila as a medium. Directors cant compress the 400 plus page of a book into an hour and a half na movie.
Kaya ako, hindi ako nanunuod ng HP na movie kapag nabasa ko na ang book. Para di ako madisappoint kung baket ganun ang kinalibasan ng movie.
yun na nga. at ngayon ko lang narealize na cult novels like HP and Twilight na inaadapt sa movie e hindi pwedeng panoorin ng mga hindi followers ng original book versions.
on the other hand, di ba may mga novels naman na nabigyan ng justice nung inadapt into movies? yun nga lang, di sila series of books like HP.
KK,
Meron naman. Yung Chronicles of Narnia at Lord of the Rings. I think sila ang mga literary classics na talagang nasunod.
Nope, in LOTR there were also important characters and scenes from the book that was deleted. Yun din ang reklamo ng fans noon pero kita mo ang ganda ng kinalabasan. Sa Two towers madami tinanggal na inilagay sa Return of the King movie this is because di sya pwede sa Two Towers at masisira ang thrill.
The Song of Gandalf which was the longest was also cut in the movie kasi hindi pwede gawin sa eksena.
Harry Potter is now considered in par with LOTR and Chronicles of Narnia by Literature Professors in the US and in the UK because of its paralleles with CS Lewis and Tolkien’s books.
Bluep, Silver, parang alam ko na kung bakit ako nahinto sa pagbabasa ng HP. Kase nung kasibulan ng pagkaaddict ko sa HP, kung kailan lahat ng HP reading materials na maka-engkwentro ko e binabasa ko nang buong isip at kaluluwa hahaha. One time, before Order of the Phoenix was released, may lumabas na Order of the Phoenix na fake. Kung saan tumakbo ang istorya na yung tatlo e naging mga animagus – Harry into a Gryffin, Ron into a chameleon and Hermoine into a unicorn. Hahaha, may isang chapter pa nga dun, during their herbology class, si Hermoine e kumuha ng mga unicorn feathers sa paa nya para gamitin sa pagpapalaki ng isang halaman.
Honestly, I liked that version kesa sa official release. Hahaha
Natandaan ko yan. Oo, may lumabas na fake na HP Book 5.
Siguro KK, dito na papasok ang matter of tastes.
Yes, I agree. Sa akin kase, kapag ang isang storya ay isang fiction na wala naman pag-asang magkatotoo, I like it to be as “fictional” as it can be. Wag nang mag-pretend about trying to make it “look real” dahil this is a fiction naman di ba. And in case of Harry Potter, since etong tatlong chikiting naman are all young and excruciatingly good wizards, why not let them be as extra-ordinary as they can be. Dun sa fake nga pala na’yun e naging animagus din si Draco. Some kind of a sand animal that sucks everything like a vacuum. hahaha
Nga pala, now that we’re being half-bloody Harry Potter weirdos (you could deny if you want to
), si Crookshanks ba e isang animagus din? Di ko na matandaan pero alam ko galit na galit sya nun kay Scabbers which turned out to be Peter Pettigrew, di ba?
Hindi daw animagus si Crookshanks, according to Rowling. Nataon na isa siyang half-kneazle (cat-like creature) who has the uncanny ability to detect yung mga tao na di mapagkakatiwalaan katulad ni Scabbers alyas Peter Pettigrew alyas Wormtail.
Heheheh.
Ang sa akin e okay ako kung saan ako dalhin ako ng imagination ko. Hahhaha.
KK,
I wouldnt deny that I study at Hogwarts and belong to the House of Godric Gryffindor.
Sabi ko na nga ba e, I’m an expelled Slytherin. Hahaha! Pero kung di ako na-kick out, gusto ko mag-N.E.W.T. sa Herbology.
Di pa ako NEWT. Nasa OWLs pa lang ako.
Peborit ko ang Defense Against the Dark Arts at History of Magic. Heheheh.
LECHE! hahaha hindi ako makasali sa usapan ninyo! napi-pressure akoooo! nagbabasa pa naman ako nang pagkakapal-kapal na libro na sinulat ni Kurt Eichenwald! hahaha! Corporate Harry Potter hahaha! mamaya balik ako sa bookstore, mahanap nga ang lecheng Harry na yan! hmpt!
hahaha, na-pressure ka na sa usapan ng mga myembro ng kulto ni Harry Potter. hahaha
Reyns simulan mo sa Sorcerer’s stone (first HP book) kasi di mo maiintindihan yung the rest ng book pag hindi mo binasa yung simula.
Kaya 6 na libro ang babasahin mo muna bago ka makasabay sa usapan namin hahahaha
lisyak ang hirap ano> ako 2 years ko binuno basahin yung anim na libro bago ko naintindihan. babasahin ko na lang ng tutok ay deathly hallows haha
silver what year did you graduate? kc griffindor din ako e.
Ay Pasado na ako sa NEWT ng Defense against na Dark Arts hahaha
Gumawa na rin ako ng sarili ko incantations aside from the traditional Expecto patronum at Expelliarmus, hahaha nainspire ako kay snapes kaya nagcreate ako ng akin.
Yung kay snape kasi ay Sectum Sempra,
Yung akin ay RECTUM SEMPER hahaha meaning pinapautot ng severe yung mga kalaban forever hahahahaha
ang antidote lang dyan ay Avada Kedavra hahahahaha
Ang baho naman nyan bloop. Rectum Semper.
Litsi. Hahahahhaha.
Bloop,
Pag nakakabasa ako ng HP e marathon ako ng 3 days and 2 nights kada libro. Walang bitawan. hahahahha.
hahahaha! crookshanks is just a cat!
hahahaha
I know that fake version, it was online diba if I was not mistaken. But I never read it. My friend who gave me that link also liked that version more than the original
di ko alam ang fake version! anuuu ba. wala akong kamalay malay . housemate kami ni kapatid na silver. gryffindor din ako eh. kaso potions master ako. kaya pag may lumabas na bagong MJ? ako yun! hehehehe.
beware too…i can read minds and control it!
hahahaha!
reynz…u need to read 6 books first nga.
i dont remember kung gano ko katagal nabasa ang 4 books…marathon ako nyan eh. then every year sunod sunod na yung books 5, 6, and 7. isa lang masasabi ko, mabilis ako magbasa!
hahahaha.
Ako naman taga Dumstrung hahaha seriously, ang test ko sa facebook ay Griffindor ako. Tapos ang animagus ko ay dalawa tiger and eagle. Patronum ko ay dinosaur hahahahahahah
Kulang ng r at a, its DURMSTRANG – Typo error
teka, san may mga ganyang test. hahaha, yung na-test ko lang dun e sabi ako daw si potter. leche, sobrang palasak na character. sana chameleon din ang animagus ko or anything small, o kaya naman paniki?
Minsan lang ako nakapanood ng Harry Potter sa wide screen nung nasa bakasyon ako,..I tried to watch sa DVD pero inantok lang ako, pirated kasi, he he he mas maganda kasi pag sa Sinehan dahil iba ang dating ng Audio at mas feel ko.
Hurry Patter of Jokeling Rowboat is axual cultural phenomenon. I’ll jazz wate four eat on DVD.
http://www.theglobewatcher.blogspot.com/2007/11/blog-post.html
your point please…
having read the early series and seen most of this HP movies made me realize that there’s more to this than meet the eyes. In time of recession, it’s nice to know that this materials, somehow, send the economy afloat and generate the needed boost or spin-off to the whole industry. But god forbid, when people tend to idolize this “garbage” and become a phenomenal cult or worse.
ahhhmm??!!!nosebleed..he he he..
hi insan!ha ha ha…zup zup youw?
eto, peteks na tambay. hahaha
well…what a multi-million dollar garbage huh?! hahahaha!!!!!!!!! baka nga mulit-billion pounds na ang price ni JKR eh.
the kiss between harry and ginny was, ok, boring HAHAHA
kelangan talaga basahin muna ang book, else, you’ll be lost
haha yan yung mga coment nung maga hindi nabasa yung book sa sinehan. Pag CR ko in between breaks, sabi nung mga lalaki sa sinehan boring daw. bakit daw ganu walang sense, di daw nila naintindihan. Eh pano nga nila maiintindihan eh hindi nga nila nabasa yung book.
nabasa ko ang book…but was sad lang kasi indi pinalabas ang climax sa libro, yung duel ng mga students with death eaters sa hall sa last chapter…hu hu hu..
nag-climax ka din ba insan? hahaha
sobra insan….sa sobrang climax ininum ko ang gravy ng KFC instead ng softdrinks..ha ha ha
Ang hirap magcomment ng di pa napapanood… yung libro? nakalimutan ko na ang takbo ng story. lol!
Based on previous HP movies… Ang daming di sinali… based on this review, mukhang ganun din.
pinannood ko ang movie nung showing fisrt showing date, atat ako i blog eh hehe.. at dun sa review ko sabi ko nagandahan ako, totoo talaga maganda sya, madrama kase ako eh kaya tuwang tuwa ako sa bawat scene, ayaw ko lang iyong umpisa na kung saan para akong hilong talilong sa pakikisabay sa pag ikot ikot ng mga death eaters.. kung ibabase mo ng s alibro maiinis ka lalo na wala ang mga eksena na importante, pero hindi ko naman nabasa ang libro hehe.. kaya natuwa talaga ako, ang asawa ko naman hindi masyado nagandahan dahil inaasahan niya na maaksyon ang pelikulang ito.. kung ang naging paborito mo ay ang eksena sa lake, ako naman ay ang tagpong parehas na sawi si Hermione at Harry..
Make or Break
Ang hirap ng nabasa mo na bago panoorin… Buti ka pa Pehphot
oo nga, actually kahit summary lang nung book ung nabasa ko sa wiki medyo na disappoint din ako sa movie, may mga scenes na hinanap ko pero hindi na lang ako nag dwell dun, tiningnan ko sya as movie lang hehe
Make or Break
sabi ng friend ko for those who are looking forward to “seeing the book” dissapointing talaga. according to her this is prelude to the last 2 books.
Me, wag na muna magsine– nagtitipid ang OFW. maghihintay na lang DL ng mga kasama sa bahay! lol!
fan naman ako ng HP pero i must say hindi ko nagustohan tlaga ang Half-Blood Prince na movie. I heard it was how the book tells it daw. hindi naman daw tlaga more on the fight scenes. More into the Harry’s preparation to face The dark Lord Valdermort and the love angles ng mga characters daw yun.
Pero sana man lang eh pinaganda na rin nila ang kunting fight scenes, diba?
Eto na siguro ang pinaka hindi ko gusto sa Harry Potter movies. Sana mas maging maganda ang dalawang final book installments.
Musta, guys!
and sana maging animagus na silang lahat dun, hahaha
haay naku! Naiinis tuloy ako. Sasabihin ko sana na hindi maganda yung movie kasi hindi siya maraming fight scenes(which is totoo naman). More on dialogue lang kasi eh. Nagpapa-cute lang ang mga bida at naglalandi. hehe. Sasabihin ko nga din sana na hinid man lang naglaban si Dumbledore nung churvahin na siya ni Snape. Pero Planned na pala lahat yun?!
Siga na nga, maganda na ang movie. Hehe
Sana nga mas maganda pa ang last book.
heyyy guyyyzzzzz….. I really hate this move. Not only hate it. I’m Outrageously disappointed. Those of you who says that those who read the book would be fascinated watching the movie…. owwwwwwwssssss really!!!!! I couldn’t believe you said that. I read the book. I even memorized it. When I watched the movie, I was totally lost aside from the fact that I’m annoyed about darkness of the movie. How much more for those who haven’t read the book, I’m very sure they would be totally confused. The movie is 100% senseless. No one could understand that kind of movie. You said it it is a matured movie.. Whoa come on!!!! where is maturity there…. explain please. It is Ok to edit the book and make some changes just like the lord of the rings which turn out to be a specular movie and you can perfectly understand it even if you haven’t read the book. But HP6 movie is very chaotic.. Kaya nga gawing movie yung book for the sake of those who has no time for reading and for those who are non-readers. What’s the use of watching if you have to read the book to understand it. you don’t watch a movie because of the good effects but because you want to know the story. Good effect, good photography and chuvanes are only secondary. Yung nagsasabing maganda ang HP6 movie…. tanong ko lang naintindihan nyo ba? Or ypu watch for the good effects. Ask your self anong rason bakit kayo nanood…..Salamat
Volds, wala kang kasing bobo! magbasa ka bobo, hindi yung post ka lang ng post ng comment sa mga pinagpupupuntahan mong sites. BOBO! napapanindig-balahibo ang kabobohan mo.
Magbasa ka, BOBO!!!
Obviously if you memorized the book you wont leave such crappy and garbage comment like that. LOL You didn’t even mention any fact from the book. You just written a convoluted emotional rant of yours. I doubt it if you even read the book LOl Sa Blog ko ikaw mag comment dali hahahaha murder ka sigurado dun LOL
Oh BTW Voids… you handle literally means “emptying the bladder and the rectum” in medical jargon. LOL
To the Council: I know we are supposed to have an equal opportunity here in Barrio, but why the heck do we allow such garbage comments in here that are not even civil and scholastic. Its an obvious comment of a heckler and these kind of comments should be put in its proper place: SPAM!
ang sa aking naman bat nakisawsaw din ako sa Harry Potter movies/books para maki-in sa kabataan ng bagong henerasyon. Part ng reading nila ang isa sa mga harry potter books. Alam ko pag may bagong Harry Potter movies kasama yan sa Field trip ng mga estudyante.
KotsengKuba, you have a very interesting reaction. hahaha! ang gawa nga naman ng allergin.
Ako naman I have no choice dahil kailangan kong magbasa ng Harry Potter at makipanuod ng Harry Potter movie including Ice Age.
Nakikibagay lang dahil yan kasi ang hilig ng anak ko Harry Potter. Hindi ko sya pueding kalabanin sa kagustuhan nya na paglait laitin ang Harry Potter dahil may mga barkada din pala ang anak ko na na-brainwash na rin sa mga Harry Potter.
Kompleto ang libro sa bahay.
Kompleto ang lahat na mga old harry dvd’s original copy to avoid the anti-piracy law.
Project ng school about famous women isa si Rowlings ang pinili.
[...] son personally picked JK Rowlings, the author of Harry Potter series: Read the Harry Potter’s Barrio Siete Writer Sa Confession Box. Harry Potter the Barrio Siete 7 Book [...]